School War Online

By Penguin20

5.2M 266K 87.1K

Online Game# 1: DANI X RAYDIN More

School War Online
Story Review
Prologue
Shoot 1 "New Game"
Shoot 2 "Playing the Game"
Shoot 3 "Welcome to SWO!"
Shoot 5 "New Friends"
Shoot 6 "Elimination Round"
Shoot 7 "Teaming up"
Shoot 8 "Party Quest"
Shoot 9 "Start of Practice"
Shoot 10 "First School War"
Shoot 11 "Meeting you"
Shoot 12 "Katana's Identity"
Shoot 13 "Request From Friend"
Shoot 14 "Start of mission"
Shoot 15 "War at the City"
Shoot 16 "Saving them"
Shoot 17 "Be part of us"
Shoot 18 "Mission Clear or Failed?"
Shoot 19 "Math Competition"
Shoot 20 "Unexpected Words"
Shoot 21 "Memorable Day"
Shoot 22 "Couple Quest"
Shoot 23 "Against the troll"
Shoot 24 "Parade"
Shoot 25 "Second School War"
Shoot 26 "REU Vs. BWU"
Shoot 27 "Club room"
Shoot 28 "Man in the Rain"
Shoot 29 "Going... or not?"
Shoot 30 "Meeting you"
Shoot 31 "Announcement"
Shoot 32 "Interview"
Shoot 33 "Mission of the Family"
Shoot 34 "Against Red Dragon"
Shoot 35 "Doubting him"
Shoot 36 "Success"
Shoot 37 "Christmas day"
Shoot 38 "Internship"
Shoot 39 "A lie"
Shoot 40 "Birthday Party"
Shoot 41 "Surprise her"
Shoot 42 "Her condition"
Shoot 43 "The thesis Partner"
Shoot 44 "Meet up Planning"
Shoot 45 "Concert Day"
Shoot 46 "Meet up"
Shoot 47 "Fate vs. Him"
Shoot 48 "End the connection"
Shoot 49 "His Absence"
Shoot 50 "Missing you"
Shoot 51 "Official"
Shoot 52 "Monster Raid"
Shoot 53 "Five meets five"
Shoot 54 "Third School War"
Shoot 55 "A date"
Shoot 56 "Unexpected Lie"
Shoot 57 "Doubting him"
Shoot 58 "Surprise"
Shoot 59 "End of Internship"
Shoot 60 "New Quest"
Shoot 61 "Representative"
Shoot 62: Meeting
Shoot 63 "Joint Quest"
Shoot 64 "Henosis"
Shoot 65 "Graduation Day"
Epilogue/ Last shoot
Author's note
School War Online Book 1
School War Online Book 2
Manila International Book Fair 2023

Shoot 4 "Announcement"

77.5K 3.6K 632
By Penguin20

"Hindi naman gaano kahirap kalaban ang mga wolf na 'yan lalo na't level 1-3 lang din 'yan kagaya mo," pagpapaliwanag ni Thatjerk sa akin. "Ang problema niyan is pangit yung baril mo, mabagal magkasa. Hindi rin agressive type of monster itong wolf so basically, when you hit it, tsaka pa lang ito aatake sa'yo."

Tinutok ko ang baril sa isang level 1 na wolf at muntik na akong tamaan nung baril sa pagputok nito, tinamaan ang wolf sa tiyan at umagos ang pulang likido mula rito.

Tumingin sa akin ang wolf at nagpula ang mata nito, mabilis itong tumakbo tungo sa direksyon ko. "Takbo!" Malakas na sigaw ni Thatjerk kung kaya't tumakbo ako palayo.

Kinasa ko ang baril at muling humarap sa wolf, ipinutok ko muli ang baril dito. Shit! Ang tagal niyang mamatay! Ang tagal din mag-reload nitong baril, naabutan ako nung wolf at mariin akong nakalmot sa braso. Naramdaman ko ang sakit nito, at umagos ang dugo mula rito.

Dahil nga nakakonekta sa nerves namin ang nerve gear, mararamdaman din namin ang pain. Pero siyempre okay ang katawan namin in real world. "Bwisit ka!" Malakas kong sinipa sa ulo ang wolf. Kinasa ko ang baril at pinaputukan ito ng baril sa huling pagkakataon. Tumama ito sa leeg ng wolf at napahiga na ito sa sahig.

Tama nga ang sabi ni Jace, hindi madaling magpa-level sa game na ito. Kahit ang mga level 1 monsters ay mahirap ng patayin.

You receive 10 pesos!

You receive wolf fang!

Iyan ang nag-pop up na message sa akin matapos kong patayin ang wolf. "Nice job!" Pagpuri sa akin ni Thatjerk at inabutan niya ako ng sandwich. "Sandwich para ma-restore 'yang buhay mo, mukhang malalim ang naging kalmot sa'yo nung wolf at ang laki ng nabawas na buhay sa hp bar mo." Sabi niya sa akin.

"Mag-lunch ka na, kaya ko na mag-hunt mag-isa. Madali lang naman yung quest. Alas-cuatro na hindi ka pa nagla-lunch," natatawa kong sabi sa kanya. The good thig about Thatjerk, mabait siya. Kapag malakas na player kasi kadalasan ay hindi namamansin ng baguhang kagaya ko.

"Sure ka?" Tanong niya sa akin at tumango-tango ako. "Sige magla-log out na ako, madali lang naman ang mga quest sa area na 'to dahil labas pa lang ito ng Blue Wave University... But if you need some help, send a pm to me, okay?" Muli akong tumango sa kanyang sinabi.

May pinindot-pindot ang character niya sa ere at unti-unting siyang nawala sa map.

Kinasa ko muli ang baril at tumingin sa maraming wolf na nandito.

"It's showtime."

***

Matapos kong magawa ang quest ay bumalik na ulit ako sa faculty room upang sabihin kay sir Leon. Nag-level 2 na rin ako kanina, hindi lang naman ako ang level 1 na nandoon sa area kanina, marami ring newbie players ang nagsisimula pa lang.

"Magaling! Sinasabi ko na nga ba't magiging isa kang magaling na mag-aaral ng Blue Wave University," kahit pa sabihin nating naka-program lang ang sinasabi nitong NPC na ito, sinong hindi matutuwa kapag nakakarinig ka ng papuri 'diba? "Ang alam ko ay hinahanap ka ni Zelda dahil may ipapagawa siya sa'yo. Siya ang may-ari ng boutique sa right wing ng paaralan."

Ibig sabihin lamang nito ay doon ko makukuha ang pangalawa kong quest, naglakad na ako palabas ng faculty. Bumababa pa lang ako sa hagdan ay namataan ko na ang maraming estudyante na nagtatakbuhan papunta sa hall. Anong mayroon? May event ba?

Dali-dali akong bumaba at nagtanong sa babaeng tumatakbo. "Excuse me, anong mayroon?" Tanong ko sa kanya.

"May post na sa notice board tungkol sa magaganap na unang school war," sabi niya sa akin kung kaya't maging ako ay nakitakbo na rin papunta sa hall.

Ngayon ko lang nakita ang hall na napuno dahil sa maraming bilang ng estudyante, sinubukan kong makipagsiksikan para makita kung ano ang nakalagay sa notice board. Batid ko naman na hindi ako makakasali sa school war na iyon, I am just curious with it.

Inabot ng ilang minuto bago ako makarating sa harapan dahil na rin sa maraming bilang ng estudyante.

***

Announcement! Magaganap ang unang school war sa ikatlong araw ng hulyo! Dito masusukat kung anong paaralan sa SWO ang may pinakamalalalas na estudyante.

Ang bawat paaralan ay kailangang magpadala ng dalawampung estudyante para sa magaganap na school war, may limang paaralan sa SWO kaya naman sumatutal ay isang daang estudyante ang magpa-participate sa unang school war!

Where: Destroyed City
When: July 03 2025. 8:00pm- 12mm
Prize: Costume set for each participant of the winning team
Required level: 15 and above.

***

Matapos kong mabasa ang notice ay napatingin ako sa oras, 7:05pm. Shit! Malapit na kaming mag-dinner at baka magalit si mama kapag hindi pa ako bumaba ng kwarto. Pumunta ako sa sulok ng hall at doon nag-log out.

Idinilat ko ang aking mata at tinanggal ko ang nerve gear sa aking ulo, basang-basa ng pawis ang ulo ko kaya naman pinunasan ko ito ng towel.

Mahigit tatlong oras din akong naglaro ng SWO ngayong araw. Partida, ito ang unang beses na nilaro ko iyon at talaga naman na-hook agad ako.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at naaamoy ko na agad ang masarap na adobong niluluto ni mama. "'Ma! Adobo?" Tanong ko sa kanya at tumatalon na parang bata na napakapit sa kanyang balikat.

"Oo, alam kong paborito mo 'to. Bakit ngayon ka lang bumaba?" Tanong sa akin ni mama.

"Uhm, naalala mo yung game na pinadala ni tita Mylene para kay kuya? Nilaro ko kanina 'ma," hindi ko ugaling magsinungaling sa magulang ko. Kung naglalaro talaga ako, naglalaro talaga ako.

Kay Jace ko lang naman ayokong sabihin na naglalaro ako ng SWO, kilala ko ang kaibigan kong iyon, mang-aasar lang 'yon.

"Baka mag-away kayo ng kapatid mo, ha? Ginalaw mo yung regalong para sa kanya." Nag-aalalang sabi ni mama.

"Nagpaalam na ako kay kuya nung nakaraan, sabi niya ako na raw ang bahala doon dahil may copy na rin siya nung laro." Pagpapaliwanag ko at napatango-tango si mama.

Natapos magluto si mama at saktong naghahain na ako nung dumating si papa. We just enjoy the meal together. Kinuwento ko lang ang nangyari sa akin maghapon.

Kinabukasan, 7:00am ang klase kaya naman maaga akong pumasok. I'm holdin' my book in Philippine Literature at nagbasa, nakalimutan ko kagabi na may quiz kami rito, masyado akong nilamon ng SWO.

"Type of Prose... Novel, Short stories, Essay..." Napatigil ako sa pagbabasa nung mapansin kong tutok na tutok si Jace sa binabasa niya. "Himala yata nagre-review ka?" Tanong ko sa kanya.

"Review my ass. Nag-outline kasi ako kagabi sa kung paano ako mabilis na le-level sa SWO, malapit na ang unang school war and kailangan makasama ako sa magre-representa ng Red Ember University. Kailangan kong mag-exp boost and kailangan kong masunod itong plano ko, and kapag nagawa ko 'yon, sa mismong araw ng war ay level 25 na ako," here we go again, napailing-iling ako sa pagiging game freak niya.

"Hindi mo ako naiintindihan, Dani, hindi ka naman kasi naglalaro ng SWO." Sabi niya at muling binasa ang mga nakasulat sa kanyang papel.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi niya alam na naglalaro na rin ako, nasa ibang school nga lang. Pero ano ba ang mayroon sa school war? Bakit lahat sila ay pinaghahandaan ito? Dahil ba ito ang first event sa SWO o dahil sa grand prize? 'Di ko rin alam.

Hindi rin naman ako makakasali doon lalo na't Level 2 pa lang ako. Hindi rin ako umaasa.

"Bakit ka ngumingiti riyan? Baliw ka ba?" Biglang tumigin sa akin si Jace kung kaya't nawala ang ngiti sa aking labi.

Sinipa ko ang kanyang desk. "'Wala kang pakialam, mag-review ka na lang."

I tried to focus sa nire-review ko and nagbunga naman ito dahil naka-46 out of 50 ako sa quiz kanina. Si Jace naman ay masaya ng nakakalahati siya.

It becomes a regular day, puwera na lang sa calculus na nag-announce na magkakaroon daw kami ng quiz next week. It sucks dahil ang hirap mag-review sa subject na iyon at ang hirap ng topic namin ngayon.

"Dani, halika na, umuwi na tayo!" Hinihila ni Jace ang aking kamay at atat na atat na talaga siyang umuwi.

"Wait lang, okay? Inililigpit ko pa yung gamit ko sa desk, bakit ba sobrang nagmamadali ka?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Remember, pinlano ko na yung gagawin ko for SWO." Oo nga pala.

Pagkaligpit ko ng gamit ko ay pumasok ang adviser namin sa room kaya naman napatigil kami sa paglabas ni Jace. "Good afternoon sir Santos," pagbati namin ni Jace.

"Good to see you here, Dani," mukhang ako mismo ang pakay ni sir. "Next week kasi, we will have a math competition, maglalaban-laban lahat ng mga math major students. Ikaw lang ang may pinakamataas na grade sa calculus sa klase ninyo kaya ikaw yung in-approach ko. Game ka ba?" Tanong ni sit.

"Game po siya! Game po siya! Ang galing-galing ni Dani e." Muntik na akong mapairap sa ere sa biglaang pagsagot ni Jace. Akala niya yata ay siya ang tinatanong.

"That's good! May elimination bukas Dani, sa may Library. Kung sino ang top 3 sa college natin ay iyon ang ilalaban natin. Okay?" Tanong ni sir.

"O-okay po sir." I don't have any choice dahil um-agree na rin si Jace.

Iyon lang ang sinabi ni sir at naglakad na kami palabas ng classroom. Nung wala na si sir ay malakas kong hinampas ang braso ni Jace. "Siraulo ka! Bakit mo sinabing sasali ako?!" Malakas lang na tumawa si Jace.

"Wala ka naman ginagawa kasi sa bahay ninyo haha! At tsaka, ikaw naman talaga pinakamagaling sa section natin!" Sabi ni Jace sa akin at inirapan ko na lang siya. "Sorry na agad, libre na lang kitang ice cream sa 7/11 para pambawi sa'yo bestfriend."

"Sure 'yan?"

"Oo." Nauto ko na naman si Jace sa tampu-tampuhan ko. Uto-uto talaga 'tong bestfriend ko.

Naglakad kami palabas ng school perp nung nasa school park kami ay namataan ko si Mateo na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Ang ganda ng ngiti niya kapag nasisinagan ng araw, pansinin talaga siya because he's good looking.

"Huy, Dani, nahinto ka na diyan? Tara na!" 'Di ko napansin na napahinto na pala ako sa paglalakad.

Tiningnan ko sa huling pagkakataon si Mateo at napangiti. Hanggang tingin na lang ako dahil imposibleng magkalapit kaming dalawa.

"Tara na." Aya ko kay Jace.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 68.4K 69
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
4.2M 122K 50
[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't end with a happy and perfect picture but...
757K 30.6K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
184K 5.2K 34
A Tantei High Fanfiction Started: May 08, 2015 Finished: April 11, 2016 [11:54 P.M.]