Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

بواسطة PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... المزيد

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 23

5.9K 106 6
بواسطة PollyNomial

KABANATA 23 — Kapalit

Kabado akong pumasok ng FF building. Kanina sa parking ay kinakabahan akong lumabas ng kotse dahil baka ano mang oras ay magpakita sa akin si Vincent. He’s not stupid. He can use his car to follow me here. At kanina nung hinahabol niya ako, parang pursigido siyang maabutan ako.

Tiningnan ko pa kanina ang paligid ng parking para makita kung naroon ba ang sasakyan niya at nakahinga naman ako nang wala ni anino ng Ford Everest ni Vincent. Now I need to be familiar with his car para anumang oras na makita ko ito, makakaiwas na ako.

“Hi, Ella!” nasapo ko ang dibdib nang datnan ko si Carmela sa office ko. Hindi ko siya napansin kahit na kita naman ang loob ng office dahil wala ako sa sarili at sa kawalan ako nakatingin kanina.

Nakasandal siya sa table ko bago dumiretso ng tayo at bumeso sa akin. Nakangiwi akong ngumiti sa kanya. Parang feeling ko, 'pag nakikita ko siya, nasa paligid lang din si Vincent.

“H-hi.” Bati ko.

Pinatong ko sa table ang bag ko at tumayo sa harap ng upuan ko. Humarap sa akin si Carmela ng may malawak na ngiti sa labi.

“You need anything?” tanong ko sa kanya. Umupo ako at kinuha ang folder kung nasaan ang mga final designs ko. Kunyaring ini-scan ko 'yon. Naiilang kasi ako at nandito siya sa office ko gayung hindi naman kami close at madalas magkausap kahit na madalas siya rito sa FF.

“Yes!” tili niya. Napaatras nang umupo siya sa harap ko. Nagkunyari nalang ako sumandal sa upuan para hindi siya gaanong malapit sa akin. Nag-lean forward siya at bumulong sa akin. “Can I ask you something?” tanong niya.

Gusto ko sanang isagot na nagtatanong na siya pero hindi ko nalang ginawa. Kahit papano naman ay may respeto ako sa ibang tao.

Ano kaya ang itatanong sa akin ni Carmela?

Nagtatanong ang matang tiningnan ko siya.

“Can I be a model for one of your designs? Please!!!” malanding sabi niya. Iyon talaga parati ang dating sa akin ng boses niya sa tuwing bubuka ang bibig niya. Hindi pwedeng walang landi roon.

Pinagdikit niya ang palad niya at ngumuso na parang nakikiusap.

Saglit akong nag-isip ng isasagot.

“Uh…” nag-isip ako. “Hindi naman ako ang nagde-decide pagdating diyan. Why don’t you ask DB?” tanong ko sa kanya.

Sa totoo lang ay ayoko. Hindi ko nakikita ang mga gowns ko na suot suot niya. Mas bagay sa kanya ang mga swimwear dahil sexy at makinis niya. Pero naisip ko rin naman na why not? Magkakaroon ng bagong dating ang mga gowns ko kung sakaling isang tulad niya ang magsusuot noon.

“I already asked him. Sabi niya, ikaw raw ang tanungin ko.” ngumuso siya at mas lalong humilig palapit sa akin. “Pretty please?”

 

Nag-isip ako ng tamang salita para sa isasagot ko sa kanya. “But I don’t think my gowns suit you.” Diretsong sabi ko sa kanya. Ayoko sanang ma-misunderstood niya pero iyon talaga ang nakikita ko.

Pero imbes na maasar siya at mainis ay ngumiti lang siya ng malawak.

“Silly!” kumumpas ang kamay niya. “I know I am too beautiful for your gowns but I really want it! They are beautiful as me.” Sabi niya habang nakatingin sa itaas.

Napairap ako at buti nalang ay hindi niya ako nahuli. How can Vincent date this kind of girl? Ang taas masyado ng tingin sa sarili! O baka naman nagbibiro lang siya? But wait! Is he really dating her? Can I ask her?

“Have you seen my gowns? I mean, 'yong mga mapapasama sa event?” tanong ko. Sa halip na ang nasa isip ang itanong ay ito nalang.

Baka naman kasi naipakita na nila DB ang mga gown sa mga model. They said na my voting daw na magaganap kung alin ang pinakamagagandang isali. Ten percent will come from the models. Sila naman kasi ang magsusuot. Then the others, sa mga nakatataas na na tao ng FF.

“Nope! Pero nakita ko na 'yong mga designs mo sa magazines. And god, Ella. Ang galing mo!” awtomatiko akong napangiti sa pamumuri niya.

“Thank you.” Natutuwang sabi ko.

At dahil pinuri niya ako at mukhang kahit papano ay nakita at naramdaman kong may bait naman siya sa katawan ay naisip kong pumayag na rin. Isa pa, I can take this as a challenge for me. Hindi pa ako nakaka-encounter ng mga babaeng kagaya ng pangangatawan ni Carmela. Hindi lang siya payat. May laman pa rin naman siya pero mas sexy kumpara sa iba. Matangkad at makurba ang katawan niya. Maganda rin ang kutis at ni isang peklat ay wala akong makita. Mapapag-isip ako nito ng kung ano bang bagay na design ng gown para sa kanya.

“Okay, then. Kasama ka na.” nginitian ko pa siyang lalo. Tinuro ko siya at sinabing, “Just make sure na payag na si DB ha?”

 

“Yes! Tanungin mo pa siya 'pag nakita mo, e. My gosh! Thanks, Ella!” ngumisi siya kaya naman lumabas ang dimples sa gilid ng labi niya.

“Okay. 'Yon lang ba?” tanong ko. Napansin ko kasing prente pa rin siyang nakaupo sa silya kahit na napapayag na niya ako sa gusto niya.

“Hmm. Pwede isa pa?” tinaas niya ang hintuturo niya. Ngumuso siya pero nakangiti ang mga mata niya.

“What is it?” tanong ko.

“Gandahan mo 'yong gown para sa akin ah? Ang alam ko kasi, designer ang magde-decide ng model na papasuotin nila ng designs nila. Kaya 'yong akin, siguraduhin mong bagay sa akin ah?” medyo may pagka-demanding na sabi niya.

Gusto ko na sang bawiin ang pagpayag ko kanina na maging model ko siya pero dahil may iisang salita ako, hindi ko 'yon ginawa.

“Sure. I’ll make it sexy for you.” Sabi ko habang tiningnan ang kabuuan ng itaas ng katawan niya.

Meron na akong naiisip na itsura ng gown nitong si Carmela. I think I need to revise one of my designs.

“Thank you! Thank you, talaga!” tumayo siya, pumalapak, at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako. “Gosh! Ang bait mo, Ella!” napangiwi ulit ako habang mahigpit niya akong niyayakap.

“U-uh… Y-you’re welcome, Carmela.”

 

“Close na tayo from now on!” masayang sabi niya.

“Okay, Carmela.” Bumitaw rin siya sa akin at lumayo na. Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa pala.

“Uhm, Ella.” Tiningnan ko siya at nawala na ang pagiging masigla ng mukha niya. Biglang napalitan iyon at naging seryoso.

“I’m really thankful. Kasi, this could be my chance para makilala na. At 'wag kang mag-alala, may kapalit itong ginawa mo para sa akin. Just not now, pero, mabibigay ko rin ang pasasalamat ko sa’yo.” Kinilabutan ako dahil sa seryosong mukha niya. Nakahaplos ko tuloy ang braso ko.

Ngumiti siyang muli at saka tumalikod sa akin para lumabas ng opisina ko.

Tulala ako habang nakatingin sa pintong nilabasan niya. Ano naman kayang kapalit ang ibibigay niya? Umiling ako at ginising ang sarili ko lalo na nang makita si Nash na papasok na rin ng opisina ko.

“Ella! Good morning!” bati sa akin ng masiglang si Nash. Pumasok siya sa opisina ko na may hawak na isang folder sa kamay.

“Good morning, Nash.” Tumayo ako at sinalubong siya. Lumapit siya sa akin at bumeso.

Mabait talaga itong si Nash sa kahit na sino. Parati, kahit sino mang makasalubong niya, masigla niya silang binabati.

“I heard na nakiusap daw si Carmela sa’yo na isuot ang mga designs mo sa event?” bulong niya. Parehas kaming tumingin sa labas ng opisina ko. Salamin ang pinto kayang kitang kita namin si Carmela habang nakikipagdaldalan sa kapwa niya modelo.

“Yes.” Sagot ko.

“And?” tiningnan niya ako nang nakataas ang kilay.

“And I agreed.” Sagot ko. “Sabi naman ni DB okay lang sa isali ko siya.”

 

“What! Ano ba 'yan!” naiiritang tono niya. Nagtataka ko siyang tiningnan habang nakangiti.

“You’re so nice, Ella. Ni hindi ka tumanggi? I think she doesn’t fit in any of your bridal gowns!” naiinis na sabi niya.

“Hey, Nash?” ayokong ituloy ang gusto kong sabihin.

Sa tingin ko kasi ay masyado siyang nagiging harsh kay Carmela. Oo at 'yan din naman ang nasa isip ko kanina pero maganda ko pa rin iyon pinarating kay Carmela at hindi kagaya nitong sinabi ni Nash. Paran kasing nandidiri ang itsura niya.

“I’m sorry, ha. Pero 'yon talaga ang tingin ko.” ngumuso siya at umirap. “Tara nga. Let’s sit.” Hinatak niya ako sa mahabang couch ng opisina ko.

“It’s fine. At least I’ll get to challenge myself to make a gown that suits a sexy and hot woman like her.” Naalala ko ang itsura ni Carmela. Totoo ang sinabi ko. Kumpara sa akin, sexy siya at mas hot. Kung hindi ko nga lang siya kilala, iisipin kong isa siyang sikat na model sa isang men’s magazine.

“What? Hot and sexy? Eew!” ngumiwi siya. “I don’t like her. 'Di hamak na mas maganda ka pa sa kanya, Ella. You’re way more beautiful than her! Believe me! Mas magaganda ang mga inosenteng tulad mo kesa sa kanya na parang ang dami nang nakatikim.” sabi niya habang inuuga ang braso ko. Natawa ako pero sa totoo ay gusto kong magpasalamat sa sinabi ni Nash.

Inaamin kong nai-insecure ako kay Carmela. At mas lalong nararamdaman ko 'yon kapag nakikita ko silang magkasama ni Vincent.

Pero dapat ko lang naman atang maramdaman iyon. Ano ba naman kasing laban ko sa isang maganda at sexy na babaeng tulad niya?

“Anyway, let’s not talk about her.” Inangat niya ang folder na hawak niya at pinakita iyon sa akin. “Tadaa!”

 

“What’s that?” tanong ko.

“These are the chosen models for your designs. Sila ang mga masasali sa bridal part ng event. There are fifteen models here but only ten will get to wear Ms. Ella’s gorgeous and elegant gowns.” Ngumisi siya. Umiling ako sa sinabi niya.

“'Kaw talaga.” Ngisi ko. “So, mamimili ako?”

 

“Yup. Pero nine nalang ang pipiliin mo kasi included na si… you know.” Ngumiwi siyang muli.

Ngumisi ako at kinuha sa kanya ang folder. “Alright.” Ini-scan ko iyon. “Thanks for this.”

 

“Welcome. Alis na ako. Pupuntahan ko pa ang ibang head designers, e.” tumayo na siya at ganun din ako.

Sinabayan ko siyang maglakad para ihatid siya sa pintuan nang lumingon siya sa akin.

“Oh, by the way. It’s your day off tomorrow.” Sabi niya.

“Huh? May day off pala ako?” tanong ko. Wala naman kasi akong naaalalang nag-day off ako last week.

“Not really. Pero bukas kasi ay pupunta kami sa resort kung saan magaganap ang event. We’ll also have the swimwear pictorial of the models. Mawawala kami ni DB and some of the employees and staffs here. Since hindi naman related ang trabaho mo rito, you better just get some rest.” Nakangiting sabi niya.

“Oh. Okay. Thank you, Nash.”

Rest? I think kailangan ko nga ng pahinga sa lahat ng pagod ko. Kulang nag weekends para maipahinga ko ang sarili ko sa lahat ng stress ng linggong ito. At dahil weekends na ang susunod na araw pagkatapos bukas, mahaba haba ang magiging pahinga ko.

But wait! Napagtanto kong kung hindi ako busy sa trabaho for the next three days, saan ako pupunta? Sa bahay lang? Naalala ko ang pag-iwas na ginagawa ko kay Vincent. Would I really be able to avoid him? Ngayon pa’t mukhang may unfinished business pa siya sa akin. Baka mag-stay iyon sa bahay nila sa village namin at abangan lang ako. Mahihirapan akong umiwas noon kung hindi ako magkukulong sa bahay!

Dali dali kong hinabol si Nash. Naglalakad na siya papuntang elevator nang tawagin ko ang pangalan niya.

“NASH!” malakas na sigaw ko. Lumingon siya sa akin nang nakaawang ang bibig.

“Bakit, Ella?” tanong niya at tumaas baba ang ulo habang sinusundan ang paghingal ko.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita.

“S-sorry. Uh… C-can I come?” tanong ko sa kanya. “Bukas. Pwede ba akong sumama bukas?” pinagdikit ko ang labi ko habang iniintay ang sagot ni Nash.

Mula sa pagkabigla dahil siguro sa paghabol ko sa kanya ay unti unti siyang ngumiti at tumango.

“Of course, you can come. Two days tayo roon so you better bring the things you need for two days.” Paliwanag niya sa akin. Ngumisi siya at humawak sa balikat ko. “And, Ella, resort 'yon so may beach. You can also bring your swimsuit. Para swimming tayo.” Mahina siyang tumawa at ako rin naman.

“Okay. Thanks, Nash.”

 

“You’re welcome. Una na talaga ako, a? Kailangan ko pang makausap ang ibang designers, e.” Tumango ako at dumiretso na si Nash sa elevator.

Mabilis natapos ang buong araw. Siguro ay dahil sa rami ng ginagawa ay hindi ko na napansin ang oras. Nagtataka ako kung bakit hindi ko napagkikikita si Madam Kristin. Siguro pati ito ay busy na rin dahil three weeks nalang ay magaganap na ang most awaited event ng FF.

Nakipag-meeting rin kay DB kanina para ipakita sa kanya ang mga final draft ko for my designs. Kailangan na rin kasing matapos 'to dahil tatahiin pa ang mga gowns. Ito nalang din ang hindi ko pa napapasa dahil last week ay nabigay ko na sa kanila ang mga designs ko naman para sa groom attire.

Ginugol ko ang natitrang oras ko sa pag-revise ng magiging gown ni Carmela. Sinigurado kong bagay na sa kanya ang damit. Mula sa shade ng color nito, sa curves, at sa simpleng design nito.

Naisip ko ang katawan ni Carmela. Mas bagay kung hapit sa kanya ang gown kaya naman sinimplehan ko nalang ito at hindi na dinagdagan pa ng iba pang detalye.

Nang matapos ko iyon ay hinabol ko iyon sa mga napasa ko na kay DB. Alam na naman niya ang tungkol doon dahil nakausap na siya ni Carmela at inulit ko rin iyon sa kanya.

Pagkatapos kong gawin iyon ay naghanda na akong umuwi. Papunta na ako ng elevator nang makita ko si Carmela na sumasalubong sa akin.

“Ella! Going home?” sabi niya nang makalapit kami sa isa’t isa.

“Yup.” Sagot ko. Humarap ako sa elevator at pinindot iyon.

“Ako rin. Haay, wala akong sundo ngayon. I think magko-commute lang ako.” Sabi niya ng nakanguso. Nakikita ko ang repleksyon ng mukha niya sa pinto ng elevator.

Ngumiti ako. Pero nawala rin iyon nang maalala kong minsan na siyang sinundo ni Vincent dito ngunit hindi siya nito naabutan. Kinabahan ako nang maisip na baka bigla nalang sumulpot si Vincent para sunduin siya. Gusto ko na tuloy magmadali at humiwalay na rito kay Carmela.

“W-wala… wala ba si V-vincent?” napalunok ako sa pagbanggit ng pangalan niya.

“Huh? Ba’t si Vincent?” nagkatinginan kaming dalawa dahil sa sinabi niya. Unti unting sumilay ang nakakalokong ngisi niya. “Ahhh.” Tumawa siya. “Akala mo ba boyfriend ko siya?” tanong niya na nagpatango agad sa akin.

Tahimik lang ako at hindi nagsasalita habang siya naman ay tawa ng tawa. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

“No, Ella. Hindi ko siya boyfriend. Hindi ko rin siya taga-sundo kaya wala siya rito.” Sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya sa buong pagsasalita niya.

“E-eh, bakit…” naalala ko nang una ko silang makita.

Ang sweet nila sa isa’t isa at halos maglampungan na sila sa harap namin ni Madam Kristin noon. Naalala ko rin ang ugali sa akin ni Carmela noon. Panay ang irap niya at hindi niya ako madalas makausap. Mukhang nag-iba ata ngayon?

Tinuloy ko ang tanong ko. “Bakit nung first time ko kayong makita, ang sweet sweet niyo?”

Umiling siya. Tiningnan niya ako at ngumisi. “We’re just doing each other’s favor.” 'yon lang ang sagot niya nang marinig namin ang tunog ng elevator. Bumukas iyon at sabay kaming pumasok.

Masama agad ang naisip ko sa rason ni Carmela. Favor? Gumagawa sila ng favor sa isa’t isa? Ayaw ko man pero iba talaga ang dating sa akin nun. Ang bastos ng naiisip ko.

“By the way, Ella. Hindi ko makakalimutan 'yong ginawa mo para sa akin. Asahan mong may kapalit iyon.” Tumindig nanaman ang balahibo ko nang marinig ko ang salitang kapalit. Bakit ko ba 'to nararamdaman? Ganito rin ang nangyari kanina nang marinig ko itong sinabi ni Carmela sa akin.

“Ano bang kapalit 'yan?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan na kasi ako sa kung ano mang tinutukoy niya.

 

“Basta. Malalaman mo rin soon. Maybe tomorrow.” Tumunog muli ang elevator at napansin kong nakarating na pala kami sa lobby. Agad na lumabas si Carmela at hinarap ako. “Bye, Ella! Una na ako, a.” ngumisi siya matapos ay tumalikod sa akin.

Sumara ang pinto.

Nakakatawa mang isipin pero ninenerbyos ako sa kapalit na ibibigay sa akin ni Carmela dahil sa pagsali ko sa kanya na maging modelo ng gowns ko. 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...
5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
4.5K 729 34
Violet fell in love with her brother's best friend but there's a catch...They have a secret past. [COMPLETED]