Dahil daw nasa spain na ang bruha kong kaibigan... sige! makapag-UD nlang. Nakuuuu. Akala ko namatay, puntang spain lang pala. Huhuhu. Loka-loka.
Sige. Ano pa tinitingin-tingin mo? Basa na diyan!
*** VOTE/COMMENT
------------------------------
Xylie POV
*pak*
"Aray!!! isa pang hampas katniss... ibibitin kita patiwarik." sigaw ni kuya ng hampasin siya ni Ate Katniss ng throw pillow. Haha ang cute ni Kuya. Nakakatuwa siyang tignan habang nakikipagkulitan kay Ate Katniss. Para na siyang may buhay.
Like duh? I'm not saying na mukhang zombie ang kuya ko. What I mean is... matagal ko na siyang di nakikitang ngumingiti at tumatawa ng totoo. Yung tipong, rolling like egg na siya sa kakatawa. Palibhasa kasi parang may dalaw lagi. Masungit.
"Polkadots!!! Halika dito!!! Daya mo! Masakit yung ginawa mo ah!"
Maaring labag nga sa loob nila ang kasalan nila. But I guess... Buti narin na nangyare yun, dahil kung hindi pala, malamang hindi ko makikita ang kuya na ganito ka saya.
"Hahaha... Boy duster! Dali dito!!!! Habulin mo ko, kung gusto mo makaganti! Hahahha" Hanep. iniikot na nila ang buong bahay sa habulan nila.
"Ang daya mo polkadots!!!" Hay naman, nakakalokong CS ah. Polkadots at Boy duster? tsk tsk.
***
"Can you see it Baby?" biglang sulpot ni Mommy na nanonood din pala sa pillow fight ng dalawa.
"What Mommy?"
"Yung ngiti ng Kuya mo"
"Po? Ano po ang meron sa ngiti niya?"
"That was the smile, na matagal nawala."
"Po? Ang gulo mo Mommy. Hehe. Di kita gets " Amp -.- ano ba meron? Bakit parang ang lalim ng pinanghuhugutan ni Mommy?
Looking at Kuya, mukhang naging magandang epekto naman ang arrange marriage nila ni Ate Kat diba? Teka... mukhang may secret behind sa kasal nila. Maliban ba sa business matters, may iba pa bang rason bakit sila pinagkasundo? Like duh!? Meron nga ba?
"Mommy, pwede po magtanong?"
"Ano yun Baby?"
"Bakit niyo ipinilit na ipakasal si Kuya kay Ate Katniss? ... I'm thinking kasi, its not pure business reason kasi ... Di nga ba Mommy?"
"Baby..." She said then smile. " Nasabi ko na bang sobrang talino mo? Hehe Someday baby. You'll know why"
Hala! Ano naman kaya yun? Weird.
DEX POV
Tsk. Sa lahat ba naman ng tao... ako pa talaga ang huling nakaalam? Bakit ganun? Ugh! Kainis.
Halos two weeks narin pala ang nakakaraan. Two weeks na, subalit ngayon lang nakarating sakin ang balita, tungkol sa kaguluhang sangkot nanaman si Kersten, at ang masaklap pa, ilan dito... sangkot pa si Zayn ang matalik kong kaibigan.
Unang balita. Nung slumber party, si Zayn sinira pinto ni Kersten dahil ni-lock pala nila si Katniss kasama ng isang lasing na lalake sa loob ng room.
Pangalawa, ito naman... nilaglagan nila ng paso mula sa second floor ng library si Katniss. The bottom line? May galit si Angelie kay Katniss at itong si Kersten, tinutulungan niya si Angelie,
Hay! Sarap i-untog yung ulo ko! Sumasakit na sa kakaisip kung ano ba gagawin ko sa kanya! Ano ba gagawin ko para mapagbago siya?
***
30 minutes nalang at may klase na ko by 4:30 ng hapon. Haist punta muna siguro ako ng Locker area. Kukunin ko lang ang book ko sa genpsy. Malapit na ko ng locker area, nang may marinig akong nag-uusap.
"C'mon girl! Tama na yang drama okay? Hintay lang makakatyamba din tayo sa pag-wasak sa kanya." sabi ni Kersten na di man lang nagdalawang isip na ilabas sa mga bibig niya ang mga katagang iyon.
"Of course, dapat lang Kersten!" sabat naman ni Angelie. Tsk. As I know her, parang ang bait at super close nila ni Katniss diba? E panong... ganyan na siya ngayon?
"Yeah right. Kaya dapat we must come out with a better plan. A better set-up with ----"
"With what Kersten?" Di niya natapos ang sasabihin ng di ko mapigilang sumulpot sa harap nila habang sila'y nag-uusap.
"Mary Angelie... please, iwanan niyo muna kami" Pagsusumamo ko.
"Hey! Girls huwag niyo ko dito iwan." sabi naman niya. pero wala siyang nagawa dahil hawak ko siya sa kamay. Kainis bakit ba namimiss ko tong hawakan? Nang makaalis na sila ...
"Kerst... kailan ka ba titino?"
"Tino? Wow big word Dex! pakispell nga? Di ko alam yun e'"
"Pilosopo! Kerst naman kasi, bakit mo ba ito ginagawa? Tama na sa pagiging ganya. Mapagod ka na please? Madami ka ng nasasaktan e. Tapos ngayon, si Katniss pa... E wala ng kalaban-laban yun sayo"
"Kalaban-laban. Yeah right... wala nga. Pero wala e, may atraso siya sa kaibigan ko, kay Mary Anglie. Di ba ganun ang magkakaibigan nagtutulungan?"
"But Kersten. Mary Angelie and Katniss is a different story. Please huwag ka na sumali. Huwag ka na dumagdag sa gulo nila."
"No! I won't stop! We won't stop till we get what we want"
"Oh, really? Bakit ano nga ba ang gusto ng isang kersten?" sabi ko na bigla niyang kinagulat. Tila walang maisagot. "What do you really want in life Kersten? Popularity? Ano ba talaga ang gusto niyong mangyare!?" Sabi ko sabay hakbang palapit sa kanya na kinaatras niya.
"Wala kang paki-alam"
"Tell me! what do you want!!!?"
"Wala! Bakit ka ba sumisigaw!?" sabi niya na nangingilid ang mga luha. Malamang natakot sa sigaw ko. Tsh, she might be fierce and strong. But this girl, she will always be the same soft hearted I knew. Subalit nakakubli lamang sa likod ng matapang na maskara.
"Ano ba! Bitiwan mo ko!" sabi niya na ginawa ko naman. "You know what Raydex... masyado kang panggulo sa buhay ko e. Ni wala ka nga halaga sakin. Tapos ngayon, ito ka, nagmamakaawa na magbago ako? Like hello!? Sino ka ba para sundin ko." sabi niya at akmang aalis narin sana. Subalit before she do so... I pull her and uh oh.
Wala sa plano ko.
we just...
??KISS?? O.O
"Kersten I Love You"
*slap*
****
Ah!!! Bakit ba ang gulo ng mga babae. Hindi ba niya na nararamdaman, na labis ko siyang iniibig? Ang gusto lang naman ay ang mabuti para sa kanya. Bakit ba, ayaw niya kong tanggapin... at pilit niya ko tinutulak palayo.
"Uy! Dex pare!" sigaw ni Copper nang ako'y nakapasok na secret room dito sa Rockhauz.
"Copper kuha ka nga ng inumin. Yung pinakamatapang." utos ko sa kanya. Psh yeah right. This is what I need.
"Uy! Dahil sa Kersten nanaman ba? Haha sige waits"
Yung utak ko parang sasabog. Iniisip, ano ba gagawin ko kay Kersten. I want to love her. Gusto ko siya makasama. Pero paano kung sa bawat paglapit ko ako naman ang tinutulak niya palayo.
If love means hapiness. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nahihirapan ako? Bakit ang mahal kong babae, si Kersten... Hindi ko makuha. Ayaw niya kong tanggapin, dahil ang perfectionist ko daw at lagi siyang sinasaway. Tsh. Hanep sarili kong tanong kanina ako rin ang sumagot.
"... And here is the hardest Drink! C'mon Dex! Inuman na!!!" - Copper
"Copper? Ano ba mali sa ginagawa ko? Look at me. Don't i deserve to be love? Don't I deserve to be happy?"
"Dex kasi, yung pagkakamali mo lang kasi sa kaso mo. E yung nagmahal ka ng maling babae. Babaeng tulad ni Kersten. Yung tulad niya, hindi yung makikipagseryosohan sa tulad mo."
"E' paano ba Copper? Paano ko tuturuan ang puso kong ito? Putik na! Kahit sabihin ng maraming tao sakin na bitch at kung ano man siya. Siya parin ... siya parin ang mahal ko." Uumiyak. yeah right last thing na nalaman ko this night. I'm crying. Mahal ko siya at labis ko siyang mahal.
----------------------