365 Days With You (JuliElmo)

By jaegrey

21.2K 660 104

Paano kung ang hinihiling nyong magkapatid na 1 year of ultimate vacation ay maging 1 year of ultimate disast... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
The Last Day
366th Day
Up Next

Chapter 11

338 6 0
By jaegrey

Chapter 11

Julie's POV:

"Kumusta naman ang tatay mo, Maqui?" Tanong ko kay Maqui habang tinatanggal niya ang mga damit niya sa bag. Naka-uwi na siya at nasa kwarto niya kami ngayon.

"Medyo maayos na siya, kaya lang kailangan pa ring mabantayan kaya nagpa-iwan muna doon si nanay, kaya ako na lang muna dito." Sabi niya. "Ikaw, kumusta ka naman?"

Napatawa ako. "Okay lang! Pero nakakaloka rin."

"Hahaha! Kwento ka naman." Nagkwentuhan lang kami buong umaga tungkol sa mga pangyayari, kinuwento ko rin sa kanya ang mga kaganapan sa amin ni Elmo at inasar-asar pa ako ng loka. Pagkatapos ng kwentuhan ay napag-isipan naming magtulungan sa pagluluto ng tanghalian.

"Pero alam mo talaga, may gusto na ata sa iyo si Senyorito." Biglang sabi niya.

"Psst, stop calling him that. Sasapakin ko siya." Sabi ko sa kanya.

"Naku! Amo ko pa rin 'yun. Hayaan mo na." Ngumiti siya sa akin. "Ikaw, iniiba mo iyong usapan ha!" Dagdag niya at sinundot ang tagiliran ko.

"Uy! Hahaha! Ikaw talaga!" Suway ko sa kanya. Tinawag na namin sina Elmo, Arkin, at Joanna para sabay sabay na kumain. Ayaw pa sanang sumabay ni Maqui sa amin kasi nahihiya ito pero napilit ko rin naman.

Napansin ko ring sulyap nang sulyap sa akin si Elmo kaya naiilang ako. Nagkataon pang sabay naming kinuha ang sandukan ng kanin kung kaya't nagtama ang mga kamay namin.

"Ah..sige ikaw muna." Sabi ko sa kanya.

"Hindi, ikaw na." Aniya.

"Ikaw na nga." Sabi ko ulit.

"Sign #1: Nagkakahiyaan, check!" Sabi ni Arkin at natawa silang tatlo nina Joanna at Maqui.

"Hoy, anong sign-sign ka diyan!" Suway ni Elmo at tuluyan na ngang kinuha ang sandukan. Dami pa kasing arte nito, nai-issue tuloy kami.

"Sus, kunwari ka pa, Kuya Moe!" Dagdag nanaman ni Arkin. Nanahimik siya nang mapansing wala sa mood makipag-asaran si Elmo at patuloy lang ang sulyap sa akin. Nang mailang na ako ay nagpaalam na akong aalis muna.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elmo.

"Ahh, gusto ko munang mag-gala." Sabi ko sa kanya.

"Sasamahan kita." Nanlaki ang mata ko. Harujusko.

"H..hindi na, kaya ko na." Sabi ko na lang at nagmamadali nang umalis ng bahay dahil baka maabutan niya pa ako.

Saan naman kaya ako pupunta?

Ah! Mag mall na lang siguro ako para naman malibang rin. Nang hiram ako ng kotse ni Ninang Pia na nasa garahe at nagsimula nang mag-drive.

Mag-a-alas dos na ng hapon nang makarating ako sa mall. Wala naman masyadong tao. Pumunta na ako sa deparment store para bumili ng damit. Nang masiguro kong okay na ay nagpunta na ako sa cashier para mabayaran ko na 'to. Nagsimula nang i-punch ng babae yung mga damit.

"That will be 4,599.75 pesos, Ma'am." she said with a smile. Kinapa ko ang bulsa ko. Shit! Hindi ko nadala ang wallet ko! Naiwan ko siguro sa kakamadali.

"Ahh miss—" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko nang may mag-abot sa babaeng cashier ng isang box ng sapatos mula sa isang lalaki.

"Isama mo na ito miss." Sabi ng lalaki.

"6,358.75 pesos po." Sabi ng babae at nagbigay naman ng credit card ang lalaki. Nakatitig lang ako sa kaniya habang hinihintay na ma-verify ang mga pinamili ko. Familiar ang mukha niya.

Inabot niya sa akin iyong mga paperbags na naglalaman ng pinamili ko.

"Remember me?" Nakangiting tanong niya. My eyes widened.

"Andrei!" Sabi ko.

Natawa siya. "Yeah, it's me!"

"Naku, salamat ha. Hindi ko napansing naiwan ko pala ang wallet ko. Huwag kang mag-alala, tatawagan ko na lang 'yung kapatid ko para ipadala dito, pasensiya na talaga." Sunod sunod kong sabi sa kanya.

"Okay lang, ano ka ba. Tsaka no need na."

"Anong no need na? Halos limang libo rin 'yun, 'no!"

"Isipin mo na lang na libre ko sa'yo 'yan." Ngumiti siya. "Bye!" At saka tumakbo paalis nang mabilis.

"H—hoy!" Tawag ko ulit sa kanya. Ano ba 'yung lalaking 'yun? Nagsasayang lang ng pera? Kailangan kong makita ulit nang mabayaran ko siya. Tatanga tanga naman kasi Julie bakit iniiwan ang wallet!

Umuwi na ako dahil wala na rin akong magagawa sa mall dahil nga wala akong pera.

Sinalubong ako ni Maqui at tinulungan niya akong i-akyat sa kwarto ang mga pinamili ko.

"Maqui, para sa'yo pala'to" Sabi ko sa kanya at inabot ang isang paper bag.

"Ha? Para saan 'to?" Tanong niya at binuksan ang paperbag. "Naku, Julie! Hindi ko 'to matatanggap! Wala akong pang bayad rito!"

"Ano ka ba, you don't have to pay for that. Bigay ko 'yan sa'yo."Sabi ko sa kanya.

"Nakakahiya kasi, sa'yo na lang ito, 'uy." Sabi niya.

"No, sa'yo talaga 'yang mga 'yan. At saka meron rin naman ako oh."

"Eh kahit na! Parang mas marami pa nga 'tong binili mo para sa akin kaysa para sa'yo."

"Maqui, okay lang talaga. Sige ka magtatampo ako sa'yo 'pag hindi mo tinanggap 'yan." Biro ko sa kanya.

Sandali siyang huminto pero ngumiti na rin. "Salamat ha? Babawi ako sa'yo." Sabi niya at niyakap ako.

Elmo's POV:

"Anong ginagawa mo ditong ugok ka?!" Tanong ko kay Sam na kumportableng nakahiga sa couch sa sala.

"Dinadalaw ka, miss kita bro." Sabi niya at nagpout pa na para bang nanghihingi ng halik sa akin.

Binato ko siya ng remote na nasa gilid ko lang. "Bading ka talaga kahit kailan!"

Tumawa lang siya. Sabay kaming napatingin sa hagdan nang makarinig kami ng yabag ng paa. Nakita namin si Julie at Maqui na nakabihis at parang may pupuntahan.

Nilapitan sila ni Sam. "Hey, ladies." Sabi nito. Natawa si Julie. "Ang ganda mo ngayon, Maqui ah!" Puna niya. Ngumiti si Maqui.

"Salamat!"

"Ang ganda mo rin, Julie!" Sabi ni Sam. Lumapit ako sa kanila at binatukan si Sam.

"Mag-tigil ka nga!" Sabi ko at hinila palayo sa dalawa.

"Aww!" Sigaw niya sabay sapo sa ulo. "Brutal ka talaga!"

"Ehem." Tikhim ni Julie. "Aalis muna kami." Sabi niya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko nang nakakunot ang noo. "Sasama ako!"

"We're going to the salon, Elmo! Sige, sama ka ha!" Mapang-asar na sabi ni Julie at nag smirk.

Tinawanan naman ako ni Sam. "Wala ka pala eh!" Sabi nito.

"Gusto mong batukan ulit kita?" Nanahimik naman na siya.

Sinundan ko na lang nang tingin sina Julie at Maqui na palabas ng bahay. Maya maya pa ay bumaba rin si Joanna at sumunod sa dalawa at saka ko narinig ang ugong ng sasakyan.

"Do you like Julie?" Biglang tanong ni Sam.

"H—hindi ah! Ulol ka!" Sabi ko sa kanya.

"Tigilan mo ako, Elmo ha! I know you. Tsk! Si Julie lang pala ang katapat mo." Pang-aasar pa niya.

"Shut up!" Sabi ko na lang at mahina siyang natawa.

Julie's POV:

Nagpunta na kami sa salon para magpagupit at magpamake over na rin. At sinigurado ko ring dala ko na ang wallet ko. Mahirap na 'no! Hahaha, at saka as much as possible ayokong mag stay sa bahay lalo na at nandoon si Sambakol. I'm still not comfortable around him gawa noong nangyari noong nakaraang gabi. Tsk, Elmo. Look what you are doing to me.

"Wow, you look so pretty, Ate!" Kumento ni Joanna habang pinagmamasdan ako sa salamin.

"Oo nga, Julie! Mas bagay sa'yo ang ganyang ayos." Sabi naman ni Maqui. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay nga. Hanggang itaas na lang ng siko ko ang buhok ko. Kanina kasi ay hanggang ilalim 'to ng puwetan ko.

"Asus, nambola pa kayo! Mas maganda kayo, 'no!" Sabi ko na lang.

Tumawa lang sila. Nang matapos na ang pag-aayos sa amin ay nagbayad na kami at nagpunta na ng Shakey's para bumili ng pagkain. Nagtake out na lang kami kasi nakakahiya rin naman kanila Elmo 'no. Saka maigi ring sabay sabay kaming kumain. Tatlong box ng chicken, dalawang box ng mojos, at tatlong box ng pizza ang binili namin kaya naman hindi kami magkanda-ugaga. Sana pala pinadeliver ko na lang. Tsk, lutang talaga, Julie Anne!

At dahil nga lutang ako ay hindi ko sinasadyang matapilok. Akala ko ay babagsak ako sa sahig at matatapon ang dala dala ko pero may biglang sumalo sa akin.

"A...andrei?"

Continue Reading

You'll Also Like

259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
76.2K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...