Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 26

5.7K 123 18
By PollyNomial

KABANATA 26 — Son

Nung una, akala ko ay tinatawag lang ako ni Vincent. Akala ko ay sinasabi niya lang sa akin na ito ang villa nila. Pero nang makita ko ang pangalan ko na nakaukit sa pader sa itaas ng nakabukas na double wooden door, saka na ako namamanghang napatingin kay Vincent.

“V-vincent, ano 'to?” tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mga letrang nakaukit.

Nakalimutan ko na ang naging usapan namin kanina dahil sa gulat nang mabasa ang pangalan ko. Villa Mikaella, iyon ang salitang nakaukit gamit ang malalaking letra.

Lumingon siya sa akin ng nakangiti. Sa unang pagkakataon, sa araw na ito, nakita ko ang totoong ngiti ni Vincent. Kanina kasi ay kung hindi malungkot ay pilit lang ang mga ngiti niya. But now, his smile is sincere and genuine.

Bumalik siya sa akin at nang makalapit ay hinawakan niya ang kamay ko.

“I hope you liked it, Mikaella. This…” tinuro niya ang buong villa at ang kapaligirang nakapalibot dito. “Is all yours, Mika.” Napabitaw ako sa hawak niya sa akin.

“Ano?!” malakas na sigaw ko.

Nakanganga akong pinalibot ang tingin sa buong lugar. Mula sa malaking mansyon sa harap ko hanggang sa tanawing natatanaw ko. Ang laki ng lupaing pumapalibot dito. Ni hindi ko ito napansin kanina nung parating kami rito. Kaya naman talagang nagulat ako. This place just took my breath away. Magara ang bawat detalye na nakapaligid sa bahay. Mula sa marmol na tinatayuan ko hanggang hangin dumadamipi sa akin, talagang perpekto. Every sigle detail screamed wealth and elegance. And this place was named after me! This is mine? This is really mine?

Nakangisi lang si Vincent nang ibalik ko ang tingin sa kanya. Ang lalaking ito! Anong nasa isip ng loko lokong ito at sa akin daw ang lugar na ito?!

“Let’s come inside?” nilahad niyang muli ang kamay para mahawakan ako pero tinitigan ko lang iyon. Bumalik ang nagtatanong kong mga mata sa kanya.

“What is this, Vincent? Bakit Villa Mikaella? Bakit sa akin nakapangalan? This is mine? Bakit?” sunod sunod na tanong ko.

Napakarami ko pang gustong itanong sa kanya. Maraming marami pa pero hindi ko alam kung paano ko itatanong iyon lahat. Kaya ito nalang muna. Gusto ko lang munang maliwagan tungkol villa na ito na nakapangalan sa akin.

“Simple, Mika.” Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

Napansin ko kaagad ang pagkislap ng mga mata niya sa likod ng mahahabang pilik niya.

“Napakasimple lang ng sagot sa lahat ng tanong mo. It’s because I am yours. And everything that I have is also yours. Akin 'to. Kaya iyon na rin ito, Mika.” Tumaas ang gilid ng labi niya at muling kumislap ang mga mata niya. “Tinatanggap mo ba?” Malambing na tanong niya.

Napalunok ako sa tanong niya. Napako na ako sa kinatatayuan at hindi ko nanaman alam ang sasabihin. Parehas lang kaming nakatitig sa isa’t isa. Nakatikom ang bibig ko habang ang kanya naman ay nakangiti.

Lumunok ulit ako.

“You don’t have to answer that.” Sabi niya. Kusa na niyang hinawakan ang kamay ko at marahan akong hinila para makalakad patungo sa loob ng villa. “Kahit naman kasi tumanggi ka, iyo pa rin ako, Mika.” Walang alinlangang sabi niya.

Agad na sinagot ng puso ko ang pagpapahayag niya. Mabuti nalang talaga at nasa dibdib ko ang aking puso at nakakulong iyon doon. Mabuti nalang at wala itong bibig para magsalita. Dahil kung meron, matagal na ako nitong nilaglag. Because I swear in front of all the expensive things that surround me, bumigay na ang puso ko kay Vincent. Sumisigaw na ito ng ‘Vincent! Iyo lang din ako!’ Nagwawala na ito sa loob ng dibdib ko at walang katapusang pumapalakpak dahil sa sayang naramdaman nang bitiwan ng lalaking mahal na mahal nito ang mga salitang iyon.

Akin lang siya! Iyan ang sinabi niya. He said that he’s mine and no matter what, he will always be.

Tiningnan ko ang likod niya. Hawak hawak niya ako at nauuna siya sa akin. I am dying now! I am dying inside to say to him that I’m also his. Kanya lang din ako! Mahal na mahal ko siya! I am in love with him. From then until now, I am still in love with him!

Now, I am thankful that I also have a brain that, somehow, controls my stupid and uncontrollable heart. Kung wala ito, baka kanina ko pa nasabi ang lahat ng nasa puso ko. Kahit na pinipigilan ako nito, nagpapasalamat pa rin ako. It’s not yet the right time. I still need to hear him out. His explanation about everything. I want to hear everything from him.

Umiling ako at tinuon ang atensyon sa nakikita ng mga mata ko. Pagkapasok ng villa ay may kakaiba akong naramdaman. It feels like I really own this place. It’s like it was made for me. Somehow, I felt like I belonged here. Kahit na unang beses ko palang dito, pakiramdam ko matagal na akong nakapunta rito at ngayon, sa wakas, ay nakauwi na ako. Para akong naligaw at itong villa ang totoong tirahan ko. 'Yan ang naramdaman ko.

I loved the interior of the house. Modern style ang villa. Ang mataas na kisame ang mas lalong nagpamangha sa akin. Dahil sa mga floral painting nito na noon pa man ay hilig ko na. At ang mas lalong nagustuhan ko roon ay ang painting na mga sunflower sa iba’t iba nitong itsura. He remembered it. Naalala niya na ang paborito kong bulaklak.

“What do you want? Gusto mo bang kumain?” Napatingin ako kay Vincent nang magsalita siya. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin.

Saka ko lang naramdaman ang kuryeteng dumaloy paakyat sa leeg ko nang mapagtanong mahigpit kaming magkahawak. Pinilit kong bumitaw sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Dumila siya at kinagat ang labi dahil sa ginawa. Sinuklay niya ang buhok niya at malalim na huminga.

Unti unti, ay binitawan niya ako. Dali dali kong pinagalitan ang sarili ko dahil sana, hindi nalang ako nagpabitaw sa kanya.

“I’ll ask the maids to cook for us.” Tumalikod siya pero pinigilan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng damit niya.

“S-stay with me.” Wala sa sariling sabi ko.

Kinagat ko ang labi at humanap ng palusot.

“I-I’m not hungry.” Yumuko ako dahil sa hiya.

Ano ba iyon sinabi ko? Stay with me? Nakangiti na siya at mukhang na-realize niya ang gusto kong iparating. Nakakaloko ang mukha. Pero hindi ako bumigay. Sumeryoso ako at sinabi ang kanina pang naiisip kong dapat ay gawin na namin.

“C-can… Can we talk now? Mag-usap na tayo?” tanong ko sa kanya gamit ang malumanay na boses.

Unti unting naglaho ang ngiti sa mga labi niya.

Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat. Hindi pa man niya sinasabi ng direkta sa akin, nararamdaman kong mahal pa rin ako ni Vincent. Nakikita ko iyon sa mga mata niya at nararamdaman ko sa mga kinikilos niya. He has his own way of showing it. Manhid ang taong hindi makakaalam niyon.

Nare-realize ko ang mga bagay na pinapalagpas ko. Hindi ko binigyan si Vincent ng pagkakataon na magpaliwanag sa akin. At kung ipagpapatuloy ko iyon, baka pati kami ay mawalan na rin ng pagkakataon para sa isa’t isa.

When I saw this villa, when I felt like I belonged here, I know that I will only feel that if I am with him.

I really really really love this man in front of me. Even God can testify on my unconditional love for him. He is the only man who can make me happy and at same time, make me cry. Pero ngayon, pinipili ko nang maramdaman ang dalawang bagay na iyon. Masaya man o malungkot. Mahirap man at masakit, basta siya naman ang kasama ko, pumapayag na ako. I will now sacrifice. Hindi na ako matatakot sa mga consequesces na nakakabit sa magiging kung ano kami. I just want us to try again. I will risk everything just for us to try again.

And I hope that he still feels the same way. I am still scared. Takot ako sa mga maririnig ko sa kanya, sa eksplenasyon niya. But I will fight this fear. Just to be with him again.

“Mika… B-bakit ka umiiyak?” tanong niya. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Humaplos ang daliri niya roon at pinatigil ang pagtulo nun.

Suminghap siya at nagsalita.

“Is it okay if we talk about it now? As in now, Mika? P-pwede namang mamaya na…” tanong niya nang may pag-aalala. Siguro ay nag-alala siya dahil sa pag-iyak ko. Pero sinubukan ko iyong alisin sa kanya sa pamamagitan nang pagngiti.

“I am ready, Vincent. Tell everything to me. No more lies, no more secrets. Gusto kong malaman ang lahat.” Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili na mapaluha pang muli. “I want you to explain everything to me. Right from the start.”

Pagkasabi ko nun ay umawang ang bibig niya. Ilang saglit lang ay naging sunud-sunod na ang paglunok niya.

“Okay… Let’s go somewhere private.” Sabi niya. Hinawakan niyang muli ang kamay ko. Giniya niya ako palabas ng villa.

Buong paglalakad ay nakatingin lang ako sa magkahugpo naming kamay. Then, I smiled. I missed this. The way he held my hand. Punong puno ng pag-iingat at pagmamahal. At least 'yan ang nararamdaman ko.

Napalunok ulit ako dahil sa nagbabadyang luha. Gustong gusto ko nang pahintuin sa paglalakad si Vincent at yakapin siya. Gusto ko nang sabihin na tama na. Hindi na niya kailangang magpaliwanag dahil gawin man niya o hindi, tinatanggap ko na siya ulit. I love him. I want him to be with me again.

Pero hindi ko na ginawa dahil gusto ko siyang pagbigyan. Gusto ko rin siyang pakinggan. Ang mga lihim niya, ang mga dahilan niya kung bakit iyon tinago. Gusto kong nang marinig mula sa kanya.

Napansin ko ang pagpasok namin sa isang malaking hardin. Napakalawak noon. Iba’t ibang klaseng bulaklak ang nakatanim doon. Nagpunta kami sa pinakagitna kung saan may matatagpuan na gazebo. Pumasok kami sa gazebo at doon siya nagsimula sa mga sasabihin niya.

“Seat first, Mika.” Utos niya. Tinuro niya ang upuan ng gazebo. Sinunod ko siya at naupo ako roon.

Kinagat ko ang labi at inangat ang tingin sa kanya. Tulala siya sa kawalan. Nakapamulsa siya at panay ang pagpadyak ng paa niya. Hindi pa rin siya nagsasalita at panay lang ang hugot niya ng malalim na hinga. Is he nervous?

“Vincent.” Halos mapatalon siya nang tawagin ko ang pangalan niya.

“Sorry. I-I… I thought I am ready pero… kinakabahan ako, Mika.” Ngumisi ako. Umawang ang bibig niya sa ginawa ko.

“Matapos mo kong kidnapin para magpaliwanag, kakabahan ka lang ng ganyan?” malokong sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ko nang bumagsak siya sa harap ko. Lumuhod siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya sa kabila ng pagbibiro ko. Nakaluhod siya sa harap ko at may nagmamakaawang itsura. Nahabag ako at nakonsensya sa sinabi ko. Niloloko ko pa siya e ganito na pala ang nararamdaman niya.

“I-I’m sorry. I am really sorry, M-mikaella. Mali. Maling mali ang akala mo, Mika. Hindi totoo ang iniisip mo. You made the wrong conclusion. I wished you asked me that time. I don’t know how you knew it pero sana… sana tinanong mo ako. You should have confronted me, Mika. Mali. Mali ang ginawa kong paglihim sa’yo.” Sabay sabay ang pagtulo ng luha niya. Pumikit siya at umiling. “Edi sana wala tayo sa ganitong sitwasyon. If you did that, you won’t think of leaving me. Masaya na sana tayo ngayon. Baka nga kasal na sana tayo, e. O baka may anak na tayo. I am sorry. I am really sorry.” Humikbi siya at nanginig ang balikat niya.

Mahigpit niyang hawak ang kamay ko at nakayuko lang ako para tingnan siya. Nakakaawa ang itsura niya. Sa nakikita ko, ako ang nakagawa ng malaking kasalanan. Sa mga sinabi niya, lumabas na ako ang naging dahilan ng paghihiwalay naming dalawa. Pero kahit na ako ang dapat na sisihin, siya pa rin ang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Punong puno ng hinagpis ang mukha niya. Nanghihina ako sa nakikita. Mabuti nalang at sinunod ko siya nang paupuin niya ako kanina. Dahil kung hindi, baka pati ako ay nakaluhod na rin ngayon sa harap niya.

Tumingin siya sa mga mata ko at inilingan ako.

“I am sorry… Kasalanan ko itong lahat, e. Dapat sinabi ko na sa’yo. B-but… But we had so little time, Mika. Nagtatago pa tayong dalawa. At wala na akong ibang naisip nun kundi ikaw. I just wanted to make you happy during those times. But I messed it all up. 'Di ba? Ang tanga ko kasi, e. I am so stupid dahil sarili kong kasiyahan lang ang inintindi ko nun!” walang lakas siyang bumagsak sa sahig.

Tuluyan na siyang napaupo habang sinusuntok ang sahig. Sinabunutan niya ang sarili at habang iyak ng iyak.

“I-I didn’t know that it could happen. That it could ruin us. God, I should have known. Ang gago ko!”

Nanginig ako sa nakikita. Ito na ang pinakamalalang pag-iyak ni Vincent sa harap ko. Ngayon ay hinang hina na siya at wala nang lakas pa. Ni hindi na siya makaupo ng maayos. Nangingig ang labi ko nang kagatin ko ito. Lumuha na rin ako. Nasasaktan siya at nasasaktan din ako.

“I am sorry. Please, patawarin mo ako. Huh? Mika? Patawarin mo ako.” Hagulgol niya sa mga kamay ko. Nakapatong ang mukha niya rito kaya basang basa na ito.

Nangangatog na ang kamay ko at kahit mahigpit niya iyong hawak ay nararamdaman ko pa rin iyon. Hindi ko na nga alam kung kamay ko pa ba ang nanginginig o ang kanya.

Bumaba ako sa sahig at lumuhod sa harap niya. “Shhhh. Vincent. Calm down, okay?” Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinilit siyang tumingin sa akin.

Mugtong mugto ang mga mata niya. Namumula ang buong mukha niya at gulo gulo na ang buhok niya.

Ngumiti ako. I wanted him to see me smile. So he could calm down and feel that I am okay with everything. Wala na akong galit sa kanya.

“H-hindi ako galit. Hindi na ako galit. Now, I want you to stay calm. P-please, Vincent 'wag kang umiyak. Nanghihina ako…” sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Oo, malinaw sa akin ang mga sinabi ko. Sa wakas ay naipahayag ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Because, damn! I can’t hide this anymore to him! Dinadaya ko lang siya at pati ang sarili ko. Tama na ang lokohan!

“Y-you don’t have to explain—” umiling agad siya sa sinabi ko. Nahinto ako sa pagsasalita nang umayos siya.

“No! I will explain. I’m sorry. Hindi ko lang kasi matanggap na kasalanan ko ang lahat kung bakit ka nawala sa akin.” Giit niya. “Sorry kung ganito ako ngayon. Nagagaguhan lang kasi ako sa sarili kong nagawa! Ang gago ko, Mika. Nasaktan kita!”

“Shh.” Pinatahimik ko siya. Nilagay ko ang hintuturo sa labi niya matapos ay pinalandas iyon hanggang sa mahawakan ko ang pisngi niya.

“Alright, Vincent, you will explain. I’ll let you. But can you do it now? Kahit naman hindi ngayon, Vincent. I’ve already decided, hahayaan na kita sa gusto mo. Makikinig na ako sa’yo. Pero kaya mo ba?” sunod sunod na sabi ko sa kanya.

Gusto ko siyang kumalma. Nagwawala siya at sinasaktan niya ang sarili niya. Ayoko sa ginagawa niya sa sarili niya.

“K-kaya ko. Sasabihin ko na. Ngayon na.” tumitig siya sa mga mata ko. Ngayon, siya na ang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Ang lapit lapit ng mukha namin sa isa’t isa.

Kumalma na siya. Tumigil na ang mabilis na hinga niya. Tumahan na rin siya kahit na basa pa ang mukha at namumula pa siya. Humugot siya ng malalim na hininga.

Ngayon, ako naman ang kinabahan. Sunod sunod ang kalabog ng dibdib ko. Nanginig ang tuhod ko at parang ayokong nang lumuhod pa dahil nanghihina na iyon. Ako naman ngayon ang natakot sa mga sasabihin niya.

“The child…” sabi niya.

Lumunok ako at pumikit habang pinapakinggan siya.

“Is not my son, Mika.” Umawang ang bibig ko at tumulo kaagad ang luha ko.

“W-what?” halos wala nang boses na sabi ko. Nanginig ang balikat ko at sunod sunod ang tulo ng luha ko.

Umiling siya. Diretso niya akong tiningnan sa mga mata.

“Carrive... is not my son. Yes, he is a Formosa, but he’s not mine, Mika...” Kinagat niya ang nanginginig na labi. “H-he… he is my father’s son. Carrive is my little brother. Kapatid namin siya ni Terrence.”

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
155K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?
62K 2.5K 35
Keep your friends close and your ex boyfriend closer... -Kendra Savannah Maniego Third and last installment of Maniego Series.
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...