Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 25

5.8K 121 6
By PollyNomial

KABANATA 25 — Investment

Walang nagsasalita sa amin ni Vincent sa loob ng kotse. Konting minuto nalang at ganito pa kami, mabibingi na ako nang tuluyan dahil sa katahimikan. Pakiramdam ko rin ay nanunuyot na ang laway ko at panis na ito sa loob ng bibig ko. Panay nalang ang buka ko ng bibig para naman hindi ako matuyuan.

Kanina, nang sabihin niya ang rason ng pagkuha niya sa akin ng pilit ay labis na kaba ang dinama ko. Natahimik ako at hindi na ako nakapagreklamo pa sa kanya. Gusto ko pang magalit pero wala nang kwenta dahil nakakulong na kaming dalawa rito sa kotse niya.

Panay ang tingin ko sa kanya sa rearview mirror pero siya ay hindi manlang ako sinusulyapan. Ni hindi na siya nagsalita o nagtanong manlang kung okay lang ba ako rito sa likod ng sasakyan niya. Ganito ba talaga tratuhin ng mga kidnappers ang mga bihag nila? Walang nakikipag-usap? How am I supposed to know? Ito ang unang beses na makikidnap ako. Ni hindi ko nga alam kung iyon nga ba ang tawag sa sitwasyon ko. Wala naman akong tali sa kamay o panyo sa bibig. Pero sa itsura ko, parang ganun na rin. Parang may imaginary rope na nakatali sa kamay at paa ko. Dahil hindi ako makagalaw rito sa kinauupuan ko.

Tiningnan ko ang orasang pambisig at nakita kong lagpas isang oras na kaming nasa byahe. Naalala ko sila Nash. Naka-schedule ang alis ng service ng 11am. Paano kung iniintay pala nila ako? Nakakahiya sa kanila dahil mukhang imposible nang makasipot pa ako.

Tiningnan ko ulit si Vincent. Nakatagilid ang ulo niya habang nakadantay ang braso niya sa pintuan ng kotse. Nakahinto kami ngayon sa traffic light. Una kong naisip ang tumakas pero hindi pwede dahil sa naka-lock nang pinto na siya lang ang makakabukas.

Lumunok ako at sinubukang ibuka ang bibig. Hindi ko pa alam ang sasabihin ko pero tinawag ko pa rin siya.

 

“U-uh… V-vincent.” Mahinang tawag ko sa kanya. Umandar muli ang sasakyan at hindi niya ako pinansin. Mukhang wala siyang narinig kaya inulit ko.

“Vincent.” Tawag kong muli.

“What?” kinagat ko ang labi dahil sa iritadong tono niya. Ngumuso ako.

Gusto ko lang naman makiusap kung pwede akong makahiram ng cellphone sa kanya para matawagan si Nash. Ang akin kasi ay naiwan ko sa kotse ko.

“What, Mika?” kumalabog ang puso ko sa narinig.

Talagang matinding kilabot ang naramdaman ko nang banggitin niya ang unang dalawang pantig ng pangalan ko. Ngayon ay mas malumanay na ang boses niya kaya naman nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtanong sa kanya.

“M-may trip kasi ngayon ang FF for work. Sinama ako ni Nash at… baka iniintay nila ako.” Mabagal na sabi ko.

“I already texted her. They don’t need you there. Sabi ni Carmela, nakikisali ka lang daw.” Sabi niya gamit ang matabang na tono.

Kumunot ang noo ko. “Carmela?” tanong ko sa kanya. Bakit naman ito sinabi ni Carmela sa kanya?

“Uh-huh. She reported that to me last night. At ang sabi niya, wala ka raw trabaho ngayon.” Salita ulit niya.

Mas lalo nang kumunot ang noo ko. Reported? Si Carmela? Ni-report ako kay Vincent? Anong ibig nitong sabihin?

“Teka nga, Vincent.” Medyo tumapang na ang boses ko. Napaayos ako ng upo at humilig sa kanya. “Bakit nasali si Carmela? Bakit niya ako nire-report sa’yo? Ano siya? Detective na nagbabantay ng mga galaw ko?”

 

“You can look at her that way. 'Yon naman talaga ang trabaho niya.” Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig.

“WHAT?!” malakas na sigaw ko sa kanya. “Wala kang karapatan para pabantayan ako, Vincent!” umusbong na ang lahat ng katapangan ko para masagot siya.

How could he do this to me? Pinapabantayan niya ako? Kaya naman pala! Kaya pala all of a sudden, mabait na sa akin si Carmela. At ano pa? Kasama ba ang pakikiusap niya sa akin kahapon na isama ko siya sa mga magiging model ng designs ko? Damn! How could I not think of that? Ginawa niya iyon para mas lalong mapalapit sa akin! Para mabantayan pa akong lalo? Ang tanga ko!

Niliko ni Vincent ang kotse. Nasa highway kami kaya maluwag ang kalsada. Gusto ko na talagang bumaba pero hindi ko magawa dahil bwisit! Nakakulong ako rito!

“May karapatan ako, Mikaella.” Malumanay na sabi niya. Lumingon siya sa akin at gaya nga ng parating reaksyon nitong traydor kong katawan ay napapaatras ito na parang takot na takot sa mga mata niya.

“W-wala, Vincent.” Ulit ko. Pinilit ko ang sarili na labanan ang mga titig niya. No, I will not lose this time.

“Sinasabi ko sa’yo, Mikaella. May karapatan ako. Kaya tumahimik ka nalang diyan dahil malayo pa ang pupuntahan natin.” Malamig na sabi niya matapos ay ini-start ulit ang sasakyan.

Umandar muli ang kotse. Sumuko na ako. Walang kwenta kung lalaban pa ako. Hindi niya ako papakawalan dito. Hindi siya papapigil sa mga gusto niyang gawin. At ngayon natanggap ko na na kahit kailan, talo ako sa kanya. Mananalo’t mananalo siya laban sa akin. Sa puso ko palang na ang laging sinisigaw ay siya, talung talo na ako. Sa simpleng pagtatalo pa kaya?

Halos kalahating oras ang nakalipas at walang umimik sa amin. I didn’t dare to open my mouth again. Sa realization ko kanina, naintindihan ko na na wala akong laban sa kanya.

Nakatitig ako sa kawalan nang magsalita siya.

“Gusto mo bang lumipat dito sa harap?” napatingin ako sa mga mata niya sa rearview mirror nang magtanong siya. Inirapan ko siya at binaling ang tingin sa dinadaanan namin.

“No. Ayoko sa tabi mo.” Lakas loob na sabi ko. Naaasar pa ako at ayokong makatabi siya manlang. Kahit dito na ako sa likod 'wag lang sa tabi niya. Okay na ang ganitong distansya sa aming dalawa kesa wala. Trinatraydor lang ako ng aking sarili sa tuwing malapit ako sa kanya.

“Fine.” Simpleng sagot niya. Lumiko ang sasakyan at nakita ko ang sign board na nadaanan namin.

“To Tagaytay?” napaawang ang bibig ko at sinundan ang signage na nakita ko. “Pupunta tayong Tagaytay?” tanong ko pero hindi niya ako sinagot. “Vincent!”

 

“God, Mikaella! Ang ingay mo!” masungit na sabi niya. Nanibago ako sa reaksyon niya. Kanina pa siya mukhang walang gana. Mula kanina, kung hindi siya tahimik ay galit siya.

“Bakit ba ang sungit mo?! Nagtatanong lang naman ako!” sigaw ko. Humalukipkip ako at masamang tiningnan ang likod niya. Sana lang talaga nakakamatay ang mga mata ko!

“At bakit ba ang ingay ingay mo?  Hindi ka naman ganyan dati.” Sabi niya na nagpaawang ng bibig ko. “Dati tahimik ka lang at sumusunod na lahat ng gusto ko. But now, kailangan pa ng sapilitan para mapasunod lang kita.”

Napangisi ako. Kung makapagsalita siya parang ako lang ang nagbago.

“Ba’t ikaw, hindi ka ba nagbago? Dati tinatanong mo muna ako ng mga gusto ko. Gusto ko ba ito, gusto ba iyan. Pero ngayon, pinipilit mo na ako sa ayaw ko.”

 

“Okay, fine! Oo, sa Tagaytay tayo pupunta. Gusto mo ba? Can I bring you there? Ayan, nagtanong na ako. Ano?” tanong niya pero hindi naaalis ang tingin niya sa daan. Ako naman ay nakatitig lang sa likod ng ulo niya. Tumatagilid lang parati ang ulo niya sa tuwing magsasalita siya.


“May magagawa pa ba ako? Para namang may takas pa ako rito.” Umirap ako at tumingin nalang ulit sa car window.

Naninibago ako sa bagong kami. Hindi kami ganito noon. Mahinhin parati ang usapan namin at walang sigawan. Pero ngayon… parang hindi pwedeng walang sisigaw, iiyak, o magmamakaawa sa aming dalawa.

“C’mon, Mika. Let’s stop this.” Ayan nanaman ang tawag niya sa akin. Nagbago ang tono niya. Mula sa pagsigaw ay mahinahon nalang iyon.

Sa tuwing maririnig ko iyan sa kanya ay natutunaw ako. Pati lahat ng inis ko nawawala. 'Yong gusto ng puso ko, nakikipaglaban sa ayaw ng utak ko.

“Matagal ko nang hinihiling 'yan sa’yo, Vincent.”

Malakas siyang bumuntong hininga.

“Hindi 'yon ang tinutukoy ko. I meant, this. Itong ganitong tayo. This is not us, Mika. Hindi tayo ganito dati.”

“Marami nang panahong nakalipas, Vincent. People change. Ako at kahit ikaw, nagbago.” Sabi ko.

Hindi ko alam kung aling pagbabago niya ang tinutukoy ko. Ang itsura niya, ang pakikitungo niya, ang mga pamimilit niya, o ang katotohanang may anak na siya at hindi na kami pwedeng dalawa.

“Mika…” buntong hinga niya. “Dito ka na sa harap. I’m not comfortable if you’re there.”

“Lalabas ako ng sasakyan 'pag ginawa ko 'yon. Hindi naman ako pwedeng tumalon papunta riyan. Hindi ka ba natatakot na tumakas ako?” sagot at tanong ko sa kanya. Malumanay na ang boses ko. Nawawalan ako ng lakas sa tuwing kinakausap niya ako na akala mo ay ingat na ingat siya sa akin.

“I’m scared, Mika. I am always scared when it comes to you. But I trust you. Kaya please, ihihinto ko na 'tong sasakyan. Dito ka na sa harap.” Sabi niya.

Ginawa niya ang sinabi. Tumabi siya at hininto na nga ang sasakyan. Hindi siya lumabas pero in-unlock niya ang pintuan ng kotse. Hahayaan niya lang akong lumabas ng mag-isa? Ganun talaga siya nagtitiwala sa akin?

Tiningnan niya muna ako sa rearview mirror bago pumikit at tumango. Sinunod ko siya. Lumabas ako.

Tiningnan ko ang paligid. Nasa isang crowded area kami. Maraming tao. Kung hihingi ako ng tulong, siguradong may isa o dalawang tutulong sa akin. Kung tatakbo naman ako ay sigurado ring hindi niya ako maaabutan o makikita dahil sa dami ng tao.

Pero ni isa sa mga naisip ay hindi ko ginawa. Vincent said that he trusts me. And I feel that I have to protect that trust. May kung ano sa akin na ayokong masira ang tiwala niya sa akin. Because, I swear to God, when a person’s trust is broken, it can never be fixed again. Siguro maaayos pa pero may lamat na.

At ayokong mangyari iyon sa akin.

So I walked to the front door, opened it, and sat beside Vincent.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong lumingon siya sa akin. Yumuko nalang ako at naramdaman ko na ang muling pag-andar namin.

“I’m sorry.” Pabulong na sabi niya. “Alam kong mali itong ginawa ko but I am really sorry. Ito nalang kasi ang paraang naisip ko, Mika.” Punong puno ng pagsisising sabi niya.

Tahimik lang ako at nakinig lang ako sa kanya.

“I talked to your father.”

Agad akong bumaling sa kanya. “What? I-I mean, about what?” tanong ko.

“About you. Nagpaalam ako sa kanya sa gagawin ko ngayon.”

 

“What?! A-alam 'to ni Dad? H-he knows that you’re gonna kidnap me?”

Agad na sumilay ang ngisi sa labi niya kaya naman kumunot ang noo ko. “No. Nakausap ko siya kanina. Ang akala niya ay alam mo na ang tungkol sa paalam ko sa kanya. Pinaalam kita. I said that we are going somewhere. A vacation. Pero nang tumawag ako sa kanya para ipaalala ang gagawin ko, sinabi niyang mukhang hindi ka raw makakasama dahil may trabaho ka.” Sabi niya. Bumaling siya sa akin nang saglit na huminto ang sasakyan dahil sa trapik.

Tumagilid siya ng upo at bumaling sa akin.

“Pero ang alam ko ay binigyan ka ni Nash ng day-off ngayon kaya wala kang trabaho. That’s when I decided na puwersahin ka nalang. It’s my only choice, Mika.” Lumunok siya. Pinatong niya ang kamay sa kamay ko. “I’m sorry. Ito nalang talaga ang kaya kong gawin para magawa kong mag-explain sa’yo.”

Inalis ko ang tingin sa kanya. Dumiretso ang tingin ko sa kotseng nasa harap namin. Pero kahit hindi na ako nakatingin sa kanya, parang nakikita ko pa rin ang nakakatunaw at nanunuot sa kaluluwa ang mga mata niya.

“Ano pa bang dapat ipaliwanag—”

 

“Marami, Mika.” Putol niya sa akin. “Maraming marami.”

Gusto kong matawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit pa niya kailangang magpaliwanag gayung malinaw na ang lahat. This is stupid. Kahit ano pang sabihin niya, hindi pa rin mababago ang katotohanang may anak na siya.

Mabilis ko siyang binalingan nang may mapagtanto ako. Nakahawak siya sa manibela at na-focus nalang sa pagda-drive nang sumigaw ako.

“Vincent!” tumaas bigla ang balikat niya. Napatikhim ako dahil nagulat siya sa sigaw ko.

“Ba’t ka ba sumisigaw? Nasa loob tayo ng kotse, Mikaella. Maririnig kita kahit hindi mo ako sigawan.” Sabi niya habang pabalik balik ang tingin sa akin.

“Sorry. Pero aminin mo nga, may alam na ba si Dad? Bakit ka nagpaalam sa kanya? Anong alam niya?” sunod sunod na tanong ko.

Tumikhim siya at sumagot. “Pwede bang mamaya na natin pag-usapan 'yan? Malapit na tayo.”

 

“I want the answers now. Alam niya ba kung anong nakaraan natin?” tiningnan niya ako nang may gulat sa mga mata ngunit bumalik din ang tingin niya sa daan.

“Nakaraan.” Sabi niya. “'Yon nalang talaga 'yon sa’yo e 'no?” agad naman akong nakonsensya dahil sa nakakaawang tono ng boses niya.

'Yon nalang ba talaga 'yon sa akin? Isang nakaraan? Bagay na tapos na? Kung ganun nga, ano itong mga nararamdaman ko? These feelings that until now, I still can’t forget and can’t get over with? Dahil kung nakaraan na nga lang iyon sa akin, I wouldn’t feel this way. Dahil kahit anong tapang ko sa labas, ganun naman kahina ang loob ko.

Hindi ko siya sinagot. Tumaas lang ang gilid ng labi niya.

“No. He doesn’t know. There’s no need to worry, Mikaella. Wala siyang alam.”

 

“Pero paano mong ginawa—”

 

“I invested in one of your father’s businesses. Pasimula palang ang negosyong iyon at nang malaman ko ay naging interesado ako.” Sabi niya.

“At anong negosyo naman 'yon?” tanong ko ulit.

“I can’t tell. But it’s worth the investment.” Sabi niya. Muli ay huminto ang kotse.

Hindi na ako nag-abalang tingnan pa kung saan kami nakahinto. Ang atensyon ko ay nakay Vincent lang at sa sinasabi niyang negosyo na worth it daw na nag-invest siya.

“B-bakit worth it?” nanginig ang boses ko nang masalubong ng mga mata ko ang nangungusap niyang mga mata. Sa tingin niya, parang napakarami niyang gustong sabihin sa akin. Mga bagay na tanging mga mata lang niya ang makakapagpaalam sa akin.

“Dahil ikaw ang kapalit, Mikaella.” Pagkasabi niya nun ay bumaba siya ng kotse. Umikot siya papunta sa akin at pinagbuksan ako nang pinto.

Saka ko lang napansin kung nasaan na kami. Napanganga ako sa isang napakagandang resthouse sa harap namin at sa tanawing nakapalibot dito.

“We’re here. Welcome to Villa Mikaella.”

Continue Reading

You'll Also Like

4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...
508 77 39
SUITMAN SERIES 2 Charm Tempest Veridad, according to her, is the living Goddes of Perfection on earth. She's living an idyllic life anyone could wish...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
87.5K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...