Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 15

287K 5K 69
By Aver_Cris

Four months later...

Pinagmamasdan ko ngayon ang maamong mukha ni Ken habang natutulog ito, mahimbing ang tulog ng magaling dahil pagod na naman sa trabaho.

Linggo pa bukas at balak niyang pumasok pero sinabi ko na kailangan niyang magpahinga muli. Nag-suggest ako na kada-linggo siya magpahinga dahil kailangan niya 'yon. Tao pa rin naman siya, napapagod. Mas mahalaga ang kalusugan kaysa pera kaya wala siyang nagawa nang pagsabihan ko siya kanina.

Nagpapakapagod na naman sa trabaho eh ang dami ng pera. Napagsabihan ko na no'ng una at nagpahinga nga pero after that day, nagtrabaho muli siya nang husto.

Ewan ko ba sa kanya.

Kung ganyan lang ako kayaman, minsan lang ako papasok sa office at magtatrabaho. Uupo na lang ako sa unit at matutulog na lang kasi kada isang araw, magkano na ang nakukuha kong pera, 'di ba?

Hayahay na ang buhay ko pag gano'n. Hays, sarap mag-imagine! Hanggang imagine na lang!

Umungot si Ken at gumalaw kaya napapikit ako, anong oras pa lang kasi. Baka pag nakita niyang gising na ako ay mainis siya sa'kin at pagsabihan ako.

Sa loob ng apat na buwan, naging gano'n na kami sa isa't-isa. Pagsasabihan namin ang isa't-isa at 'di magrereklamo kaya 'di pa kami nag-aaway ng taong 'to.

We're too much comfortable to each other too, which is I find it nice, honestly.

Na attached na ako ng sobra sa kanya and I know, malapit na akong mahulog sa bangin.

Sino bang hindi mahuhulog kung siya naman ang kasama mo lagi at nakilala mo pa siya ng husto?

Even he's a moody person, he is really gentleman and I like his soft side!

I find him cute whenever he held his nape and do awkwardly laugh. I find him attractive when his lips rose a bit and bit his lower lip while looking at me intensely. I find him cool when he's cooking something for me. He's just adorable human kind for me.

Pahulog na ako at baka isang araw, magising akong hulog na hulog na.

“Ali?” mas lalong naging sexy ang kanyang boses kapag bagong gising siya.

I didn't speak, nagpretend akong tulog pa. Naramdaman ko ang kanyang braso na yumakap sa'king baywang at siniksik ako sa kanya.

“You're awake, I know that. Stop pretending that you're in deep sleep, love.” he whispered those words to my ears.

Naramdaman ko tuloy ang mainit niyang hininga sa'king tainga. Nagmulat ako't napatingin sa kanya. “Sorry.”

“Forgiven.” sinalubong niya ang aking mga mata at ngumiti ng bahagya. “Ba't nagising ka kaagad?”

“Di ko alam.” I said, non-chalantly. “Basta nagising na lang ako agad, eh.”

“Matulog ka pa...” he touched my hair and gently brushed his fingers to it. “Matulog pa tayo.”

“Okay.” I breathed and closed my eyes. Nasa ilalim ng kumot ang mga kamay ko at dinama ang init ng kanyang yakap.

Bago ako lamunin muli ng dilim ay naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo't bumulong, “Goodnight again, love.”

---

“Another life, another blessing.” I murmured while I'm in the balcony of his unit.

Pinagmamasdan ko ang kalangitan, walang masyadong ulap at ang araw ay tirik na tirik na. Mainit pero mahangin naman dito kaya okay lang.

Pagkagising ay dito agad ako dumiretso, mamaya pa ako maghihilamos. Gusto ko lang kasi makita ang kalangitan ngayon. Maganda ang panahon at parang masarap na naman gumala kaso tamad na tamad si Ken ngayon. Nando'n siya sa higaan at nakahiga pa rin.

“Linggo ngayon! Tara kaya magsimba?” pagtatanong ko rito at tumingin sa kanya.

Bumangon na siya habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. “Sisimba?”

“Yup!” and I smiled widely. “Ang tagal kong 'di na nakakasimba.”

“Ah, same.”

“So, magsisimba tayo ngayon?”

“Oo. Sa hapon na tayo magsimba. Is that okay?”

“Yup!” okay lang 'yon sa'kin. “Basta makapagsimba tayo ngayon.”

Tumango siya at ngumiti. “Magluluto akong pancake pang almusal. Gusto mo niyon?”

“Oo naman.” at naglakad ako papasok sa loob ng kanyang unit. “Maghihilamos lang ako saglit. Panonoorin kitang magluto ng pancake.”

Hindi ako marunong magluto niyon at gusto ko 'yon matutunan dati pa. Buti na lang at naisipan niyang magluto ng pancake ngayon.

Nagtungo na ako sa banyo para gawin ang daily routine ko at nang matapos ay lumabas na ako't nagtungo naman sa kusina. Hinayaan ko na magulo ang aking buhok ngayon, wala na akong paki alam kung mukha akong bruha.

Mamaya namang hapon ay mag-aayos ako, eh.

Naka-topless ngayon si Ken at walang suot na apron. Nasa harap na siya ng frying pan at nagsisimula nang magluto. Naupo ako sa upuan at nakapangalumbabang nakatitig sa kanyang likuran, this is already a perfect view.

Sabi ko pa naman kanina eh panonoorin ko siyang magluto pero anong nangyari ngayon? Nakaupo ako ngayon habang nakatitig sa kanyang likuran. That's nice, very nice. 

I bit my lower lip while looking at his muscles. Agang-aga, nagpapantasya ako ngayon.

Hinawakan ko ang aking tiyan na malaki na. Look, baby. Your daddy is extremely hot.

Nang biglang humarap sa'kin si Ken ay 'di ko mapigilang hindi matulala sa kanyang katawan. Oh, those abs! Sarap hawakan.

“Natutulala ka na naman sa katawan ko.”

“Hi—Hindi, ah.”

Napatingin ako sa kanyang mukha sabay iwas ng tingin agad, nakakahiya talaga ako kahit kailan!

“Talaga lang, huh?”

“Oo!” sabay tingin ulit sa kanyang mukha. Mapang-asar siyang nakangiti sa'kin ngayon.

Bakit gano'n? Apat na buwan ko na siyang nakakasama pero 'di pa rin ako nagsasawang pagmasdan ang kanyang katawan at mukha.

“Liar.”

Sumimangot ako, deja vu ito.

Tumalikod muli siya sa'kin at hininaan ang apoy, kumuha siya ng isang pinggan at do'n nilagay ang niluto niyang pancake.

“Ilan 'yan?”

“Lima.”

“Akin ang tatlo?”

“Hindi. Sa'yo ang dalawa, tatlo ang akin.”

“Then, make it six!” hindi ako papayag na dalawa ang pancake na makakain ko ngayon. “Please?”

Umiling siya, “No.”

Napabuntong-hininga ako, mukhang kailangan lambingin si Ken.

“Please... love?”

Gulat siyang napatingin sa'kin. “What?” unti-unting lumawak ang kanyang ngiti.

“Please, love.” pag-uulit ko. I'm enjoying this! Gan'to pala ang feeling na tumatawag ka ng love sa ibang tao, masaya.

Bigla siyang napaisip sabay ngisi. “Give me ten kiss and I'll cook more pancakes for you.”

“Ten kiss?” I raised my one eyebrow, he nodded his head.

“Yes. Just ten kiss and I'll cook more pancakes, love.”

“Fine.” tumayo ako't lumapit sa kanya. Pasalamat siya at 'di ako marunong magluto ng pancake!

Nagulat muli siya sa sinabi ko. Paglapit ko ay agad niya akong hinawakan sa noo. “Ali, love... hindi ka naman mainit.”

“Huh?” bakit ganito ang reaksyon niya?

“Wala kang sakit kaya bakit...” bigla siyang napahinto sabay titig sa'king mukha. “Shit. You're really going to give me ten kiss, aren't you?”

“Ayaw mo?” pagtatanong ko pabalik.

Hindi siya umiling or tumango. Nakatitig lang talaga siya sa'kin ngayon kaya napakunot-noo ako.

“Are... you serious?” dahan-dahan niyang pagtatanong. “Ten kiss 'yon. 'Di ka tatanggi?”

“Hindi.”

“Really?”

“Oo nga!”

“Shit. You are... shit!”

“Minumura mo ako?” nagsalubong ang dalawa kong kilay. “Kung ayaw mo, h'wag!”

“Hindi!” mabilis niya akong hinawakan sa'king braso at inilapit sa kanya. “Hindi lang ako makapaniwala. Dati kasi... tumatanggi ka, ngayon eh hindi.”

Kaya pala gano'n na lang ang kanyang reaksyon.

”Dati 'yon. Pwedeng magbago ang isip ng ta—" hindi ko natuloy ang aking sasabihin when he began to kiss me.

“One.” he kissed me again. “Two, three, four, five, six, seven, eight, nine... and ten.” ang huling halik ay mas wild. Maingat niya akong isinandal sa mesa at binigyan ng mainit na halik. Nang maghiwalay kami ay kapwa kami hinihingal.

“Hinalikan mo agad ako!” ako sana ang magbibigay sa kanya ng halik!

“Baka magbago pa isip mo kaya hinalikan na kita agad.” and he winked at me. “At ang usapan ay usapan... I will cook you more pancakes, love.”

Gan'to ang buhay ko kasama siya.

We can kiss and having sex anytime yet walang label. 'Di na uso ang label ngayon, hinahanap ko pero hindi ako nagtatanong. Sa ngayon, masaya ako sa kung anong mayroon kaming dalawa. Ayaw kong mabigyan muna ng label itong amin, okay na siguro ang ganito muna.

Pagkatapos niyang magluto ng maraming pancake ay kumain na kaming dalawa. Ang moment na 'to ang gusto ko, ang sabay kaming kumain habang nakangiti sa isa't-isa at nagkukwentuhan. Tila para kaming mag-asawa talaga kung titignan.

“How's your parents?” he suddenly asked.

“Okay lang sila.” 'yon na lang ang sinabi ko. Pinapauwi na ako sa'min nang malaman nila kay Hailey na umalis na ako sa pinagtatrabahuan ko, hindi nila alam na nandito ako sa condo unit ng dati kong Boss.

“Nakakachat mo ba?”

“Oo, minsan nga lang.” kasi minsan, tamad akong mag-online. Puro panonood ng TikTok ang ginagawa ko.

“Bakit?”

“TikTok.” simple kong wika. Napailing siya sa sinabi ko.

“What kind of app is that?”

“Entertainment app.” kung tama ako. “Just like musical.ly.”

Tumango lang siya at 'di na nagsalita pa. It's my time to fire him some questions.

“How's your parents din?”

“They're also fine. They're doing great in Spain. Mom send me an email last night and forgot to open it. Mamaya ko na lang bubuksan 'yon.”

“Baka emergency 'yon.”

“I hope not.”

Sana nga hindi. Nag-isip pa ako ng itatanong sa kanya hanggang sa may ideyang pumasok sa isip ko.

“Pagnanganak na ako, Ken... kukunin mo ba ang bata sa'kin at palalayasin mo na ako rito sa unit mo?”

Dahil sa tanong kong 'yon ay bigla siyang nasamid sa kanyang iniinom na kape.

“Anong klaseng tanong 'yan, babae?” nainis siya bigla. “Syempre, hindi!”

“Oh, h'wag mainis!”

He ignored my idiotic remarks. “Hindi ko 'yon kayang gawin sa'yo lalo pa't napamahal ka na sa'kin.”

Eh?

Pinamulahan ako bigla rito. Did I hear it right? Napamahal na ako sa kanya? Napamahal na raw ako sa kanya? Hindi kayang lumabas ng mga salitang 'yon sa kabilang tainga ko! Na traffic na!

“Hindi ko kukunin ang bata. Tayong dalawa ang mag-aalaga sa kanya. Hindi kita palalayasin sa unit ko, you'll stay here with me— with us.” dagdag pa niya. “Just like a... happy family? Yeah..  like a happy family.” and his lips rose a bit.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 14.3K 75
How could a secret mission of a secret agent change your life forever? (Book 1, 2, 3)
43.7K 2.2K 31
Unconventional. A silent tornado. A warrior. A lover. A man of his own honor. Airey Andromida. He is in between flawed and perfection. A man who woul...
58.9K 3.4K 61
Maagang namulat si Nyke sa mga biro ng tadhana. Iniwan siya ng kanyang tiyahin sa isang ampunan kungsaan niya nakilala ang lalaking unang nagpapabi...
3.4M 157K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin