Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 31

5.7K 104 5
By PollyNomial

KABANATA 31 — Tagal

Pinipilit kong iwasan sa usapan namin ni Zac ang tungkol kay Vincent. Nakokonsesya kasi ako para sa best friend ko. Hindi naman lingid sa kaalam ko ang pagkakaroon niya ng gusto sa akin. Madalas siyang magpahiwatig mula pa noon. Ngunit hindi naman ako nagkulang ng pagpapaalala at pagpapahiwatig rinsa kanya na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa. I just hope he understood everything. Gayun pa man ay nagi-guilty pa rin ako. Pakiramdam ko, nagkulang ako.

Sinabi kong gusto ko munang pansamantalang itago ang relasyon namin ni Vincent. Ngunit ngayon, may isa nang nakakaalam. Ang best friend ko pa na matagal nang nagsabi sa akin na may gusto siya sa akin.

Tiningnan ko si Zac. Nakatingin siya sa malaking family portrait namin dito sa sala ng bahay namin. Nakangiti siya habang nakatayo at nakatitig doon.

“Zac, coffee?” tanong ko sa kanya sabay lahad ng tray na hawak ko. May laman itong isang tasa ng kape na para kay Zac at baso ng juice na para sa akin.

Nakapamulsa siyang tumango sa akin at lumapit. Umupo kaming dalawa sa sofa.

“Gusto mo sa garden? Medyo mainit dito sa loob e. Doon mahangin.” Aya ko sa kanya. Napansin ko na kasi ang pamumula ng mukha niya. Ganyan siya kapag nae-expose sa initan. Hindi naman kasi siya sanay sa init ng Maynila.

“I’m okay. Dito nalang tayo.” Tiningnan niya ulit ang portrait namin nila Mommy at Daddy.

“You’re too young in that picture. Mas maganda ka pala nung bata?” nakakaloko niya akong binalingan.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang portrait na nakasabit ay kinuha noong kinse anyos palang ako kaya naman talagang malaki na ang pinagbago ng mukha ko. Kahit sila Mommy at Daddy ay ibang iba ang itsura sa portrait sa ngayon.

“When did you arrive?” sa halip na pansinin ang sinabi niya ay nagtanong nalang ako.

“Last night. I called you but no one’s answering. So I decided to just visit you here.” Naalala ko kung nasaan ako at ang mga nangyari kagabi.

Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko. Mabuti nalang at hindi nakatingin si Zac kundi ay magtatanong pa siya kung bakit ganito ako.

Kinagat ko ang labi at inisip kung sasabihin ko ba sa kanya kung nasaan ako kagabi.

“Naiwan ko kasi 'yong phone ko.” sabi ko nalang.

Mapanuri niya akong tiningnan. “You’re with him?” dumila para basain ang nanunuyot kong labi. Hindi na ata maiiwasang pag-usapan si Vincent gayung may alam na siya.

“Yeah.” Simpleng sagot ko. “K-kagabi… kami nagkabalikan.” Narinig ko agad ang buntong hinga niya.

“Oh yeah? How?” tiningnan ko siya.

Nakikiusap ang mga mata ko at sinasabing 'wag muna dahil hindi pa ako handang ikwento sa kanya. Yes, he is my best friend. It would be easy to tell the whole story because he is my best friend. But he is Zac. Hindi pwede. Ngayon pa’t alam ko ang nararamdaman niya.

Umiwas siya ng tingin. Kinuha niya ang kapeng nakapatong sa center table at ininom iyon.

“I understand if you don’t wanna talk about him with me. Mas maigi nga iyon e.” sabi niya nang nakataas ang gilid ng labi. Saglit siyang hindi ulit nagsalita matapos ay bumaling sa akin.

Nang ibalik niya ang tingin ay ibang ngiti na ang nasa kanyang mga labi.

“Actually, Dad sent me here. Magpapaalam na dapat ako sa kanya when he told me that I need to go back in the Philippines for the opening of his business here. I’m going to manage it.” Ngumisi siya.

Ako rin ay napa-o ang bibig dahil sa sinabi niya. “Really? Natuloy na pala 'yong plano ni Tito na mag-extend ng business niyo rito sa Pilipinas.” Sabi ko.

Ang alam ko kasi ay matagal na nilang plano iyon. Hindi lang matuloy dahil nahihirapan silang makakuha ng mga investors dito na mapagkakatiwalaan. Mahirap na dahil hindi malalagi rito ang tatay ni Zac. So, sa mga magiging kasosyo nito ipagkakatiwala ang kompanya kung sakali.

“Yeah. Finally. I’ll talk with the investors tomorrow. Then, hopefully next month, susunod na si Daddy para sa pagbubukas ng magiging kompanya namin dito.” Masayang balita niya sa akin.

“Congratulations, then.” Bati ko. Lumipat ako sa inuupuan niya at tinapik ang braso niya. “Looks like you’re excited?” sabi ko habang sinusuri ang mukha niya.

Hindi naman kasi tipo ni Zac ang maging interesado sa mga negosyo ng pamilya niya. He has his own businesses and his more interested in those than taking over his father’s company. Iba ata ngayon.

Ngumuso siya saka ngumiti. “I’m excited. Dahil dito na ako. But…” tumingin siya sa akin. Ako naman ay alam na agad ang pinupunto niya kaya nanahimik nalang ako.

Nang tingnan ko siyang muli ay hindi na siya sa akin nakatingin at saka kape nang hawak niya. Parang sa unang pagkakataon ay nawalan kami ng mapag-uusapan ni Zac. Parati, siya ang madaldal at makulit. Pero ngayon ay panay ang pananahimik niya.

Sinubukan kong baguhin ang topic naming dalawa. “Eh paano pala 'yong business mo?” tanong ko sa kanya. Pinasaya ko ang tono ng boses ko. Kasalungat sa guilt na nararamdaman ko.

“Ah 'yong mga bar ko? I left it to my co-owner. Maganda naman ang takbo e kaya wala o nandun man ako, it will be okay.” Panigurado niya.

“That’s good.” Tumango ako. Nawawalan nanaman ako ng sasabihin.

Binasa ko nalang si Zac. Nararamdaman din kaya niya ang awkwardness sa pagitan naming dalawa? Panay lang ang dila niya at kagat ng labi. Hindi rin naman niya ako tinitingnan manlang. Siguro ay nailang na rin siya dahil sa mga nalaman.

Tumikhim si Zac at nakita ko ang pag-igting ng bagang niya matapos at hinimas ang batok.

“I really can’t help this, Ella. I need to ask you this.” Tumingin siya sa akin.

Nakaupo na ako sa tabi niya kaya naman kitang kita ko ang pagngiwi niya.

“How?” nang tanungin niya iyon ay alam ko na agad ang tinutukoy niya. “You know what I’m referring to, right?” tanong niya ulit.

Tumango ako at lumunok.

“It just happened, Zac.” Sagot ko. “'Yong mga inakala ko noon, mali pala. He explained everything to me. And I am the one who was wrong.”

“I don’t know anything about your past, Ella. All I know is that you were hurt because of him.” Tinitigan niya ako. “I saw how hurt you are. I was at your side. Sigurado ka bang maayos na kayo ngayon?” Nahimigan ko ang concern sa boses niya.

Hindi ko sinabi kay Zac ang lahat. Kaya nga nahirapan din ako. It was very hard for me to just keep all these in myself. At dahil mali naman ang mga bagay na inakala ko, nagdesisyon akong 'wag na talagang sabihin kay Zac kahit ngayon pa. Nasaktan ako dahil lang sa sariling kagagawan ko. And telling him this will not changed anything. Ako ang nagkamali at hindi si Vincent. Ito lang ang dapat niyang malaman.

“It was an awful misunderstanding Zac. And it was my entire fault.” Ngumisi ako sa sarili ko. “I left him for nothing. Nasayang ko ang limang taon dahil lang sa walang kwentang bagay na inakala ko lang pala.” Malungkot na sabi ko pero ngumiti pa rin ako sa kanya. “But we’re okay now. Maayos na kaming dalawa and we already explained everything with each other.” Tiningnan ko siya.

Nakakaawa ang itsura ni Zac. Kung hindi ko siya kaibigan, makakaramdam pa rin ako ng awa sa kanya dahil sa pinapakita ng mga mata niya. I know he is hurting. Kahit hindi niya ipakita, alam kong nasasaktan siya.

But I have to do this, right? Para malaman na niyang hindi talaga kami pwedeng dalawa.

“Would you mind telling what misunderstanding it was, Ella?” tanong niya na inilingan ko.

“'Wag na, Zac. Tapos na naman e. Hindi na iyon mahalaga. What’s important is that…” Pinakita ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya. “Zac, I am happy now.” Naluluha pero nakangiting sabi ko. “Masaya akong nagkabalikan na kami. I… I hope you could be happy for me, too.” Pakiusap ko sa kanya.

Patawad, Zac. Pero kailangan ko itong ipaalam sa’yo.

Nahihiya man ako at nagi-guilty dahil sa hiling ko ito ay ginawa ko paring ipakiusap sa kanya. I need him to tell me that he’s happy for me. That’s the only assurance I can get. Patunay na hindi na siya magpupursigi sa akin kagaya ng ginagawa niya noon. Dahil noon at mas lalo ngayon, sigurado na akong hindi kami tutungo sa bagay na gusto niya para sa aming dalawa.

“Please, best friend?” tanong ko ulit. Umigting ang panga niya at nabasa ko ang hinanakit sa mga mata niya. Pero huli na para bawiin ko pa ang mga nasabi ko na.

“I-I don’t know.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “All I wanted was for you to be happy, Ella. I guess, he will be only man who could make you happy.” Malungkot ang boses niya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Namumuo ang luha kong tiningnan ang mga mata niya.

Dahan dahan siyang tumango. Nakapikit siya nang gawin niya iyon. Alam kong mahirap ito para sa kanya ngunit masaya ako dahil ginawa niya pa rin para sa akin. This man beside me is really amazing. Wala na akong ibang taong makikilala na katulad niya.

“T-thank you, Zac. Thank you…” sabi ko. Bumitaw ako sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya.

“All for you, Ella.” May pait ang mga mata niya nang ngumiti siya. Pero alam kong totoo iyon at talagang masaya na siya para sa akin. Nagpapasalamat ako sa mga ginawa niya.

Matapos nang pag-uusap namin ni Zac ay nagpaalam na siya sa akin. Aniya ay maghahanap pa raw siya ng hotel na pwede niyang matirhan ng matagalan hanggang sa mapagawa ang condo na pina-reserve niya bago siya umuwi ng Pilipinas. Wala naman akong mai-suggest sa kanya dahil hindi pa ako pamilyar sa mga magagandang hotel dito sa Maynila. Sabi niya, magpapatulong nalang siya sa pinsan niya.

“Ayaw mo bang dito na mag-dinner?” tanong ko sa kanya. “Para makilala mo ang parents ko. Dadating na 'yon, for sure.” Sabi ko pero umiling siya.

“Maybe next time.” Tumingin siya sa langit.

Nasa labas na kami. Pinaghalong yellow at orange na ang kalangitan dahil palubog na ang araw. Matagal tagal din palang naglagi si Zac dito sa bahay.

“Pagabi na. Hindi ko pa kabisado dito kaya tatawagan ko pa ang pinsan ko para magpatulong.” Aniya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi gaya ng parati niyang ginagawa kapag nagpapaalam na siya.

“I really have to go. I’ll see you again, Ella.” Sabi niya. Pinatunog na niya ang sasakyan at binuksan na ang pinto noon.

“Alright. Take care, Zac.” Kaway ko sa kanya.

“You, too.” Maloko niya akong tiningnan at sa tingin palang niyang iyon ay alam ko nang may double meaning siya.

Ngumiti ako at tumango. “Don’t worry. I will.” Sabi ko.

Kumaway na siya at saka sumakay ng kotse. Ilang saglit lang ay hindi ko na makita ang sasakyan niya.

Ngumiti ako sa sarili ko at pumasok na ng bahay.

“Kaibigan mo ba 'yon, Ella?” tanong sa akin ni Nanay Linda. Nasa sala kami at nililigpit niya ang mga pinag-inuman namin ni Zac. Tinulungan ko siya sa ginagawa.

“Opo, Nay.” Sabi ko sa kanya. “I met him in France.” Ani ko.

“Edi matagal tagal na pala kayong magkaibigan.” Sabi niya kasabay ng isang ngiti.

Nanliit ang mga mata ko. “Opo. Bakit po?” tanong ko.

“Iba siya kung makatingin sa’yo, anak. Manliligaw mo rin ba 'yon?” agad akong umiling sa sinabi ni Nanay Linda.

“Hindi po, Nay.” Ngiti ko. “Magkaibigan lang talaga kami.” Sa tingin ko ay naintindihan na agad ni Nanay ang tono ng pananalita ko dahil hindi na niya sinundan pa ang mga sinasabi ko.

Sumabay ako sa kanya sa pagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom.

“Ah, anak, kumusta pala ang trip mo?” nasamid ako sa iniinom nang magtanong si Nanay. “Hindi ba’t hanggang bukas pa dapat kayo roon?” tanong niya. Napailing ako sa sarili. Ang alam nga pala ni Nanay ay sumama ako sa mga empleyado ng FF. At hanggang bukas pa nga iyon.

“O-okay naman po, Nay.” Nag-isip ako ng palusot. “Maaga pong natapos ang trabaho kaya umuwi rin po kami.” Palusot ko na kahit ako ay hindi mapaniwalaan. Sa dami ng gagawin para sa shooting ng mga models, imposibleng matapos iyon ng isang araw lang.

“Mabuti naman.” Tumango si Nanay. “Napansin ko lang na 'yan ulit ang suot mo.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Marami naman akong nilagay na damit sa bag mo pero mukhang hindi ka ata nagpalit?” tanong niya na nagpadugo ata ng labi ko dahil sa kakakagat ko rito.

Magaling sa memorya si Nanay Linda at hindi ko siya madaling maloloko. Ayoko namang magulat siya sa pagsasabi ko ng totoo. Kaya imbes na magsinungaling pa ako at mabuking pa ay tumahimik nalang ako. Ngumisi ako kay Nanay Linda.

“Pagod po ako, Nay. Aakyat lang ako sa kwarto.” Paalam ko sa kanya na tinanguan naman niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya magtanong pa. Mabuti at wala si Nanay kanina dahil nag-grocery sila ng isa pang katulong. Hindi niya alam na umuwi ako nang hindi gamit ang kotse ko. At mukhang wala naman siyang alam na nandito lang sa bahay ang sasakyan ko dahil hindi niya ito nababanggit sa akin. May kinalaman kaya si Daddy dito?

Pagpanhik ko ng kwarto ay naligo kaagad ako at nagbihis ng mas preskong damit. Naka-spaghetti strap sando nalang ako at pajama. Gusto ko na rin naman magpahinga kaya ito na ang sinuot ko. Pagsilip ko sa bintana ng kwarto ay madilim na. Alas-siyete na rin kasi ng gabi. Hinanap ko ang cellphone ko at naalalang nasa kotse ko pala iyon.

Nasapo ko ang ulo nang matandaan ang binilin ni Vincent kanina.

Tatawagan niya nga pala ako!

Kinuha ko ang extrang susi sa drawer ko at nagtatakbo akong bumaba ng first floor palabas ng bahay. Nagpunta ako sa likod kung saan nakagarahe ang mga sasakyan namin.

Isa isa kong tiningnan ang anim na kotseng nandoon hanggang sa makita ko ang akin na nakaparada sa pinakadulo. Tumakbo ako roon at pinatunog iyon. Pagbukas ko ay nakita ko ang kapapatay lang na ilaw ng cellphone ko.

“Oh my gosh? Seventeen missed calls na? At may sampung text pa!” namimilog ang bibig kong binuksan ang lahat ng messages na nanggaling sa isang numero na hindi naka-rehistro sa phone.

Unknown Number:

Mika, this is Vincent. Why aren’t you answering my call?

Napailing ako habang binubuksan ang susunod na message.

Vincent:

Mika? What happened to you? Please answer my call.

At ang sumunod pa.

Vincent:

Hey, I’m worried. Answer me.

Ini-scroll ko at halos pareho pareho na ang mga message at ang naiba nalang ay ang pinakahuli na na-receive ko thirty minutes ago.

Vincent:

Are you still with that guy? Kaya ba hindi mo ako sinasagot?

Nahimigan ko na ang irita kung sakaling sinasabi ito ni Vincent. Inilingan kong muli ang sarili dahil sa katangahan ko. Bakit ko ba nakalimutang kunin muna ang cellphone ko rito? Ayan tuloy. Mukhang galit na siya.

Inisip ko kung tatawagan ko na ba siya para humingi ng tawad. Sasabihin ko nalang na nakalimutan kong kunin sa sasakyan ko ang cellphone. Sasabihin ko na rin na kausap at kasama ko si Zac kanina kaya hindi ko naalala. Hindi siguro siya magagalit dahil magsasabi naman ako ng totoo. Tama! 'Yon na nga lang ang gagawin ko.

Kakapain ko na sana ang call nang rumihistro ang numero ni Vincent habang tumutunog ang cellphone ko. Tumatawag na siya!

Agad kong sinagot ang tawag.

“Hello, Vincent?”

“Mika! Ba’t ngayon ka lang sumagot?” tanong agad niya sa akin. Narinig ko ang pag-aalala sa boses niya.

“Sorry. Nasa kotse ko 'tong phone e. Ngayon ko lang naalalang kunin. Naiwan ko kasi kahapon 'di ba?” paliwanag ko sa kanya.

“I thought something happened to you already.” Buntong hininga niya.

“Sorry talaga.” Ngumuso ako sa sarili.

“It’s okay.” Ilang saglit siyang tumahimik at akala ko pa ay nawala na siya.

“Are you still there, Vincent?” tanong ko.

“Uh-huh. Sorry. Nag-alala lang talaga ako. I’m just calming myself. Nataranta kasi ako. I thought you were mad at me.” Malamig ang boses na sabi niya.

Agad akong tumanggi. “What? Hindi ako galit. Ba’t ako magagalit?”

“I don’t know.” Narinig ko ang malalim na hinga niya. “Can you come here? I’m outside your gate.” Lumingon agad ako sa daan papuntang gate namin nang sabihin niya iyon.

“Asa labas ka? Okay. Hintayin mo lang ako ha?” sabi ko at nagtatakbo na. Nasa tenga ko pa rin ang cellphone habang tumatakbo ako papunta sa malayong gate namin. 

At sa ilang taong paninirahan ko rito, sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nairita dahil sa layo ng gate sa mismong bahay namin. Ang tagal ko tuloy makarating kay Vincent!

Continue Reading

You'll Also Like

508 77 39
SUITMAN SERIES 2 Charm Tempest Veridad, according to her, is the living Goddes of Perfection on earth. She's living an idyllic life anyone could wish...
26.9K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
5.1K 92 33
Alexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is...
5.1K 69 17
"Lahat kaya kong ibigay sa'yo kasi mahal kita." Started: May 13, 2018 Finished: August 26, 2018