The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 11: Illusions
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 25: Compulsion
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 33: Vampress
Chapter 34: Love and Lies
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 37: Awaited Answers
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 7: Mind Magic

95.1K 2.5K 262
By AleexJin

Nagtataka talaga ko sa mga nakita ko. Paano nangyaring nakita ko sa isip ko ang nangyari kanina?

I started to walk towards the couch in front of my table at saka umupo doon. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi sa galit kundi sa kamanghaan at pagtataka.

‘Relax, Zeira. All you need to do is to relax.’ I said at the back of my mind.

Maybe I am just hallucinating. Siguro epekto lang to ng ginawa sakin ni Viex kagabi. Siguro iniisip ko lang na ang kapatid niya ang may gawa nito dahil halata namang naiinis silang dalawa sa’kin kaya iyon ang nakita ko sa isip ko.

I must not conclude things, right? That’s being immature and unkind.

I closed my eyes and tried to think something else. But I failed.

(A/N: This is happening only in her mind. :))

Nakapikit ako pero nakikita ko pa rin ang kabuuan ng office namin. The difference is, this room is peaceful and clean. Ito ang itsura ng office namin bago kami umalis ditto kagabi. Hindi katulad ng itsura nito ngayon.

I focused on the things that I am seeing. Napatingin ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae ng padabog. Roanna Zaffre. Just like what I’ve seen earlier in my mind. Her eyes were burning with anger. She’s still pale yet pretty.

  

I shifted my gaze on her hands. They were clenched with anger. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya.

She started to shout, irritatingly.

“I hate you! I really hate you! You should die! You should’ve died!” she walks toward my table at saka ginulo ang mga gamit na nandoon.

  

Nanlaki ang mga mata ko nang gawin nya yon. Tatayo sana ako para mapigilan siya pero hindi ko magawa. Parang naging paralisado ang buong katawan ko habang nakaupo sa couch sa tapat ng table ko. Hindi ako makagalaw. Paano ko nga pala siya mapipigilan? It’s all happening just in my mind.

I hate what she did but I hate myself more. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga nakikita ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa. Wala akong nagawa para pigilan to. Isa ang office na to sa pinahahalagahan ko sa buong Finelry. Pero wala akong ibang magawa kung hindi ang panuorin nalang sa isip ko ang mga ginawa niya. Why am I even seeing this?

Inilibot niya ang paningin nya sa buong kwarto. Nagulat ako nang tumigil ang tingin niya sa’kin. Nakikita niya ba ako? She started to walk towards me while still staring at me. P-paano niya ako nakikita? I gulped hard nang dahil sa kaba.

But then I noticed something. Hindi siya sakin nakatingin kundi sa katabing table ng couch na ito na katabi ko rin dahil nasa dulong parte ako ng couch nakaupo. It’s just a super mini-table na kinalalagyan ng pictures naming tatlo nila Mishie at Nijel. She took mine and looked at it with her intensed eyes. “How will I be able to find her if you’re blocking my way?! You're not my problem but you're the damn top student! And you're not her!" habol habol hininga siyang itinapon ang picture frame ko. Mas lalo akong nakaramdam ng galit. How could she be this cruel? Pakiramdam ko napakainit na ng mukha ko at namumula na ako sa galit.

Nakatingin lang siya sa picture frame na basag na nasa sahig. "You should've died. You're going to die." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay naglakad na siya papunta sa pinto at lumabas.

Nanlaki ang mga mata ko nang may may napansin ako bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.

Medyo napataas ang damit niya kaya medyo nakita ko ang bewang niya pero pagkatapos nun, bigla nalang naglaho ang lahat ng nakikita ko sa isip ko.

Awtomatiko namang bumukas ang mga mata ko. What does that mean?

What did I see? I put my face on my both hands habang nakasuporta naman ang tuhod ko sa dalawa kong braso.

Ano ba talagang nangyayari? Bakit ang weird ng mga taong yon? Bakit nila ako pinapahirapan? Bakit nila ako gustong mamatay? Is it because of my position?

I remember what Roanna said on my mind. 

You're not my problem but you're the damn top student! 

Ngayon lang nagsisink in sa'kin lahat ng sinabi niya. She wants me dead. But I can't give her what she wants. I'll fight for what I have. I'll fight for my life. Yet I'm still not sure. 

Kung totoo man o hindi ang mga nakita ko sa isip ko, kailangan ko pa ring mag-ingat.

"Oh my God! What happened here?" Napatingin ako sa pinto nang may magsalita mula doon. Her face is pale maybe because of what she is seeing.

Napatingin siya sa couch na inuupuan ko at agad na naglakad palapit sakin.

"Stop, Mishie!" napatayo ako nang biglang maalala ko ang picture frame na basag sa sahig. "That was close." I murmured when I saw her foot almost hitting the shattered glass from the frame. Kung hindi ko siya napigilang lumapit sa'kin baka naapakan na niya yung basag. Geez.

Napatingin rin naman siya sa paa niya at sa basag na frame na halos maapakan na niya. Mas lalong namutla ang mukha niya. Isa sa mga kinatatakutan ni Mishie ang magkasugat. Ayaw niya kasi ng dugo.

Napailing ako. "Wait. I'll clean it up." sabi ko at kinuha ang walis at dustpan na nasa isang sulok ng office namin at nilinis ang mga nagkalat na basag.

"Who did this?" she asked pagkatapos kong walisin yung mga basag na glass at umupo sa couch na inupuan ko kanina.

Inilibot niya ang buong paningin niya sa office namin kaya ganoon din ang ginawa ko. Madaming papel at iba pang gamit namin ang nakakalat sa buong office. Sigurado akong mahihirapan kaming linisin to. Isa pa, gabi na rin pala at kailangan na naming bumalik sa dorm.

Ibinalik ko ang tingin kay Mishie nang maramdaman ang tingin niya sakin. "Ro--" Umpisa ko pero biglang nagflash back sakin ang mga nakita ko sa isip ko. Should I tell her? Pero maniniwala kaya siya? I washed it all out of my head. Wala naman akong ibang pruweba kaya hindi ko dapat ipagsabi ang nakita ko sa isip ko. My only proof is the things that I saw on my mind.

Napatingin ulit ako kay Mishie na naghihintay sa sasabihin ko. Umiling ako. "I don't know, Mish. Pagpasok ko dito, ito na ang naabutan ko."

It sucks. To lie on your friends is hell. And I guess, hell is my hobby now.

--

"How will I be able to find her if you’re blocking my way?! You're not my problem but you're the damn top student! And you're not her!"


Roanna's voice keep echoing in my mind while I'm walking. Who is that 'her'?

Paano ako nakakasagabal sa kanila-- sa kanya. Bakit ba napakabig deal ng pagiging top student ko para sa kanya? Bakit gusto niya akong mamatay?

I really don't get it. It is normal to get annoyed to people. But it is not, to kill people just because they annoy the hell out of you.

Ibig sabihin ba, mas malala pa sa salitang inis ang dahilan niya para ipanalanging mamatay ako? At para ipapatay ako?

Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Viex wants me dead as well as his sister. By any chance, is it possible na si Roanna ang kasama namin ni Viex sa likod ng dorm kagabi? Yung kaluskos na narinig ko. Is it possible na sya ang may gawa non?

It was planned. But Viex's moves were calculated. Kung gusto niya akong patayin, hindi na dapat niya pinatagal. Right? If it was his intension in the first place, dapat ginawa na niya nung mga oras palang na isinandal niya ako sa puso. But he didn’t. What does that mean?

I sighed. I don't know what to think anymore.

"Zeira!" I saw Nijel rushing towards me. Tumigil ako sa paglalakad. Ngayon ko lang rin napansin na malapit na ako sa dorm. Madilim na rin pero hindi ko alam kung anong oras na.

“Why did you do that?” he asked calmly. I looked at him puzzled. What is he saying? Hindi ako nagsalita at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin. “It was that damn Zaffre-guy. Bakit mo sinabing hindi mo kilala yung attacker mo? Bakit hindi mo sinabi sa kanilang si Viex yon?” dagdag niya pa.

Natahimik ako. Bakit nga ba? All I want is a peaceful life. Ayokong magkagulo. Ayokong may mag-away. Ayokong problemahin ng iba ang problemang dapat ako ang lumulutas. Pero kahit anong gawin kong isip, it feels like I am protecting something. I’m protecting someone. Obviously, my attacker—Viex.

“Ayoko lang na madamay sila. It’s my problem and life. They’re—.“ He cuts me in mid-sentence.

“Aren’t they a part of your life? They’re your friends, Zeira. And that makes them involved.” He said.

I know. Pero ibang usapan na ang nakataya dito. Gusto kong sabihin yon, pero hanggang sa isip ko lang iyon nasabi.

I looked at him, straight in the eyes. “Still, it’s my life to protect. My problem to solve. And my decision to make. I’m sorry, Nij. But this one’s my story to tell. I hope you understand.” Tinalikuran ko na siya pero bigla niya akong hinila at itinago sa likod niya.

I was so shocked to react. Ano’ng ginagawa niya?

Napatingin ako sa likod niya na nakaharap sa’kin. It’s like he’s protecting me from something—from someone.

Tinignan ko ang taong papalapit samin.

Viex Zaffre. Ano na namang balak niya.

Kinilabutan ako nang huminto siya sa harap ni Nijel pero nakatingin siya sakin.

Halos magkasingtangkad lang sila at nakatingin sa kanya si Nijel. Kahit nasa likod ako ni Nij, pakiramdam ko kaya niya pa rin akong patayin sa pamamagitan lang ng tingin niya kaya iniwas ko agad ang tingin ko.

“Let’s talk.” A cold voice, demanded. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong ako ang kinakausap niya.

“No. You two are not going to talk.” Nijel replied with the same intensity in his voice.

Geez Zy. Bakit ba ang malas mo? All I want to do is to rest. And now, I am torn. Why is that?

“We are.” Narinig ko ulit pero nagulat ako nang biglang may humila sa kaliwang braso ko.

I looked up only to see Viex’s back in front of me, dragging me God-knows-where.

I tried to stop walking para tumigil rin siya but geez, he’s so strong!

“Let me go!” I demanded. Hindi pa ba sapat ang ginawa niya sa’kin kagabi? He told me to get lost and I’m sorry for I can’t do that. But hey! Killing me is too much for a price!

Hindi siya nagsasalita at patuloy lang sa paghila sa’kin.

Tumingin ako sa likod para sana humingi ng tulong kay Nijel pero wala na siya sa pwesto niya kanina. I looked everywhere and I saw him lying on the floor, unconsciously. P-paanong nangyari yon? Ni hindi ko nga nakitang sinuntok niya si Nijel. Paanong--?

Namalayan ko nalang na dinadala ako ng lalaking to sa likod ng dorm. Kung saan niya ako binalak patayin kagabi. Ano ba talagang gusto niya?

 Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pagtatangkaan niya ba ulit ang buhay ko?

We stopped walking. Humarap siya sakin pero yumuko lang ako. Hindi ko talaga kayang tumingin sa mga mata niya.

"Listen." he ordered.

His voice's full of authority. Hindi ko nga alam kung ako ba o siya ang top student. Dahil boses palang niya siguradong gugustuhin mo nang sumunod.

Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Anong ginawa mo kay Nijel?" I asked, still looking on the grass.

"I need to do that. He's--"

"Ano ngang ginawa mo sa kanya?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Iniangat ko ang mukha ko para tignan siya sa mata.

How could he be this calm despite of what he did. Threating and hurting me is not really a big deal for me. But hurting my friends is a different story.

"Pinatulog." he simply said. Nakatingin lang rin siya sa'kin na parang bored na bored na sagutin ang tanong ko.

I clenched my fist with anger. This is unbearable. Hindi ko na pwedeng palampasin ang ginawa niya kay Nijel. Sumusobra na sila ng kapatid niya!

I vowed my head. "You're a heartless beast." I murmured. And then I looked up at him. My eyes burning with anger. "You're not a human! You're a friggin' monster!"

I felt the wind goes wild. Halos tangayin na nga yung mga punong katabi namin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang hangin na yon pero wala akong pakialam.

All I care about now is Nijel and this beast in front of me. He's just looking at me. Hindi nagbabago ang expression ng mukha niya. He's really a monster.

Nakarinig ako ng pagcreak kaya napatingin ako sa katabi kong puno. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti itong lumalapit sakin. It's going to fall on me.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin lang ako sa punong babagsak sakin. Gusto kong umalis dito sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa. Parang napako na ang mga paa ko rito.

I closed my eyes. Hihintayin ko nalang sanang madaganan ako ng punong iyon pero nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko. Naramdaman ko ang isang braso sa likod ko at ang kamay sa buhok ko. Kasabay non ay ang malakas na kalabog ng pagbagsak ng punong dapat dumurog na sa katawan ko ngayon.

I looked up to see the guy who saved me. Viex.

He's not looking at me. He's looking at the tree behind me. Nakayakap siya sa'kin. He saved me.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pwede na nga sigurong sumali sa pabilisan yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Why did he save me? Diba gusto niya akong mamatay?

Napansin kong nakakuyom pa rin ang mga kamao ko. Niluwagan ko ang pagkakakuyom non at hinayaan nalang itong bumukas.

Bigla akong nakaramdam ng pagod at antok. Biglang naging blurred ang tingin ko sa buong paligid. Hindi ko na kayang dalhin ang katawan ko. Pakiramdam ko napakabigat ko na.

Naramdaman ko ang pagbuhat ni Viex sakin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hayaan na buhatin ako. Baka kasi kapag nakatulog ako ngayon sa mga bisig niya, hindi na ako magising bukas.

I looked at his blur face and then I closed my eyes. My instinct's telling me to sleep and don't think of anything, anymore. But then, before I fell asleep. I heard his voice, saying...

"Yes, I am. And you're stubborn... as always."

That's the last thing I heard before falling asleep.

----------xx---------

A/N:

Thanks for reading! :)

Follow @aleetheheiress for infos. :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 55.1K 77
There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's fa...
21.7K 1K 37
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
2M 38.7K 55
Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama a...
48K 3.4K 49
Noong bata ako, may napanood ako sa telebisyon na advertisement tungkol sa isang Zombie Scholarship Program sa Asphodel School of Zombies and Other D...