Pregnant by my Boss

By Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... More

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 10

341K 6.1K 150
By Aver_Cris

Maaga akong nagising dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko 'yong sinabi ni Ken sa'kin. Kung makapagsabi ng gano'n ay parang madaling maging asawa niya. Dapat unang-una, mahal ko siya. Pangalawa, dapat tatagal pa kami as magkasintahan hindi 'yong biglang pasok sa mundo nang pagkakaroon ng asawa. It's a big ‘NO’ muna para sa'kin.

Maaga ko siyang pinagluto. Itlog and bacon ang ipapakain ko sa kanya ngayon. Nagsaing na rin ako pagkatapos at nagtimpla na ng kape para sa'ming dalawa. Hindi pa ayos ang ibang pinamili kaya mamaya, 'yon ang tatrabahunin ko.

Nang matapos na lahat ay pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto at ginising.

“Wake up, Del Valle!”

“Too early.” nakapikit niyang wika.

Nakadapa siya ngayon habang nakayakap sa unan. Swerte ng unan, ah. Parang gusto kong pumalit sa pwesto ng unan. Parang lang.

Nag-flex ang kanyang muscle dahil do'n. Tinapik ko siya sa kanyang braso ng malakas, 'd pwedeng hindi siya gumising ngayon. Lalamig ang pagkain na niluto ko.

“Gising na!”

“Anong oras na ba?”

“Around 6:30 a.m na.”

“Around 6:30 a.m pa pala, eh. It's too early, Ali! Mamaya ng 7:00 a.m, okay?”

“Pero may niluto na agad ako!”

Nagmulat siya at umupo muna sa kama. “Anong niluto mo?”

“Rice with eggs and bacon.”

“Sige. Hintayin mo ako sa dining area, maghihilamos lang ako.”

“Sure.” nauna na akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa dining area. Humigop muna ako ng kape habang naghihintay sa kanya.

Ilang minuto ang inabot bago siya magtungo rito. He's now wearing a boxer short and yeah, topless pa rin ang magaling. Naupo siya sa may harap ko at tahimik na kaming kumain. Tanging tunog ng kubyertos lang ang maririnig dito.

“Baka mamayang gabi ay alas onse na ako makauwi.” anito habang humihigop na ng kape ngayon. “H'wag mo na akong hintayin pa. Matulog ka nang maaga at kumain na.”

“Sige.”

“H'wag kang gaanong lalabas ng condo ko.” tumitig siya sa'kin. “Baka mapa'no ka pa. Wala ka pa namang cellphone pang-contact sa'kin.”

Tumango muli ako habang nanguya. Dinampot ko ang tasa at uminom ng kape.

“Ito pa, h'wag mong pagurin ang sarili mo.” dagdag pa niya. Tumango muli ako sa pangatlong pagkakataon.

“Yes, Boss.”

Tumango siya at tumayo na, tapos na siyang higupin ang kanyang kape.

“Iiwan na muna kita. I will take a bath now, is that okay with you?”

“Oo naman.” kailangan niyang maligo na at marami pa siyang paniguradong gagawin sa opisina niya. “Teka, 'yong Lucy...”

“What about her?”

“Na cancel ba ang meeting?”

“Hindi.”

Lihim akong napasimangot sa narinig ko. Ibig sabihin eh magkikita sila ng babaeng 'yon mamaya? Edi wow.

Tinanguan ko lamang siya bago magpatuloy sa pagkain. Umalis na rin siya matapos 'yon. Ewan ko ba, naiinis ako bigla sa Lucy na 'yon. Maganda nga kaso ayaw ko sa ugali niya, naartehan na ako sa kanya, sa pagsasalita ba niya at nayamot. Paniguradong mamayang tanghali magkikita ang dalawa sa isang resto tapos do'n mag-uusap about their agendas. Gano'n naman kadalasan pag may client ang isang CEO.

Natapos na akong kumain at naghugas na ng pinggan. Bago mag-ayos ng mga pinamili namin ay nagbihis muna ako sa kwarto ni Ken dahil naliligo pa naman siya.

Damit lamang ang papalitan ko. Naangat ko na ang aking damit hanggang dibdib nang magbukas ang pinto at niluwa niyon si Ken, basang-basa pa ang buhok at tumutulo ang tubig pababa sa kanyang katawan. There's a towel na tumatakip sa kanyang ibabang bahagi.

“Part three na ba 'to?” wala sa sarili niyang pagtatanong while looking at my boobs. Napababa ako ng damit agad.

“Walang part three na magaganap!”

Ngumisi siya and he shrugged his shoulders. “I can seduce you right now, Ali. Pwede naman akong 'di pumasok ngayon since company ko naman 'yon. So, part three?”

“Heh!"?” pinanlakihan ko siya ng mga mata. “May client ka, remember? Importante ang client kaya pumasok ka! I don't want you to seduce me. Tama na ang kagabi!”

“Huh? Last na 'yon? Damn.”

“Oo!” hindi ko na hahayaan na maangkin niya muli ako.

“Dapat pala sinulit ko na kagabi.” anito habang natatawa.

Naglakad na lamang ako palabas ng kwarto. Akala ko kokorneran niya ako, buti na lang at hindi. Sa banyo na ako nagpalit ng damit at pag do'n pa ako sa kwarto niya nanatili eh baka magkaroon na naman ng apoy sa pagitan naming dalawa.

Lumabas na ako ng banyo at nakitang nasa sala siya. Nag-aayos ng necktie habang nakaharap sa salamin. Lumapit ako sa kanya at pinanood siya sa kanyang ginagawa.

Nang matapos ay humarap siya sa'kin. “Not bad?”

“Not bad.”

He really looks good in that suit.

“Really?"?” pagtatanong pa niya habang tinitignan nang maigi ang sarili sa salamin.

“Yeah.” pinagkatitigan ko siyang mabuti. “Ayos na. Pwede ka nang umalis.” wika sabay ngisi. “Ingat, Del Valle.”

Tumingin siya sa'kin saglit bago tumalikod. Kinuha na niya ang kanyang mga gamit na nasa glass table, humarap siyang muli sa'kin at pinayuhan na naman ako.

“Tandaan mo 'yong mga pinagsasabi ko kanina. H'wag kang magpakapagod dito at h'wag kang ganoong lalabas ng condo dahil baka mapaano ka pa. Wala kang cellphone pang contact sa'kin kaya makinig ka.”

“Alam ko ang aking gagawin! Anong tingin mo sa'kin, bata?”

“Di naman.”

“Yon pala, eh.” kung makabilin sa'kin para akong isang bata. Grabe siya sa akin, ah. “Trenta na ako. Malaki na. You don't have to say those words to me na para akong isang limang taong gulang.”

“Yeah, malaki ka na nga.” sabay tingin sa dibdib ko. “Malaki rin kasi 'yan.”

“Bastos ka talaga!” nanlalaki ang mga mata kong wika. Sino ba namang hindi? Bigla-bigla na lang siyang nagsasabi ng gano'n. Like, duh?

Tumawa siya sa sinabi ko. “Aalis na ako.”

“Mabuti pa nga.”

Hindi ko kasi masyadong kaya ang kanyang side na maloko. Plus, wala sa itsura niya na may pagkagano'n siya kaya nakakagulat na nakakainis din. Nang umalis na siya ay napabuga lang ako ro'n ng hangin. Mukhang mali ang pagsama ko sa kanya. Kapag nagtagal pa ako rito sa condo niya, lalagnatin o 'di kaya eh mababaliw na ako dahil sa kanya.

Nagsimula na akong kumilos. Nagtungo ako sa kusina para ayusin ang ibang pinamili namin. Kung ano ang nakikita kong dapat linisin, nilinis ko. Since ayaw kong lumabas ng condo ay pati kwarto niya, pinakialaman ko. I saw his briefs on a cabinet at natawa habang pinapakialaman 'yon. Nang wala na akong magawa pa y nahiga ako at natulog muli.

Nagising na ako mga bandang alas singko ng hapon. Naligo ako't maaga na akong nagluto. Since bored na bored na ako, nagpunta naman ako sa sala para manood ng T.V.

Malayo pa ang oras nang pag-uwi ni Ken, bagot na bagot na ako. Nakakapangsisi na sinira ko ang aking phone noon, ang tanga-tanga ko kasi. Around 7:30 p.m, kumain na ako mag-isa pagkatapos ay naligo at natulog muli. Nagising lamang ako dahil sa ingay sa kusina.

“Ken?” bumangon ako at nagpunta ro'n. Nakitang kumakain nga siya habang nasa harap niya ang kanyang laptop. Tumingin siya at nagulat nang makita akong gising.

“Sorry, nagising ba kita?”

“Yeah.” sabay hikab. “Anong oras na ba?”

“11:30 p.m, why?”

“Wala lang. Kakauwi mo lang?” para akong asawa niya ngayon, ah? Napapansin ko lang.

“Yeah.” he looked tired kaya nag-worry agad ako. “Marami akong ginawa na naman sa opisina kaya ginabi na ako masyado.”

“Matulog ka na kaya muna pagkatapos mong kumain? You look tired.”

“Right.” tinapos niya ang kanyang pagkain. 'Di ako lumapit sa kanya at tinignan lang siya rito sa bukana ng pinto ng kusina. Nang matapos siya ay do'n lamang ako kumilos.

“Ako na ang magligpit, go and change your clothes.” mukhang diretso siya rito sa kusina pagkauwi, nakasuit pa siya hanggang ngayon. He turned off his laptop habang ako na ang nagliligpit ng kanyang pinagkainan. Bukas ko na 'yon huhugasan.

“May ibibigay ako sa'yo.”

“Bukas na.”

“Ngayon na.”

"“Ikaw bahala.” ano naman ang ibibigay niya sa'kin? Umarko pataas ang gilid ng kanyang labi.

“Sandali lang.” lumabas siya ng kusina. Wala pang isang minuto ng siya'y bumalik hawak-hawak ang box ng samsung edges na phone. “Oh.” iniabot niya sa'kin 'yon at tinanggap ko naman.

“Mahal ang ganito, ah?” no'ng ako'y nagtingin nito rati ay halos ₱40, 000.00 ang presyo sa Mall sa may Makati, sa mismong shop ng samsung. “Ba't mo ako binilhan ng ganito? Mahal ang ganito kaya!”

“Para 'di ka mabored and you can now contact me if you have a problem here or you want to buy something. May wifi naman dito, i-connect mo na lang.”

“Ano... babayaran ko 'to kapag nagkatrabaho ako.” nakakahiya kasi! Mahal ang phone na 'to. Okay lang naman sa'kin kahit 'yong halagang ₱7,000.00 na cellphone lang.

“Hindi na kailangan.” pagkuwan ay sumeryoso siya. “Bigay ko 'yan sa'yo besides you don't need to work, just stay here. Buntis ka, remember? I don't want you to get busy and work just to pay me. I have money. You have me. As long as I'm here, as long as you're here, hindi mo kailangan mag-trabaho. Alagaan mo lang ang sarili mo para sa'kin at sa baby, maganda nang kabayaran iyon para sa akin."

Ken...

“Salamat.” sinseridad kong wika. Tumango siya at umarko na naman pataas ang gilid ng kanyang labi.

“Your welcome, love.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 157K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
1.3M 33.6K 40
She is a mystery I can't help but solve. -Blaze Shaun Falcon
43.7K 2.2K 31
Unconventional. A silent tornado. A warrior. A lover. A man of his own honor. Airey Andromida. He is in between flawed and perfection. A man who woul...
2.7M 40K 40
Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbatibong babae. Kaya naman nang sabihan siya...