RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 13

4.2K 105 55
By calebnchloe

                     Parang titigil ang mundo ni Xian nang bumukas ang makalawang at kulang sa langis na gate nang nagbukas yun .

"Tita Kim!" agad na nakayakap ang anak nya sakto nang bumukas yun.

Tumama ang liwanag at slow-mo pa nang itinaas nya ang mata sa mukha nang niyakap ng anak. Napanganga sya...

"Hi Mei-mei akala ko nakaalis na kayo...sorry wala pa si Tita Kimmy mo!" 

Parang binunutan ng tinik sa dibdib at bahagyang lumuwag ang daloy ng hangin sa katawan ni Xian, nang ang makaharap nya ay hindi ang 'Kim' na kinababahala nya...isang nagkatawang babae pala.

"Ay sorry po Tita Bronsy, akala ko po kayo si Tita Kim!" halata ang disappointment sa boses ng bata. "Gusto ko sana ipakilala ang Daddy ko."

"Hi I'm Alexander . Alex na lang for short!" maayos na pakilala ni Xian sa  kaharap na Bronsy pala ang pangalan ayon sa pagkakatanda nyang itinawag ng anak.

Alex ang pakilala nya dahil sa Amerika, nasanay sya na yun ang tawag sa kanya. Ang mga malalapit na kaibigan/pamilya  lang ang tumatawag ng Xian sa kanya.

"Hi , Bronson. Bronsy na lang.... Diwata ng Water Lillies sa ilog ng Sta Ana." nagpacharming pa ito ng iabot ang kamay.

'Wow tunog maton pero sa maling katawan. Dahil mas mukha pa itong babae kesa kay Thess eh!' sa isip-isip ni Xian.

"Nice to meet you, Bronsy!" at saka natuon naman ang pansin ni Xian sa cute na batang lalaki. "Hello, ikaw ba si Kuya Clarence?" 

 "Ay opo ako po yun,sir! " bibong sagot ng batang lalaki na nakapagpangiti kay Xian. Dun pa lang alam nyang magiging isang magandang impluwensya ito sa anak nya . Mukhang alisto at mabait. Dahil kung hindi, kilala nya ang anak, mejo mapili ito sa mga kalaro o sa taong sasamahan. Kaya nga iilan lang ang ka-close at pwedeng pag-iwanan dito. Natutuwa syang dumarami at nadagdagan ang mga pinagkakatiwalaan nito.

"Sayang wala pa si Ate tapos si Papa nman nagpapahinga na , di bale babalik ka nman ulit di ba?" malambing na pakikipagusap nito kay Mei-mei . "Sasabihin ko na lang sa kanila na pumunta kayo ng Daddy mo!" 

Matapos magpasalamat ay umalis na rin sila . Pero di nakaligtas sa kanya ang pag-iimbita ng anak sa birthday nito sa susunod na bwan. Saka sya nag-mental note sa sarili na kailangan na nyang ayusin ang party ng anak dahil wala pa man, mukhang kumpleto na ang listahan nito ng mga bisita. At hindi nman nya hahayaang ma-disappoint ang kanyang prinsesa...

                 

                  "Ay teh , di ka maniniwala ang gwapo lang talaga...as in pang hollywood na kagwapuhan ang na-missed mo!"

Bungad agad ni Bronsy kay Kim di pa man nya nailalapag ang pasalubong na pansit sa la mesa pagkadating na nya.

"Ay may ganun?!...saang 'Ginoong Chenelyn Search' mo na nman nakita yang hollywood na kawapuhan?...lika kain tayo!" Yaya ni Kim  di sineseryosong sagot nya sa binida ng kaibigan habang tuloy sa paghayin ng dalang pagkain. "Teka, tatawagin ko lang si Clarence.Si Papa ba,kanina pa nagpahinga?" 

Walang tunog na pinaglapat  ni Bronsy ang mga labi  bilang sagot . Tipikal na 'oo' para sa ka-rancho nito.

Nang makabalik si Kim galing kwarto.."Ano ulit yung gwapong pang -hollywood?..Saang galing tabloid mo nakita?" 

"Anong Ginoo Search ,anong tabloid?...waley ganun! Ditech kanina sa balur kasama ni yayamaning bagets!"

"Si Mei-mei?..."

"Check!" with matching actions pa.

"Kasama nya kamo? Sino yun?"

"Eh di yung Tatay ng bagets! Inferness  sis , feeling ko talaga kanina bumaba ang isang 'demigod' na napadpad sa Sta. Ana para magtagpo ang tadhana namin!" nangangarap na ang itsura ni Bronsy . Malayo ang tingin. Nakangiti. Masarap batuhin ng tsinelas para magising!

"Ah talaga, bakit daw?!"

"Eh gustong magpaalam and at the same time,ipakilala ni bagets sa atin .  Magbe-birthday din ata, iimbitahan daw tayo."

"Ah okay, mabait nman yata eh?" tanong ni Kim. "I mean ,yung tatay di nman mukhang suplado o ano?"

"Hindi kaya! Hay naku, sayang talaga sis di mo nakilala si Alexander ng buhay ko ...pero di bale punta tayo sa party ni Mei-mei para ma-meet mo ang future ama ng mga magiging supling ko!" banat ulit ni Bronsy. 

"Ganun?! Ama talaga ng mga future supling? Agad-agad...di ba pwedeng magpatubo ka muna ng matris para may paglagyan ang mga future supling mo?!" pang-iinis ni Kim sa kaibigan. Lambingan.

"Ah ganun ah!...Ay ,spam agad  ako sayo teh!? Wala man lang encouragement kahit konti?!" 

"Loka! Buti nga 'spam' ka lang ,di 'report abuse'... o sya halika na kumain ka na lang gutom lang yan friend...mahirap talaga nalilipasan ng gutom . Kung ano-anong hallucination na lang!"

"Naku pasalamat ka talaga , mahal kita Kimimay! Kung hindi ,gawin kong mohawk yang buhok mo!" nagkatawanan na lang sila ng maalala si Thess.

           

                                    Isang araw ng lunes, mag-dadalawang linggo ang nakaraan nang may iabot si Bebeth na imbitasyon kay Kim. 

Birthday invitation galing kay Mei-mei.

Napangiti sya nang maalala ang bata. Sa totoo lang miss na miss nya na ito. Etching lang nya na baka hindi sya makapunta sa birthday nito kahit pa naging masungit ang tatay nito kung sakali. 

Inaasahan na nya ang imbitasyon dahil tumatawag nman ang bata at panay ang kwento sa kanya kahit sandali lang ang mga pag-uusap nila. Kahit pa alam nyang napipilitan  lang si Thess na gawin ang gusto ng alaga. 

Binuksan nya ang laman ng envelope at mukhang mamahalin kahit simple lang yun. Nakasulat doon ang eksaktong araw at lugar kung saan gagawin ang okasyon. Dalawang linggo mula sa araw na iyon.

Sa clubhouse ng isang sikat na village ng mga mayayaman sa Makati ang venue. May RSVP daw at kailangang tawagan ang 'Alex' na tatay nito. Gusto sana nyang e-email na lang dahil parang naalalangan sya na tawagan ito sa number na nasa invitation para sabihin pupunta sila ,unang-una,di sila magkakilala at lalong d sila close! Eh kaso nga wala, number lang ng cellphone!

'Mamaya na lang ako tatawag, baka sabihin nman masyadong excited kami!'  sa isip-isip ni Kim.

Kaya para di makalimutan, idinikit na lang nya ang imbitasyon sa fridge at pinatungan ng magnet  para mamaya, di nya nga tuluyang makalimutan . Baka sa kaaarte-arte nya at dami ng concerns nya na mukhang wala nmang kwenta,eh tuluyang di sila maka-attend sa party ni Mei-mei.

Yun ang ayaw din nyang mangyari kahit pa di nya maintindihan ang sarili kung bakit ba may sundot ng pag-aalinlangan ang pagdalo nya sa party na ito. Ayaw nyang ma-disappoint si Mei-mei!

                    Tapos na maghugas ng pinagkainan nila si Kim. Kasalukuyan na syang nakaupo sa dining chair na malapit sa fridge. Tanaw nya ang kapatid na gumagawa ng assignment sa sala. Ang Papa nman nya ay malamang nanonood ng tv habang nagpapaantok sa kwarto nila.

Hawak nya ang cellphone at parang tangang nakatitig sa card na nakadikit sa fridge.

Nagpaalpas sya ng buntunghininga.

Di nya maintindihan ang tensyon na bumabalot sa kanya sa planong pagtawag at pagbibigay ng RSVP  sa Daddy ni Mei-mei.  Kung tutuusin , di nman nya kilala at wala syang ideya kung ano bang klaseng tao ang kakausapin nya. Pero bakit parang kinakabog ang dibdib nya sa mga isipin nya.

Para syang tanga!

 Pinilig-pilig pa nya ang ulo at isang hugot pa ng malalim na buntunghininga bago nya inutusan ang mga daliring tumipa ng numero sa telepono.

Nasa ikatlong ring na ang natapos nang may sumagot na lalaki sa kabilang linya.

"Hello, Alex speaking..." may pagkabagot ang tono ng pagkakasagot . Pero mas and familiarity ng boses ang nakapagpatigil sa kanya kaya nagdalawang isip pa si Kim kung magsasalita.

'Parang kilala ko ang boses nito! ...Naku hindi ,imposible Kim!...Naku bad timing ata mukhang mainit ang ulo!' bulungan sa likod ng utak nya.

"Hello?..." ulit ng nasa kabilang linya. Nasa tono na ang inis at mukhang absent ang pasensya.

"Ehem.. ." tanggal bara pa ni Kim bago nagsalita. "Hello, sorry kung di ako nakasagot  agad.Ahm ano kase...Ako yung Ate ni Clarence, si Kim,yung kapitbahay ng mga Licauco sa Sta. Ana..."

Grabe ang kabang nararamdaman nya. Nanginginig ang kamay nya. Pawis.Pasmado?Basta.Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit ba halos maramdaman nya na para syang magco-colapse sa tindi nun. "... N-natanggap na kase nmin yung invitation ng birthday ni Mei-mei. Gusto ko lang i-confirm na... a-attend kami..."

Sa kabilang linya nman nagkaroon ng katahimikan. Walang sagot.

Di tuloy napigilan ni Kim na alisin sa tenga ang cellphone para i-check baka wala na syang load o lowbat kaya naputol ang linya. Pero hindi , ayos nman!

Pinagloloko ba sya ng kausap nya o talagang snob lang ito at walang panahon para pag-aksyahan syang kausapin?

May inis na biglang naramdaman si Kim kaya di nya tuloy na-control ang boses ng magsalita "HELLO?!" 

Napalakas nga ata kaya mukhang natauhan ang lalaking kausap kaya pabigla ang naging sagot nito na parang nagulat.

"Ahm yeah! Sorry about that. Nadistract lang ako....So Ikaw pala yung Tita Kim na laging kinukwento ng anak ko..."

Napakunot na ang noo ni Kim. Weird ang biglang pagbabago ng mood ng kausap. Kung ano man ang kinuwento ni Mei-mei dito ay wala syang ideya. Ang kanina'y mukhang walang gana, ngayon nman mukhang naging interesado. 

"Ako nga ...so paano, pasensya na sa istorbo. Nagco-confirm lang ako kaya ako tumawag. Ahm , goodnight na lang A-alex! Thanks for the invite...darating kami pakisabi kay Mei-mei . Sige ha.."

Parang hinahabol ng kung ano ang salita sa bibig ni Kim nang mamaalam. Gusto nya biglang matapos na ang usapang yun nang lumuwag at maging normal na ang paghinga nya at nang matigil na nag panginginig ng katawan nya.Natatakot syang ma-heart attack kung patatagalin pa ang pag-uusap na yun.

"..Ahh o-okay cge. Thanks for confirming. See you at the party...B-bye.."

Muntik na di humabol ang 'bye' dahil mabilis na napindot  ni Kim ang 'end' button.

                     

                                           Nang tumunog ang cellphone ni Xian,kasalukuyang naguumpisang uminit ang ulo nya sa kulang-kulang na inuwing dokumentong pinag-aaralan nya. Medyo hindi efficient sa trabaho ang pansamantalang sekretarya nya dahil nakabakasyon ang totoong assistant nya. 

Kaya nasa ikatlong ring na iyon, wala ring caller ID ang kung sino mang tumatawag nang masagot nya ito. Siguruhin lang na hindi wrong number ang tawag na iyon dahil naaabala ang kanyang oras.

May kapormalan ang pagkakasagot nya . Inaamin nya . Kaya cguro hindi agad nakasagot ang kung sino mang nasa kabilang linya. Inulit nya ang 'hello' at kung di pa rin sasagot ang kung sino man ay magha-hang up na sya. Mabuti nman at nagsalita rin. Pero halata ang alinlangan sa boses ng kausap.

Babae.

Nag-umpisang parang umikot at magpatumbling-tumbling ang puso nya sa loob ng dibdib nya nang marinig ang malambing na boses nito.

Pamilyar! 

Iisang pangalan ng  babae ang agad na pumasok sa isip nya na maaring magmay-ari ng boses pero napaka-imposible. Pero hindi mawala sa isip nya lalo at nagpakilala ito .'

'Kim' daw na ate ni Clarence. Iisa sa 'Tita Kim' na laging bukang bibig at binibida ng anak nya mula nang umuwi ito galing sa Sta. Ana.

'Paranoia lang yan dude!...relax!' pinapakalma sya ng utak nya.

Bigla ang dating ng panic sa kanya ng napalakas ang 'hello' ng kausap.Nagising ang naglilimayong diwa nya. Inakala yata nito na wala na sya dahil sa pananahimik nya. Nataranta pa sya. 

'Kelan ka ba nataranta dahil lang sa isang estrangeherong kausap sa telepono?' sita na nman ng utak nya.

Pero lakas ng panghihinayang nya nang biglang parang nagmamadaling nagpaalam ang kausap nya matapos mag-confirm ng pag-attend sa party ng anak nya. Kung kelan pa nman , feel nyang makipag-usap dito at kilalanin. Kase parang kilala nya talaga ito. Gusto nyang makasiguro na ito nga ang 'Kim' na kilala nya. Ang kaso, mukhang mailap ang babae na parang kinakabahan na kung ano.

May sasabihin pa sana sya pero 'click' na lang ang narinig nya sa kabilang linya. Muntik na nga di makahabol ang 'bye' nya. 

Lalo tuloy sya naging interesadong makilala kung sino man itong 'Tita Kim' ng anak nya. Nawala na rin ang init ng ulo nya kasabay nang nawala din ang interes nya na ituloy ang pagbabasa ng mga iniuwing trabaho. Masyado nang inokupa nang estrangherong babae ang kamalayan nya.

Nabuhay ang interes nya.Bago sa kanya ang ganyang pakiramdam.Pakiramdam na ma-excite syang makilala ang isang taong walang mukha. Boses lang at pangalan ang pinagbasehan nya.

Di bale sa birthday nman ng anak nya makikilala na nya ito ng personal. At saka na nya ulit babasagin ang ilusyon na ito ang 'Kim' na kinasabikan nyang makita ulit. Ang 'Kim' na dapat nyang paghandaang ilagan ang  masasakit na salita at sumbat sa mga maling ginawa nya.

Umilap lang lalo ang antok sa kanya kaya nagbukas sya ng e-mail nya. Mabilis na napasadahan ng tingin ang inbox at may malaking ngiti nang makita ang pamilyar na pangalan. Binuksan saka binasa ang laman nun ....

                      Hey Mr. Sungit!

                      Guess what?!... I can make it to our Princess' birthday party! YEY!!

                      Yun nga lang, hapon ang scheduled arrival ko,late na ako  but I think I can still make it                        naman.

                      You wouldn't want to know what I did to be there earlier than expected...

                       Basta may utang ka sa akin, humanda ka!

                       See you next week. Pasundo mo ako ah!

                        BTW,it's a surprise huh don't tell her kundi lagot ka sa akin.

                       Love you!

                       Nix 

Napalaki ang ngiti ni Xian matapos basahin ang e-mail ni Nica. Mabuti nman at darating ito . Tiyak matutuwa ang anak nya.Hindi na ito iba kay Mei-mei , ito na ang halos naging 'nanay-nanayan' habang lumalaki ang anak.

College pa lang kilala nya na ito. Aquaintance lang,more of katanguan.Hindi man sila close noon, sa Amerika nman naging matatag ang friendship nila. Nakakatawang sa pila ng isang coffee shop nangyari yun.

Tandang-tanda pa nya , ang babae ang nasa unahan nya at pagdating sa cashier ay nalaman nawawala ang walet nito. Sya nman ay nagmamadali , kaya para lang mabilis na umusad ang pila ay nag-offer na syang bayaran ang kape nito. Di nya agad nakilala ang babae dahil sa laki ng pinagbago nito. And the rest was history...sino ang mag-aakala na ang simpleng magkatanguan at hi/hello lang noong college ay magblo-bloom into a special kind of relationship...

Dahil sa isang tao ...

Darating din ang panahon na ang nagbubuklod sa kung anong relasyon meron sila ngayon ay magkakaroon din ng patutunguhan ....sabi nga, kahit di hanapin, kung tama na ang timing ay matatagpuan din!                      

                          Yung mga ganitong panahon lagi sa isang buong taon yung sobrang down na down ang pakiramdam ni Kim.

Yung parang laging inuulit na patayin ang puso nya...ang pagiging babae nya...ang pagiging ina nya.

Birthday ng kanyang si Kiara Alexis. Five years old na ngayon ang sanggol na isinilang nyang premature pa. Ang batang lumaking walang ina sa tabi at matindi nyang pinagungulilaan taon-taon na lang. Yung nauulit ang pakiramdam nyang gusto nyang maloka sa sobrang pagka-missed dito at sa kagustuhang pumatay ng tatay nito!

At bawat taon na lang na sasapit ang birthday nito...laging gusto nyang i-question ang sarili tulad ng tanong sa ads ng 'nescafe'...

...Para  kanino ka bumabangon?

Para kanino nga ba?

"Hoy Kimberly Sue! Umayos ka jan at hinahanap ka na ng Papa mo! Bumangon ka na! " tila loud speaker sa bayan ang boses ni Bronsy. Daig pa nito ang nanay na matalak sa anak tuwing umaga na may pasok! "Tama na ang senti-senti...hala kilos na!" hinila pa nito si Kim patayo.

"Anong oras na ba?" tamad na tamad na kumilos si Kim.

"Aba Nyorita, alas y dyes na po ng umaga! Mabuti na lang, sanay na ang lahat na tumitigil ang mundo mo sa ganitong petsa bawat taon! Tablado ang mga nagcre-crave ng lugaw mula agahan pati meryenda nila ...red letter day para sa mga tindero mo at higit sa lahat may pa-pansit ka at ice cream mamaya kahit di nman  maipinta ang mukha mo sa lungkot!"

"O eh alam mo na pala eh , bakit mo pa ako ginising?" inis na commento ni Kim sa litanya ni Bronsy.

"But of course my dear, 'tis the time of the year that I need to preserve your sanity! Aba, kung hindi , malamang sa 'Mandaluyong loob' na kita pinupuntahan every year! Bet mo yun?!" Di papatalo sa argumento nito kay Kim.

Walang nagawa si Kim kundi paikutin na lang ang eyeball at madaskol na tumayo. Di nman affected si Bronsy. Mukhang sanay na sanay na nga!

"Nga pala, baka nakakalimutan mo, ngayon yung birthday party ni yayamaning bagets! So ipagpabukas mo na ang papansit at pa- ice cream mo...hashtag: just saying!" maarteng sabi nito.Akala mo sa twitter sumo-sona.

Kung naibang tao ang kaharap nya, sa estado ng utak at emosyon nya ngayon, kaya siguro nyang manakit!  

Patamad na kumilos na si Kim. Kahit tigil ang mundo nya sa araw na iyon , di rin nman pwedeng magutom at di maligo ang Papa nya .

Salamat pa rin kay Bronsy, na kahit hindi ito nakakatulong para pagaanin ang loob nya ay lagi naman itong present sa mga 'lowest point' ng buhay nya. Buti at naipaalala nito ang party, nawala na talaga sa isip nya na ngayon pala yun. Naibili naman na nya ng regalo ang bata last week pa kaya hindi sya natataranta. Marami lang sya talagang iniisip nitong nakaraang araw kaya nawaglit sa isip nya ang lakad ngayon.

"Nasabihan mo na ba si Glenda na sasamahan nya si Papa dito habang wala tayo?" paalala din nya kay Bronsy. 

Si Glenda ay ang taga-shampoo sa parlor ni Bronsy na napapakiusapan nyang magbantay sa ama kung may pupuntahan sila ni Clarence kung di rin available ang kaibigan. Nagpasya syang di na isama ang Papa nya dahil mahihirapan lang ito sa byahe. 

"Check as in super check na check!...O paano iple-play ko na ba yung theme song mo every year...yung pang 'Lovingly Yours, Ate Helen' sa lungkot na scoring?! "

"Heh...labas! Di ka nakakatulong!" mabilis, solid at sapul na tinamaan nang nadakmang unan ni Kim si Bronsy na tumawa pa ng 'kontrabida laugh' bago nawala sa pinto ng kwarto.

                     

                                      Mula sa labas ng clubhouse , di pa man nakakababa ng taxing inarkila sina Kim ay feel na feel nya na ang festive mood ng paligid. May pink and purple balloons na magandang naka-ayos sa entrance pa lang. 

Pagpasok sinalubong agad sila ng isa sa mga staff siguro ng party organizer para tingnan sa listahan ng mga bisita. Matapos kunin ang regalo nila at bigyan ng name tag si Clarence na halos lumuwa ang mata sa mangha sa paligid, ay giniya na sila papunta sa nakareserbang upuan nila nang hindi man lang nasilayan ang may birthday. 

Di nakalimutang tanungin ni Kim ang babaeng umalalay sa kanila kung nasaan ang celebrant...ang sabi lang nito, may grand entrance daw na parte ng program na malapit na daw magumpisa.

Gumala ang mata ni Kim para i-appreciate ang magandang ayos ng venue.Sa stage , napakaganda ng set-up.Princess ang theme ng party. Pink and purple ang dominanteng kulay.Maayos na ikinalat ang iba't-ibang food carts and activities. Kumaway sya kay Bebeth nang makita nya ito at inaaya na si Clarence sa pinagkakaabalahan ng alaga nitong si Raine.

Buti na lang at may isang kakilala sila sa party na iyon kahit gaano ka-dyahe ang feeling nila dahil outsider nman talaga sila. Lalo at karamihan sa bisita ay mukhang mayayaman . Puro unipormado ang mga yayas.Di naman kadamihan ang bisita nasa bente y singko ang tantya nyang bata at mga treinta sigurong ang mga adults. Sa laki ng venue nagmukhang kaunti lang yun.

Bigla din tuloy naconscious si Kim na baka may isa o dalawa sa mga bisita ang makilala sya .Sa dating buhay nila...nya! 

Saving grace talaga na kasama nila si Bronsy at least, may kakwentuhan sya kahit paano. Kahit pa halos mabali ang leeg ng kaibigan kalilinga sa paligid.

Siniko nya ito..."Huy, sino ba yang hinahanap mo ? Kulang na lang mag- 360 degrees yang ulo mo eh!...Linda Blaire ang peg?" tukoy nya sa bida ng Exorcist movie.

"Wag ka nga!Hinahanap ko yung magiging tatay ng mga supling ko! ...Alex oh Alex, where are thou!"

"Arteh...Cge push mo yan! Kung mabali ang leeg mo tingnan ko lang!"

Maya-maya pa ay nagsalita na ang MC. Pinauupo na ang lahat at uumpisahan na ang program.Ilang saglit lang , tumugtog na ang background music at pinakilala ang celebrant.

 Halos panlamigan ng buong katawan  si Kim nang marinig ang sumunod na sinabi  ng MC.

"Let's all welcome , our birthday celebrant ... KIARA ALEXIS LIM-UY with her dad, ALEXANDER XIAN LIM -UY "

Di alam ni Kim kung natulig ba sya na parang pinatugtugan ng Cymbals sa tenga nya para halos maging mute ang paligid. Parang umiikot ang lahat . Di nya alam kung nananaginip ba sya ng gising. Na totoo ang lahat ng nasasaksihan nya.

Mula sa gwapong-gwapong lalaking may hawak sa kamay ng bata at sa batang babaeng todo ang ngiti na halos mawala ang mga mata. Ni wala na syang pakialam kung magtaka man ang mga katabi nila kung bakit naluha sya.

Nakita na nya ang matagal na nyang hinahanap...sa wakas!

Actually, matagal na nga, di lang nya pinag-ukulan ng panahong damdamin ng utak nya pero ang puso nya , nakaramdam.

Ang tadhana, may pagka OA magbiro...silang mag-ina pala ang punchline!

Sino ba ang mag-aakalang ang batang matagal nyang pinangulilaan at inasam na makita ulit ay iisa lang sa batang iniligtas nya at kinagaanan ng loob at nakasama ng ilang araw?

Ang tao pala na may malaking kasalanan sa kanya ay madali nyang matatagpuan at masisisngil sa halos limang taong pagkakautang nito. Kaya pala ganun na lang ang dagsang emosyon na naramdaman nya ng makausap nya si Xian sa telepono ... mamaya sila magtutuos ng magaling na asawa nya. Sa ngayon , ang anak ang nasa isip nya!

Marahang siko sa tagiliran nya ang nagpaapak ulit kay Kim sa realidad...si Bronsy.

"Oh em gee Mars, sya na yun! Sya si Alex , yung sinasabi ko sa'yong nagpatalon ng mga eggcells ko! Di ba ang gwapo-gwa--- " natigilan ito nang makita ang luha "...Mars, anyare ? Ok ka lang ba?..." saka nagpalipat-lipat na ang mata nito sa stage at sa mukha ng kaibigan. Saka nagkapormang bilog ang bibig nang ma-realized ang pinagkakaganun ni Kim. "...Oemgee don't tell me...Naiyak ka ba sa kagwapuhan nya?"

"Tangek!..." mahinang siko nya dito saka nagpahid ng mga luha. "Bronsy, ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko sa loob ng limang taon...tapos na ang paghahanap ko! Nakita ko na rin sya sa wakas ..." hindi humihiwalay ang tingin ni Kim sa mag-ama na nakaakyat na sa mini stage . Mas tutok ang mata sa anak na walang kamalay-malay na nasa paligid ang ina nito.

"Huh!?  Teka teh, naco-confused na ako sayo and mejo bothered...yung totoo tumira ka ba ng gamot bago tayo umalis?!"

"Walang gamot na in-overdosed o pag-aadik na naganap , Bronz.  Si Mei-mei at ang anak ko si Kiara...iisa!"

Saktong nagtama ang mata ni Kim at Mei-mei . Kumaway ang bata mula sa kinatatayuan nito. Kahit di audible nagporma sa labi nito na tinawag syang 'tita Kim'.Gumanti rin sya ng kaway sa bata. 

Saka nagtama ang mga mata nila ng estranged husband.

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...