BROKEN STRINGS (COMPLETED)

By SweetKitkat

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... More

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #11: CHERRYPOP
BS #12: MORNING SUPRISE
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #14: DESPERATE ASSH-LE
BS #15: AYAW PA
BS #15.5: COLD AS ICE
BS #16: KWARTO NIYA
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #27: SURRENDER
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND

401K 5.2K 895
By SweetKitkat

BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND

*******

MELISSA QUIZON

Seryoso ang mukha nito. "Tell me, yung bata sa litrato, siya ba ang anak ko?"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Malakas kong hinaklit ang braso ko na hawak nito. Nang mabawi ko na ang braso ko ay tuluyan na akong humarap dito. Seryoso itong nakatingin sa akin, walang bahid pagsisisi sa mga mata nito.

"Wait? Anak mo?" Kunot-noo kong sabi. Ibinaba ko yung hawak kong picture frame sa pinakamalapit na table sa akin at pagkatapos ay muli ko itong hinarap. "Hindi ba bumaligtad yung sikmura mo nung sinabi mo 'yun?"

Sinigurado kong mararamdaman niya ang insulto sa sinabi ko. Wala akong pakielam kahit na mainsulto siya. Bakit? Noon ba may pakielam siya sa amin?!

"Melissa.." Nagtangka itong lumapit sa akin ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Hanggang diyan ka lang." Nahihirapan akong banggitin ang pangalan nito. Sa tingin ko kasi kapag binaggit ko iyon, paniguradong hindi na ako makakahinga. "Kapag lumapit ka, ihahampas ko lahat ng pwede kong ihampas sayo." Tumingin ako sa paligid at itinuro ang mga gamit. "Madami akong choice dito."

Tumigil ito at nagbuntong-hininga. Nag-igting ang panga nito. "Melissa, ang gusto ko lang naman malaman ay kung siya ba ang anak----" NO! Anak ko lang si Reid!

"'Wag mo ng ituloy." Hindi ko napigilang magtaas ng boses. BUmuntong hininga ako at nagbilang ng sampu bago ito malamig na tiningnan. "Alam mo, bilib ako sa kapal ng mukha mo. Ang kapal talaga. Mahihiya ang encyclopedia, o."

Tama 'yan, Melissa. Laban pa.

"Hindi mo na ako kailangan pang insultuhin, Melissa. Oo lang at hindi ang isasagot mo. Si Reid ba ang anak ko?!" Madiin at ma-awtoridad nitong sabi. Nag-init ang ulo ko sa tono ng boses nito. Ang kapal talaga ng mukha niya!

"Wala kang karapatang utusan ako! Nasa teritoryo kita, Wright!" This time sinadya ko ng lakasan ang boses ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil gigil na gigil na ako sa walanghiyang lalaki na ito.

"Wala akong pakielam! Si Reid ba ang anak k----"

"Wala kang anak sa akin, Wright!" Hindi ko na ito pinatapos. Galit ko itong tiningnan. Bumabalik na mga masasakit na alaala na iniwan niya sa akin. Yung panahong iniwan niya ako sa ere, yung ginawa niyang pagloko sa akin, yung mga panahong ipinalalaglag niya ang anak namin. "Ipinalaglag mo, 'diba? Ipinalaglag mo dahil wala kang kwentang tao!"

Bumabalik na naman sa isip ko yung mga salitang binitawan niya sa akin. Shit! Ang sakit pa din!

Break na tayo.

Akin ba yan?

So, ano ang hinihingi mo ngayon? Pera? Pangtustos?

Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry.

Ipalaglag mo yan.

Kung hindi mo iyan ipapalaglag. Hindi ko rin iyan pananagutan.

Ipalaglag mo iyan. Sagot ko ang lahat ng gastos. mas maliit ang gastos n'un kaysa magpalaki ng bata, Melissa. Your choice.

Napapikit ako dahil sa mga naalala ko. Ayoko na! Please! Ayoko ng maalala ang sakit na dinulot nito sa akin. Lumunok ako ng maraming beses para mapigilan ang luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Dumilat akong muli, matapang kong sinalubong ang galit sa mga mata nito.

"Binigyan kita ng choice noon. Kung ipapalaglag mo ba o hindi. Pero, sabi mo ayaw mo. Ngayon, tinatanong kita!" Balik nitong sigaw sa akin. DAMN YOU!!

"Siya ang anak KO! Anak ko lang! Akin lang! Ipinalaglag ko na ang anak mo noon!" Hindi ko na mapigilang ilabas ang galit ko. Ang kapal ng mukha niya! Alam kong mapula na rin ang mukha ko dahil sa galit. Gusto ko siyang hampasin ng hampasin para maibsan ang galit na nararamdaman ko. Nalalasahan ko na rin ang kaunting dugo dahil aksidenteng nakakagat ko iyon kapag nagsasalita si Wright. "Wala kang anak sa akin. Dahil ikaw na mismo ang pumatay sa kanya. At ano ang karapatan mong angkinin siya ngayon? Ano ang karapatan mo, ha, Wright?"

Lumambot ang ekspresyon nito. Napaatras ako nang abutin niya ako ng kanang kamay niya. "Melissa.."

"'Wag mo akong hawakan! Pinandidirihan kita!"

Nakikita ko sa mga mata niya ang paghihirap ngunit pinanatili ko ang matigas kong ekspresyon. "Please.. Just---"

Tumalikod ako dito at saka ko tinakpan ng mga kamay ang tainga ko. "Nasabi ko na! Hindi mo anak si Reid! Hindi mo siya anak!"

May mga brasong pumaikot sa bewang ko. Ang mga kamay ko na kanina ay nakatakip sa mga tainga ko ngayon ay malaya ng hinahampas ang braso ni Wright na nakapaikot sa bewang ko. Kinurot-kurot at hinampas-hampas ko pa ang iyon para lang makawala. Marahas niya akong iniharap sa kanya.

"Melissa! Bullshit!" May determinasyon sa boses nito. Mas hinigpitan nito ang paghawak sa braso ko. "I know he's mine!"

Nagpumiglas ako. Para akong napapaso sa klase ng paghawak niya sa akin. "Ano ba! Tigilan mo na ako!"

Nang bitawan niya ako ay agad akong umatras palayo sa kanya. Ano ba kasi ang kailangan niya sa anak ko?! Pagkatapos niya kaming iwan at magpakasarap sa ibang bansa, babalik siya para lang bawiin ang anak ko? Hindi kaya.. kaya siya bumalik dito ay para kunin ang anak ko?!

Kailangan ko ng itago si Reid.

"Malalaman ko rin ang totoo, Melissa." Seryosong sabi nito. "Sa ngayon, hahayaan na muna kita. Hindi pa tayo tapos."

Dumaan siya sa gilid ko. Hindi ko ito nilingon hanggang sa marinig ko ang paglapat ng pinto. Hinatak ko yung upuan ng co-teacher ko saka nanghihinang umupo doon. Pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas dahil sa mga sinasabi ni Wright. Nakaramdamam ako ng takot. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag kinuha niya sa akin ang anak ko.

Unti-unting pumasok ang mga co-teachers ko kaya madali kong inayos ang sarili ko na parang walang nangyari. Inuusisa nila ako kung ano ang sinabi sa akin ng isang sikat na taong katulad ni Wright, ang sinabi ko nalang ay yung tungkol sa biglaang pagsara ko ng pinto nung nakita ko siya. Mukha namang nakumbisi ko ang ilan ngunit sila Ellyza naman ay parang hindi. Nginitian ko lang ang mga ito saka kinuha ang bag ko at lumabas ng faculty.

Dahil sa panglalata at pagkalito ay pinili kong um-absent nalang. Mentally and physically unstable ako. Malalim ang iniisip ko hanggang sa makapunta ako ng ospital ni Eugene. Siya ang alam kong makakatulong sa problema ko.

Pinaupo ako ng secretarya nito sa loob ng opisina ni Eugene. Kilala na kasi nila ako dahil pinakilala ako sa kanila ni Eugene noon. Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table nito. Dumukdok ako sa lamesa at saka pumikit. Inalala ko ang pag-uusap namin ni Wright kanina. Parang may tumutusok na maraming karayom sa puso ko.

"Parang ang laki ng problema mo, a?"

Iniangat ko ang mukha ko at tumingin sa may pinto. naroon si Eugene. Nakasandal ito sa hamba at nakapamulsa ang dalawang kamay sa white coat nito May nakasabit din na stetoscope sa leeg nito. Kaya maraming pasyente ang gusto itong maging OB-Gyne,e, napakagwapo talaga!

Nginitian ko ito pero hindi iyon umabot sa mata. "Hi. Naistorbo ba kita?"

Isinarado nito ang pinto at saka umupo sa upuan sa harap ko. Hinawakan nito ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad ko. "Kung ikaw ang bibisita sa akin, hindi nakakaistorbo."

Napatingin kami sa may pinto nang bumukas iyon. Pumasok ang sekretarya nito na may hawak ng supot ng Starbucks.

"Doc, eto na po yung pinapabili niyo." Lumapit si Eugene sa kanya saka kinuha ang mga iyon. Pagkatapos nitong magpasalamat ay lumabas na ang sekretarya nito.

Nang ilabas nito ang mga milkshakes sa supot ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Binigay niya iyon sakin at agad ko rin namang tinaggap. "Wow. Thanks."

Umupo siya sa harap ko saka hinigod ang milkshake. "Ilabas mo na iyan, baka maka-LBM ka pa."

"Okay lang. Nasa ospital naman ako." Natatawa kong sabi pagkatapos inumin yung milkshake. Tinitigan ko yung kamay ko na may hawak ng cup.

"Ubos na ang gamot namin sa LBM. O, baka naman hindi gamot sa LBM ang gusto mo?" Napaupo ako ng tuwid at napatingin kay Eugene.

"N-Nag... Nagkaharap kami ni Wright kanina."

"I see." Huminga ito ng malalim. Binaba nito yung cup sa ibabaw ng lamesa niya at saka hinawakan ang kamay ko. "And then..?"

Kinuwento ko ang lahat ng nagyari kanina. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ako nahirapang ikuwento iyon kay Eugene. "Tapos.. Pagkapasok ko sa faculty namin, nandun siya.. Hawak yung.. Picture namin ni Reid. Tinanong niya kung.. Si Reid ba yung anak niya."

"At syempre dahil galit na galit ka sa kanya, sinabi mong hindi."

"Tama!"

Napailing ito. Kumunot ang noo ko sa klase ng ginawa niya. Parang na-disappoint siya sa ginawa ko. "Hindi tanga si Wright, Mel."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin mo ba, hindi niya nahalata ang pagkakamukha nila ni Reid?" Iniasog niya ng kaunti ang upuan niya sa akin at iniabot ang balikat ko. "'Wag mong lokohin ang sarili mo, Mel."

Kumakampi siya kay Wright?! Muling umusbong ang inis ko.

Ibinaba ko ang cup sa lamesa nito at pagkatapos ay inalis ang kamay nito sa balikat ko. "Anong gusto mong gawin ko?! Sasabihin ko na, anak niya si Reid. Ibigay sa kanya ang karapatang gusto niya? Punyemas! Gusto niyang ipalaglag ko n'on si Reid dahil ayaw niya akong panagutan!"

Tumayo ako. Nagpalakad ako sa harap nito. Wala na akong kakampi?! Shit! Akala ko ba galit si Eugene kay Wright? Bakit ang nangyayari ay kumakampi ito sa taong nanloko at nanakit sa akin!

Tumayo na rin ito. "Melissa, calm down."

"No! I can't believe it! Akala ko nasa side kita, Eu." Hindi ko makapaniwalang sabi. Naguguluhan na ako. Ako na yung sinaktan at iniwan, ako pa yung mali. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko, agad ko iyong pinahid. "In-expect mo na tatanggapin ko si Wright with open arms?! I won't! Hindi ko kayang tanggapin yung taong nagbasura sa amin!"

NIyakap ako ng mahigpit ni Eugene. Hinimas nito ang buhok ko. Iniikot ko ang mga braso ko sa bewang nito. "Stop crying, Mel. I'm sorry."

"Hindi ko kaya. Masakit pa din. Ang sakit-sakit pa din." Hikbi ko.

"Ssshh.. Alam ko. Hindi naman mawawala iyon. Pero nandito ako, Mel, handa akong buuin kang muli!"

"You can mend the pieces together, yet it won't be the same again." Wright wrecks me. Wala na siyang tinirang buo sa akin, ano pa ang maibibigay ko kay Eugene?

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Pinakalma ko ang sarili ko bago tumingala rito. Pinagmasdan ko ang nag-aalalang mukha ni Eugene. Itinaas nito ang kamay saka pinahid ang mga luha na nasa pisngi at mga mata ko.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. Napapikit ako.

"Eu.. Anong gagawin ko.."

"Nasa tamang-edad ka na, Mel. Ano ba sa tingin mo ang tama?" Bulong nito.

Dumilat ako. "I don't know anymore."

Hinalikan niya ako sa noo. "I'm here. I'll protect you and Reid. Mahal ko kayo, e."

"Thank you." Tumingkayad ako at saka hinalikan ito sa pisngi. "Mahal ka rin namin ni Reid. Mahal ka namin, Eugene."

"Yeah.. We're family." Ngumiti ito. "'Wag ka ng umiyak. Mukha kang oso'ng 'di naliligo."

"Paano mo nalamang 'di naliligo ang oso?"

"Lahat ng gwapo alam 'yun."

"Lakas ng tama mo." Natatawa kong sabi. Ito ang gusto ko kay Eugene, napapagaan niya ang loob ko. Siguro hindi ako manghihinayang kung mamahalin ko siya. Siguro hindi ako masasaktan kung siya ang minahal ko. "Madami ka na naman nasinghot na--"

Inilagay nito ang hintuturo sa labi ko. "Oops! Restricted na 'yan. Baka may makarinig sa'yo, masira ang magandang imahe ko."

Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pinto. Nang bumukas iyon ay pumasok ang sekretarya nito. Bata pa ang sekretarya ni Eugene, pero kahit na ang lagi nitong kasama ay ang pinakapoging doctor ay hindi mo siya kakikitaan ng paghanga kay Eugene. Blangko at malamig ang ekspresyon nito, parang palaging seryoso, kaya siguro siya ang kinuha ni Eugene bilang sekretarya niya. "Doc, oras na po para sa check up ng isang pasyente niyo."

"Yes. Susunod na ko." Tumango si Eugene. Nang lumabas na ang sekretarya nito muli siyang tumingin sa akin. "May pupuntahan ka mamayang gabi?"

"Oo. May gig kami nila Crissa ng Ten O'clock." Sagot ko. Narecieve ko yung text sa akin ni Crissa habang papunta ako sa opisina ni Eugene.

"Ah. Iyon ang tapos ng duty ko. Susunduin kita."

"Ha? 'Wag na. Pagod ka n'un. Magpahinga ka nalang. Kaya ko ang sarili ko." Kailangan niyang magpahinga saka masyado ko na siyang inaabala.

"I insist." Hinaplos nito ag pisngi ko. Bumaba ang mukha nito at marahang akong hinalikan sa pisngi. "See you."

"Okay."

------------

UNEDITED! Salamat sa mga sumagot sa tanong ko kahit na yung iba sa inyo ee nainis sa akin dahil akala nila update iyon.. Na-curious lang naman kasi ako..

UPLOADED:MAY 13, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

Continue Reading

You'll Also Like

31.1K 1.5K 21
Spin-off of My Not So Ideal Man Classmates Series Book 1 Noong high school ay may crush si Owen kay Jeraldine, hence, the "Crushmate" endearment. Per...
739K 15.9K 18
(Finished) To everyone, I'm the famous womanizer and for all those years, she thought I played her heart because of the bet. No, I didn't. In fact, s...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
160K 4.6K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.