BOOK 2: Confession of a Gangs...

Por vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 Más

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 35: Twisted Chains
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 17: Apomorphine Shot

11.3K 222 26
Por vixenfobia

Confession 17: Apomorphine Shot

“Kainis!” Kunot-noong sabi ko sa sarili habang nagpupunas ng tissue sa ilong ko saka ito ibinato sa malapit na trashcan sa ibaba ng bed. I sniffed a couple of times after I sneezed. Kanina pa kasi ako hikab ng hikab at bahing ng bahing pagkagising ko pa lang. Gusto ko pa ngang bumalik sa pagtulog dahil ang sakit-sakit ng ulo ko pero hindi naman ako pinapayagan ng pesteng bahing at hikab na ito. Ganoon ba karami ang nainom ko at ni hindi ko manlang matandaan kung paano ako nakauwi kagabi? Nagising na lang ako na nasa kwarto na, pagod na pagod at pawis na pawis. Idagdag pa ang walang humpay na pagbahing at hikab at magpapahuli ba naman ang umieksenang sakit ng bungo dahil sa hangover? Tss.

I rolled to the other side my bed at niyakap ang unan. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng makaramdam ako ng hilab ng tiyan at pag-akyat ng mga kinain sa lalamunan. Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa banyo not minding my head na mukhang unti-unti na ring nabibiyak sa sakit. Para akong nahihilo at nasusuka na hindi ko malaman. Dala rin ba ito ng hangover? Aish! Bakit ba naman kasi hayok na hayok ako sa alak kagabi sa event na ‘yon? Hindi pa ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko.

Nagmumog lang ako at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko dahil na rin sa puyat ng hindi matinong pagtulog. Namumutlang mukha pero mapupula naman ang pisngi ko. Suminghot pa ako dahil sa sipon. Kapansin-pansin rin ang pamamasa ng kaliwang braso ko sa injection region. Saan ko naman nakuha ito? What the heck! Kung anu-ano na lang nangyayari sakin. Dinaig ko pa ang nag-aadict sa itsura ko. Naghilamos lang ako para maalis ang pawis sa mukha ko saka nagpalit ng damit into pyjamas and tank top para naman mapresko. I turned the aircon to its boost and hit the bed.

The crap with my situation. I hate the feeling.

***

 

I feel light-headed. Binuksan ko ang isang mata ko habang nanatiling nakayakap sa body pillow. I don’t want to make a move pero may kumakatok sa labas ng pinto at boses ‘yon ni mama. I forced myself up at itinukod ang kaliwang siko sa kama para masuportahan ang bigat ko sa pag-upo. Inasahan ko na ang pagkirot ng ulo ko pero mukhang nalipat ito sa dibdib ko. Hindi ko na tuloy naiwasang mapahawak sa dibdib ko habang mariing ipinikit ang mga mata. Damn this chest-pain! Hindi naman ako broken hearted kaya wala dapat na ganito.

“Alice! Anak! Gising ka na ba? You need to eat.” Napadilat ako ng isang mata hawak ng mahigpit ang dibdib ko. I inhaled-exhaled countless times bago itinayo ang sarili. Napakapit pa ako ng isang kamay sa side table ng maramdamang nanlalambot ang mga tuhod ko. Takte naman. Napasulyap ako sa alarm clock na nakapatong sa table ko, 7:02PM na pala. Hindi ko na namalayan ang oras sa haba ng tulog ko.

Huminga muli ako ng malalim bago pihitin ang doorknob at bumulaga naman sakin si mama at Aldous na hawak na ang spare key ng kwarto ko. Gulat silang napatingin sakin at tumayo ng maayos. “Pasok,” tipid kong sambit. Pinilit kong kumilos ng normal sa harapan nila dahil nakikita ko na ang pagguhit ng kuryusidad sa mga mata nila. Umupo ako sa kama at inabot ang dinner in bed na dala ni mama.

“Kamusta na? Maghapon ka ng hindi lumalabas,” usal ni mama na hindi naman sakin nakatingin habang hinahatak palapit sa kama ko ang isang bean bag at doon naupo.

“Hangover,” tipid kong sagot at sinimulan ng kumain.

“Bakit ka ba naman kasi naglasing? Hindi ka naman ganyan.” Bigla akong napaisip sa sinabi ni mama. Bakit nga ba? Ang alam ko, wala naman akong balak uminom kahapon pero parang may kung ano sakin na bigla na lang akong nag-iinom at nagsasayaw pagkatapos nag-iinom na naman. It’s like, I am doing something involuntarily. What? I shook my head. That’s crazy. Siguradong napainom ako dala na rin ng espiritu ng alak.

Tss. Ano ba namang klaseng celebration party ito? Talagang nag-aksaya pa sila ng pera para sa Temple Island. Kalokohan. A bunch of stupid kids who gained power and respect with their stupid actions. Waste of time talaga ang pagpunta rito at kung hindi lang ako napilit ng isang ito, sana natutulog na ako ngayon sa bahay.

 

I rolled my eyes on him kahit na hindi naman siya nakatingin sakin. “Doon lang ako sa table,” bored kong sabi sakanya na agad naman niyang sinagot ng tango.

 

“Mag-ingat ka. Manlalandi lang ako sandali,” sigaw pa nito noong nagsimula na akong maglakad papalayo sakanya. What would you expect from Aldous Colix Grey? Napailing na lang ako at umorder ng Jack Daniel’s. Minsan lang naman ako iinom at saka binayaran na ito ng Steins kaya susulitin ko na.

 

Komportable akong naupo sa couch habang iniinom mag-isa ang alak ko. Mabuti na nga lang at sulok itong pwesto ko kaya naman hindi ganoon karami ang mga nagsasayaw pero maraming naghihigupan ng kaluluwa sa paligid ko. Tss. Get a f*cking room, guys. Mga hayok sa nguso, kainis. Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ang pag-inom ko. Hindi lang naman ako makapagtaas ng paa dahil dress ang suot ko, required daw kasi.

 

Pinagmasdan ko na lang ang paligid. Bar-type ang naisip nila para sa celebration na ito, kung sabagay mga gangster ang main subject alangan naman magfairytale sila ng themes. Tss. Masyadong madilim sa loob pero binubuhay naman ang paligid ng makikinang at iba’t-ibang kulay ng ilaw, isama mo pa ang mga  estudyante swaying and rocking at the loud music. Successful.

 

Doon ko lang napansin na marami na rin pala akong naiinom. Isang Jack Daniel’s para sa iisang tao lang? Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa head rest ng couch. Tipsy na. Nakakaramdam na ako ng antok. Nasaan na ba si Aldous? Sabi niya sandali lang siya e.

 

“Mukhang marami ka ng nainom ah. Naenjoy mo ang Jack Daniel’s ng mag-isa,” rinig kong bulong sakin. Hindi ko lang malaman kung kaninong boses ito sa ingay.

 

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko pero hindi ko maaninag sa dilim Napalitan pala ang music ng sweet kaya malumanay na rin ang ilaw sa loob ng gym. I narrowed my eyes para makita kung sino siya pero hindi ko talaga makita ang mukha niya. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa may braso ko pero hindi ko na pinansin dahil abala pa akong kilalanin kung sino siya.

 

“Sino ka?”

 

Tumayo ito hindi kalayuan sakin kaya naman napatingala ako sakanya. Itim ang suot nito mula ulo hanggang paa, nakasumbrero rin ito takip ang kanyang mukha. Ni hindi ko nga malaman kung babae ba siya o lalaki. “Enjoy, Goblin.”

Nabalik ako sa realidad ng maramdamang naupo si Aldous sa paanan ko at pinagmasdan lang ako habang nilalaro sa daliri niya ang susi. Nangunot ang noo ko sa mga tingin niya. “What?”

 

“What happened to you?” seryosong tanong nito. I shrugged. Sinimulan ko ng sumubo ng pagkain, masarap ang ulam, isang maasim na sinigang na baboy sa gabi.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko kaya napahinto ako sa pagsubo. “Ano bang kaweirduhan ‘yan Aldous? Hindi ako makakain,” naiinis kong sambit ng hawakan niya ang braso ko na nagpapasa. Napatayo naman si mama saka tiningnan ang braso ko. “Pakainin niyo muna ako, parang awa niyo na.” Sumpa naman ang araw na ito. Kung kailan naman gutom na gutom at nagwawala na ang mga bituka ko saka naman eeksena itong mag-ina.

“Bakit ang laki ng pasa mo dito? Pati sa kabilang braso mo?” gulat na gulat na tanong ni Aldous habang inaabot ang magkabila kong braso. Itinaas naman ni mama ang pyjama ko at pati ako nagulat sa nakita ko, ang dami kong pasa.

“Saan mo nakuha ito Alice?!” nagtaas na ng boses si mama habang nanlalaking mga matang nakatingin sa mga binti ko.

“H-Hindi ko alam…” Kahit ako ay nagulat at hindi alam ang sasabihin sakanila. Dahil ba ito sa nangyaring laban ko sa Wolves noong isang linggo? Pero last week pa ‘yon kaya imposibleng ngayon lang lumabas ang mga pasang ito sa katawan ko. And one more important thing, hindi naman ako napuruhan sa mga braso at binti ko.

Napatingin ako kay mama ng ibagsak niya ang hawak kong kutsara at tinidor sa plato ko saka hinawakan at pinagmasdan ang braso ko. Pati tiyan, likod at leeg ko pinagtitingnan na niya. Napapailing at dismayado itong napaupo sa bean bag.

“Ma…”

 

“Aldous, ihanda mo ang sasakyan at magbihis ka na, pupunta tayong hospital,”

 

“Ma!”

 

“Ubusin mo na ‘yang dinner mo at magpalit ka ng damit- Alice? Alice!”

 

 

 

Aldous’ POV

 

“Alice?!” hindi ko alam kung saan ko na naitapon ang hawak kong susi ng kwarto niya ng bigla na lamang itong namilipit hawak niya ng mahigpit ang dibdib niya. Kitang-kita ang biglaang paglabas ng mga ugat sa leeg niya still gritting her teeth na parang nilalabanan kung ano man ang sakit na iyon.

 

“Alice anak! Ano bang nangyayari sayo?!” natatarantang sabi ni mama habang pilit inaabot si Alice na panay naman ang hampas samin tuwing susubukan naming hawakan siya. “Colix ang ate mo,” naiiyak na sabi ni mama.

“Argh!” she growned at sinipa na ang dinner in bed niya. Nagtalsikan ang mga pagkain saka siya halos magpagulong-gulong sa kama niya. Unti-unti kong napansin ang pagbigat ng paghinga niya at matinding pagpapawis nito mula noo hanggang sa leeg pero ganoon pa rin ang hawak niya sa dibdib niya, halos bumaon na nga ang kuko nito sa sariling balat pero hindi ko naman siya malapitan para pigilan dahil hinahawi at sinisipa niya kami.

“Ma, kumalma ka. Tawagan mo si papa, kukunin ko lang ang sasakyan.” Napaangat naman ng ulo si mama at napatango. Sinulayapan ko muna ang kapatid kong nahihirapan na bago tuluyang magtatakbo palabas ng bahay.

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang gawin ito but, I dialled Oz and Council’s para lang alam nila. Baka sakaling makatulong sila.

Oz’s POV

 

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa ng makaramdam ng uhaw. Gaano na ba ako katagal nakatunganga sa kisame ng unit ko? Basta noong inihatid ko na si Alice sa bahay nila at nasalubong ang matatalim na tingin sakin ng papa niya, dito na ako dumiretso sa unit ko at humilata sa sofa. Mula kagabi, hindi ko mapigilang hindi maisip ang ginawa namin ni Alice. Nangyari na ang second kiss namin at ang nakakatuwa pa doon ay siya ang gumawa ng first move, well, exclude the fact that she’s under the alcohol spirit. Basta ang mahalaga nagkiss kami. Hindi kasi tulad noong una na ninakaw ko lang ang halik na ‘yon sakanya dahil lang sa rason kong nakita niya akong binubugbog ang mga walang kwentang lalaki na ‘yon sa eskinita. Paharang-harang naman kasi sa daraanan, lalo na at ganoon pa kainit ang ulo ko.

Naalala ko na naman ang dahilan ng init ng ulo ko noon. Psh.

Tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig saka naghanap ng makakain. At dahil walang kwenta ang kusina ko ay nagpunta ako sa kwarto para kumuha ng damit. Malamig sa labas dahil gabi na, topless ako at baka nagyeyelo na ako bago pa man makarating sa convenient store. Bibili muna ako ng makakain. Inabot ko na rin ang susi ng Ducati na nakapatong sa side table pero naagaw ang atensyon ko ng isang bagay… syringe. Ito ‘yong nahulog mula kay Alice noong nasa loob siya ng sasakyan, hindi ko naman alam kung para saan ito. Hindi naman daw siya nagpacheck-up at kung sakaling nagpacheck-up man siya, hindi naman siguro uso sa mga doctor na ipauwi ang syringe na ginamit sa pasyente diba? Hindi na rin ako nakadaan sa hospital para ipacheck kung saan ito ginamit dahil sa kakaisip ko kay Alice.

Inilagay ko na lang sa loob ng bulsa ng jacket ko ‘yon at lumabas ng bahay saka nagdrive papunta sa malapit na convenient store. 7:15 pa lang naman pero ramdam na ramdam ko na ang gutom sa bituka ko. Ikaw ba naman ang hindi kumain maghapon para tumunganga at isipin siya? Psh.

‘Yung halik naman kasi niya parang drogang dumaloy sa mga ugat ko diretso sa utak ang tama, nakakaaddik.

Sumakay na ulit ako sa motor ko at paalis na sana ng maramdaman ang vibrate ng cellphone na nasa bulsa ko. Ha? 8 missed calls from an unknown number. Ano ito? Matindi ang pangangailangan? Napailing na lang ako at itatago na sana ang cellphone ng bigla na naman itong magring, galing ulit sa unknown number. Dahil sa bwisit ko sinagot ko na lang.

“Bakit ngayon mo lang sinagot?!” sigaw na bungad sakin sa kabilang linya. Teka sino naman itong hayop na ‘to at ang lakas ng loob na sigawan ako?

“Hoy g*go ka! Anong karapatan mong sigawan ako ha?! Bwi-”

 

“Si Alice nasa hospital. Hindi namin alam kung anong nangyayari sakanya pero pinag-aaralan na ng doctor.” Biglang naging malumanay ang boses niya at sa pagkakataong ito, alam ko na kung sino ang taong nagbalita sakin, nanigaw at may matinding pangngailangan… si Colix.

“A-Anong nangyari? Bakit nandyan siya?” Hindi ako mapakali. Biglang sumama ang kutob ko.

“Puntahan mo siya at ikaw mismo ang umalam.”

 

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pinatakbo ng mabilis ang motor na dala ko papunta sa hospital na sinabi ni Colix. Ano bang nangyari kay Alice? Hindi naman kasi ito tumawag noong nakauwi na siya. Tinext ko naman siya pero wala ring reply. Akala ko naman nagpapahinga siya dahil sa hangover sa nainom niyang alak tapos ngayon malalaman kong nasa hospital siya. Sh*t. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at agad na bumaba matapos ipark ang motor sa harap ng hospital.

Room 205.

Nakita ko sa hallway si Colix kasama ang mama at papa nito. Kita ang pag-aalala sa mukha nilang tatlo habang tahimik namang umiiyak ang mama niya yakap ni Mr. Grey. Agad na napatingin sakin si Colix ng maramdaman nito ang paghinto ko sa tabi niya. Tumayo ito at tinapik ang kanang balikat ko kasama ang tipid at malungkot na ngiti. Ano bang nangyari?

“Si Alice?” hingal na boses galing sa likuran ko. Sabay kaming lumingon ni Colix at nakita ‘yong bagong kaklase namin na si Spade kasama pa ang dalawang pamilyar na babae. Kung tama pa ang pagkakaalala ko, ‘yong babaeng may maamong mukha, siya ang nagsama samin ni Alice sa G Co., Clover yata at ‘yong isang mukhang mataray ay hindi ko kilala.

Napatingin ako kay Colix. Malungkot itong humarap sa room ni Alice. “Nasa loob,”

 

“Anong nangyari sakanya?” hindi ko na napigilang mag-usisa. Iyon lang din naman ang ipinunta ko rito kaya bakit patatagalin ko pa ang kaba na ‘to? Peste talaga.

Umiling ito. “Hindi rin namin alam. Lumabas lang kami dahil hindi namin kinayang nakikita namin siyang ganyan. Parang hindi na siya si Alice,”

 

Dali-dali akong nagpunta sa pinto ng kwarto niya at doon nakita ang nagwawalang si Alice. Apat na tao na ang may hawak sakanya, nakahawak ang mga ito sa magkabila niyang kamay at paa. Ang lakas niya. Binuksan ko na ang pinto kasunod ang tatlong taong bagong dating. Nanlaki ang mga mata ko ng makita siya… nakatingin samin ng masama habang nanlilisik at nangingitim ang ilalim ng mga mata.

“Sino kayo? Mga demonyo! Paalisin niyo sila!! May mga sungay sila! Siguradong papatayin nila ako! Ano ba?! Sabi ng bitawan niyo ako at ako ang papatay sa mga demonyong ‘yan!!” nanggigigil na sigaw ni Alice na halos dumagundong sa loob ng kwarto iyon. Kitang-kita naman ang hirap ng mga nurse na pilit pinipigilan siya dahil sa lakas niya. Anong nangyayari sakanya? Para siyang sinapian.

“Alice kami ito. Mga kaibigan mo. Hindi ka namin sasaktan,” mahinahon at halos nakikiusap na tono ni Spade.

“Onee…” bulong ni Clover.

“Ate Alice…” rinig ko ring usal ng isa pang babaeng mukhang hindi rin makapaniwala sa nakikita niya.

Habang ako naman, nagmukhang tuod sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pa rin alam kung ano bang dapat akong i-react. Awa? Takot? Galit? Pagtataka? Halo-halo at hindi ko na alam ang uunahin.

“Bitawin niyo ako! Letse naman! Bitaw sabi! Papatayin ko ang mga hayop na demonyong ito!! Pati kayong may hawak sakin papatayin ko! Hindi ako makakapayag na dalhin niyo ako sa impyerno! Puputulin ko ‘yang mga sungay niyo!!” Bigla naman akong nagising sa malakas niyang sigaw. Hindi pa rin siya napapagod at patuloy lang na nagwawala. Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sakanya hindi iniintindi ang pagtawag ng mga kasama ko sa pangalan ko para pigilan ako.

“Alice…”

 

“Ano?! Sino kang demonyo ka? Sino ka! Ilayo niyo ‘yan!!”


“Sir, lumabas na po muna kayo. Wala po sa tamang kondisyon ang pasyent- doc!”
Mukha namang nabuhayan ang mga nakahawak sakanya ng may pumasok na doctor. Mabilis itong lumapit kay Alice saka may itinurok na dahan-dahan namang nakapagpakalma kay Alice. Tila ba’y naubos ang lakas nito at unti-unting napapikit. Maingat naman siyang inayos ng mga nurse para makahiga ng maayos.

“She’s fine now. Check her vital signs and get her a blood sample for blood test,” utos ng doctor sa mga nurse.

Naramdaman ko namang lumapit na sa tabi ko ‘yong tatlo saka humarap samin ang doctor. “Doc,” panimula ko. “Ano pong nangyari sakanya?” dugtong ko pa papalapit sa kinatatayuan niya. Ngayon kitang-kita ko na si Alice. Ang dami niyang pasa sa braso, pati sa binti dahil kita ito sa suot niyang lab gown. Pinapawisan kahit may aircon naman dito sa loob ng kwarto at ang ilalim ng mga mata niya, nangingitim na parang pinagkaitan ng tulog ng ilang araw. Isang gabi ko lang siyang iniwan pero ganyan na ang madadatnan ko? Gusto kong manlumo sa nakikita ko ngayon.

“She had her hallucination, ‘yon ang naabutan niyo kanina,” panimula nito na nakaagaw ng atensyon ko. “Kaano-ano kayo ng pasyente?”

 

“Kaibigan po,” mabilis na sagot ni Spade sa tabi ko.

“Hallucination?” bulong ko sa sarili.

Tumango naman ang doctor. “Noong isinugod siya rito ay nakaranas ito ng severe chest pain. Halos mabaliw ito sa pamimilipit sa sakit, nakalmot na nga niya ang sarili.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

“B-Bakit?” usal ko.

“Binigyan ko kaagad ito ng pain killer para maibsan ang sakit, kumalma naman ito pero panandalian lang,” saka niya pinagmasdan ang pasyente. “Habang nagsasagawa ako ng check-up sakanya ay bigla na lamang itong nagwala at iyon nga ang naabutan ninyo. Mabuti na lamang at nadala ito sa tranquilizer. Base sa braso niya at nagpapasang katawan at sa naranasan niyang hallucination, sa palagay ko ay naka-intake ito ng droga na masyadong mataas ang dosage. Maaaring hindi ito kinaya ng katawan niya dahil first time ito. Hallucination, chest pain, bruises, heavy breathing, nonstop sweating, nausea and involuntary movements… maaaring galing nga ito sa isang droga,”

 

“She was drugged?” hindi makapaniwalang tanong ng isang babae.

“And kapag hindi ito naagapan, it can cause death,” dugtong pa ng doctor.

“Anong drug ang naintake niya?” tanong ko.

Tinitigan lang ako ng doctor kaya hindi ko naiwasang hawakan na siya sa kwelyo. Panandaliang nagulat ito pati ang mga kasama ko. “Pasensya na sir pero pinag-aaralan pa namin kung anong droga kaya kumuha ako ng sample ng dugo niya. Maraming drugs na ganoon ang sintomas,” mahinahon nitong sagot.

Binitawan ko na ito at ibinaling ang tingin sa natutulog na Alice. Doon ko nakapa sa bulsa ko ang isang bagay. Iniharap ko ito sa doctor na bahagyang nagtaka. “I know she can’t do that to herself, hindi siya ganoong klase ng babae. But after the party last night, nagsuka na ito, akala ko dahil lang sa kalasingan. At napansin ko rin ang braso niya. I asked her if she did any check-ups and she said no. And while she’s sleeping, I saw this.”

 

“Syringe?” tanong ng doctor ng makuha ang iniabot ko.

 

“Baka ito ang ginamit ng tumurok sakanya ng droga. Maybe this can help para mapadali ang pag-alam mo.” Tumango ito.

Nakiusap akong lumabas muna sila ng kwarto, mabuti na lang at hindi na sila kumontra. Pinagmasdan ko si Alice. Sa loob ng isang araw, ganito na agad ang itsura niya. Mukha na siyang miserable. Maiitim ang ilalim ng magkabilang mata, nagpapasa ang buong katawan niya, may mga kalmot sa leeg at malamang ay mayroon din sa dibdib. Mabigat pa rin ang paghinga at may pawis-pawis sa noo. Hindi ganito ang sopistkadang Alice na nakilala ko.

Who the hell will do this to her?

Hindi kinaya ng katawan niya ang mataas na dosage ng droga. I heaved a sigh and sit on her side… holding her hand.

Aldous’ POV

 

Dalawang oras na mula noong lumabas sa kwarto ni Alice ang doctor kasama sina Spade at dalawang oras na ring nagbabantay si Oz sa loob. Hindi niya binibitawan ang kamay ni Alice at pinagmamasdan lang ang kapatid ko. At mula dito sa labas ng pinto ay kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi naman na lingid sa kaalaman ko kung anong ibigsabihin ng mga ipinapakita ni Oz ang nararamdaman niya para kay Alice dahil aminin niya man o hindi, halata namang may espesyal na siyang nararamdaman para sa babaeng ‘yan. Sa ugali niya, hindi naman ito mag-eeffort ng ganyan kung kaklase lang ang tingin niya sa kapatid ko.

“Hindi pa ba lalabas ang lalaking ‘yan?” Napatingin ako kay papa ng magsalita ito sa tabi ko. Nakatingin lang siya kina Oz ng seryoso.

“Matigas rin ang ulo niyan, halata namang hindi niya iiwan si Alice hangga’t hindi ito nagigising,”

 

“She bewitched a man… a good man ‘cause I am still better,”

 

“Ofcourse, ikaw ang tatay e,” natatawa kong sabi. “Teka, si mama?” tanong ko ng mapansing wala si mama sa tabi noong tatlo.

“Pumunta sa chapel. Minsan na ring ginawa ng mama mo ‘yan para sa taong mahal niya, noong mga panahong nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng tita Zet mo.” Tama. Naikwento na rin ‘yon ni papa samin. Tumango lang ako saka ibinalik ang tingin sa loob. “At hindi ko inaasahang gagawin niya ulit ‘yan para naman mismo sa sarili niyang anak. Sino kaya ang gumawa nito sa kapatid mo? Bakit kailangan niya itong maranasan?” Naisip ko rin ‘yan pero mas pinili kong hindi na lang magsalita. Wala rin naman akong sasabihin at wala akong idea. Darn this situation. Habang tumatagal, mas lumalala ang kabang nararamdaman ko para kay Alice. Like now, she might die with the f*cking drug.

“Excuse me sir.” Sabay kaming napaharap ni papa sa nagsalitang doctor. Mukha namang narinig ‘yon ni Oz at nagbukas ang pinto. Lahat kami ngayon ay nagkukumpul-kumpol sa harapan ng doctor.

“Anong drug?” automatic na tanong ni Oz.

“Nakakitaan siya ng mataas na dosage ng Apomorphine sa dugo niya at tama, ‘yong syringe na ‘yon ang ginamit,” sagot ng doctor. Napakunot naman ang nook o sa narinig.

“Apomorphine? Syringe?”

 

“Yes. Ibinigay-”

 

“Ibinigay ko sakanya ang nakuha kong syringe sa bulsa ni Alice last night. Nahulog niya ito noong natutulog siya sa sasakyan ko bago ko siya ihatid sa bahay niyo,” dirediretsong sabi ni Oz.

“Bakit hindi mo sinabi samin?” Napayuko naman si Oz sa tanong ni papa.

“I’m sorry sir kung hindi ko agad nabanggit. Dapat itatanong ko pa kay Alice kung para saan ‘yon pero ito na ang naabutan ko,”

 

“Pa.” Warning ko noong magsasalita pa sana si papa. Napabuntong hininga na lamang ito. Tama rin pala ang desisyong tawagan siya.

“Sinong gagawa nito sa anak ko?” nanlulumong bulong nito.

“Fortunately, nagagawang labanan ng anak ninyo ang mataas na dosage ng apomorphine sa katawan niya at umabot pa siya dito. Lumabas na lahat ng sintomas. Bibigyan ko na lang siya ng antidote, tranquilizer at pain killer hanggang sa malinis ang katawan niya mula sa droga.” Tumango lang kami at pumasok na siya sa loob kasama ang dalawa nitong nurse.

 

“She’s as strong as her mom…” napaupo na lang si papa.

Pinagmasdan ko  ang mga kasama ko na lahat ay kababakasan ng pag-aalala. Napahilamos na lang ako ng dalawang kamay sa mukha ko habang pinoproseso pa rin ng utak ang mga nangyayari. Kung hindi ko siya iniwan mag-isa sa party, hindi sana nangyari sakanya ito. Ano bang klase akong kapatid? Ni hindi ko manlang nagawang ilayo sa kapahamakan si Alice. At hanggang ngayon ay wala akong maisip na pwedeng gumawa sakanya nito, maliban sa…

“Temple Island? Silver Wolves…” I uttered. ‘Yan lang naman ang mga nakabangga niya. “Aish!” napapasabunot ko pang sambit bago isandal ang ulo ko sa dingding. Napansin ko naman ang seryosong tingin sakin ni Oz. Tumingin ito sa cellphone niya at nangunot ang noo.

“Call me pag nagising na si Alice,” saka ito nagtatakbo paalis. Ni hindi ko na nagawang tanungin kung saan siya pupunta.

© Gingerlu

- - -

What do you think about this chapter? Please let me know your thoughts kung effective ako sa ganitong scene kasi kapag hindi... hindi na rin ako uulit. Hahaha. Gomen with the multimedias, otaku lang XD And pasensya na rin sa madalas na note. Hahaha. Thanks for reading!

Seguir leyendo

También te gustarán

20.2M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
1.7M 47.9K 63
Disguised as a nerd after an incident in China. Trying to cover up her identity to hide. But transferring to another school was a mess. Bullies come...
471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...
364K 6.2K 45
3:3 XY:XX Tres Marias:Tatlong Itlog