Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 35

5K 95 7
By PollyNomial

KABANATA 35 — Agresibo

Ang pinag-uusapan nila Daddy na Vergel ay si Mr. Vergel Formosa pala na tatay ni Vincent. Hindi ko iyon alam dahil hindi pa nababanggit sa akin ni Vincent ang pangalan ng kanyang ama.

Nalaman ko ito nang sabihin sa akin ni Daddy ang tungkol sa ginawa ni Vincent. Hindi raw siya makapaniwalang kaya itong gawin ng anak ng isang Vergel Formosa.

Hindi ko siya mapigilang maisip. Kung ganun, si Mr. Vergel Formosa ang asawa ni Auntie Kristin at siya rin ang… tatay ng batang si Carrive.

Paminsan minsan ay naiisip ko ang bata. Kumusta kaya ito? Pwede ko kaya itong makilala? Kahit na hindi naman dapat ako nangingialam may palagay akong nakokonsensya ako lalo na kapag nakikita ko si Auntie Kristin. Wala siyang alam dito, iyan ang sabi ni Vincent. Pero ako, alam ko.

Naiisip ko ang bata sa tuwing nakakausap ko si Auntie Kristin, gaya nalang ngayon.

“Ella, you’re father invited us on your company’s foundation day.” Sabi ni Auntie Kristin.

Break time ngayon at lahat ng staff dito sa hall ay nasa canteen na at kumakain. Kami nalang ata ni Auntie Kristin dito sa hall kung nasaan ang mga tinatahing damit. Tinatapos ko ang mga detalye ng isang gown. Pangalawa ko na ito sa araw na ito. Tatlong gowns pa at tapos na lahat.

Ngumiti ako sa kanya. “Sabi nga po nila.” Simpleng sagot ko sa kanya. Tinahi ko ang swarovski na kinakabit ko sa gown.

“How’s your grandfather, Ella? I heard na inatake siya sa puso?” lumapit si Auntie Kristin sa akin at may alala sa kanyang mukha.

“He’s okay now. Nakauwi na rin po siya ng bahay.”

“That’s good. Makakapunta ba siya bukas?” tanong ulit niya sa akin. Hindi ko nanaman maintindihan ang mga pagtatanong ni Auntie Kristin pero sumasagot nalang ako. I don’t wanna be impolite.

“Opo. He’ll do the opening speech.” Sabi ko ulit sa kanya.

Tumahimik si Auntie Kristin at nagpatuloy sa ginagawa. Kagaya ko ay siya rin ang gumagawa ng finishing details ng mga gown na siya ang nag-design. Kahit papano, may pagkakapareha kami ni Auntie Kristin base na rin sa nakikita ko sa kanya. Minsan na rin niyang nasabi ito sa akin.

Nadako ang pag-iisip ko kay Vincent. Tumingin agad ako ng babaeng nagsilang sa kanya. Napangiti ako at umiling sa sarili.

That man, just like what my father said, is really insane. Anong pumasok sa isip niya at isusuko niya ang lahat ng kayamanan niya sa tatay ko para lang makuha ako? Maiisip ba naman iyan ng isang matinong tao? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin at mapangiti sa tuwing iisipin ko na kayang gawin iyon ni Vincent para lang sa akin.

Hindi ko pa siya nakakausap mula nang gabing itakbo namin ni Lolo sa ospital. Nawala na rin kasi ang isip ko nun sa kanya dahil sa labis na pag-aalala kay Lolo. Pero madalas ang pagte-text at pangungumusta niya sa akin. Minsan ay tatawag lang siya para tanungin kung kumain na ba ako at kung kumusta ang araw ko. Kung naiisip ko ba siya at kung masaya ba ako dahil tumawag siya. Simple things but it really makes me happy. Somehow, nakukumpleto ang araw ko kahit hindi ko siya nakikita.

Inayos ko ang mga gamit ko habang sinisilip ang bintana ng opisina ko. Madilim na at kita na ang maliliwanag na ilaw na nanggagaling sa iba’t ibang building. Uuwi na ako at ang sabi ni Mommy, may gagawin daw kaming dalawa ngayong gabi. Alas-sais imedya na at isang oras nalang ang natitira para makaabot ako sa usapan naming dalawa.

Mabuti at marami akong natapos ngayong araw. Bukas kasi ay hindi ako makakapasok.

Pinilit ako ni Mommy na 'wag na munang pumasok ngayong araw ngunit kailangan dahil sa rami ng gagawin ko. Dalawang linggo nalang ay gaganapin na ang FF fashion week. Gahul na gahul na ang lahat sa oras kaya naman wala nang time para um-absent at gumawa ng bagay na hindi naman related dito. Isa pa, araw ng trabaho ko ngayon kaya wala silang magagawa.

Hindi pa rin nawawala ang tampo ko kay Mommy. Minsan, kapag nakikita ko siya, nawawalan ako ng gana. Pero mukhang wala nalang sa kanya ang nangyari. Para ngang walang nangyari sa amin, e. Back to normal na ulit na masaya at maayos niya akong kinakausap.

“Ella!” naglalakad ako patungong elevator nang tawagin ako ni Nash.

“Hi, Nash. Bakit?” tanong ko at lumapit kami sa isa’t isa. Dala dala ko ang bag ko sa balikat at isang folder sa kabilang kamay ko.

Ngumiti siya bago magsalita. “I just wanna remind you about next week? Monday, okay?”

Alam ko na agad ang tinutukoy niya.

“Don’t worry, hindi ko nakakalimutan. Ihahanda ko na ang lahat para sa Monday. Patapos na rin naman ang gowns, e. I’ll just work on weekends.” Sabi ko sabay ngiti.

“I’m sorry, ha? Kung namamadali ka namin. We just don’t have much time. But don’t worry, Ella. It will be all worth it.” Paalala niya sa akin.

Alam ko naman iyon dahil nandito ako sa Fortune Fashions. Mabibigyan ako nito ng malaking tsansa upang makilala sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

Tumango ako. “It’s okay, Nash. Uhm, Nash, I have to go. Iniintay ako ni Mommy, e.”

“Oh, okay. Babalik pa ako ng office. Si DB pala babalik na bukas. Naalala ko lang na nag-leave ka for tomorrow?” ngumuso ako dahil sa sinabi niya.

Bukas na ang 49th Foundation Day ng kompanyang tinayo ng Lolo ko. At dahil sa mga paghahanda, kailangan kong um-absent ng isang araw. Kaya nga ginawa ko talagang pumasok ngayon dahil nahihiya ako.

“Yeah. I’m sorry hindi ako makakasama sa meeting.”

“It’s okay, Ella.” kumumpas ang kamay niya. “Basta next week kailangan kasama ka namin sa photoshoot, ha?”

Tumango ako sa tanong niya. “I’ll be there. That’s for sure.” Pagkasabi nun ay nagpaalam na ako kay Nash dahil nagmamadali na talaga ako.

Nagtatakbo ako sa elevator nang bumukas iyon. Agad kong pinindot ang ground floor. Sa parking na ang diretso ko.

Nang makarating ng parking ay hawak ko na ang susi ko at pinatunog ko na ang sasakyan ko. Malapit na ako rito nang may tumakip sa bibig ko at hinila ako para masandal sa poste.

Napapikit ako at impit na tumili.

“Mika. It’s me.” Dumilat ang isang mata ko at nang makitang si Vincent ang kaharap ko ay biglang sabay na nanlaki ang mga ito.

“Vincent~” hindi maintindihan na sabi ko dahil nakatakip nang mariin ang palad niya sa bibig ko. Bumaba ang tingin ng mata ko roon.

Napatingin din siya at agad na bumitaw. “Sorry.” Ngisi niya.

“Ba’t ka nandito?” tanong ko sa kanya. “Sinusundo mo ba si… C-carmela?” agad akong nainis sa sarili kong sinabi. Bakit ko ba iyon naisip?

“What? No!” tumingin siya sa pinanggalingan ko. “I’m here for you. May kasunod ka bang bumaba? May tao pa ba sa taas?” magkasunod na tanong niya.

“W-wala naman.” Iling ko. “Bakit?”

“Good.” Tumagilid siya at parang tinatakpan ako. Tinukod niya ang dalawang kamay sa posteng sinasandalan ko.

“Vincent?” nagtaka ako sa ginawa niyang pagtakip sa akin.

“We can’t tell anyone about us, right? Sinusunod ko lang ang gusto mo.” Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ang lapit namin sa isa’t isa at naiilang ako.

“S-so? Wala namang t-tao. Ba’t mo ko tinatakpan?” tinagilid ko ang ulo nang mas lalo siyang lumapit. Kulang nalang ay mahalikan ko ang dibdib niya sa lapit sa akin.

“May apat na CCTV na nakatutok sa atin, Mikaella.” Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Sinulyapan ko ang likod niya at nakita ko ang isang CCTV sa poste. Hindi ko mapigilang mapangisi.

“Why are you smiling?” umiling ako sa tinanong niya. Mahirap itanggi na kinikilig ako ngayon. Nanakit ang tiyan ko dahil sa kanya.

Naalala ko ang ginawa niyang pagkausap kay Daddy. Ang kontrata at ang investment. Hindi ko alam kung ano nang kapalit ang hiningi ni Dad sa kanya nang hindi niya tanggapin ang inaalok na yaman ni Vincent para lang ma-date ako. Pero kung ano man 'yon, natutuwa ako roon.

“You’re smiling too much, Mikaella. And you’re staring at me.” Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya pero hindi nawala ng ngiti ko.

“I’m sorry.” Pinigil ko ito.

Nangilabot ako nang dumampi ang daliri niya sa baba ko. “Don’t say sorry. I like it when you stare at me, Mika.” Ang linyang 'yan ang parating nagpapadanas sa akin ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Parang may tatlong kabayong tumakbo roon.

Kinagat ko ang labi at iniwas ang mga mata kahit na nakaangat na ang ulo ko sa kanya.

“I wanna kiss you.” Bulong niya sa akin na nagpapikit ng mga mata ko.

Nararamdaman ko ang paglapit ng mukha niya. Naamoy ko ang mabango niyang hininga sa ilong ko. At ang kamay niya ay humaplos sa pisngi ko.

Nararamdaman ko na ang pagdidikit ng ilong naming dalawa nang parehas kaming mapahiwalay sa isa’t isa nang tumunog ang cellphone ko.

Naalala ko si Mommy!

Tumikhim siya at nilagay ang kamay sa bulsa. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Nagkatinginan kami sa isa’t isa. Ako ang naunang bumitaw sa tinginan at kinuha sa bag ang cellphone ko.

Napalunok ako nang hindi si Mommy kundi si Zac ang tumatawag.

“H-hello?” sinulyapan ko si Vincent at nakita ko ang irita sa mukha niya. Dumikit siya ng bahagya sa akin para siguro takpan ako sa mga cctv na sinasabi niya.

“Hi, Ella.” Masiglang bati niya.

“B-bakit…” tiningnan ko si Vincent na kumukunot ang noo habang nakatitig sa akin. Kapag nalaman niyang si Zac ito…

“I just wanna know when will you be free? Saturday?” tanong niya. Naramdaman ko ang hawak ni Vincent sa braso ko.

Gumalaw ang labi niya at tinatanong niya kung sino ang kausap ko.

“I don’t know… uh… Zac.” Agad na nagdilim ang mga mata ni Vincent sa pagbanggit ko ng pangalan.

Tumindig ang balahibo ko nang tinukod niya ang kamay sa magkabilang gilid ko at lumapit ang mukha niya sa pisngi ko at hinalikan ako roon. What is he doing?!

Nagsalita si Zac pero hindi ko siya naintindihan.

Siniko ko si Vincent para mapatigil pero hindi siya umalma. Nakadampi ang labi niya sa pisngi ko!

“U-uh, Zac… I have to go?” nag-aalinlangang sabi ko. Napalunok ako nang lumipat ang labi ni Vincent sa noo ko. Mariin akong pumikit sa ginawa niya.

“Why? Are you busy?”

Pinadausdos ni Vincent ang kamay sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang katawan niya sa akin ngunit nakalayo lang ang mukha ko. Ngumisi siya sa sariling kalokohan.

“Uh, yeah? Saturday, okay. Bye?” wala na sa sariling sabi ko.

“Ang tagal naman…” Bumulong si Vincent sa kabilang tenga ko at agad kong pinindot ang end call para hindi iyon marinig ni Zac.

“Vincent naman!” suway ko sa kanya. Mahina siyang tumawa.

Napasulyap ako sa cctv na gumagalaw galaw. Wala naman sigurong malisya kung makikita kami ng kung sinong nanunuod doon. Wala naman sigurong bago sa ginagawa namin at malamang marami nang ganito ang nangyari sa parking lot na ito.

Pero hindi ko pa rin mapigilang mailang. “M-may cctv.”

“Kaya nga kita tinatago.” Hinapit pa niya ako sa kanya at yumuko na ang ulo niya.

“S-sa kotse…” hindi ko natapos ang sasabihin dahil mariin nalang ako napapikit nang maramdaman ang halik niya sa ilong ko. Ngunit tila alam na niya ang sasabihin ko.

“No. I want to kiss you here.” At pagkatapos sabihin iyon ay pinagdikit niya ang mga labi namin.

Una ay marahan pero kasabay nang pagdiin ng kapit niya sa akin ay ang paglalim ng halik niya. Tuluyan na akong bumigay at nadala sa nakakahikayat niyang mga halik.

Binatawan ko ang folder na hawak ng isang kamay ko at nawala sa pagkakasukbit ang bag sa balikat dahil sa pagyakap ko sa kanya. Pinaikot ko ang kamay sa batok niya at pinagsalikop iyon doon. Naramdaman ko ang ngisi niya.

Matapos nang malalalim na halik ay padampi dampi nalang ang ginawa niya na tila nanunuya. At dahil nawalan na ako ng pasensya ay ako na ang nagdiin ng sarili ko sa kanya para hindi na maghiwalay pa ang mga labi naming dalawa.

Nakakalasing at nakaka-adik ang mga halik niya. Nahihiya ako dahil ako ang maagresibo rito at hindi siya. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili dahil nababaliw ako sa mga labi niya. Parang ayoko nang maghiwalay pa ang mga labi naming dalawa.

Nawawalan na ako ng hininga pero hindi kami bumitaw.

Napadilat nalang ako nang lumipat ang labi niya sa pisngi at pinadausdos iyon papuntang tenga ko hanggang sa leeg ko. Ang mga palad niya ay taas-baba na sa likod ko.

“V-vincent~” hinga ko. Hinihingal siyang tumgil at bumitaw sa akin.

Tiningnan niya ako at nagdidilim ang mga mata niya. Kinabahan ako sa itsura niya. May iba roon.

Pumikit siya at kumislap ang mga mata niya nang dumilat muli. Tiningnan niya ang paligid at mabilis ang hiningang nilapitan ako at hinawakan ang braso ko.

“Mika… I didn’t mean to…” Halatang nagulat siya sa mga nagawa. Alam naming dalawa ang ibig nitong sabihin. Mali ang lugar na napili namin para rito.

“I…” nahiya ako dahil kanina, ako itong agresibo. “U-uuwi na ako. Iniintay ako ni M-mommy.” Sabi ko sa kanya.

Tumango siya at hinawakan niya ang kamay ko. Siya rin ang pumulot nang folder na nabitawan ko at inabot iyon sa akin.  

Hinatid niya ako sa sasakyan at sumakay ako roon nang walang nagsasalita sa aming dalawa. 

Nakatingin nalang ako sa bintana ng kotse at kitang kita ko ang pagkakatulala ni Vincent hanggang sa mawala siya sa paningin ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 158 32
"I am his best friend. Just best friend, no more no less." Plagiarism is a crime. P.s: The picture's not mine. CTTO.
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...