Fix My Unfixable Heart (ON-HO...

Od TheChainedWanderer

7.9K 341 229

1 planet, 7 billion people. Meet Ivy Daphnee Dysangco - outcasted not by the society but by her own family... Viac

Prologue
Chapter 1. Begin at the 'end'.
Chapter 2. Hear me.
Chapter 3. Welcome to Zambales.
Chapter 4. The Player.
Chapter 5. Home Sweet Home?
Chapter 6. AB Finally Meets S.
Chapter 7. Everyladies' Man turned Resto Geek.
Chapter 7b. Forced to be what?!
Chapter 8. Corporate G.
Chapter 8c. Nostalgic.

Chapter 8b. Fishy Fight and.. RAPE!

343 15 4
Od TheChainedWanderer

"Wow ha. Akala ko naman, seryoso ka na sa 'I'll buy you a new phone' ek-ek mo dyan. Eh bat nandito tayo?!" tanong ko sa kanya kasi obviously, we're not in a phone store. Bakit naman kasi kami nandito? Bookworm ba siya? Eh ang boring naman dito! Tanging mga nerd lang nagpupunta dito pati mga taong malapit nang mamatay at wala ng magawa sa oras nila habang naghihintay kay Kamatayan. Naman oh.

"Im pretty sure we'll not gonna find a single phone here. Kahit China phone, wala!" Kainis talaga 'to. Paasa.

"Shh!" -Shell while walking continuously, as usual, dragging me like a cute little puppy.

Di kaya?

Ay, leche. Lagi na lang akong napapaisip.

Pero baka nga!

"OHMYGOOOOOD!"

"WHAT?" 

"DONT TELL ME, MAGNANAKAW TAYO, I MEAN IUUTOS MO SAKIN NA MAGNAKAW NG PHONE DITO?! IS THIS PART OF THE DEAL? I THOUGHT YOU'LL NOT MAKE ME DO ANYTHING AGAINST THE LAW?!" Tumigil siya sa paglalakad kaya naman nasubsob ako sa likod niya. Napalakas yata yung sigaw ko. Almost all of the people nearby are staring at us. Dahil Christmas season, ang daming tao!

"WHAT?! NO! May bibilhin lang tayo dito bago kita ibili ng phone mo. So shut up. Just follow me," As if I have a choice on following him diba, sa higpit ba naman ng hawak niya sa kamay ko at sa lakas ng hila niya sakin saan man siya magpunta eh. Di na lang ako sumagot. Libreng phone din yun! Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad pero yung mga tao nakatingin pa rin samin talaga. At super kapit pa sila sa mga bag at mga anak nila. Nakaka-conscious naman 'to.

Hanggang sa 'di ko na matiis..

"FALSE ALARM PEOPLE! FALSE ALARM! PWEDE NIYO PA RING IBANDERA YANG MGA PHONE NIYO! DI DAW PO SI SHELL MAGNAMUANKJAKAJSKJANSHUD--" Di ko na tuloy natapos yung sasabihin ko. Bigla kasing tinakpan ni Shell ng kamay niya yung bibig ko sabay hila sakin.

"Ahh.. Sorry po! She's just practicing her lines for a play later. Please dont mind her. Sorry. Sorry," sabi ni Shell dun sa mga taong nabulabog. Tsk. Kasalanan naman nila, mga chismosa kasi grabe pa makatitig.

"LETGOUMCNDHYFUHJDASHU!"

"Ano?!" tanong niya tsaka lang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko. Shit, ang sagwa ng amoy nung kamay niya kahit inalis na niya sa bibig ko, tumatambay pa rin yung amoy sa ilong ko.

"ANG BAHO NG KAMAY MO!" sigaw ko.

"EH KANINO BANG TAE YUNG NAHAWAKAN KO, HA?!" he shouted back.

"SINABI KO BANG HAWAKAN MO?!"

"IF I DIDNT TOUCH AND REMOVE IT, MY FACE WOULDNT BE CLEAN. IDIOT," sigaw na naman niya. Ang dami na nitong tawag sakin, pansin ko lang. Namumuro na talaga 'tong lalaking 'to.

"IF I DIDNT TOUCH IT TOUCH IT OO NA OO NA! BILHIN MO NA YUNG BIBILHIN MO DITO SO WE CAN PROCEED TO BUYING MY NEW PHONE," I demanded. Kailangan niya talaga akong mabili ng bagong phone dahil una, siya ang dahilan kung bakit nahulog yung phone ko sa toilet bowl. Pangalawa, siya ang may kasalanan kung bakit di ko yun naisalba. At pangatlo, siya ang puno't dulo ng lahat kung bakit ako nasa banyo!

"Dont make a scene," babala niya bago niya ulit ako hilahin papuntang Business Section. Tsaka kumuha ng tatlong makakapal na libro, dalawang manipis at isang pocket sized book. Lahat yon, pinabitbit sakin. Napaka-gentleman!

"Psst! Uso basket. Ang gaan eh." I said sarcastically. Ang daming books nito. Mababasa niya ba 'to lahat? Show off lang yata 'tong mokong na to.

"No."

"Hoy, noba?! Kumuha ka ng basket! Bibitawan ko to!"

"Kaya mo yan," sabay lakad papuntang Food Section naman. Di ko na siya sinundan. Tumayo lang ako dun dala dala yung books na pinabitbit niya at baka dagdagan pa. Nakakaasar na 'to talaga. After a few minutes, may lumapit sakin na lalaking may suot na eyeglasses, messy hair at super tangkad.

"Miss, do you need help? Let me carry that for you," sabi niya tapos kinuha na niya sakin yung mga books na hawak ko then he smiled at me.

He's so.. 

"Running a Top-Class Restaurant, Business For Dummies, All About Fine Dining - ang dami naman nito. Such a booklover, arent you?"

".. gwapo."

"Uhh.. thanks? Hahaha!" sagot niya. 

Oh my god! Nasabi ko pala ng malakas yung nasa utak ko?! NAKAKAHIYA! Ivy naman.

"Ano.. ahh.. Sa-salamat. Sa pagbuhat nung books. Nakakahiya sa'yo," sabi ko, pagiiba ng usapan. NAKAKAHIYA 100%.

"Nah. It's okay. By the way, yung lalaki kanina, bakit di siya ang pinabitbit mo?" tanong niya. If Im not mistaken, we are of the same age. O kung matanda man siya, ang bata naman yata niyang tingnan.

"Lalaki? Yung kasama ko ba?" Si Shell ba yung tinutukoy niya? So kanina pa pala siya nandito?

"Yes. Sorry, kanina ko pa kasi kayo napansin sa lakas ng sigawan niyo. I didnt mean to intrude," sagot niya. Medyo nakayuko siya sakin tapos kahit naka-eyeglasses siya, litaw pa rin yung color ng mata niya. Brown. Brown na brown.

"Ganun ba," wala akong masabi. Tumiklop na kasi yata yung dila ko sa kahihiyan.

Silence.

"Boyfriend mo ba yun?" he grimaced before asking, breaking the ice. Or should I say, breaking a nerve.

"Ivy, eto pa bitbitin mo tapos dun--" Si Shell, may dala dala ulit na libro. Mga tatlo yata yun. Kaso napatigil siya sa pagsasalita nung makita niya kami galing sa pagkakayuko niya. At bigla siyang sumimangot. As in simangot with sobrang gusot ang noo. "Oh, kumuha ka pa ng tagabitbit? Kunin mo na yan at magbabayad na tayo," sabay talikod papuntang counter.

"Pare, ikaw na magbitbit. Mabigat 'to para babae pa pagdalhin mo," sabi nung guy kay Shell. Sa pagkakasabi niya, it doesnt seem like a suggestion or friendly anything. Parang galit yung guy.

Tumigil si Shell sa paglalakad at bumalik samin. Tiningnan niya ng masama yung guy. Nakatingin din ng masama yung guy sa kanya. ANO 'TO?

"MIND. YOUR. OWN. SHIT," sabi ni Shell. Inches nalang yung pagitan nilang dalawa sa isa't isa. Nangangamoy away na.

"Guys, tama na yan. Shell, sige na pumunta ka na dun sa cashier. Susunod na 'ko. Kunin ko lang 'tong books. Ahh, ano.. akin na yung libro. Salamat ha," sabi ko habang tinutulak sila palayo sa isa't isa. Mahirap na baka magsuntukan na lang 'tong dalawa bigla.

Di pa rin umaalis si Shell. Ayaw din sakin iabot ni guy yung books.

"Ako na magdadala," sabi nung guy.

"Ako na," sagot ni Shell.

"Sure ka kaya mo? Eh mas malakas pa yata sa'yo yung babae siya pinapabitbit mo kanina," pangaasar nung guy. He mockingly laughed while looking directly at Shell.

"Ang daming satsat. Ano ba gusto mo?!" Paghahamon ni Shell.

"Girlfriend mo!" sigaw nung guy.

GIRLFRIEND?! SINO? AKO?!

"EH GAGO KA PALA EH!" -Shell sabay suntok dun sa lalaki. Di naman nakailag yung lalaki kaya gumanti siya ng suntok pagkabitaw dun sa mga librong hawak hawak niya. Hanggang sa nagsuntukan na silang dalawa doon. Nagkanda hulog yung mga books na nasa stand malapit lang sa kanila. Pati yung suot na eyeglasses nung guy, nabasag na din at nahulog sa sahig.

"SHELL! ANO BA?! TAMA NA YAN! PARA NAMAN KAYONG MGA BATA EH!" sigaw ko. Ayaw talaga paawat nung dalawa. Buti nalang dumating na yung security pati tatlong lalaki at sila na yung umawat sa dalawa.

"What's going on?! Kung gusto niyong magsuntukan, wag dito sa bookstore for Christ's sake!" sigaw nung naka uniform na babae. Manager siguro dito. Ang daming taong nakatingin at nakikiusyoso. Walang nagsasalita sa dalawa habang hawak hawak sila nung mga lalaki papalabas sa bookstore.

"Ma'am, ako na po ang humihingi ng pasensya. Nagkainitan lang po yung dalawa. Babayaran nalang po namin kung may na-damage. Sorry po talaga," pakikiusap ko dun sa manager. Tuluyan nang nailabas yung dalawa sa bookstore. Kailangan kong makalabas agad baka dun pa ituloy yung away. Mga mokong na yun talaga!

"Nagkainitan?! Miss, wag ka naman kasing magdisplay ng boyfriend agad lalo na sa ex mo kung di pa pala nakakamove on yung ex mo. Kaya yan ang nangyayari eh," sabi niya habang pinupulot yung mga librong nahulog. Anong pinagsasabi neto? Wagas kung makaadvice eh. Sinong boyfriend? Anong ex? FYI, NBSB ako. At wala sa plano kong magkaboyfriend!

"WALA PO AKONG BOYFRIEND!" sagot ko. "MAGKANO PO BA YUNG KAILANGAN NAMING BAYARAN KUNG SAKALI?!"

"Wala namang nasirang libro. Buti na lang kamo, mga nakaplastic yung books dito sa stand na nasanggi ng boyfriends mo! Bayaran mo na lang 'tong mga nasa lapag na 'to at natapaktapakan na!"

"SANDALI LANG HO! KUKUNIN KO LANG YUNG PERA!" Antipatikang babae 'to. Sinabi nang di ko boyfriend at ex yung mga yun!

Dali-dali akong lumabas ng bookstore para humingi ng pera kay Shell pangbayad sa mga nasira nila! Wala akong pera, mga ugok na yun! Paglabas ko, wala na yung tatlong lalaki na umawat sa dalawa kanina. Bumalik na rin sa trabaho yung security guard pero halatang nakamasid pa rin sa dalawa sa di kalayuan. Agad ko namang nakita si Shell at yung guy. Nakasandal si Shell sa wall malapit sa escalator. Yung guy naman, nakasandal sa salamin ng bookstore. Parehong may pasa sa mukha. Di sila nagsasalita. Di rin sila nagtitinginan. Eh kanina lang halos magpatayan na silang dalawa, ngayon parang walang naganap na kaasar asar na away?

ANYARE?!

"Hoy mga war freaks! Bayaran niyo yung natapakan niyong libro sa loob!"

Walang sumasagot. Di nila ako pinapansin. Ang galing ng mga 'to no. Pag bayaran na, urong ang kayabangan sa katawan.

"HOY! WALA AKONG PERA PAMBAYAD NG NASIRA NIYO!"

Shell sighed. The guy chuckled. WOW LANG SA REACTION.

"Magkano ba daw?" sabi nung guy. Kung makatanong, ang relax lang. Parang may binebenta lang na gusto niyang bilhin. 

"Ewan. Tanong niyo sa loob. Paghatian niyo!"

Lumapit si Shell sakin at hinila na naman ako papunta sa loob. Naiwan sa labas yung lalaki.

"ANO BA?! I CAN WALK! YOU DONT HAVE TO DRAG ME!" I snapped but he's not giving me any response. What to expect?

Pumunta siya dun sa manager kanina at binigay yung 10 thousand pesos tsaka kinuha yung mga librong pinili niya kanina para bilhin. Nagsasalita pa yung manager at pinapadala yung iba pang books na natapaktapakan nila pero hinila niya ulit ako palabas ng bookstore. 10 thousand for nine books! Sayang yung sukli!

Paglabas namin, nandon pa rin yung lalaki. Lumapit siya samin at tsaka nagsalita.

"How much?" tanong niya.

"You're still here?!" iritang tanong ni Shell. "Dont bother. I already paid the damages YOU'VED CAUSED," matabang niyang sabi. Nagdilim na naman yung mukha nung lalaki.

"I've caused?! More like what YOU STARTED CIEL TIONGSON," sabi niya. Binitawan ako ni Shell. Humarap dun sa lalaki with intense eyes.

CIEL TIONGSON daw? So.. MAGKAKILALA SILA?!

"O, AWAT NA! ANO BA?! MAGAAWAY NA NAMAN KAYO?!"

Walang sumagot. Kapag ako yung nagsasalita walang sumasagot. Sabi ko nga, hangin lang ako dito eh.

"Let's go," sabi ni Shell habang matalim na nakatingin sa guy. Tsaka na niya ako ulit hinila. Wala nang nagawa yung guy tsaka ngumiti sakin with an apologetic face. Pero I cant be wrong. The way they act, parang may something talaga. Ano kaya yun?

"If you're thinking why he knows my name, dont. Curiosity kills," sabi ni Shell nung makalayo na kami dun sa lalaki.

May mindreading ability ba siya?

"Ha?! Di ko naman iniisip yon. Assuming. Eh sino ba yun?"

"Talaga lang ha. Wag mo ng alamin," sabi niya. Napansin kong papalabas na pala kami ng Mall at papunta ng parking lot.

"TEKA! UUWI KA NA? PANO YUNG PHONE KO?!" tanong ko nung tumigil kami sa kotse niya. Iba na yung kotse niyang dala. Di tulad nung last time. Mas maganda 'to. In love na talaga ako. SA KOTSE.

"Bukas ka na lang bumili after work. Di na ko sasama. Ibibigay ko na lang sa'yo yung pera para makapili ka. Pagod na 'ko, baka nakalimutan mong nakipagsuntukan ako dahil sa'yo," dry niyang sagot. Tapos sumakay na sa driver's seat tsaka tinapon yung plastic ng bookstore sa likod. Ano ba yun? Kainis!

"Hoy! Ano ba? Sakay na!" sigaw niya pagbukas nung window sa passenger's seat. Naiwan kasi akong nakatayo lang dun. Eh hinihintay ko lang naman siya umalis bago ako umuwi.

"HA? Wag na. Walking distance lang dito bahay ko. Sige. Thank you na lang! Bye!" sabi ko tsaka tumalikod at nagsimula nang maglakad.

"Sino nagsabing uuwi ka sa inyo? You're going with me," he yelled.

"WHAT?! BAKIT?" napalingon naman ako sakanya. Okay lang ba siya?! Ano ako, kaladkarin?

"Gagamutin mo pa 'tong sugat sa mukha ko!" sabi niya habang nakadungaw dun sa window at talagang pinapakita sakin yung pasa pasa niyang mukha.

"AYOKO! KAYA MO NA YAN! DI NAMAN AKO PERSONAL NURSE MO!"

"And we're going to talk about our deal. Papasok ka na bukas sa resto so there's no time for us to talk but now. GET IN!"

"Eh pwede naman sa coffee shop or kung saan. Kelangan, sa inyo pa talaga?! Tsaka anong oras na oh! Mag aalas dyes na ng gabi!"

"I dont care. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napaaway so you have to suffer. At maguusap lang naman tayo!" 

Ako pa talaga?! Eh siya 'tong sumugod dun sa tao sa napakababaw na dahilan. Kung sino lang yung magbubuhat ng mga libro.

"YUN LANG GAGAWIN NATIN HA?! PAPATAYIN TALAGA KITA PAG MAY IBANG AGENDA KA PA!" sigaw ko.

"What are you talking about? Of course yun lang. Unless you wanted--" parang nagshift yung tone ng voice niya. Naging husky! Ew!

"HEP! STOP! WALA! WALA AKONG GUSTO! BASTA YUN LANG!"

Bumaba siya ng kotse at pinilit akong sumakay sa kotse niya. Sinuotan ng seat belt at bumalik sa driver's seat. Sabay ngiti ng wagas sakin tsaka nagsalita.

"Sure ka yun lang gusto mo? Paano kung may iba pa kong gusto?" sabi niya then he grinned at pinataas baba ang kilay ng mokong tsaka nagpatakbo ng sasakyan.

 "RAAAAAAAPE! RAAAAAAAPE!" I shouted at the top pf my lungs.

Habang siya, tawa ng tawa.

-----------

A/N

Ayan. =))) Sorry kung matagal. Heart you guys!

P.S. Dedicated to her. Much love! :*


Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

13.2K 807 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
Hey, Cohen (COMPLETED) Od beeyotch

Tínedžerská beletria

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
WHAT LOVE IS Od YamYamKim

Tínedžerská beletria

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...