Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 33

5.4K 86 7
By PollyNomial

KABANATA 33 — Kasal

Sunod lang ako ng sunod kay Auntie Kristin habang namimili siya ng mga gagamitin niyang tela para sa mga gowns na dinesenyo niya. Iba’t ibang klaseng formal gowns ang kay Auntie Kristin kaya naman kung anu-anong magagandang kulay ang ino-order niya sa isang staff ng Jay Fabrics. Hindi kagaya ng akin na napag-isipan kong puti lang ang kukunin kong kulay ng mga tela. Kaunti lang ang maiiba ang kulay kagaya ng mga linings ng iba kong disenyo. Siguro ay pwede na rin ang natural, ivory at off white gaya ng meron ako sa boutique ko sa New York. Meron ding mga ganoong kulay rito sa Jay Fabrics.

“Ella, what do you think of this color?” tanong sa akin ni Auntie Kristin.

“Teal color, Auntie?” medyo nailang ako sa tinawag ko sa kanya pero nakangiti lang siya.

“Uh-huh.” Tumango siya at hinaplos ang tela. Pinapakiramdaman niya ang texture nito.

“I think it depends on the design, Auntie.” Sagot ko. Hinawakan ko rin ang tela at naramdaman ko ang makinis na tekstura nito. 

“Hm.” Tumingin si Auntie sa staff na may hawak na notebook at doon ata nililista ang mga o-orderin ni Auntie Kristin. “I’ll also get this.” Tumango ang staff at saka ito nagsulat.

Marami pa kaming tiningnang mga tela. Masasabi kong nasa good quality lahat ng mga ito. Hindi lang ito mga basta bastang tela at base na rin sa shop, talagang mahal ang mga nandito. Nagtataka tuloy ako kung bakit dito pa e meron naman iba diyan na mas mura at kagaya rin nitong high quality. Siguro ay nasa pangalan na rin kasi ng Fortune Fashions na dapat ay dekalidad ang mga telang ginagamit nila.

Matapos ng ginawang pag-order ni Madam Kristin ay kinausap lang nito saglit ang sekretarya ng may ari. Ang sabi ng sekretarya ay hindi raw namin makakausap ang may-ari ng Jay Fabrics na si Jay dahil out of the country raw ito. Napag-alaman ko ring kaibigan pala ito ni Auntie Kristin. Nalaman ko rin na isa itong gay at matanda na halos kaedad lang niya.

“I really make sure that I get to choose the fabrics that they will use for my designs. At dahil kaibigan ko naman ang may-ari ng Jay Fabrics and I have a really big discount, sa kanila na ako kumukuha.” Sabi ni Auntie Kristin sa akin nang nasa isang coffe shop na kami para magmiryenda. 

Uminom siya ng tsaa na in-order niya. Tumango ako sa kanya.

“Ganun din naman po ako. That’s when I was in New York. But since I trust FF, hinayaan ko nalang sila na pumili ng tela na gagamitin para sa mga designs ko. I just showed and told them about the colors that will be needed.” Sagot ko sa kanya.

Tumango tango si Auntie Kristin sa sinabi ko. Napagdesisyonan kong sasanayin ko na ang sarili na tawagin siyang auntie.

“Tell me more about your boutique, Ella.” Nagtatanong ang mga mata ko nang inaangat ko ang ulo at masalubong ko ang mapanuring mata ni Auntie Kristin.

Sa mga mata palang niya, kinakabahan na ako. Ganito ata talaga ang epekto sa akin ng mga mata ng mga Formosa.

“How you started and built it. Tinulungan ka ba ng parents mo?” humilig siya sa akin at parang hinihintay niya ang mahabang kwento ko.

Gaya ng parati kong napapansin kay Auntie Kristin, iba nanaman ang personality na pinapakita niya ngayon. Hindi siya 'yong approachable at masiyahing tao ngunit siya ngayon 'yong mapanuri at kung hindi mo kilala, iisipin mong mapanghusga dahil sa mga matataray niyang mga mata.

“Uh… Yes. They helped me. Pero hindi po sa lahat. I mean, I used my savings just so I can have my own shop in New York. Though, 'yong mga savings na 'yon ay nanggaling din sa kanila. Iyon ang perang binibigay nila when I was in France. I studied Fashion Design there and gladly, they supported me.” Tumikhim ako nang manuyot ang lalamunan ko. “After I finished my studies, I asked them that I want to go in New York and pursue my dreams there. Fortunately, pumayag ulit sila sa gusto ko.” ngumiti ako at naalala ang pamimilit na ginawa ko noon sa mga magulang ko.

Tiningnan ko si Autie Kristin at napansin ko ang magkasalubong niyang kilay habang nakikinig sa akin.

“Hindi ba sila payag noong una?” mukhang nabasa niya ang naiisip ko.

“It was hard. Really hard, Auntie Kristin. Hindi ko makuha ng buo ang tiwala nila sa akin. My mom and dad are business tycoons. They run a very big company here in the Philippines and in other countries.” Ngumisi ako. “Hindi ko po alam kung kilala niyo sila—”

 

“Abelinda and Dominik Santos. Buenzalido-Santos group of companies. How wouldn’t I know about them, Ella?” ngumiti siya sa akin at ganun din ang ginawa ko.

“So you know them.” naalala kong nabanggit ni Daddy na kilala at kaibigan niya si Mr. Formosa. Nawala ito sa isip ko at ngayon ko lang naalala.

“Of course. Kaya nga kilala rin kita.” Napalunok ako sa narinig. Tiningnan ko si Auntie Kristin at ang nanunuri niyang mga mata.

“You know me? Even before?” tanong ko sa kanya. Kahit na nanginginig ang kamay ko dahil sa biglaang kaba ay sinubukan ko pa ring kunin ang kape para uminom doon.

“Ikaw ang tagapagmana. Maybe not now but soon, you’ll run your parents’ company.”

Pilit akong ngumiti at tumango.

“And how you look at this moment tells me that you’re not interested in taking over your family’s business, Ella.”

Hindi na ako nagkaila at tumango nalang ako.

“I don’t have a choice, Auntie Kristin. Kaya nga ngayon palang, ginagawa ko na ang mga gusto ko. Because in the future, I might lose this. Baka mawalan na ako ng oras sa mga pangarap ko.” tumango siya na parang naiintindihan niya ako.

Malungkot ako ngayon palang sa tuwing naiisip na isang araw, hindi ko na magagawa ang mga gusto ko. Ang gusto naman ng mga magulang ko para sa akin ang aatupagin ko. And it’s making me sad. Dahil ayoko. Ang kanila ay kanila. Bakit pa ako kailangang isali roon? Minsan tuloy iniisip ko na sana, hindi nalang ako only child at hindi rin ako ang panganay. Para wala sa akin ang expectations. Para hindi nalang ako ang tagapagmana nila.

Inabot ni Auntie Kristin ang kamay ko at nagulat ako nang hawakan niya iyon at pisilin. Naramdaman ko ang init ng mga kamay niya. Nakaramdam ako na may karamay ako rito. Parang… alam niya talaga ang kinatatayuan ko.

“I understand you, Ella.” Umiling siya at nginitian ang sarili. “Sobrang naiintindihan kita. Because some time in the past, naramdaman ko ang mga naramdaman mo.”

Napakurap ako at ginising ang sarili. Totoo ba ang nakikita kong Auntie Kristin sa harap ko? She’s different. Again. Binubuksan niya ang sarili sa akin.

“At alam mo kung paano ako nakatakas sa gusto ng mga magulang ko para sa akin?” umiling ako sa tinanong niya.

Pwede ba? Maaari bang makatakas? Paano?

“Kasal, Ella. I married the man I love.” Sabi ni Auntie Kristin matapos akong ngitian ng pinaka nakakatindig balahibong ngiti na ata na nakita ko.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Auntie Kristin kahit ilang araw na ang nakalipas. She married the man she loves? Para makatakas sa kagustuhan ng mga magulang niya para sa kanya? Paano? Paano 'yon nangyari? Kung ganun ang solusyon ko sa problema kong pamimilit ng parents ko sa akin na pagpapatakbo sa kompanya balang araw ay kailangan kong magpapakasal sa lalaking mahal ko? Iyon ba ang gusto niyang iparating?

Hindi ko alam kung iyon ba talaga ang gustong paratingin sa akin ni Auntie Kristin. Lalong hindi ko maintindihan kung bakit siya nagtatanong tungkol sa akin. Kung bakit biglaan siyang naging interesado sa akin. Sa totoo ay natutuwa ako sa ginawa niya. Iyon ay dahil nakikilala niya ako at kahit papaano, may kaunti na akong alam sa kanya. Siya ang nanay ni Vincent. Dapat lang na kilalanin ko siya at hayaan ko rin siya na kilalanin ako. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit humantong sa usapang kasalan ang dapat ay pagkikwento ko lang sa kanya ng pagsisimula ko sa aking negosyo.

Matapos nang nangyaring iyon, parati na siyang ngumingiti sa akin kapag nasasalubong ko siya sa FF. Hindi ko man alam ang dahilan ay susuklian ko naman iyon. At parati ko ring nararamdaman ang nangungusap niyang mga mata sa akin. Ngunit hindi ko makuha ang mga gusto niyang sabihin. Isa lang ang pumapasok sa akin kapag makikita ko ang nangungusap na mga mata ni Auntie Kristin, nerbyos, kaba at takot.

Natatakot ako dahil wala pa siyang alam tungkol sa amin ng anak niyang si Vincent. Natatakot ako dahil nabanggit niya noon sa akin na gusto niyang makilala ko ang bunso niyang si Terrence. Wala siyang kinumpirma sa kung bakit niya gustong makilala ko ang anak niya pero sa iisang bagay lang humahantong ang pag-iisip ko ng mga dahilan. Iyon ay dahil gusto niya ako para sa bunso niya. Hindi iyon malabong mangyari. At kung anong dahilan ay wala akong alam.

Ayoko lang isipin na baka dahil ako ang anak ng mga magulang ko, dahil ako ang tagapagmana ng mga Buenzalido-Santos kaya niya ako gusto.

Umiling ako sa isipin. Hindi. Hindi naman siguro ganoon iyon. Sitwasyon ng mga mayayaman iyon pero hindi ako masasali dun.

Naglalakad ako sa FF building. Papunta akong hall kung saan nandoon ang lahat ng mananahi ng mga dinisenyo ko. Gusto kong magkaroon ng ibang ginagawa bukod sa pag-iisip ng kung anu-ano.

And there, I saw my designs. Ang gaganda na ng mga iyon. Nakiusap ako sa kanila na ako na ang bahala sa paglalagay ng finishing details kaya simple palang ang mga iyon. Lima na ang gawa at may lima pang hinihintay. Hindi ako nagkamali. Magaling nga ang Fortune Fashions. Tama lang na sa kanila ako nagtiwala. ‘

“Ms. Ella.” Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nakita ko si Nerissa sa isang tabi habang may hawak na notebook. Siya na ata ang taga check ng mga kailangan pang gawin pagdating sa pagtatahi ng mga gowns.

Lumapit ako sa kanya. “Nerissa, how are you?” tanong ko sa kanya. Hiwalay na ang opisina nina Nerissa at Cody kaya hindi ko na sila madalas makita.

Binigyan na sila ni DB ng kani-kanilang trabaho. Naalala ko tuloy ang ibang empleyado ko sa New York. Nami-miss ko na sila.

“Ito po, maayos naman.” Sagot niya. Nakita ko ang mga ginagawa niya.

“Ikaw ang taga-bilang ng mga telang nagamit?” tanong ko sa kanya na tinanguan niya.

“Opo. Hindi naiba sa trabaho ko nun sa inyo.” Ngiti niya. Tumango ako sa kanya.

“Si Cody? Hindi ko siya nakikita?” tanong ko.

“Kasama po siya ng mga designers ng sports wear.”

Napatango ako nang maalala na ngayon ang photoshoot ng mga ito. Kaming mga para sa bridal gowns ay next week na gagawin. At dahil nandito si Nerissa, mukhang kasama siya sa team namin.

“Oh. Kasama pala kita next week. Buti naman at may close ako kahit papano?” komportableng sabi ko sa kanya. Hindi ko naman kasi empleyado lang si Nerissa. Kaibigan ko rin siya.

“Ah, Ms. Ella, nabalitaan ko pong nandito na si Sir Zac?” hindi siya makatingin sa akin nang tanungin iyan.

Maloko akong ngumiti nang mapansin ang pamumula ng pisngi niya. “Yes. But we haven’t seen each other since last week. Pero ang alam ko magkikita kami this Friday. Wanna come? Kayo ni Cody?” ngumisi ako nang mas lalo siyang mamula. Ngayon ko lang ito napansin kay Nerissa. May hindi ba ako alam sa kanya?

“A-ah… S-sige po, Ms. Ella.” Ngiti niya.

Pumalakpak ako sa pagpayag niya. “Okay. Sasabihin ko 'yan sa kanya.” Masiglang sabi ko sa kanya.

Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko mapigilang ma-excite sa pagkikita naming magkakaibigan. Noon sa New York, parati kami sa bar ni Zac. Masaya silang kasama. Lalo na ang mga katrabaho ko. Naalala ko tuloy nang huli kaming magkasama-samang magkakaibigan. Ang tagal na rin.

Nasa kwarto ako at kakatapos lang maligo nang mag-ring ang cellphone ko. Napangiti agad ako at na-excite nang makitang si Vincent ang tumatawag sa akin. Ilang araw na rin kaming puro tawagan lang dahil sa busy ang bawat isa.

“Vincent!” sagot ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang malawak na ngiti ko.

“Hey! You sound happy?” sabi niya. May saya sa boses niya. “Is that because of me?” ngumuso agad ako sa pamimiro niya.

“Is everything because of you?” biro ko rin sa kanya na agad ko namang binawi. “Joke lang.” nangiti ako nang marinig ko ang tikhim niya.

“So, it’s because of me?” tanong ulit niya.

“Oo na po. Dahil sa’yo. 'Yong kalahati.” Kinagat ko ang labi para mapigil ang tawa ko.

“Hmp. Kalahati lang? Sino 'yong kalahati pa?” tanong naman niya. Nakikinita ko na ang mahabang nguso niya.

“Magkikita-kita kasi kami ng mga kaibigan ko. Sila Zac, Nerissa at Cody—”

“Wait, wait! Zac?” nahimigan ko ang irita sa boses niya.

“Oo. Si Zac. Bakit?”

 

“Why are you seeing him again?” tanong niya na nagpasalubong ng kilay ko.

“Bakit? Bawal ba?”

 

“Hindi naman. Kaya lang…” bumuntong hininga siya. Gumapang ako sa kama at sumandal sa headboard.

Kahit hindi niya sabihin, alam ko na ang dahilan niya. Pero hindi naman niya kailangang magselos kay Zac. Sasabihin ko na dapat ang tungkol sa bagay na ito nang maunahan niya akong magsalita.

“Can I come?” nagulat ako sa tinanong niya.

Can he come? Hindi ba’t sikreto muna ang relasyon namin?

“P-pero, Vincent, nag-usap na tayo 'di ba? Sikreto muna?” kinabahan ako nang hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Nagalit nanaman kaya siya? “V-vincent?”

 

“Mika… Kahit ba sa mga kaibigan mo hindi mo pwedeng sabihin? That Zac already saw us kissing. So alam na niya. And your other friends…”

“Vincent? Please?” pakiusap ko na.

Malakas ang hanging binuga niya at rinig na rinig ko iyon. “Alright.” Malamig na sabi niya.

Nakonsensya naman agad ako dahil sa tono niya. “Vincent naman, e.” nag-isip pa ako kung itutuloy ko ba ang naiisip ko. “Sige na nga, pumunta ka na rin. But don’t come near us.”

 

“So, I’ll just stare from afar?” napangiti ako sa tanong niya.

Tumango ako. “That’s a good idea. Titingnan mo lang kami sa malayo. Ako nang bahalang hanapin ka.”

Narinig ko ang mahinang tawa niya. “Sana kapag tumitig na ako sa’yo, halikan mo rin ako.” Sabi niya. Agad na nag-init ang pisngi ko.

“Vincent!” Suway ko sa kanya.

“Okay.” Saglit pa siyang tumawa at tumigil para magsalita. “Tumawag lang ako just to check on you. Hindi muna tayo pwedeng magkita.” Nabahala ako sa sinabi niya.

“Huh? Bakit naman?”

“So you will miss me.” Napanguso ako. Pinipigilan ko lang ang mapangiti dahil nagmumukha na akong tanga rito.

Niyakap ko nalang ang unan ko.

“Baka ikaw ang makaka-miss. Kaya ka nga tumawag, e. Kasi na-miss mo ako.”

Bumuntong hinga siya at tumawa. “You win. Oo na. Namim-miss na nga kita. Gusto na kitang makita ulit. Can you come outside your gate again?”

“You’re there?” napatayo ako. Napatingin ako sa bintana kahit imposible naman na makita ko siya roon.

“Uh-huh.”

 

“Sige sige, pupunta ako.” Tiningnan ko ang suot ko at naalalang ayaw nga pala ni Vincent ang ganitong klase damit. “Magbibihis lang ako.”

“I’ll wait for you, Mika.” Pagkasabi niya nun ay tinapos na niya ang tawag.

Nagmamadali akong nagpalit ng damit at nagtatakbo sa pintuan.

Pagbukas ko ay halos mapatalon at napatili ako sa gulat nang makita ang malaking bulto ni Lolo sa harap ko.

“Lolo!” nasapo ko ang dibdib. “God, you scared me.” Hingal na sabi ko.

Umiling siya at tinawanan ang gulat kong itsura.

“Going somewhere?” tanong niya matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa.

Umiling agad ako. “H-hindi po.” Napatingin ako sa bintana at sa cellphone na hawak ko. Tinago ko iyon sa likod ko.

“Pwede ba kitang makausap?” tanong niya sa akin. Mas lalo kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng kwarto.

“Tungkol po saan?” inangat ko ang ulo para makita ang mukha ni Lolo. Nakangiti siya sa akin at sa mga tingin palang niya ay mukhang may maganda siyang sasabihin sa akin. Napangiti na rin ako.

Nagkibit balikat siya. “Let’s talk while having dinner.” Pagkasabi nun ay nilahad ni Lolo ang kamay para mahawakan ako. Sabay kaming bumaba ng hagdan. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
26.9K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...
4.5K 729 34
Violet fell in love with her brother's best friend but there's a catch...They have a secret past. [COMPLETED]