Mafia Boss Lover

By obelisk_0007

282K 4.4K 453

A story about a girl named Iris. This girl is keeping a dark secret...a secret about herself and her whole fa... More

Mafia Boss Lover
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's Note
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note. Again.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Sorry sa sabaw na update!
Chapter 26
Chapter 27 : Runaway
Chapter 28
Chapter 29 Part 1 plus Special Chapter!
Chapter 29 Part Two

Chapter 21

5.2K 91 16
By obelisk_0007

Kapag di nagustuhan, icomment. I'm glad to change it kung ayaw niyo bwahahaha sulitin na habang mabait pa ang author hahaha


Naka post na rin po yung His Sweetest Downfall. Prologue pa lang, pero will be updated bukas ng gabi! Tenkssssss


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Chapter 21

 

 

“DAD?!” sigaw ni kuya Ken. “Oh, bakit parang gulat na gulat ka naman namakita ako, Ken? Bahay ko din naman ito ah. Am I not welcome here?” sagot ni dad.

“N-No...it’s just...akala ko ba nasa Zambales ka pa?”

“Nah, nakakatamad magpaka boss no. Pinapahanap ko na yung mga umatake sa inyo, and we already have a fairly good guess kung sino yung naglaunch na attack diba?” tinaasan niya ng kilay si Kuya Koji.

“Famiglia Lupo...” sabi ni Kuya Koji.

“Yup. Lupo, Wolf, Lobo...hahaha! Mas gugustuhin ko pa yung mga lobo na gawa sa plastik at lumilipad kaysa sa mga walang utak ng higanteng aso.” So...when they were talking about “lobo” nung kakalipat pa lang namin dito...they were talking about wolves, as in Famiglia Lupo. Huh...figures...

“Wolves are one of the smartest animals in the world...” sabi ko habang umaalis dun sa sala, papunta sa kitchen.

“Ah, my prodigal daughter is back! Hahaha” sabi ni dad. FC ka naman masyado, dad. Hindi tayo close...

“You don’t have a daughter...” I told him.

“Iris...ilang beses ko bang sasabihin, hindi ako ang pumatay sa ate mo...” He followed me to the kitchen, tapos hinawakan niya ako sa braso.

“Don’t touch me! Sinusubukan mo pang magsinungaling kung kelan kitang kita ko, nakatutok yung baril mo sa ate ko?! I was there too! Wag mo kong gawing tanga!”

“Iris, tatay mo ko. Hindi ko kakayaning saktan kayo ng ate mo...” Ha! Sinong magaakala na ito ang pinuno ng isa sa pinakamakaangyarihang mafia sa buong mundo?! Nagmamakaawa sa harapan ng anak niya...

“You know dad...muntik mo na akong mauto na naman sa pinagsasabi mo. I almost thought you loved me...” I smiled at him, and left. Umakyat ako sa second floor, pero hindi ako lumayo masyado sa hagdanan. Umakyat na din yung magkapatid at sinamahan ako.

“Bakit nandito ka lang? Hindi ka pumasok sa kwarto mo...” tanong ni Cassandra.

“They never tell me things about the mafia. Sa tingin nila pinpoprotektahan nila ako by keeping knowledge from me. Hindi na ako yung bata na nasaksihan na patayin ng sarili niyang ama ang kanyang ate all those years ago. I’ve changed. The only way to know things around here, is to spy.” Sabi ko sa kanila.

"Diba matalas ang pakiramdam ng mga kuya mo?" tanong ni Cassidy.

"They won't notice. Nandito si dad, they'll let their guard down..." sabi ko as I settle dun sa taas ng hagdan.

“So, dad, ano yung sinasabi mo kanina? Why do we have to marry one of them para lang makatira sila sa bahay natin?” tanong ni Kuya Jiro. Nakooo...kung alam ko lang, gustong gusto mo yung idea na yan.

“Hindi mo ba alam?! Yung dalawang yan ang mga anak ni Tristan!” nag tense bigla yung magkapatid sa tabi ko.

“Cassy? Sandy?  Bakit? Kilala niyo ba yun?” tanong ko sa kanila. Hindi sila nagsalita, hinawakan lang nila ng mahigpit ang kamay ko.

“Si Tito Tristan?! Yung...kabarkada niyo?” tanong ni Kuya Ken.

“Teka kuya, sino yung Tristan?” tanong ni Kuya Riku.

“Kaming dalawa lang ni Kuya Ken ang may kakilala kay Tito Tristan. Inintroduce kami ni dad sa kanya nung 9 si kuya at 8 ako.” Sagot ni kuya Jiro. So he knows his dad in law? Hahaha =D

“Pero bakit naman kailangan pang pakasalan? Eh kilala naman tayo ni tito ah!” sabi ni Kuya Ken.

“Si tito Tristan niyo ang Mafia Boss ng isang famiglia sa America. Ang Famiglia Aquila.” Sagot ni dad.

“Oh! Ou nga pala! Diba sabi niyo samin dati, ang Famiglia Leone, Lupo at Aquila ay parte ng isang grupo na merong 7 na mafia?”

“Tama. At bawat mafia ay inookyupa ang isang sa pitong kontinente: Africa, Asia, North and South America, Australia, Europe, astaka Eurasia.” Huh...di kasama Antarctica?

"Duh...alangan namang maglagay sila ng Mafia dun...wala namang tao dun, puro mga penguin at polar bear lang dun..." bulon sakin ni Cassandra. Natawa na lang ako nung naimagine ko yung mga penguin may hawak na baril. SO CUTE! hohoho ^_^v

“Dad, diba sa Eurasia talaga tayo dati?” tanong ni Kuya Kira.

“Tama. Kahit na italian ako, may lahi din akong russian. Pati man yung mommy ni Iris, kahit na parehong pilipino ang parents niya, may lahi din siya na russian. Kaya tingnan niyo yung pangalan ni Iris. Nell Iris Nataliya Nikolaevna Rinaldi. Dalawa sa apat na pangalan niya, russian.” Sagot ni dad.

“Ang rason kung bakit hindi sila pwedeng tumira dito, ay dahil miyembro sila ng ibang mafia. Kakampi natin ang Famiglia Aquila, at kapag tumira ang miyembro ng famiglia nila dito sa bahay natin, kidnapping na kaagad yan ayon sa batas ng mga mafia.”

“Ano?! Kidnapping na kaagad?!”

“Oo. Bilhan niyo na lang ng apartment, may barya ata ako dito sa wallet.” Tapos naglabas siya ng madaming 1000 pesos sa wallet niya. Yung wallet niya, hindi naman wallet yun eh! Briefcase yun! tapos yung barya na sinasabi niya, bundol bundol ng salapi!

“Teka...paano kung may magpapakasal sa kanila?” tanong ni Kuya Jiro. Napaghahalataan ah!

“Bakit anak?” tanong ni dad sa kanya.

“W-Wala lang po...” sabi niya habang nakababa ang tingin, pinapaikot ang singsing niya sa kamay. Nakangisi naman yung iba kong kuya, tapos may nagpapasahan na ng mga pera. Nagpupustahan na ata sila kung papakasalan ni Kuya Jiro si Cassandra bwahahaha!

Kinalabit naman ako ni Cassy. Napatingin ako sa kanila. Si Cassandra nandun sa gilid,nakatakip ng mukha. “Oh bakit Cass?”

"Namamatay na ata sa kilig si ate..." tapos tinuro si Cassandra. Bwahaha! Namumula!

"Cass! Nangangamatis na yung mukha mo!" sabi ko sa kanya.

"Heh! Magtigil ka nga Iris! Ang...bantot naman ng term mo. Nangangamatis. Parang...bagong circumcised." sabi niya habang nagaayos. Kinalabit naman ako ulit ni Cassy.

“Barya lang yun para sa daddy mo?” tanong ni Cassidy habang tinuturo yung bundle ng pera na inilalabas ni daddy mula sa “wallet” niya. Pshh...

“Uhmmm...yeah...” sabi ko na lang.

“Dad, dito na lang kasi...” sabi ni Kuya Jiro habang binibilang ni Dad yung pera, pambili daw ng apartment. Bili, hindi renta.

“Bakit ba gustong gusto mong dito na lang yung magkapatid? Ha?” tanong ni dad kay Kuya. Nanahimik na lang si Kuya ulit. “Kakampi natin ang mga Aquila. Kapag kinidnap natin ang dalawang anak ng mafia boss nila, mawawalan tayo ng kakampi.”

“Eh bakit ngayon lang sila nagpapakita?! Nung nahihirapan yung mommy nina Cassandra kakatrabaho, nasaan sila? Hindi man lang nila tinutulungan yung pamilya nila, tapos kapag tutulungan naman natin, sasabihin nilang kidnapping? NASAAN BA MGA UTAK NILA?!”

Hinawakan na lang ni daddy sa balikat si kuya. Wow, first time ata yun. Dati kapag sinasagot nina kuya si dad ng ganyan, may pasa at black eye na yan.

“Hindi niyo naiintindihan ang sitwasyon ngayon.” Tapos tumingin siya kay Kuya Ken. “Pumunta ako dito ngayon kasi may gagawin akong napaka importante. Ken...ipapasa ko na ang buong mafia sayo.” Sabi ni dad.

Nagkagulo na lang bigla.

“Ano?!”

“Bakit ngayon?!”

“Dad, ano ba nangyayari?!”

“TAHIMIK!” tapos tumigil silang lahat ng sabay sabay. “You’re already more than ready. Alam niyo naman na ang buong mafia ay umiikot sa number 7. Meron tayong 7 na pinakamakapangyarihan na MAFIA, na nakadistino sa 7 na Continente. Ang 7 na mafia na yun ay pinamumunuan ng 7 na tao. Isang Mafia Boss, Isang Right Hand, at Lima na mamumuno sa iba’t ibang parte ng mafia. Kayong pito na mga lalaki kong anak ang mamumuno sa mafia natin, at si Ken ang balak kong gawin na Mafia Boss. Jiro, bilang pangalawa sa pinakamatanda, ikaw ang magiging Right Hand.”

Tapos, may inlabas na susi si Dad. Yun yung susi na ginagawa niyang kwintas. “Ito ang Chiave Del Leone, ang pinakainiingat ingatang heirloom ng pamilya natin. Ito ang simbolo ng Famiglia Leone. Habang nasa pamilya natin ito, tayo ang namumuno na pamilya sa Mafia natin. Lahat ng miyembro ng Mafia natin, luluhod sa utos niyo habang nasa inyo to. Oras na para iperform ang Rite of Inheritance. Magsisimula na ang pang apat na henerasyon ng Famiglia Leone.” [ Chiave Del Leone – Key of the Lion ]

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Dad, pinapatawag mo daw ako?” sabay pasok sa underground office ni Dad. Pagpasok ko, nandun kaming lahat.

“Ayos to ah! Kompleto na ulit tayong pito!” sabi ni Ash. Oo nga, ngayon lang ulit kami nakompleto ng ganito...

“Lumapit kayo sa desk ko, kayong pito.” Tapos ginawa namin yun. Magkakatabi kaming humarap sa desk ng office ni dad. Ako yung nasa pinaka gitna, nasa kanan ko si Vayne, nasa kaliwa ko si Reich. “May...balak akong gawin bago kayo bumalik ng Bulacan. Pagbalik niyo dun, nasa teritoryo na kayo ng mga walang utak na leon. Kaya dapat maging matalino kayo, katulad ng mga lobo ng pinagkuhanan ng pangalan ng pamilya natin. Ang Famiglia Lupo ay, sa pagkakaalam niyo, matalik na kaaway ng Famiglia Leone, sa loob ng 400 na taon. Sa tingin ko, oras na para may manalo sa pagitan ng dalawang Mafia. At sisiguraduhin kong tayo ang mananalo sa gagawin ko ngayong gabi.” Tapos inilabas niya ang kwintas niya.

“Tito...diba yan ang...?” tanong ni Reich.

“Ang Anello Del Lupo....” tapos tumingin siya sa mga mata ko. “Edge, anak...ikaw na ang magiging pang apat na pinuno ng pamilya natin...ng Pamilya Lupo...” [ Anello Del Lupo - Ring Of The Wolf ]

3rd Person POV

Dalawang buhay. Dalawang buhay ang matatali sa isa’t isa sa loob ng isang gabi. Tuluyan na bang magbabanggaan ang tadhana nina Iris at Edge? Sa loob ng dalawang magkalayo at magkaibang bahay, parehong pangyayari ang nagaganap. Gumagawa ng alamat ang dalawang pinuno ng pinaka malakas na Mafia sa buong mundo. Ibinibigay na nila ang responsibilidad na pagpapanalo ng hidwaan ng dalawang pamilya nila sa loob ng apat na daang taon sa kanilang mga anak.

Iniabot ni Rodolfo ang kamay sa kanyang pinaka nakakatandang anak. Iniabot naman ni Ken ang kanyang kamay sa kanyang ama. Kumuha ng isang punyal si Rodolfo, at pinadulas ang patalim sa palad ng anak. Ganun din ang ginagawa ni Terrence sa kanyang anak na si Edge sa mansyon nila sa Laguna. Pinatulo ng dalawang pinuno ang dugo ng kanilang anak sa brilyante na nakalagay sa ulo ng susi at sa brilyante na nakalagay sa gitna ng singsing. Mistulang uhaw na uhaw ang kulay pula na brilyante ng mga Leon at ang kulay asul na brilyante ng mga lobo.

Nagsimula nang banggitin ni Ken ang panunumpa bilang pinuno ng Famiglia Leone. Io sono un figlio di Leon. Ho guidato la famiglia di mio padre pensando il miglior interesse per esso. Io do il mio cuore, anima e corpo per il futuro della mia regola, e non esita a dare la vita per mio fratello in Famiglia. Io lo proteggere, la mia tomba. I all'esercizio delle funzioni di un boss mafioso, oltre a dare vita al boss mafioso del futuro. Giuro tutte le mie parole, in nome della chiave sacra di Leon.”

[ Translate: Ako ay isang anak ng Leon. Pamumunuan ko ang pamilya ng aking mga ama habang iniisip ang makakabuti para dito. Ibinibigay ko ang puso, katawan, at kaluluwa ko para sa hinaharap ng aking pamumunuan, at hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang  aking buhay para sa aking mga kapatid sa Famiglia. Poprotektahan ko ito, hanggang sa aking puntod. Gagampanan ko ang mga tungkulin ng isang Mafia Boss, pati na rin ang pagbibigay buhay sa Mafia Boss ng hinaharap. Isinusumpa ko ang lahat ng aking mga salita, sa ngalan ng sagradong susi ng Leon. ]

Sa Laguna naman. Ero un bambino del Lupo. Ho continuato accanto alla famiglia di assassini di mio padre, e si diresse durante il mio interesse in mente per esso. Io do tutto quello che potevo dare tutto per la Famiglia. Mi arrendo cuore e l'anima per il buon futuro della mia famiglia. Ho Mi perderò la mia vita prima di lasciare qualcosa di brutto succederà ai miei fratelli la mafia. Vi prometto che farò svolgere tutte le funzioni di un boss mafioso, e mi daranno vita alla prossima generazione di boss mafioso. Giuro ogni parola che ho pronunciato in nome del sacro anello di Lupo.”

[ Translate: Ako ay isang anak ng Lobo. Ako ang susunod na mamumuno sa iningatang pamilya ng aking mga ama, at pamumunuan ko ito habang nasa isip ko ang makakabuti para dito. Ibinibigay ko ang lahat lahat ng kaya kong ibigay para sa Famiglia. Isinusuko ko ang puso’t kaluluwa ko para sa mabuting hinaharap ng pamilya ko. Babawian muna ako ng buhay, bago ako pumayag na may masamang mangyari sa aking mga kapatid sa Mafia. Nangangako ako na gagampanan ko ang lahat ng tungkulin ng isang Mafia Boss, at ako mismo ang magbibigay buhay sa susunod na henerasyon ng Mafia Boss. Isinusumpa ko ang lahat ng mga salitang binitawan ko, sa ngalan ng sagradong singsing ng Lobo. ]

Tumigil na si Ken, pero parang hindi parin pinapatigil si Edge sa panunumpa. “Hindi pa po ba okay yung mga sinabi ko...?” tanong niya sa kanyang ama. “May kulang.” Yun lang ang sinabi ni Terrence sa kanyang anak.

“Ti prometto, sulla mia vita e sulla mia guida come un boss mafioso, che sarà quello che non si fermerà la faida tra le due famiglie del leone e il lupo...” at doon, ipinatak na niya ang huling patak ng dugo na kailangan.

[Translate: Ipinapangako ko, sa buhay ko at sa pamumuno ko bilang isang Mafia Boss, ako mismo ang magtatapos na awayan sa pagitan ng dalawang pamilya ng Leone at Lupo... ]

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Bitin ba o bitin? hahaha tinatamad na ako mag type o kaya naman magdagdag pa eh. Sorry. hahaha I was trying to be awesome about it, pero naging astig naman ba yung Rite of Inheritance? hahaha

-Lemuel

Continue Reading