Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 29

5.9K 121 10
By PollyNomial

KABANATA 29 — Fountain of Fate

Nakatapos na kaming kumain at nasa kwarto na ako ngayon. Pinagmasdan ko ang kwartong binigay sa akin ni Vincent. Akala mo ay kwarto ko talaga ito dahil makikita rito ang personality ko. Mula sa floral designs ng wallpaper na hilig ko at isa pa, may malaki akong mukha sa wall kung nasaan ang kama ko. Natuwa ako nang naisip na baka pinagawa talaga itong kwarto para sa akin.

Sumampa ako ng kama at nilapitan ang sketch ng mukha ko. I don’t know where Vincent got this. Wala akong maalalang litrato na ibinigay ko sa kanya na may ganitong itsura. Actually, wala naman talaga akong picture na nasa kanya. At least, that’s what I know.

Ang mukha ko rito ay nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. Hanggang dibdib lang ang drawing at napansin ko ang kwelyo ng damit na suot ko rito. Ito ang uniform ko noon sa Formosa.

Anong picture kaya ito?

'Yan pa rin ang nasa isip ko hanggang sa pumasok ako ng bathroom para mag-shower. May bathroom sa loob ng kwarto ko. Kumpleto na sa loob. May towel na, shampoo at body shower. Mabuti nalang at hindi na ako mag-aabalang magtanong pa kay Vincent.

Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Baka nasa kwarto na rin siya at nagpapahinga na. Gabi na rin at sobrang napagod ata siya kanina. Sobrang daming nangyari ngayong araw na ito at sa tingin ko ay pagod na rin siya.

Kanina, hinatid nalang niya ako rito at nagpaalam agad. Ang sabi niya ay ang katabing kwarto lang ang kanya. Kaya kung iisipin, isang pader lang ang namamagitan sa aming dalawa. Napangiti ako sa naisip.

Naalala ko ang pagiging over protective ni Vincent sa akin kanina. Yes, he’s over reacting but it’s sweet. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng may taong nagpoprotekta sa akin over petty things. Dad and Zac do that but Vincent is different. Simpleng bike lang ang kamutikan nang makabangga sa akin kanina pero galit na galit pa rin siya na akala mo ay truck ang makakabangga dapat sa akin. Sobrang natakot na agad siya. And like I said, I can’t blame him. Masama ata ang nadulot ng paglayo ko sa kanya ng limang taon. He had trauma.

Kinuha ko ang towel at lumabas ng bathroom. Sinigurado ko muna na naka-lock ang pinto ng kwarto ko bago inabot ang plastik at paper bag sa kama ko.

Napangiwi ako nang makita ang daster. Serioulsy, I don’t understand him! Bakit ba niya ako gustong magsuot nito kung okay lang naman ang t-shirt nalang o kaya ay maong pants. Uso rin ang pajama! Pero bakit ba daster? Mukha ba akong nanay sa kanya?

Pero wala akong choice kundi suotin 'to. Puno na ng pawis ko ang damit ko kanina at ayoko naman ulitin iyon. Kailangan kong magtiis dahil kundi, wala akong susuotin. Pinili ko ang red na daster at saka kinuha naman ang paper bag para sa underwear ko.

Napangisi ako nang maalala ang laman nito. Hindi ko pa man binubuksan ay natatawa na ako. Seriously, again? Pambata?

Hindi na ako sinagot ni Vincent nung itanong ko kung bakit pambata ang binili niya. Basta ang sabi lang niya, suotin ko nalang dahil nabili na niya.

Dali dali kong nasapo ang ulo nang kunin ang ang pares ng underwear. Mabuti nalang at maayos ayos na pang-itaas ang nabili niya. Kasya sa akin. Pero sa pang-ibaba, kailangan ko pang piliin ang pinakamalaki sa lahat para magkasya.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ano kayang nasa isip ng lokong iyon nung binibili niya ito? Mukha ba akong bata para ito ang bilhin niya? Oo matanda siya sa akin pero hindi naman ako sobrang bata!

Hindi ko nalang ulit pinansin nang pati ang daster ay masuot ko na. Five inches below the knee ata itong daster na suot ko. Pero infairness, bagay naman pala sa akin nang tumitig ako sa salamin.

Pahiga na sana ako sa kama nang marinig ko ang isang katok. Umulit iyon ng tatlo pang beses nang hindi agad ako makasagot.

“Mikaella?” tanong ng nasa labas. Napadiretso ako nang maring si Vincent.

“B-bakit?” tanong ko sa kanya. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko. Kahit hindi pa ako inaantok, susubukan ko na sanang matulog kaya patay na ang ilaw.

“Can you open the door for a while? It’s locked.” Sabi niya mula sa labas.

“O-okay. Teka lang ah.” Sabi ko at inayos na muna ang nagusot kong damit bago tumakbo sa pintuan at dahan dahang binuksan nang bahagya ang pinto.

“Are you okay there? Bakit ka nag-lock?” tanong niya habang sinisilip ako sa loob. Medyo niliitan ko ang bukas ng pinto at mukha ko lang ang kita niya.

“Uh-huh. Everything’s fine.” Tango ko.

“Sure? Kumusta 'yong damit? Kasya ba? Saka 'yong… ano… alam mo na.” kinamot niya ang ulo gamit ang hintuturo.

Ngumiti ako pero pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko. “Y-yes. Kasya. 'Yon lang ba?” tanong ko sa kanya. Nahiya ako kaya naman hindi ko matingnan ang mukha niya.

“No! Wait. Ano kasi… hindi ako makatulog. Gusto mong maglakad lakad muna sa labas?” Sabi niya sabay lumunok.

“Uh…”

Ngumuso siya at nagsalita. “Pero kung inaantok ka na—”

 

“Oo naman!” wala sa sariling naibukas ko ng buo ang pinto at nabunyag ko ang tinatago ko. Ngumiwi ako at umiling sa sarili nang titigan ako ni Vincent nang nakataas ang gilid ng labi.

He looked at me form head to toe and then back to my eyes. Ngumisi siya.

“You’re cute. Bagay sa’yo.” Sabi niya nang nangingiti sa harap ko.

Umirap ako at ngumuso. “Alam ko.” sabi ko kahit na napahiya na ako.

Mahina siyang tumawa at tuluyan na akong lumabas ng kwarto. Nauuna siyang bumababa ng hagdan sa akin. Nakayuko ako at nakatitig sa paa kong may suot na flats. Lumingon sa akin si Vincent at napasulyap sa tinitingnan ko.

“We forgot to buy slippers?” sabi niya at napapalatak. “Bakit hindi ka manlang nagsasalita diyan na wala ka palang tsinelas?”

Ngumuso ako. Ang totoo ay nahihiya na kasi ako. Pinabili ko na nga siya ng underwear tapos magde-demand pa ako ng slippers gayung nasa bahay na kami?

“Ayos lang naman 'to.” Giit ko sa kanya.

“It’s not comfortable.” Saglit siyang nag-isip. “Ah! Wait there. I’ll just get something.” Tumakbo siya ulit pataas ng second floor.

Mayamaya lang ay humahangos na siya pababa at inabot sa akin ang isang pares ng panlalaking tsinelas.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Suotin mo 'to.” Mas lalo pa siyang bumaba at umupo sa harap ko. Agad naman akong na-conscious at hinapit sa sarili ang daster na suot ko.

Kinuha niya ang paa kong may suot na flats at tinanggal iyon. Pagkatapos ay sinuot niya ang tsinelas na sa tingin ko ay kanya. Ganun din ang ginawa niya sa isa pang paa ko.

“Perfect.” Ngumisi siya.

“Perfect? Hindi kaya kasya. Ang laki laki ng tsinelas.” Sabi ko sa kanya nang makatayo na siya.

“That’s my slippers, Mika. Ayaw mo nun, pati paa mo protektado ko.” Sabi niya. Inabot niya ang kamay ko at hawak hawak itong bumaba ng tuluyan sa engrandeng hagdan.

“Ah…” lumingon siya sa akin at lumapit muli. Tinanggal niya ang jacket na suot. “Malamig sa labas. You should also wear this. Double protection from me.” Ngumisi siya.

Kahit naaasar ay napangiti pa rin ako sa hirit niya.

Naglalakad na kami papuntang garden nang magsalita si Vincent.

“Mika, can I ask you something?” tanong niya.

“Nagtatanong ka na, Vincent.” Nakangising sabi ko. Bumuntong hininga siya at napangiti rin sa sarili niya.

“I am, huh.” Aniya.

Nakapamulsa siya habang naglalakad at ako naman ay pinaglalaruan ang mga daliri habang nasa likod ang kamay ko.

Tumikhim siya. “Uh… We’re okay, right? Okay na tayo?” tanong niya.

Tiningnan ko siya at ngumiti. “Tingin mo kasama mo pa rin ako ngayon kung hindi?” umawang ang bibig niya at bumaling sa akin.

Isang malawak na ngiti an pumorma sa labi niya.

“Why are you smiling?” nangingiti na ring tanong ko.

“Coz I’m happy that we’re now okay. Really happy, Mika.” Sabi niya.

Tumigil kami nang nasa harap na kami ng isang fountain. Hinanap ko ang gazebo pero wala akong makita. Saka ko lang na-realize na iba pala ang nilalakaran naming hardin ngayon kesa sa kaninang umaga.

“I am happy too, Vincent.” Sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at kumislap ang mga mata niya sa ilalim ng buwan.

Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Iyan ang mga matang nagpadanas sa akin ng samu’t saring emosyon. Lungkot, saya, kaba, nerbyos, galit, inis at kung anu ano pa. Simula pa noon nang makilala ko siya. Kapag naaasar ako noon sa kanya dahil ang hirap ng mga pinapa-assignment niya. Kapag natutuwa ako dahil pinupuri niya ako sa klase sa tuwing makaka-recite ako. Kapag ninenerbyos ako sa tuwing tatawagin niya ako at sasabihin ang gradong nakuha ko. At kapag kinakabahan ako sa tuwing maatasan ako ng mahirap na report.

Who would have thought that this man in front of me, my former professor, can also make me feel happy, sad and nervous in a different way? A very very different way…

Mula nang malaman kong mahal ko siya, hindi na dahil professor ko siya kaya ako naaasar sa kanya.

Sumasaya na kasi ako dahil sa presensya niya, sa mga sweetness niya, at kapag naririnig ko ang boses niya. Naaasar ako kapag hindi ko siya nakikita at nakakasama. Kapag wala siya sa tabi ko o kaya naman ay nagiging over protective siya. Naiinis ako sa tuwing mananalo siya sa akin at mapapasunod nalang ako sa kanya. At higit sa lahat, ninenerbyos. Sa ibang klaseng paraan.

Ninenerbyos ako sa mga titig niya. Ninenerbyos ako tuwing bubuka ang bibig niya. Sa tuwing lalapitan niya ako. Sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko. At sa tuwing ipapahiwatig niya ang pagmamahal sa akin.

“I told you not to stare.” Sabi niya. Naramdaman kong nakahawak na pala ang kamay niya sa baba ko. “Don’t stare, Mika. You can look at me. But you can’t stare. Coz, damn, your stare makes me crazy.”

Unti unti ay bumaba ang mukha niya. Wala na akong nagawa kundi ang hintayin siya.

Lumunok ako nang maglapat ang aming mga labi. Marahan naming hinalikan ang isa’t isa. Gumalaw patagilid ang ulo niya at dumausdos ang kamay niya sa bewang ko para ilapit ang katawan ko sa kanya. Unti unti kong tinaas ang dalawang kamay ko at yumakap ako sa kanya.

Tumindig ang balahibo ko sa batok nang humaplos doon ang mga daliri niya. Lumalalim na ang halik at nawawalan na ako nang hinihinga. Humiwalay ako sa kanya nang hindi ko na kinaya. Hinihingal akong napatingin sa mga labi niya.

“See how your stare affects me, Mika?” pinatong niya ang noo sa noo ko at tinitigan ang mga mata ko. “It makes me wanna kiss you. Kiss you until we’re both out of breath.” Kinilabutan ako. Nanayo lahat ng balihibo ko. Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya nang humiwalay na siya nang tuluyan sa akin.

Akmang hahabulin ko pa sana ang mukha niya ngunit napatigil ako nang magsalita siya.

“Nakikita mo ba 'yan, Mika?” nakaharap siya sa fountain kaya napuna kong iyon ang tinutukoy niya. “I called that, Fountain of Fate.”

Wala pa ako sa sarili dahil sa mga halik niya pero sinubukan kong ituon ang pansin sa fountain na sinasabi niya. Pinagmasdan ko ang malaking fountain. Sinundan ko paitaas ang tubig na inilalabas noon.

“Fountain of Fate?” binalingan ko siya. “Bakit?”

 

“Dahil tinupad niya ang matagal ko nang hiling noon pa, Mika.” Sabi niya at bumaling sa akin.

“Anong hiling naman 'yon?” tanong ko ulit.

Ngumiti siya at pumungay ang mga mata niya. “That I’ll see you again.” Kinagat niya ang labi at bumalik ang tingin sa fountain.

Tumango ako at tiningnan ulit iyon. Sa loob loob ko ay natutuwa ako. Kung ganun ay hinihiling talaga ni Vincent ang pagbabalik ko. Ngayon ay hindi ko na maisip kung paano nga ba siya namuhay noong wala ako.

“Babalik naman talaga ako, Vincent. Pero noon, wala sa plano ko ang kung anong meron tayo ngayon.” Nalungkot ang mga mata ko.

Siguro kung hindi ko pa hinayaang magpaliwanag si Vincent, kung nagmatigas pa rin ako, hanggang ngayon ay parehas kaming miserable.

“Sinasabi mo bang hindi ang fountain ang nagtupad ng wish ko?” sabi niya sa akin. Bumaling ako sa kanya. Nakatitig siya sa fountain kaya naman nagawa kong pagmasdan ang mukha niya.

Siguro naman ay kapag hindi siya nakatingin ay okay lang na tumitig ako sa kanya.

“Baka nga.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Pero kahit hindi talaga ang fountain ang nagtupad nun, susugal pa rin ako para sa isa pang hiling. Baka sakaling matupad ulit.” Pinasok niya ang kamay sa bulsa at may kung anong kinapa roon.

Inilabas niya ang kamay mula sa bulsa at binuka iyon. He’s holding a coin.

“A-anong hihilingin mo?” sabi ko habang nakatitig sa pisong hawak niya.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Ilang saglit lang ay dumilat siyang muli at tumingin sa akin.

“I wish… that when I tell you that I love you, you’re gonna say you love me, too.” Napanganga ako at namimilog ang matang sinundan ng tingin ang pisong hinagis niya sa fountain. Narinig ko ang mahinang tunog mula sa roon.

Pumikit ulit siya nang matagal. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi na naalis ang pagkagulat sa mukha ko.

Napayuko ako para tingnan ang dibdib ko. Kung maghurumentado ang puso ko ay parang lalabas na 'yon mula sa dibdib ko. Nanginginig na rin ako dahil sa kabang nararamdaman ko.

Is this real? Sinabi na niya. Ang mga salitang gusto kong marinig sa kanya mula nang magkaayos kaming dalawa ay sinabi na niya!

Napabuga ako ng hangin nang dumilat siya at bumaling sa akin. Kumikislap ang mga mata niya. Kagat kagat niya ang labi niya habang humaharap at lumalapit sa akin. Sabay ang paglunok naming dalawa.

“Mika… Mikaella… You’re the only girl, Mika. I am not capable of loving anyone but you. I-I…” hinawakan niya ang isang kamay ko at hawak hawak iyong nilagay sa puso niya.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang mabilis na kalabog sa loob ng dibdib niya.

Napalunok pa ulit ako ng dalawang beses.

Ngayon ay ang isang kamay naman niya ang tinaas at nilagay sa pisngi ko.

“I love you, Mikaella…” nagpakawala ako ng hangin at agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Pumikit pikit ako dahil nanlalabo ang paningin ko. Kinagat ko ang labi ko.

Mika…” nagmamakaawang tawag niya ng pangalan ko. “I love you… I love you. I love you…” paulit ulit na sabi niya.

Sunod sunod ang naging patak ng luha ko.

“Sumagot ka please…” bumaling siya sa fountain pagkatapos ay sa akin ulit.

Nanginginig ang mga labi ko nang ibuka ko 'yon.

“V-vincent…”

Tinapon ko ang sarili sa dibdib niya at mahigpit na niyakap siya.

“I love you, too!” umiiyak na sabi ko sa kanya. “I love you, too, Vincent! Noon hanggang ngayon… Mahal na mahal pa rin kita!” iyak ko.

Nagpakawala siya ng malakas na sigaw nang marinig ang sinabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at binuhat matapos ay umikot siya.

“Oh, God! Mahal ako ni Mikaella!” sigaw niya. Tumawa siya at naiiyak na napatawa na rin ako sa ginawa niya.

Binaba niya ako at mariing hinalikan sa labi.

“You’re mine again! You are mine again!” paulit ulit na sabi niya.

Tumingala siya at tinaas ang dalawang kamay.

“God! She is mine again! I swear, I will never let her go again!” Tumawa kaming dalawa at niyakap ang isa’t isa.

Continue Reading

You'll Also Like

216K 5.1K 53
Akala ni Grace Encarguez ay alam na niya ang saklaw ng pag-ibig. Naging pundasyon niya sa kanyang puso ang pananaw na ito. Akala niya katulad ito sa...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
6.6K 167 28
"Is it really possible to embrace someone's poison, the poison that can make me fall again." Amstel Jacob Bandiala is the guy who badly wants to move...