ALI (Completed)

By HeneralaMariana

101 35 26

His name is Ali. He is a fighter in their planet. He has a mission to find a cure from the disease called Dos... More

Chapter 1: Dyadili
Chapter 3: His and Her Story
Chapter 4: Brain VS. Heart
Chapter 5: The Truth
Chapter 6: Regret (Final Chapter)
Writer's Note

Chapter 2: Ali

14 6 4
By HeneralaMariana

"Ehem! Ang sweet niyo pong couple." Magiliw na wika ng server ng Jollibee. Gulat na napatingin si Jodilyn sa babae. Turn na pala nila para um-order. Masyado siyang nilibang ng lalaki.

Napakunot noo si Jodilyn sa server. "Hindi kami magboyfriend/girlfriend o mag-asawa." Wika niya. Napatungo naman ang server sa pagkapahiya. "Pasensya na po ma'am."

"Akala ko ba sinabi mo kanina sa mga babae na asawa mo ako?" Biglang singit sa usapan ng lalaki. Pinandilatan ng mata ni Jodilyn ang lalaki senyales na manahimik ito. Ibinaling niya ulit ang tingin counter. "Isang order ng 2 pc chicken joy with drink."

"For dine in, ma'am?"

"Yes." Tumingin siya sa lalaki. "Ano gusto mo?" Bagot na tanong niya.

"Ikaw." Diretsong sagot ng lalaki. Pinandilatan ulit ni Jodilyn ang lalaki. "Umayos ka nga! Nagugutom na ako." Panenermon niya pa. Napatungo ang lalaki sandali at tumingin sa counter.

"Sss..."

"Sundae?"

Umiling ang lalaki.

"Sss..."

"Sprite?"

Umiling ulit siya.

"Sss..."

"Soup?!" Naiiritang sambit ng Jodilyn. Tila napipikon na talaga siya.

Mahirap bang banggitin ang io-order-in niya?!

Wika niya sa sarili.

"Ano nga?!" Sigaw niya kaya napaiktad ang server at ang lalaki.

"Spaghetti!" Biglang sigaw ng lalaki. Sabay na napabuntong hininga ang dalawang babae. Nasabi na din ng lalaki ang gusto niyang kainin.

Ilang minuto ang lumipas ay nailagay na ng server ang mga pagkain sa tray kaya bintbit na ito ni Jodilyn papunta sa bakanteng mesa at kasunod naman niya ang lalaki.

"Di ka pa ba uupo?" Inis na tanong ni Jodilyn. Kanina pa nakatayo ang lalaki at animo'y kinikilatis ang upuan. Napapatangang napatingin ang lalaki kay Jodilyn at umupo na.

"Kumain ka na." Sabay lapag ni Jodilyn ng plato ng spaghetti sa tapat ng lalaki.

Tinitigan lang ito ng lalaki na parang iniinspeksyon. Napakamot sa ulo si Jodilyn.

Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to!

"Ito, tinidor. Gagamitin mo 'yan para tusukin ang spaghetti." Kinuha naman ito ng lalaki. Namimilog ang mata niyang kinikilatis ang tinidor at sunod niyang ginawa, ginawa niya itong suklay at parang nakikiliti pa sa ginagawa.

Palihim na natatawa si Jodilyn. Maya-maya pa ay biglang sumeryoso siya. "Akin na nga 'yan!" Sabay hablot ng tinidor. Sinimulan niyang haluin ang lumalamig na spaghetti. Pinaikot niya ang tinidor sa spaghetti at itinapat sa bibig ng lalaki. "Ibuka mo ang bibig mo at isubo mo." Mariing utos niya. Sumunod naman ang lalaki.

Pagala gala pa ang mga mata niya habang nginunguya ang pagkain. Maya-maya pa ay inabot na ni Jodilyn ang tinidor sa lalaki at kusa na itong natuto sa kung paano gamitin ang tinidor.

Sa wakas ay nakakain na ng matiwasay at tuloy tuloy si Jodilyn. Halos tatlong oras din sila na nasa Jollibee dahil ang tagal kumain ng lalaki. Nang matapos na siya ay tumitig ng seryoso si Jodilyn sa lalaki.

"Saan ka ba nakatira?" Panimulang tanong nito.

"Kahit saan saan lang. Wala kasi akong sariling tahanan eh." Malungkot na wika ng lalaki. Bahagyang nakaramdam ng awa si Jodilyn sa lalaki. Nanatili itong nakatitig sa lalaki na sumisipsip ng softdrinks sa straw. Gumawa pa ito ng kalokohan at hinipan ang straw kaya lumikha ito ng mga bula kaya napalitan ang pagka-awa ni Jodilyn hanggang sa mandiri siya sa inasal ng lalaki.

Ang dugyot naman nito.

Wika niya sa isip. Napailing na lang siya. "Nasaan ba ang pamilya mo? Bakit hindi mo sila kasama?" Usisa pa ni Jodilyn. Napatingin ulit ang lalaki sa kaniya. "Nasa malayong lugar sila. Panigurado hindi mo pa naririnig ang tawag sa lugar namin." Tugon nito.

Biglang kinabahan si Jodilyn. "A-ano ba ang pangalan ng lugar ninyo?" Mahina niyang tanong.

Linapit ng lalaki ang kanyang mukha kay Jodilyn saka bumulong. "Baka pagtawanan mo at hindi ka maniwala sa sasabihin ko."

"Sabihin mo na. Promise hindi ako tatawa." Mahinang tugon niya. Luminga linga pa sa paligid ang lalaki na parang nagmamanman kung may nakatingin sa kanila at nang masiguro na wala ay bumalik siya sa pagkakatingin kay Jodilyn.

"Ang pangalan ng lugar namin ay Skadudu."

Nabitawan ni Jodilyn ang hawak niyang ballpen. Pilit niyang inaalala kung saan niya narinig ang salitang 'yon.

"Sakay ng isang spaceship, bumiyahe mag-isa ang pinakamagiting na nilalang mula sa planetang Skadudu upang maghanap ng gamot na makakapagsalba sa buhay ng kapwa niya Skadudus."

Napabalikwas siya nang maalala na kung saan ito narinig. Ito ang ikwinento niya sa mga estudyante niya kahapon.

Pero ang ipinagtataka niya ay kwentong barbero lang 'yon. Paano nangyaring totoo ang kwento niya?

Nagkataon nga lang ba ito o talagang nakatadhana na magkakilala sila?

*-*-*

Kinahapunan kailangan nang umuwi na si Jodilyn sa kanyang condo unit. Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa lalaki.

Iiwan niya nga ba ito nang mag-isa o isasama niya ito sa kaniyang condo unit?

Huminga siya nang malalim saka tumingin sa lalaki. Nasa sink ito ng fast food chain at namamanghang itinatapat ang kamay sa gripo.

Tuwang tuwa siya nang dumadapo ang malamig na tubig sa kanyang kamay. Hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala si Jodilyn na masama ang tingin sa kaniya.

"Huwag kang mag-aksaya ng tubig!" Utos nito.

Napapahiyang sumunod naman ang lalaki saka sila lumabas ng fast food chain.

Sumakay sila ng taxi hanggang sa makarating sila sa condo.

"Magandang hapon po, ma'am Jodi." Bati sa kaniya ng lalaking security guard. Tumango naman siya habang kasunod niya ang lalaki. Tumigil sila sa tapat ng elevator at pinindot ni Jodilyn ang 'up' button at tinext ang katrabaho nitong teacher.

Umiral na naman ang pagka-ignorante ng lalaki at pinindot ulit ang up button.
Napaigtad siya nang bumukas ang pinto ng elevator. Pumasok na si Jodilyn at sumunod naman ang lalaki.

Pagkasara'y pinindot ni Jodilyn ang '10' button saka bumalik sa pakikipag text sa ka-trabaho.

Silang dalawa lang ang nasa loob kaya naglakas-loob ang lalaki na pindutin ang iba pang button. Simula 2nd hanggang 30.

Habang pataas nang pataas ang elevator ay napapansin niyang tumitigil ito sa kada floor pero wala namang tao pagbukas nito. Napatingin siya sa bandang kanan. Nanlaki ang mata niya nang nakitang lahat ng button ay pinindot ng lalaki.

"ANO BANG GINAWA MO?!" Galit na sigaw nito. Napatakip ng tenga ang lalaki. Umikot ang kaniyang paningin na animo'y nahihilo. Napaupo na lang siya sa sakit. Hindi niya makayanan ang dinaranas ngayon.

Samantala, si Jodilyn naman ay hindi mapakali kung ano ang gagawin sa lalaki. Nag-aalala siya at tumabi sa umiiling na lalaki.

"Anong nangyayari sa'yo? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito sa kasama. Patuloy na umiiling ang lalaki habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa magkabilang tenga. "Magsalita ka naman. Paano ba kita matutulungan?"

Wala siyang naisip na ibang paraan kundi yakapin ang lalaki. Marahan na hinimas ang likod nito hanggang sa napakalma na niya ang lalaki.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay tumayo na si Jodilyn at inakay palabas ang lalaki hanggang sa makapasok sila sa unit ng dalaga.

"Maupo ka." Anyaya ni Jodilyn sa lalaki habang nanatiling nakatayo at inililibot ang paningin sa kabuuan ng condo unit ng dalaga. Sumunod naman siya at umupo sa mahabang sofa.

Si Jodilyn naman ay nasa kusina at nagtitimpla ng gatas. Isa sa kaniya at isa sa lalaki. Binuksan niya din ang radio para mabawasan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nang matapos magtimpla ay inihatid niya ito sa lalaki na kanina pa itinatapat ang tenga sa speaker ng radio.

"Baka mabingi ka? Halika dito, uminom ka ng gatas." Bumalik sa pagkakaupo sa sofa ang lalaki at kinuha naman ang baso ng gatas.

Hindi niya alam kung paano ito gagamitin kaya palihim na tinignan niya ang dalaga na umiinom gamit ang isang kamay at naka tikwas pa ang pinky finger nito. Hanggang sa unti-unting nagrehistro sa utak niya ang ginagawa ng dalaga at ginaya naman niya ito.

Wala pang-isang minuto nang naubos agad ng lalaki ang isang baso ng gatas. Gulat na napatingin ang dalaga sa kaniya. "Ang bilis mo naman uminom. Ano ka ba, robot?" Tatawa-tawang tanong nito. Naguluhan naman ang lalaki sa sinabi ng dalaga. "R-robot?" Takang tanong pa nito.

"Hindi mo alam kung ano ang robot?"

Umiling ang lalaki.

"Robot, 'yun ay parang tao na gumagalaw pero gawa ito sa bakal." Paliwanag nito. Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip ay tinungga niya ulit ang baso at animo'y sinisimot ito. "Gusto mo pa ba?" Tumango ang lalaki kaya tumayo si Jodilyn dala ang dalawang baso at nagtimpla ulit ng panibago para sa lalaki.

Saka niya lang naisip na bakit siya nagdala ng lalaki sa condo unit niya? Baka may gawin ito na masama sa kaniya? Hindi pa naman niya lubos na kilala ang lalaki.

Bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki na nakatira daw ito sa lugar na tinatawag na Skadudu. Kaya pagkarating sa sala ay tinanong niya ulit ang kasama. "Nabanggit mo sa akin kanina na sa Skadudu ka nakatira." Panimula nito. Tumango ang lalaki at tingungga ang panibagong baso ng gatas.

Nanlaki ang mata ng dalaga sa ginawa na naman ng lalaki pero tinanggal muna niya ito sa isip pansamantala.

"Pwede ko bang malaman kung anong itsura ng lugar na 'yon?"

"Malaki ang lugar namin. Malaking malaki." In-akto pa nito kung gaano kalaki ang lugar nila gamit ang dalawang kamay. Tila naghihinala na ang dalaga sa ikinikilos ng lalaki. "Mga mas malaki pa sa planeta ninyo." Dagdag pa ng lalaki.

Napabalikwas sa komportableng pagkakaupo si Jodilyn at seryosong tinitigan ang lalaki. "I-ibig sabihin...hindi ka nakatira dito sa Earth?" Kinakabahang tanong niya.

"Earth ba tawag sa planeta ninyo?"

"Oo."

Lumukot ang kaninang walang emosyon na mukha ng lalaki. Agad naman itong napansin ni Jodilyn at inalo ito. "Bakit? May masakita ba sa'yo?"

"Wala. Ngayon ko lang napagtantong maling planeta ang napuntahan ko kaya sa tagal at layo ng nilakbay ko ay hindi ko pa rin nahahanap ang gamot na makakapagpagaling sa sakit ng mga kapwa ko Skadudu." Tugon nito. Lalong nanlaki ang mata ni Jodilyn sa narinig. Tila naguguluhan siya sa sinabi ng lalaki.

"Sandali lang. Magkaliwanagan tayo. Sinasabi mong mas malaki ang planeta niyo kaysa sa amin, ibig sabihin hindi ka tao?" Naguguluhang tanong nito. Tumango ang lalaki. Itinuloy niya ang pagtatanong. "Pangalawa, maling planeta ang napuntahan mo ngayon. So ibig sabihin ay aksidente kang napunta dito?" Umiling ang lalaki bilang sagot. Napasandal naman sa sofa si Jodilyn at humalukipkip.

"Hindi aksidente ang pagkakarating ko dito. Sa kalagitnaan ng paglalakbay ko sa kalawakan ay nakita ko ang inyong planeta at inakala ko na ito na ang hinahanap ko. Pagkarating ko sa himpapawid ng planeta niyo, may nakabangga ang sasakyan ko na mahaba at malaking sasakyan." Mahabang paliwanag nito. Unti unting pumasok sa sa isipan ng dalaga ang napanood niyang balita kamakailan lang.

Umalis siya sandali at nagtungo sa sa kwarto upang kunin laptop at pumunta sa site ng balita na napanood niya kahapon.

"Ito ba ang tinutukoy mo?" Tanong ng dalaga. Positibong kinilala ito ng lalaki at itinuro pa ang screen ng laptop. "Oo 'yan nga!"

Hindi talaga makapaniwala ang dalaga sa kaniyang nalaman. Parang pinaglalaruan siya ng tadhana.

"Sumabog ba ang spaceship—sasakyan mo? Bumagsak ba ito sa puno? Mayroon ka bang remote singsing?" Sunud-sunod na tanong nito. Napakamot sa ulo ang lalaki. "Nevermind." Dagdag pa ng dalaga.

"Oo ganon na nga ang nangyari. Bakit mo alam?!" Hindi makapaniwalang sambit ng lalaki.

Iniisip ni Jodilyn kung paano ipapaliwanag na kwentong barbero niya lang 'yun at hindi inaasahang magkakatotoo nga.

"Hindi ko rin alam eh. Hula ko lang." Pagsisinungaling ng dalaga.

Tumalim ang titig ng lalaki sa dalaga. Napansin naman agad iyon ni Jodilyn kaya lumakas ang kabog ng dibdib nito. "Nagsisinungaling ka." Malamig na wika ng lalaki. Sa lamig dito sa loob ng kaniyang unit ay parang may namuo pa ring pawis sa kaniyang noo sa narinig.

"Sorry. Hindi ko naman kasi alam kung paano ipapaliwanag sa'yo na nagkatotoo 'yung—"

"Huwag ka nang magsalita. Alam ko na ang buong pangyayari."

"Papaano?"

Hindi sinagot ng lalaki si Jodilyn, sa halip at umupo ito ng nakadekwatro na animo'y siya ang tunay na nakatira sa loob.

"Ano bang tawag sa sakit sa planeta ninyo?" Pagbabalik ulit ni Jodilyn sa pinag-uusapan nila kanina. Habang patagal nang patagal ang pag-uusap nilang dalawa ay lalo siyang kinakabahan sa malalaman sa lalaki.

"Doshlern." Maikling sagot nito.

"Doshlern?" Di makapaniwalang tanong ni Jodilyn. "Anong klaseng sakit 'yon?"

"Ang Doshlern ang nag-iisang sakit sa aming planeta. Naapektuhan nito ang mga sensitibong at mahahalagang parte ng aming katawan. Ang utak. Ang mga senyales nito ay nakakaramdam ka ng panginginig ng paa at kamay, nahihilo, sumasakit ang tenga—"

"Gaya ng nangyari sa'yo kanina?"

"Hindi ko alam pero sana hindi. Halos kalahati ng populasyon namin ang naubos dahil sa sakit na Doshlern."

Lumungkot ang mukha ng dalaga. Naawa siya sa kalagayan ng lalaki.

"Galing ka sa isang planeta na tinatawag na Skadudu tapos nandito ka ngayon sa Earth, edi ibig sabihin isa kang alien." Sambit ng dalaga. Naningkit naman ang mga mata ng lalaki.

"Kung ikaw ay nasa planeta namin, isa kang alien." Tugon naman ng lalaki.

Napaisip si Jodilyn. May punto nga naman ang sinabi ng lalaki. Pero naisip niya na paano nakakapagsalita ang alien na tulad niya na parang tao na din?

"Kung alien ka na galing sa ibang planeta, ganito din ba ang paraan niyo ng komunikasyon ng mga kapwa mo Skadudu? Nagsasalita din kayo?"

"Hindi. Iba ang paraan ng komunikasyon sa amin. Nagtititigan lang kami at naiintindihan na namin ang gustong ipahiwatig ng isa't isa."

Lalong hindi makapaniwala si Jodilyn sa narinig. Ngunit sa kabila no'n ay gusto pa rin niya makilala ng lubusan ang lalaki.

"Eh pero nakakapagsalita ka na parang tao din kagaya namin...how is that?"

"Naalala mo kanina sa labas ng simbahan na kausap mo ang mga babae. Nang sabihin mong asawa mo ako at kinukumpirma ng mga babae ang sinabi mo ay napatingin ka ng diretso sa mga mata ko. At 'yun ang pagkakataon ko na kumalap ng kakayahan ng mga tao." Mahabang paliwanag nito.

Napatango si Jodilyn kahit hindi lubusang maintindihan ang sinabi ng lalaki.

"May pangalan ka ba? Pansin ko kasi kanina pa tayo nag-uusap at hindi ko alam ang pangalan mo eh." Napapahiyang hayag ng dalaga.

"Wala kaming pangalan sa planeta namin."

Napahawak sa baba si Jodilyn at tumingin sa kisame na animo'y nag-iisip. Paano kung siya na lang kaya ang magbigay ng pangalan sa kaniya? Anong pangalan naman kaya ang babagay sa itsura niya?

Base sa obserbasyon niya, patulis ang hilatsa ng mukha nito. Kulay green ang mga mata, mahahabang pilikmata, matangos na ilong at manipis na labi.

"Ano kayang ipapangalan ko sa'yo?"

"Magsuggest ka."

"Daniel?"

"No."

"Enrique?"

"Hindi."

"James?"

"Ayaw."

"Addy, Ivan, Jak, Ken??"

"Wala!"

Napakamot sa ulo ang dalaga ano ba ang pangalan ang magugustuhan niya? Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga sa naisip.

"Ali!" Malakas na sigaw nito. Ngingiti pa siya nang malawak.

"Ali?"

"Derived from alien. ALIen."

"Sige payag ako!"

Continue Reading

You'll Also Like

80K 2.2K 28
GXG
TOO LATE By eyynis

Short Story

117K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...