The next day...
ZAI'S POV
Kinakalikot ko ang aking computer para itrace ang pinsan ni Vexia. Loka rina kasi ang babaeng to. Hindi man lang hiningi ang number ng pinsan niya kay Zia Ninni para hindi na ako naghahanap ngayon ng number. Booset. Sabagay alam naman niya kasi nandito ako kaya bakit pa siya magaaksaya ng oras para tanungin ang sariling ina para sa pesteng number na yon. After a minute nakuha ko na ang number ni Cloyd Cedrick Romagnoli.
*Phone rings*
Tagal naman sagutin.
[Hello] sabi ng boses lalaki, i mean lalaki talaga sa kabilang linya.
"Yes. Is this Cloyd Cedrick Romagnoli?" Tanong ko.
[Speaking. Who are you?]
*arogante!*
"I'm Zai. Vexia's friend, your cousin." Sagot ko.
[W-W-What? Vexia? Really? Where is she? Tell her to meet me tomorrow in our school! I'll hung up. Thanks Bye!]
Wow! Just Wow! He just dropped the call like that. At kung makapagsalita akala mo ako ang sekretarya niya! Nako kung hindi lang very masculine ang bos-- what? What the eff am i thinking about? Fine! I'll search the School! Ugh!
VEXIA'S POV
Kumakain ako ng mangga with alamang ngayon kasama si Gael. Sana hindi yan magtae kasi first time niyang kumain ng ganyang food. Ambaboy kumain ng babaeng 'to. Pero namiss ko talaga ang mangga!! Ilang taon na akong hindi nakakatikim neto!
"Vex! I was on the phone with your cousin err Cloyd Cedrick Romagnoli" Sabi ni Zai habang nakatingin sa manggang kinakain namin.
"Poi?" (Then) Sagot ko bago isubo ang mangga. In a flash sumusubo na rin siya.
"Ooohhh! Yummyness!!" Sabi niya habang kumakagat ulit ng mangga.
"What? Talk!" Naiinis kong sabi. Kakausapin ako tas hindi itutuloy? Lokohan?
"Wait! *subo* he said *nguya* that we're going *subo* to meet him *nguya* tomorrow" sabi niya at kumukuha nanaman ng slice ng mangga.
Tumigil na ako sa pagsubo kasi binaboy na nila ang sawsawang alamang.
"Chi è?"(Who?) Gael asked while cleaning her mouth then drink her orange juice.
Tinignan ko siya ng disgusting look. Magtatae yan tiyak!
"Hey! Wag kang uminom ng juice after kumain nito! *pinakita ang mangga with alamang* Magrarambulan ang mga intestines mo!" Babala ni Zai sa kanya sabay subo ulit.
"Non ho capito" (I didn't understand) sabi niya kay Zai.
"In short, magtatae ka" sagot ko ag bumuntong hininga.
"So? Ta ta e lung nahmann indi mammatai" nakahalukipkip na sagot ni Gael.
"Whatever Gael." Sabi ko.
"Allora Zai? Hindi ka pa ba tapos lumamon diyan? Nabobored na ako sayo" (Well) walang gana kong tanong kay Zai.
"Like what i've said. We'll meet him tomorrow at Leonardo Da Vinci, your old school" sagot ni Zai sa akin pero hindi pa rin paawat sa pagkain ng mangga.
Well Gael may kasama ka nang magkakaLBM.
"Ok" sagot ko at tumayo na ako para kunin ang jacket ko sa kwarto. Nakasalubong ko si Clei sa hallway.
"San ka pupunta?" Tanong niya.
"Somewhere" walang ganang kong sagot.
"Okay. Just be here before dinner" sabi niya na may lungkot sa kanyang mga mata.
Nilampasan ko na siya at dali daling pinindot ang down button ng lift. Yes lift inside the Mansion. Tss
*TING!*
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang -1 (garage) Binuksan ko ang isa sa mga pinto ng kotse doon pero nakalock. Tinatamad na akong bumalik sa taas kaya Vexia Moves On. Kinuha ko ang matulis at malamig na bagay na iyon mula sa aking jacket at *click* easy as 1..2..3.. Pumasok ako sa kotse at pinaharurot ito.
Nilapag ko ang bouquet ng white roses at nagsindi ng kandila. Ilang taon narin ba ang nakalipas simula noong huli kong nakita ang mausoleum na ito? Nanginginig kong hinawakan ang mga letrang nakaukit dito.
Rennècy Kikah Rebecchini
Tumingin ako sa itaas para pigilan ang luhang nagbabantang tumulo. Nararamdaman ko parin ang sakit sa aking puso habang iniisip ko ang mga nangyari noon.
"I miss you Rennè" bulong ko sa kawalan. "Sorry. It took me so long to see you again" dagdag ko habang lumuluhod ako sa harapan ng lapida.
A/N *Rennècy is pronounced as Ren-nek-si*
SOMEONE'S POV
"Bye Dad" bulong ko sa kawalan.
Mabibigat ang aking mga hakbang para lisanin ang lugar na ito. Alis singko na nang hapon pero mainit parin puta. Naglalakad na ako palayo pero teka, sa tagal kong binibisita si Dad ngayon ko lang nakitang bukas ang gate ng mausoleum na ito ah. Hmmm, malamang may tao.
*silip* *silip*
DUG DUG DUG DUG
Bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko? Minumulto ba ako? Tsk. Ambading ko naman yata ngayon.
O______O
May babae! Mahaba ang kulot na buhok at kulay brown? Este black and brown? Black tapos brown? Ombre? Ombre ang tawag dun diba? Hoy! Hindi ako bading! Trending iyan instagram! Tsk. Maputi! Waaaaaaa!!! White Lady!!! Pero teka! May White Lady bang naka ombre hair at leather jacket? Shete, liningon ako ng babae. Nakakatakot ang mga tingin niya pero ano 'yon? May halong lungot? Malamang nasa sementeryo.
Bigla siyang tumayo at humarap sa akin.
O______O
ANG GANDAAAAAAAAAA NIYAAAAA!!!
DUG DUG DUG DUG
Papalapit na siya sa akin. Bakit nanginginig ako? Pinagpapawisan ako ng malamig pero bakit malamig? Mainit kaya? Shete! Ang ganda niya talaga ^_____^
BLAAAAAAG
Nagulat ako sa padabog niyang pagsara ng gate. At.... Nilagpasan niya LANG ako??? Ano ako? Hangin?!
VEXIA'S POV
Dumirecho ako sa isang ice cream parlor pagkatapos kong bumisita kay Ren. Pampawala ng sakit na nararamdaman, pamparelax at pantawid gutom. Kumain lang ako ng kumain hanggang magsawa ako. Paglabas ko ng ice cream parlor nang biglang nahagilap ng mga mata ko ang isang flower shop. Tumawid ako ng kalsada.
"Good Evening Ma'am" bati sa akin ng matandang lalaki.
Tumango lang ako bilang sagot. Tumingin tingin ako sa mga bulaklak, may roses, tulips, marigold, daisy, gardenia at marami pang iba.
"May tinda kayong Camellia?" Tanong ko sa matanda.
"Sandali po Ma'am, titignan ko lang po" sagot niya.
Sana naman may Camellia siyang tinda. Bibilhin ko kahit ano pang halaga.
After 5 minutes...
Bumalik ang matanda at may dalang isang paso.
"Eto po Ma'am, pasensya po at medyo natagalan" sabi niya.
Napangiti naman ako sa nakita ko. Agad akong kumuha ng pera sa bag ko at inabot sa kanya. Kinuha ko agad ang paso sa kamay niya at tumalikod na ako.
"Ma'am, teka lang po. Sobra po ito" narinig ko ulit ang boses ng matanda.
Lumingon ako sa matanda at ngumiti ng matamis. Ngumiti ako dahil pinangiti niya ako. Umuwi akong Mansion at dumirecho agad sa balcony ng kwarto ko. Nilagay ko doon ang paso at nilagyan ng puting lasos. Napapangiti ako sa ginagawa ko. Nakakamis din pala ang mag alaga ng halaman. Simula kasi nang mamatay ang kakambal ko ay hindi na ako humawak ng halaman. Umupo ako at sumadal sa pader at linaro laro ang dahon nito.
"Vexia!" Rinig kong sigaw ni Clei.
"Sì! Dimmi" (Yes. Tell me) Sigaw ko.
"Dove sei?" (Where are you? ) tanong niya.
"Al balcone" (At the balcony) Sagot ko.
Nakarinig ako ng mga yabag at pagbukas ng sliding door.
"Vieni. È ora di cena" (Come. Its time for dinner) sabi niya.
Hindi ko siya liningon at bumuntong hininga lang ako. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo.
"Matagal ding hindi kita nakitang mag alaga o humawak man lang ng halaman." Nakangiting sabi niya sa akin.
Ngumiti lang ako ng tipid. "Sì" (Yes) "è vero" (its true) dugtong ko.
Isa si Clei sa nakasaksi kung gaano ako mamatay at mabuhay muli sa pagkawala ni Rennè. Halos mabaliw ako dahil sa nangyari, kasabay ng pagkamatay niya ay namatay narin ang isang bahagi ng pagkatao ko. Walong taon na ang nakalipas pero hindi parin ako kumpleto. May kulang at hindi ko alam kung kailan ulit maibabalik ang dating Vexia na masayahin at palangiti.
Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil ito.
"Halika na" sabi niya at hinila ako patayo.