Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

Da PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... Altro

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 36

5K 98 12
Da PollyNomial

KABANATA 36 — Nanlilisik at Madilim

Tulala ako at kanina pa ako spaced out kahit na ang daldal ni Mommy rito sa tabi ko. Nawawala ako sa pinag-uusapan namin kanina pa. Kung hindi pa nga siya humalakhak ng malakas ay hindi pa ako magigising sa paglalakbay ko sa kawalan.

“You see, Ella? Your dress is finished. Ang galing talaga nitong si Dani.” Sabi niya sa akin.

Ngayon ko lang napansin si Dani, ang baklang designer na kausap ni Mommy, habang hawak ang peach color cocktail dress na gagamitin ko sa party.

“Thank you, mother.” Ngisi ni Dani sa aming dalawa. Nilagay pa niya ang isang palad sa pisngi na palang tuwang tuwa siya sa sarili niya.

“Nag-iisa lang ang design na ito at si Ms. Mikaella lang ang magsusuot nito.” Maarteng sabi ng baklang si Dani.

“That’s great!” tumayo si Mommy at pinagmasdan ang cocktail dress na para sa akin.

Ngumiti ako at nagandahan doon. Ngunit nang parang sirang plakang bumalik nanaman sa isip ko ang nangyari kanina sa parking ay nawala nanaman sa kanila ang atensyon ko.

Mabuti nalang at sila lang ang nag-uusap ni Mommy kanina pa. Mukhang wala naman akong bibig dito dahil hindi naman nila masyadong hinihingi ang opinyon ko. Kaya nga hindi ko na rin magawang makalimutan ang halikan sa pagitan namin ni Vincent kanina sa parking lot ng FF building. Wala kasi akong ibang magawa kundi balikan iyon.

Awtomatikong napahawak ang kamay ko sa labi at hinaplos iyon ng daliri ko. Umiling ako sa sarili. Ngayon lang nangyari sa akin na masyado akong nadala sa halikan naming dalawa. Kakaiba kasi ang kanina at hindi kagaya ng mga nauna pa. Agresibo ako masyado at nahihiya ako 'di lang kay Vincent pati na rin sa sarili ko. Ano bang pumasok sa isipan ko at hinayaan kong mapunta kami sa ganoong lebel at sa parking lot pa! Kung saan may mga cctv at maaaring may makakita sa amin!

Para akong baliw sa tuwing aalahanin ang pagdausdos ng labi ni Vincent papuntang pisngi, tenga, at leeg ko. I’m not that innocent to know where we were going that time. Sa mga kamay palang niya, sa mga hawak palang at paraan ng paghalik niya, there was something more.

Kinabahan ako sa naisip. Kung hindi ako namuglat sa pagkabaliw ko kanina sa kanya, ano na kayang nangyari?

“So, Ella, narinig mo ang sinabi ni Dani. I’ll be incharge with your hair stylist and make-up artist, too.” Tumango ako kahit na wala naman akong naintindihan sa mga pinagsasabi nilang dalawa.

Nakangiti ang bakla sa akin at si Mommy naman ay nakataas ang isang kilay. Ngitian ko siya at nagkunyaring nakikinig at naiintindihan ko siya.

Wala na naman akong dapat ikabalaha rito dahil gaya ng parati kong sinasabi, si Mommy na ang bahala sa lahat. Makinig man ako o hindi, siya pa rin ang masusunod.

Hindi na ako tumanggi sa gustong mangyari ng pamilya ko lalo na ni Mommy. Nang malaman ko ang balak ni Daddy, pinaubaya ko na ang lahat sa kanya. I will now give my trust to my father. He deserves that. Sumaya ako nang sabihin niya ang tungkol kay Vincent. Na ito pala ang tinutukoy niyang gusto niya para sa akin. At laking pasasalamat ko na gusto niya para sa akin ang lalaking mahal ko.

Gaya ng napag-usapan, ipapakilala ako sa lahat ng sinasakupan ng Buenzalido-Santos Group of Companies. Mula sa pinakamababang tao o empleyado hanggang sa pinakamamataas ang pwesto ay ipapakilala na ako. Ayaw ko man pero ito na talaga ang tadhana ko. Hindi ko nalang hinahayaan ang sarili kong mag-alala pa lalo na’t nandoon din naman si Vincent sa party. At alam kong siya ang tutulong sa akin.

Paggising ko kinabukasan ay nakatanggap ako ng isang simpleng ‘good morning’ mula kay Vincent. Napangiti ako ngunit nag-init din ang pisngi nang mag-rewind nanaman sa utak ko ang nangyari kagabi.

Ako:

Good morning, Vincent.

Text ko rin sa kanya. Pinipilig ko nalang ang ulo sa tuwing maiisip ko siya na hinahalikan ako kagaya ng nangyayari ngayon.

Vincent:

I can’t wait to see you again. Anong kulay ng suot mo mamaya?

Nagsalubong ang kilay ko nang tanungin niya iyon. Bakit naman niya gustong malaman ang kulay ng susuotin ko?

Ako:

Secret. :P Bakit?

Awtomatiko ako napangiti nang pindutin ko ang send. Sumandal ako ng headboard at niyakap ang isang maliit na unan habang naghihintay ng reply niya. Wala pang minuto ay umilaw na ang cellphone ko.

Vincent:

C’mon. I’ll choose a tie with the same color. Para partner tayo.

Namilipit na ako habang hawak ang unan nang mabasa iyon. Agad akong nag-reply sa kanya.

Ako:

Peach. Meron ka ba niyan?

Tinanong ko na dahil alam kong hindi naman madalas sa lalaki ang magsuot ng ganung kulay ng tie.

Vincent:

I’ll check. I’m excited, Mika. See you.

Nagdesisyon akong 'wag nang mag-reply at tumayo na ng kama. Ngunit kahit hindi na kami magkatext ay nararamdaman ko pa rin ang presensya niya sa akin. Ganun ako hanggang matapos akong maligo.

Dumiretso ako sa baba at nakita ko ang lolo kong nakaupo sa sofa. Nandito siya kagabi pa pag-uwi ko. Ang sabi ni Mommy, para raw may kasama siya sa bahay bukod sa katulong.

May hawak siyang diyaryo nang lumapit ako. Alas-dyes na at sa tingin ko ay tapos na silang mag-almusal.

“Good morning, Lolo.” Sabi ko sa kanya kasabay ng halik sa pisngi.

“Good morning.” Nakangiting bati niya. Tinapik niya ang tabi niya at umupo ako roon.

“Ready for tonight?” tanong niya sa akin. Sinusuri niya ang mukha ko. Marahil iniisip niya na hindi pa rin ako sang-ayon sa mangyayari mamaya.

Tumango ako at nginitian siya. “May magagawa pa ba ako, Lo?” tumawa ako at ganun din siya.

“Did your dad tell you about the son of Vergel Formosa?” napakagat ako ng labi sa tanong niya. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko.

Humalakhak si Lolo at tinapik ang ulo ko.

“Do you know him already?” tanong ulit niya. Tango lang ang sinagot ko. Sa tingin ko, nahalata na ako ni Lolo. Pero hindi ako aamin kahit pa magtanong siya ng mas maseselang tanong tungkol sa amin ni Vincent.

“Hindi ka namin pinipilit dito, apo. Pero kung ayaw mong pamunuan ang kompanya, we need to find someone who can and is willing to manage it. At nabanggit sa akin ni Dominik na may anak si Vergel na gusto niya para sa’yo.” Ngumisi si Lolo at nilagay ang braso sa balikat ko para mailapit ako sa kanya.

Ang tinutukoy niya ay si Vincent. Kung ganun, maaaring siya ang maging tagapamahala ng lahat ng ipapamana sa akin ng mga magulang ko at ni Lolo lalo na ang kompanya. Does he know anything about this? Papayag naman kaya siya?

Inalis ko ang tingin kay Lolo at diniretso ang tingin sa portrait ng pamilya namin.

“If your dad likes him for you, wala na akong pangamba pa because I trust your dad. Noon pa man Mikaella, wala siyang naging maling desisyon. Nakausap ko na rin ang anak ng mga Formosa and I also like him for you.” May sinseridad ang ngiti ni Lolo at ngayon pa lang, kahit hindi niya pa alam ang tungkol sa amin ni Vincent, I know he will support me.

“Thank you, Lolo.” Sagot ko sa kanya.

Iba ang magiging dating kay lolo ng pasasalamat ko. Maaaring iniisip niya na dahil nailigtas niya ako kaya ako nagte-thank you sa kanya. Pero para sa akin, nagpapasalamat ako dahil payag siya sa pwedeng mangyari sa pagitan namin ni Vincent.

Mabilis natapos ang araw at ngayon ay isa isa nang nagdadatingan ang mga bisita sa hotel kung saan gaganapin ang 49th Foundation Day ng kompanya. May iilang tao akong nakikilala at ang ilan naman sa kanila ay ngayon ko lang nakita. Madalas na tinatanguan ko ang mga bisitang kilala ko na. Sila ang mga stock holders ng kompanya namin.

Magagara at halatang mayayaman ang mga nandito ngayon. Lahat na ata ng nandito ay kabilang sa alta sociedad. At hindi nakalagpas sa kanila ang mga magulang ko at si Lolo na kasama ko ngayon habang binabati ang mga importanteng taong dumadating.

Si Mommy ay nakasuot ng simpleng dress na babagay sa edad niya at may showl. Nagmumuka siyang elegante dahil sa pearl necklace na nakasuot sa kanya. Si Daddy at Lolo ay parehas na naka-tuxedo. Ito ata talaga ang kailangang isuot ng mga lalaking konektado sa kompanya namin gaya ng mga investors at stock holders para uniform ang lahat.

“Good evening, Krisanto.” Bati ni Daddy sa lalaking kararating lang. Nakipagkamay ito kay Mommy at Daddy. Wala na si Lolo at pumasok na ito sa loob para kumustahin ang ibang bisita.

“This is our daughter, Mikaella. The future of this company.” Nakangiting sabi ni Mommy habang nakahawak sa braso ko para ipakikilala sa matandang lalaki.

“G-good evening po.” Nag-aalangang sabi ko. May napansin ako sa mukha ng matandang Krisanto ang pangalan. May kahawig siya.

“This is Krisanto Ricafort, Ella. One of the major stock holders of our company.” Pagkasabi nun ni Mommy ay namilog ang mata ko. Nang makabawi ay pilit akong ngumisi sa matanda na nakangiti rin sa akin.

Kung ganun, si Auntie Kristin ang naiisip ko. Siya nga ang kahawig ng matandang ito. Siguro ay magkamag-anak sila.

Nag-usap sila at nawalan na ako ng presensya rito. Nasa isang tabi nalang ako habang ngumingiti sa tuwing mababaling ang atensyon nila sa akin. Nagkukunyari nalang ako na naiintindihan ang mga pinag-uusapan nila.

Habang nangyayari iyon ay napaisip ako. Somehow, even in the past, Vincent was already connected to my family. Bakit ba hindi ko iyon napansin manlang dati? Wala akong kaalam alam. Siguro dahil sa kakaiwas ko sa mga taong kilala ng mga magulang ko. Dahil siguro sa ayaw ko ng buhay na meron kami kaya ganito. Ngayon ko lang nalalaman ang lahat.

Marami na pala kaming koneksyon ni Vincent noon palang.

Nakayuko ako, nakalagay ang dalawang kamay sa likod at pinaglalaruan ko ang paa ko nang sabihin ni Mommy na aalis muna siya upang kausapin ang mga kaibigan niya. Tumango ako at naiwan kami ni Dad dito.

“Ella, come here.” Pinalapit ako ni Daddy sa kanya.

Kagalang galang ang itsura ng ama ko. Hindi ko tuloy maisip kung ano ba siya noon nung hindi pa siya pumapasok sa mundong ito. Mahirap si Daddy noon. Tauhan lamang sila ni Lolo. Pero paano? Paano nga ba siya namuhay noon at paano siya naka-adjust sa kung anong meron kami ngayon?

“Ready?” katunog ng kay Lolo ang tanong niya. Kanina ay ito rin ang tanong sa akin ni Lolo. Napangiti ako at tumango.

“I’m a little bit nervous, Dad. Hindi ako ready kung magsasalita ako sa harap.” Ngumisi si Daddy sa akin at tinapik ang balikat ko.

Totoo namang hindi ako handa kung sakaling mag-i-speech pala ako.

“Don’t worry. Ipapakilala ka lang. Ngingiti ka lang sa lahat at tapos na.” sabi ni Daddy sa akin. “You want me to introduce the both of you?” napatingin ako kay Daddy nang sabihin niya iyon. Hindi ko siya naintindihan.

“Both? Nino, Dad?”

“Vincent Formosa. Your future—”

“Can I join you?” natigil si Daddy sa sasabihin dahil sa biglang pagsulpot ni Lolo.

Pero hindi nun napigilan ang pag-iinit ng pisngi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila at tinago ang mukha ko. Kinabahan ako sa sinabi ni Daddy na ipapakilala niya kami ni Vincent!

At nang madako ang tingin ko sa entrance ng hall kung nasaan kami ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may isang batalyon ng sundalong nagmartsa roon at bandang tumugtog habang naglalakad palapit sa akin ang isang makisig at matipunong lalaki.

Nakataas ang gilid ng labi niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Sa isang iglap, tumigil ang lahat sa paligid ko at tanging siya lang ang nakikita kong gumagalaw papunta sa direksyon ko.

Nakaawang ang aking bibig nang iangat ko ang ulo sa matangkad na lalaki sa harap ko. Dalawang beses akong napalunok.

“Good evening, Mr. Gregorio Buenzalido and Mr. Dominik Santos.” Sabi ni Vincent at matapos ay bumaling sa akin. “And to you, Ms. Mikaella Buenzalido Santos.” Hindi ko alam kung ako lang ito o sadyang mabagal lang talaga ang pagsabi noon ni Vincent sa akin.

Kagat kagat ko ang loob ng pisngi habang tulala ako at hindi malaman ang sasabihin.

Ang mga matang iyan! Hindi ko na mabitawan ang mga titig niya!

“Good evening, Dominik, Mr. Gregorio.” Nawala lang ang mga tingin ko kay Vincent nang may magsalita sa tabi niya.

At namilog ang mga mata ko sa hiya nang mapagtanong nandito rin pala si Auntie Kristin at siya ang nagsalita! May isa pang lalaking kamukhang kamukha ni Vincent na kasama nila. Ito na ata si Mr. Vergel Formosa.

Bahagyang nakakunot ang noo ni Auntie Kristin at napayuko ako dahil para sa akin iyon.

“Vergel and Kristin.” Nakipagkamay si Daddy sa kanila. “This is my daughter—”

“Ella.” Napalunok ako nang ituloy ni Auntie Kristin ang sasabihin ni Dad. Nakangiti na siya ngayon sa akin. Pinilit kong ayusin ang sarili kahit pa kumakalabog ang puso ko dahil sa isa pang lalaking nandito.

“Hi, Auntie Kristin.” Bati ko at ngumiti. Lumapit siya akin at bumeso sa pisngi ko.

Nagtataka at palipat lipat ang tingin ni Dad sa aming dalawa. “You know each other?” tanong niya.

Ngumisi si Auntie Kristin at siya ang sumagot. “We both work for Fortune Fashions, Dominik.”

Tumango ako para sumang-ayon sa sinabi niya.

“Oh.” Napatango na rin si Daddy. Si Lolo naman ay nakamasid lang sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin niya.

Naramdaman kong bahagyang lumapit sa tabi ko si Vincent at dumikit ang kamay niya sa akin kaya naman mabilis akong umiwas at baka may mahalata pa sa aming dalawa.

“Where’s your other son, Vergel?” tumagilid ang ulo ko at nagtatanong ang mga matang tiningnan si Lolo. Ang tinutukoy ba niya ay si Terrence?

“He’s on his way—”

“The other son is here!” sabay sabay kaming napalingon kay Terrence na kumakaway at malawak ang ngiti sa labi.

Kunot-noo kong sinundan siya ng tingin habang naglalakad at padiretso kay Lolo.

“Mr. Gregorio Buenzalido.” Yumuko si Terrence at nakipagkamay sa lolo kong ibang klase ang ngiti nang tanggapin ang pakikipagkamay niya. “Mr. Dominik Santos.” Yumuko rin si Terrence kay Daddy at halata ang pagtataka sa mukha ni Daddy nang tanggapin ang kamay niya.

“T-terrence.” Bulong ni Vincent sa tabi ko na ako lang ata ang nakarinig. Tiningnan ko siya at gulat na gulat ang itsura niya.

Naalis ang tingin ko kanya nang may aninong nagpadilim ng harapan ko. Dahan dahan akong bumaling kay Terrence na nakangiti sa harap ko.

“Hi, Ella. Long time no see, huh?” sunod sunod ang naging pikit ko at umawang ang bibig nang maramdaman ang labi niya sa pisngi ko. Matagal iyon at hindi ako makahiwalay dahil sa gulat.

Nang bumitaw siya ay tumaas-baba ang kilay niya sa akin at ngumisi

Si Lolo, Daddy, Mr. Formosa, at lalo na si Auntie Kristin ay nagtataka lahat ang mga mukha sa nakita. Pero si Vincent lang ang tanging naiba. Nanlilisik at madilim ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kapatid niya.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

5.1K 92 33
Alexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is...
5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
5.1K 69 17
"Lahat kaya kong ibigay sa'yo kasi mahal kita." Started: May 13, 2018 Finished: August 26, 2018
8.9K 541 39
May 8 2020 - May 21 2020 A strong love story of Carmenia Dela Verde and Ship Montefuerte. After the break up because of the shocking news that Ship h...