Chapter 8c. Nostalgic.

446 28 16
                                    

"Bakit ka tawa ng tawa ha?! RAPIST KA! RAPIST!" sigaw ni Ivy while Im driving on our way home. Ang sarap niyang biruin. Magugulat na lang kasi ako sa kung anong tumatakbo na pala sa utak niya. She's like a clown to me -stress reliever. I find her amusing.

"Anong pinagsasabi mo? Anong rapist? Wala pa nga akong ginagawa sa'yo. I didnt know you have a very wild imagination. Hmm. Interesting," I teased her while laughing and I noticed that she turned red like a tomato. Parang nakakain ng sili sa pula. Kahit medyo kumikirot yung mukha ko at lalong kumikirot pag tumatawa ako, di 'ko mapigilan ang pagtawa sa babaeng 'to.

Of all people, bakit pa kasi yung gagong Ethan na yun yung nakita ko. I thought they moved to Manila the last time I went back. If he's here, there's a probability that she's here too. But no. That cant be. I still dont have the guts to face her if ever she's really here in Zambales.

"H-HOY! Bakit ang seryoso ng mukha mo?! Pinaplano mo na siguro yung evil plan mo! IBABA MO KO! AYOKO NA! AYOKO NA NUNG DEAL!" sigaw ulit ni Ivy. Sakit sa eardrums!

"No returns, no exchange remember? And why are you staring at me? Crush mo na ako no?"

"TINITIGAN LANG CRUSH NA? NEVER! INIS AT GALIT ANG NARARAMDAMAN KO SA'YO WALA NANG IBA!" she yelled. 

"Oh see?"

"Anong see?!"

"Nagcoconfess ka na agad ng feelings mo. Liberated ka din pala. Hahaha!" I was shocked when she suddenly pulled my hair.

"Aray! Ano ba? Gusto mong maaksidente tayo?! Bitaw!" sumunod naman siya sa sinabi ko. Tapos biglang natulala. Ang weird niya talaga.

Mga 45 seconds siyang ganun. May split personality ba siya?

"Psst!"

"Ano?" sabi niya habang iniikot yung mata sa loob ng kotse.

"Baliw ka?" tanong ko while looking straight on the road. Biglang bumuhos yung ulan. Kanina lang ang ganda ng panahon eh.

Ang tagal bago niya ako sinagot. Akala ko maninigaw na naman.

"Wag kang maaksidente," she said. Her voice was really low now but I heard it right. And I heard a.. sob?

"What. You care about me now?" I said. Is she crying?

"Hindi. Ayoko lang ng may naaaksidente. Tsaka.." she answered almost inaudibly.

"Tsaka ano?"

"Sayang yung kotse!"

I stopped the car and looked straight at her. She suddenly looked stiff. Kabado.

"Speaking of sayang, sayang din yung gabi.." I told her. Palayo siya ng palayo sakin. Ako naman, palapit ng palapit hanggang sa mauntog na siya dun sa window.

"Anong *gulp* p-pinagsasabi mo dyan?! LUMAYO KA!" tanong niya sabay sipa nung paa niya sa mukha ko! WTF?!

"Sayang yung gabi kung 'di ka pa bababa dyan! Nandito na tayo! Kung anu-ano kasing iniisip!" sabi ko habang hinihimas yung mukha ko. Bugbog na 'tong mukha ko sa mga taong 'to. Bumaba na 'ko ng kotse, kinuha yung mga books na pinamili namin at pumunta ng guard house patakbo kahit malakas yung ulan. Di pa rin kasi binubuksan yung malaking gate. Nakatulog siguro ulit si manong. Ipapapark ko na lang 'to kay manong. Gusto ko ng magpahinga, it's been a long and rough day. Kinuha ko na lang yung payong sa gilid ng guard house pagkatapos kong gisingin si kuya guard.

Pagbalik ko sa kotse, nakalabas na rin si Ivy at naghihintay sa gilid.

"Dito na lang tayo magusap! Game!" pagpupumilit niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fix My Unfixable Heart (ON-HOLD)Where stories live. Discover now