CHAPTER 65
FOR OTHERS IT'S SEPERATION BUT FOR ME IT”S WAITING
Carlsvin’s POV
Nandito ako ngaun sa harap ng Hospital. Nagpasundo sa akin si Hanna.
“Carlsvin.”
Tinignan ko sya. Alam kong nahihirapan ka ngaun. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Naramdaman kong umiiyak din sya.
“Tama na ok.” I hugged her back at hinahagod ko yung likod nya. “Everythings gonna be alright.”
Nakita kong nakatingin si Jhiro. I nod at him at sya rin. I’ve decided to make you happy now.
Pumasok na kami sa loob ng kotse.
“Can we date?”
“Ayoko.”
“Sige na. Nuod tayo ng Movie.”
“Pero-”
Di ko na sya pinatapos at nagpunta na kami ng Mall. “Syempre di ko hahayaang masaktan ka kailangan mong magdisguise.”
Then she smiled.
After that nagpunta kami kung saan kami unang nagkita.
“Remember?”
“Of couse.”
“Kahit na anong mangyari ikaw lang yung mamahalin ko.”
“Why are you being like that?”
“Nothing. Gusto ko lang sabihin.”
“Do you trust me?”
“Why are you also being like that?”
Then we laugh. “Of couse. I trust you. So trust me ok?”
“Ok.”
Then we ate and we talked about thing that we do in the past. After that nagpunta kami sa park.
“Hanna Sanchez.”
“Ano yun Carlsvin Montezor?”
“Let’s do the right thing.”
“Huh?”
“Alam kong di ka magiging masaya hanggang may nasasaktan tayo. I know you. Di ba I promise that I will make you happy whatever it takes.”
“Anong sinasabi mo?”
“Let’s stop here.”
Hanna’s POV
“Carlsvin.” Di ko napigilan na tumulo yung mga luha ko. Di ko akalain na kaya mong gawin to.
“Mahal kita kaya papakawalan na kita. Gusto ko kung magkakasama tayo. Gusto kong maging masaya ka ng totoo. Na wala ng sakit diyan sa puso mo.” Hinawakan nya yung dalawa kong pisngi. Nakita kong umiiyak na din sya. “Kung tayo namna tayo pa rin di ba? For you its separation but for me its waiting. Maghihintay ako hanggang maayos na lahat. Nandito lang ako pa rati. Kung babalik ka. Pero kung hindi naman tatanggapin ko yun.”
“Pero di b a ang sabi mo we can do this together?”
“I know. But I can’t see you like this. Nasasaktan din ako kapag ganito ka. Alam kong iniisip mo sila kahit na kasama mo ko.”
“Mahal na mahal kita.” Niyakap ko siya. Tama ban a iwan kita? Na maghiwalay tayo para maayos lahat?
“Mahal na mahal din kita.” Ngumiti lang sya sa akin at tumalikod.
“I’m sorry. I’m really sorry.”
“No its not your fault.” Sinabi nya yun habang di nakatingin sa akin then he face me again. “Be happy. Hihintayin pa rin kita kahit di ka bumalik. Nandito pa rin ako at nandito ka.” Tinuro nya yung puso nya.
Habang pinapanuod ko syang umalis sunod sunod na lumalabas yung luha ko. At ng di ko na siya nakita napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko. At umiyak nag umiyak.
Bakit di ko magawang pigilan ka? Ang gusto ko lang naman ang makasama ka at maayos na lahat to. Pero alam kong tama siya na di ko kayang makitang nagkakaganun sila Tita.
“I’m sorry.”
Jhiro’s POV
Nagulat kami ng pumasok sa room si Hanna. Nandun kami ni daddy at that time.
“Mommy.”
“Irene.” Then I hugged her.
“Tita.”
“Bakit ka nandito?” Sabi nya ng walang emosyon.
“Gagawin ko na lahat ng gusto nyo. Magpapakasal na k okay Jhiro at sasama na ko sa inyo pagbalik sa US.”
“Really?”
“That’s what you like Tita.”
“Yehey. Kasama ko na ulit si Mommy.”
“Kukunin ko na po yung mga gamit ko.” Tumingin siya sa akin. “ As long as ayos na si Tita aalis na di ba?”
“Yes. Hahatid na kita.”
“Mommy sama po ako.”
“Irene babalik din ako agad. Jhiro samahan mo na lang si Irene. Pahiram na lang ng kotse mo.”
“Ok.” Binigay ko na sa kanya. Parang may mali. Parang din a sya yung dating Hanna. Ganitong ganito sya ng mamatay si Anthony.
Hanna’s POV
“Mama, Lola aalis po tayo as long as ok na si Tita.”
“Bakit?” Lola
“Saan?”
“Babalik na po tayo sa US. Babalik na po tayo sa dati.”
“Teka teka pero si Carlsvin?”
“Wala na po kami.” Pumasok ako sa kwarto at patuloy sa pageempake.
“Anong wala?”
“Naghiwalay na po kami.”
“Teka dito kami ng Lola mo.”
“Ayoko na sa Amerika apo.”
“Kung yun po ang gusto nyo.”
Hinablot ni Mama yung mga gamit at pilit akong pinaharap sa kanya. “Kausapin mo ko. Bakit ka na naman nagkakaganito? Di mo na naman sinasabi sa akin lahat.”
“Ma.” Sinabi ko lahat kay Mama at umiyak.
Jhiro’s POV
Days passed naging maayos na si Mommy at nakalabas ng ospital. But Hanna never change. She’s cold like before Anthony’s gone.
“Everything’s alight. Babalik na lang tayo sa US para sa kasal.” Tita Katherina
“Ok po. Aakyat na po ako.”
“A-Ok.”
“Hanna. Naannounce na nga pala yung kasal.At bukas yung fitting mo.”
“Ok.”Umakyat na siya para tabihan si Irene.
“I’m so excited.” Mommy
“Di mo ba napansin na di siya masaya. Ok lang bas a inyo na ituloy to.”
“Ano bang sinasabi mo Albert. Ok. Tama na to aakyat na din ako.”
Then mom left. “Ikaw Jhiro it is alright like this?”
“I love her.”
“Malaki ka na alam mo na ang tama sa mali.” Umalis na din si Dad. Alam kong di siya masaya ngaun pero kaya ko ba siyang masaya. Noon di ko sinabi sa kanya na mahal ko siya dahil alam ko lagi lang siyang nasa tabi ko. Pero ngaun alam kong pagtinigil ko lahat to mawawala ka na ng tuluyan.
Kinabukasan
“This is our last day here in Philippines. Magfit ka na anak ha.”
“Opo Tita.”
“Mommy na di ba?”
“Opo Tita.” Then I saw Mommy’s smile vanished.
Pumasok na sya sa loob. “Ah miss make sure na ayos na yung wedding dress nya ha. I want my daughter to be the most beautiful bride.”
“Ok Mam.”
Hanna’s POV
Di ba dapat masaya ako ngaun. Dahil isang beses lang sa isang babae ang makasal. Pero masakit.
“Ang ganda nyo po Miss Hanna.”
“Of course ako ang gumawa ng gown. Bagay na bagay sa kanya.”
Biglang tumulo yung luha kjo pero pinunasan ko agad. Nakita ko yung mga nagtatanong nilang mata. “Ah I’m just happy.” Then I forced a smile.
“Ah a oo nga naman.”
“Bubuksan na po namin yung curtain para makita ka na ng groom. At mainlove pa sya lalo sayo.”
Binuksan nga nila at nakita kong parang ngaun lang nila ko nakitang nakaayos.
“Ang ganda talaga ng magiging daughter in law ko.”
“Ouch Ma.”
“Lapitan mo na yung mapapangasawa mo.”
Nilapitan ako ni Jhiro at tinignan. “You’re beautiful.”
“Thank you.”
After nun iniwan kami ni Tita. Ang sabi nya magdinner daw kami ni Jhiro.
“Masarap ba?”
“Ok lang.” Patuloy pa rin ako sa pagkain pero alam kong nakatingin siya sa akin.
“Thank you for coming back.” Nakita kong parang may gusto syang sabihin.
Binaba ko yung utensils ko at tumingin sa kanya. “ Tell me.”
“Huh?”
“You have something to say.”
“Hanna. Di na ko magpapaligoy ligoy pa. I love you.”
Di na ko nagulat dahilan sinabi na niya sa akin yun. “ I know.”
“I know that you still love him but I’ll wait. I’m saying this because we are going to be together.”
“I know. Excuse me. Mag-ccr lang ako.”
Pagpasok ko tumingin lang ako sa salamin. Ayoko ng umiyak. Nagayos lang ako sandali at nung lalabas na ko may pumasok sa CR at nilock yun.
“Hanna.”
“What are you doing Emma.”
“I need to tell you something. About Jhiro and me.”
*****