Jiro’s POV
Papunta ako ngayon sa room nila Aki, susunduin ko na kasi siya at ihahatid na sa bahay nila.
After a few minutes nakarating na rin ako, pero wala ng tao. Napaaga siguro silang dinismiss.
Pagkalabas ko ng room..
“looking for Aki?” Sabi nung lalaking nakasandal sa may wall.
“yeah” sabi ko nalang sakanya.
“hinatid na siya ni Jigs”
“okay, I’ll go ahead..” sabi ko at aalis n asana ako pero pinigilan niya naman ako.
“Teka lang…pwede ba kitang makausap?” sabi niya..
Ngumisi nalang ako at tumango.
-rooftop-
Pareho kaming tahimik
mga ilang minuto at binasag na rin niya ang katahimikan…
“hindi ko alam kung anung plano mo kay Aki…. Pero tol, babalaan na kita, kung pinaglalaruan mo lang siya..pwede bang itigil mo na.”
Napatigil ako sa sinabi niya…
“wala akong pakialam sa iniisip mo” sabi ko sakanya…
Lumapit siya sakin at sinutok niya ako. Natumba naman ako . lumapit siya at hinawakan niya ang kwelyo ko.
“tol, alam ko na mahilig kang makipaglaro sa mga babae… pero pinapaaga ko na sayo na kapag nasaktan siya, kalimutan mo ng magkapatid tayo” sabi niya.
Ngumisi lang ako kay Jeff, ganyan niya kamahal si Aki?
Pero hindi ko parin siya isusuko…
“dude, alam kong mahalaga siya sayo…pero mas mahalaga siya sakin” sabi ko sakanya.
Binitawan niya naman ang kwelyo ko… at tinalikuran na niya ako…
------
Pagkarating ko sa condo ko, dinial ko ang number niya.After a seconds sinagot naman niya.
“bakit?” sabi nung nasa kabilang line
“babe!, nakauwi kana?” sabi ko naman
“oo” –siya
Anu ba namang klaseng paguusap to… ang tino diba?!
“may problema ba?” tanong ko sakanya
“wala”-siya
“tsss…ayaw mo kong makausap, sige bye” –ako
Ibababa ko na sana, pero agad naman siyang nagsalita…
“Teka nga lang…alam mo nakakainis ka..Ungas ka talaga” sabi niya
Natawa naman ako sa sinabi niya..halatang naiinis nga siya saken..
“may ginawa ba akong mali?” –ako
“sa tingin mo?” –siya
“wala” sabi ko , wala naman talaga akong maalalang maling ginawa ko..pasalamat nga siya binigyan ko siya ng bulaklak kanina na tinapon naman niya.
“ewan ko sayo!, bahala ka nga!”sabi pa niya…
Hinihintay kong babaan niya ako pero di niya binababa… di ko talaga mabasa ang iniisip niya…pero sa totoo lang natutuwa ako kapag ganyan siya..
Huminga akong malalim…
“sige, kung may nagawa man akong mali sayo…sorry na” sabi ko
“apology not accepted, explain first” –siya
“teka, anu bang gusto mong iexplain ko?” pagtatakang tanong ko sakanya…wala naman kasi akong matandaan na ieexplain ko.
“tsss… wag na nga lang…basta hindi pa tayo okay! period.” sabi na naman niya
Nakakatuwa lang talaga siya, di niya bagay magsungit…
“alam ko na kung anung pinagsusungit mo saken jan..” sabi ko.
“anu?”-siya
“hindi kita nasundo ng maaga knina”
“MALI!” sigaw niya..
Mali daw…
“e anu pala?..sabihin mo na kasi saken” sabi ko sakanya ng mahinahon
Narinig ko namang bumuntong hinga lang siya…
“di bale na nga lang” sabi niya tapos tuluyan na niya akong pinatayan.
What’s wrong with her?..mga babae nga naman talaga ohhh, ..moody,
Baka naman pms siya?haha!
----
Aki’s POV
KAINIS TALAGA….PSHHH, Ganun ba kahirap magexplain?…Arghhh… nakakainis….Nanggigigil tuloy ako dito sa mga zombies na to…naglalaro kasi ako ng plants vs. zombies… ee, ayoko ng dota …paki nyo ba?haha!
“nak, may bisita ka” sabi ng mama ko pagkapasok niya dito sa kwarto ko..
‘ma, can’t you see, I’m playing’ …Pero hindi yan ang sinabi ko, hindi ako bastusin noh…
“pakisabi nalang ma, na busy ako”
Oo busy ako!
, busy akong naglalaro ng plants vs. zombies…
“baby naman, pinaghihintay mo yung boyfriend mo sa baba”
Parang nabingi ako dun ahh, si Ungas nandito? Really?
“….”
Di ko sinagot ang nanay ko kasi nga po, busy ako diba…. Busy ako dito sa plants vs. zombies…
At narinig ko naman na sinara na niya ang pinto…nakatalikod kasi ako sa may pintuan, prenteng prente akong naglalaro dito sa laptop ko habang nakadapa…
Maya’t maya ay bumukas na naman yung pinto…
“ma naman! Pakisabi nalang na busy ak ---
Di ko na naituloy yung sasabihin ko, may nagtakip kasi ng mata ko…
“ANU BA!” sigaw ko sakanya, pagkatanggal nya ng kamay niya sa mata ko…”AYAN, NATALO TULOY AKO NG ZOMBIES!”
Final wave na kaya…
Bwesit tong Ungas na to…
“chill babe… it’s just a zombies” sabi niya… at parang natatawa pa siya
“ANUNG ZOMBIES LANG… NASA LAST LEVEL NA KAYA AKO..!”
Sigaw ko sakanya…hindi ko rin alam kung bakit ko ba siya sinisigawan, dahil lang sa zombies?… who knows…
“I know your mad at me, pero please wag mo naman akong sigawan” sabi niya…
Natahimik naman ako…
‘Aki, wag kang maawa dahil naiinis ka pa rin sakanya diba?!’
Para talaga akong tanga pag kinakausap ko ang sarili ko.
Huminga akong malalim… at hinatak ko siya pababa..
Baka madatnan kami ni papa noh, masabihan pa ako…At kung bakit kasi tiwalang tiwala yung nanay ko sakanya? Di man lang nila sinusungitan tong Ungas na to…AND WORST TO TELL pinapayagan pa niyang umakyat sa kwarto ko.tsk,
“okay, explain” sabi ko…
“explain what?” sabi niya….
Bwesit talaga to ehh, hindi man lang niya maalala ang kalandian niya kahapon…the eff!
“YOUR FLIRTING SKILL WITH WHOEVER SHE IS!” sinabi ko sakanya ng mild na pasigaw yan…at iba ang ibig sabihin kapag napapaenglish ako..mind you!
Ngumiti naman siya ng nakakaloko..okay anu naman ang nakakatawa dun sa sinabi ko -_-
Diba nga nakakainis yung nakakita lang ng ka-landian yung kasama mo tapos nakalimutan na niya na may kasama pala siya…
“about that, she’s nothing” matipid niyang sagot..
Kung maka she’s nothing naman siya parang walang nangyari kahapon,…
“mukha mo, I know what I saw, kinalimutan mong may kasama ka, nakakita ka lang ng kalandian ehh… nakalimutan mo na ko” linatya ko naman sakanya…huh..bakit ba nakakainis kaya yung ganun! Dba?!
“fine, ..tsk…. she’s my first ex-girlfriend”
Parang natigilan ako sa sinabi niya…
napansin niya ata na hindi ako satisfied.
“….Nagtagal kami noon, pero I think it’s just an ordinary love…”
“okay,” sagot ko nalang sakanya…hindi ko naman kasi ineexpect na naging girlfriend pala nya yun.. ang kapal ng makeup, pero bagay naman sakanya, mukha siyang mayaman..mayamang malandi!
“so, okay na tayo?” tanung niya..
“Oo naman…contract boyfriend!” sabi ko sakanya ng may pilit na ngiti sa mukha ko..
Bakit pilit ang ngiti ko?
Kasi ewan ko din!, weird noh?
“contract boyfriend?” tanong nya na parang nagtataka pa..
“oo, diba nga may kontrata tayo… and congratulations 3 days remaining nalang!” sa totoo lang, di ko naman kinacountdown yung days, dahil gusto ko ng maging malaya...syempre naman may pinagsamahan na rin naman kami nitong ungas na to at naging malapit na siya saken..hay, panu kaya pag nagend na yung contract?, papansinin pa kaya niya ako, kukulitin?
Siguro hindi na,
Di naman kami friends!
Tsaka anu ba niya ko?
CONTRACT GIRLFRIEND!
“ahh, oo nga pala… birthday mo rin pala nun?” sabi niya.
Tumango nalang ako..
“pero teka, panu mo nalaman?” pagtatakang tanong ko sakanya.. posible namang sinabi niya dun sa kambal ehh, di naman sila close masyado… sinearch niya kaya?
“kay tita.. ako pa nga daw ang escort mo ehh..” sabi niya sabay kibit balikat…
Si mama naman pala ang nagsabi…
“k” matipid kong sagot sakanya, kawalang ganang convo naman kasi to..mas gusto ko pang nag-aaway kami..masyado na siyang bumabait lately, ayokong masanay,..dahil after 3 days, wala na…
“gusto mo bang gawin nalang nating memorable yung 3 days remaining?” tanong niya.
Mukhang sincere naman siya, kaya kahit parang nagaalangan ako…
“sige ba”
----