Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 22

6.3K 110 11
By PollyNomial

KABANATA 22 — Go

Nagising ako kinabukasan nang walang halong pait na nararamdaman. For the first time in five years, nanggaling ako sa isang magandang panaginip. Hindi ko alam kung bakit at kung anong ginawa ko kagabi para maging ganito ang paggising ko ngayong araw. It is like a new day for me. A new start.

Hindi ba’t kagabi lang kami nagkaharapan at nagkakomprontahan ni Vincent? Pero bakit ata parang wala lang sa akin ang nangyari ngayong sumunod na araw? Ang inaasahan ko’y dala dala ko pa rin ang sakit hanggang sa makatulog ako at sa panaginip ko. At ngayon ay tatamarin nanaman ako dahil nga nagagalit nanaman ako sa sarili ko. Pero hindi, e. Imbes na iyon ang maramdaman ko ay iba. Mas ginanahan akong tumayo, pumasok at magtrabaho. Hang over lang ba 'to? Dahil ba sa dami ng alak na nainom ko ay naanod nun ang lahat ng sakit na naramdaman  ko? I don’t know. But whatever this is, I am happy that I am feeling this.

Siguro ito ay dahil sa ginawa kong pagharap sa problemang noon ay sinasarili ko lang. Problemang hindi ko na hinayaang malutas pa. Kundi ang ginawa ko ay pilit lang iyong tinakasan at tinakbuhan. Natuwa ako sa sarili ko dahil nagawa ko na ring i-open ang nakaraan kong iyon. Hindi man sa ibang tao ngunit sa sarili ko at sa lalaking dahilan noon. And I am proud of myself because of the fact that I already accepted it. Tinanggap ko na ito na nga ang katapusan sa amin ni Vincent.

Yes, I still love him pero natanggap ko nang akin na lang iyon at hanggang doon nalang ako. Mamahalin ko nalang siya nang walang hinihinging kapalit sa kanya. Ako nalang ang nakakaalam, ako nalang ang nakakaramdam.

Naalala ko ang mga pangyayari kagabi. Did I really have to do that to him? Iniwan ko siya nang hindi manlang siya pinagsasalita o pinagpapaliwanag. Naisip ko lang naman na para saan pa? Wala na rin namang magbabago sa katotohanang may anak na siya at… siyempre may nanay ang anak niya.

I saw the girl. With my own eyes and, until now, I can’t forget how beautiful she is. Maaaring marami nang nagbago pero noon, talagang maganda siya. Matangkad at morena. Very different from me.

Ayaw ko mang isipin 'to pero paano sila ni Vincent? Paano nung sila pa ang magkasama? Paano nung… ginagawa nila ang bata?

Tumayo ako ng kama at agad na dumiretso sa bathroom. Kinalimutan ko ang mga naisip. I woke up happy at itutuloy ko 'yon. Wala akong gagawing kung ano na makakasira ng maganda at maaliwalas na mood ko.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Matapos makapaghanda ay kinuha ko na ang bag ko sa closet at bumaba mula second floor ng may ngiti sa labi.

“Good morning, Ma’am Ella.” Bati sa akin ng isang katulong. Napansin ata nito na good mood ako kaya naman nakangiti ito ng malawak sa akin.

“Good morning.” Bati ko rin sa kanya. Nilagpasan ko siya at napagtuloy-tuloy ako sa dining area.

“Good morning!” bati ko sa mga magulang kong nakapwesto na sa hapag. Parehas silang nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kanilang dalawa.

Hinalikan ko sa pisngi si Daddy at pagkatapos naman ay si Mommy. Seryoso ang mukha ni Daddy at si Mommy naman ay nakakunot ang noo pero nakangiti. Parehas silang nakatitig sa akin hanggang sa makaupo ako sa pwesto ko.

“Something happened?” tanong sa akin ni Dad. Kumuha ako ng tinapay bago ko siya sinagot. “You look happy.”

“Nothing, Dad. I just feel happy today.” Sagot ko. Ngumiti ako at saka sinubo ang tinapay ko.

“And why is that?” tanong naman ni Mommy. Tumingin ako sa kanya at umiling.

“I said nothing, Mom.” Ngumisi ako. Nagtinginan silang dalawa at sabay na bumaling sa akin.

Tumaas ang kilay ko at nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanila.

“Is this because of that Formosa boy?” nabilaukan ako sa tinanong ni Dad. Inabot ko kaagad ang baso at nilagok ang tubig doon.

“Daddy?” tanong ko nang mahimasmasan ako.

'Wag nilang sabihing kilala nila si Vincent? Oh my gosh! May alam ba sila?

“I saw the guy who took you home last night. I know him. I know his father and we’re good friends kaya kilala ko ang batang iyon.” Sabi niya.

Napatango ako at na-realize kong hindi si Vincent ang tinutukoy niya kundi si Terrence.

“Ella, why did you act that way in front of Terrence Formosa? Parang hindi ka namin pinalaki ng maayos.” Ngumuso si Mommy.

Nagtaka ako sa tinutukoy niya. Napaisip tuloy ako sa masamang nagawa ko at nasabi ito ni Mommy.

“You vomitted in front of him.”Sinagot niya ang iniisip ko. Awtomatikong humampas ang palad ko sa bibig ko.

“What? Really, Mom?” naalala ko ang nangyari kagabi. Nasuka nga ako sa dibdib ni Terrence nung inaalalayan niya akong pumasok ng bahay! What the! Stupid Ella!

“At ang sabi niya, naglasing ka raw kaya nangyari 'yon?” tanong ulit ni Mommy. “Why did you get drunk? Mabuti nalang at hindi siya nagalit.”

Napalunok ako sa tinanong ni Mommy. Hindi ko naman pwedeng sabihing dahil may problema ako. Hahaba lang ang usapan.

“Celebration, Mom.” Pagsisinungaling ko.

“For what?” tanong ni Dad.

“A-ah… For... uh… for a job well done!” Kunyaring excited na sabi ko. Tinagilid ko ang mukha ko at ngumiwi. Inilingan ko ang sarili sa isip lalo na nang sabay na napaawang ang bibig nila daddy at mommy. I’m really not good at alibis!

“I guess you’re doing a great job at Fortune Fashions.” Nakangiting sabi ni Mommy. “Well, then I’m proud of you, anak.”

Tumaas ang kilay ko at umawang ang bibig sa sinabi ni Mommy. She is proud of me? Wow! Bilang man pero nakakatuwa at sinabi niya ulit 'yan! Now there will be another reason to be happy! Magandang palusot din pala ang naisip ko.

 

“And of course, proud din ako dahil nakakilala ka ng isang napakayamang binata.” Naubo ako sa sinabi ni Mommy. He’s referring to Terrence!

“Mom!”

 

“Aby!” sabay naming sabi ni Dad.

“What?” reklamo agad ni Mommy.

“I don’t trust the guy.” Bumaling si Daddy sa akin. “Next time if you’re going to get drunk, tumawag ka rito para ang driver ang susundo at maghahatid sa’yo.” Maawtoridad na utos ni Daddy.

“You’re funny, Dominik. Malaki na ang anak mo at mabait naman ang mga Formosa. Apo rin 'yon ni Lolo Martin at Lolo Glory, nakalimutan mo na ba?” umiiling na sabi ni Mommy.

“Still!” may diing sabi ni Daddy. “Listen to me, Ella. Sundin mo ang sinasabi ko kung 'di, babawiin ko ang sasakyan mo at driver na ang maghahatid-sundo sa’yo.”

Ngumuso ako at yumuko sa sinabi ni Daddy. Okay, fine. I understand him. He’s just over-protective. Sanay na akong ganyan siya. At ayoko namang mabawi ang kalayaan ko dahil hindi ko lang susundin ang simpleng utos niya. Madali lang naman 'yon.

Nagpatuloy na kami sa pagkain nang nakita kong dumaan si Nanay Linda kaya naman tinawag ko siya.

“'Nay Linda!”

 

“Bakit, Ella.” Tanong nito at lumapit.

“'Yong kotse ko po ba nandito na?” naalala kong pinasunod ni Terrence kagabi ang sasakyan ko sa isa sa mga kaibigan at tauhan sa bar niya.

Nakarating kaya 'yon dito? Nag-aalala ako. Hindi ko na kasi nalaman kagabi dahil matapos kong masuka sa dibdib ni Terrence ay nawalan na ata ako ng malay. Siguro ay may nagdiretso sa akin sa kwarto at hindi na ginising pa.

“Oh! 'Yan pa!” napalingon ako kay Mommy nang masaya siyang sumigaw. “Terrence is so adorable.” Palakpak niya. Napansin ko ang pagngiti ni Nanay Linda at saka umalis papuntang kusina.

“Bakit naman po?” tanong ko. Ngiting ngiti si Mom at sa isura niya, parang ang nagde-day dream siya.

“Because… siya mismo ang kumuha ng kotse mo sa napag-iwanan ninyo.” Namilog ang mata ko sa sinabi ni Mom.

“Talaga po?”

 

“Uh-huh. He said you don’t trust his friend. So, siya nalang ang kumuha ng sasakyan. Dumating siya with your car and went home with nothing. Kawawang bata at baka naglakad lang.” sa itsura ni Mommy, mukhang tuwang tuwa talaga siya kay Terrence.

Pero ba’t naman 'yon gagawin ni Terrence? Naalala kong sumang-ayon na naman ako sa gusto niya ah. Nagtiwala na ako roon sa Marx kahit na may konting doubt pa rin ako. Nakakahiya naman sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, marami rami na akong utang na loob sa kanya.

“Sinong estupido ang maglalakad pauwi?” nagulat ako sa sinabi ni Dad.

“Honey! Kumakain tayo.”

Umirap si Dad at nanibago ako sa mga kinikilos niya.

“May bahay ang batang 'yon dito. You said it yourself, Aby, he’s the Ricafort’s grandson. Doon 'yon nagpalipas ng gabi. At mayaman siya, marami siyang mauutusan para ipabalik ang sasakyan niya o magpasundo manlang.”

Napatango ako para sang-ayunan si Dad. He’s right! Hindi naman siguro tanga si Terrence para maglakad pauwi. I’m sure he’ll just stay with Lola Glory and Lolo Martin’s house. Malamang ay pwede siya roon dahil apo siya.

Natapos kaming kumain nang nagtatalo si Mommy at Daddy tungkol kay Terrence. Ewan ko sa kanila kung ano ang pumasok sa isip nila at nagtalo pa sila. Kaibigan ko lang naman si Terrence at kahit ano pang sabihin ni Mommy na puri sa kanya at pagsasabi na tama lang ang ginawa kong maging kaibigan siya ay wala pa ring malisya sa akin.

Yes, I know where my mom is going with this. May pinaplano nanaman iyan sa akin at sa kung sino mang mayamang lalaki ang makilala ko. Well then it’s not working with me. It will not work for me. Dahil iisa nalang ay may-ari ng puso ko. Kahit na tumanda na akong dalaga 'wag lang akong mapunta sa lalaking hindi ko naman mahal.

That’s my motto! Mula nang magmahal ako ng totoo.

Kasabay ko sila Mommy at Daddy nang sumakay kami sa sari-sariling sasakyan. Nauna sila Mom sa akin at sumunod nalang ang kotse ko sa kanila. Nang mapadaan ako sa bahay ng mga Ricafort ay sinilip ko kung makikita ko ba roon ang kotse ni Terrence kaya bumagal ang andar ko hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan ni Daddy.

Ngumuso ako nang wala naman akong makita dahil sa taas ng gate pero nang ibaling ko ang ulo sa daan ay naaninag ko ang papasalubong na blue audi sa kotse ko.

Humaba ang leeg ko para silipin kung si Terrence ba ang nakasakay roon pero wala naman akong makita dahil tinted ang sasakyan.

Napagdesisyonan kong ihinto ang sasakyan ko sa bakanteng lote malapit sa puting bahay. Gusto ko sanang makita si Terrence para magpasalamat sa kanya. Hindi ko na kasi maalala kung nagawa ko ba 'yon kagabi. Ang naaalala ko lang ay nang maiyak ako sa harapan niya at nang itanong niya kung bakit ayaw kong makipagbalikan kay Vincent gayung mahal naman namin ang isa’t isa. Iyon nalang talaga ang naaalala ko at wala nang iba.

Hindi na malinaw ang iba sa akin dahil na rin siguro sa lasing ako at wala na sa sarili ko noon.

Tiningnan ko ang side mirror at nakita ko ang isang lalaking naka-sando na lumabas ng gate. Sa tindig at kulay palang ay nakilala ko nang siya si Terrence. Hinintay kong makaalis ang lalaking naalala kong si Marx saka ako lumabas ng kotse ko.

“TERRENCE!” sigaw ko sa kanya nang papasok na dapat siya ng gate.

Lumingon siya sa akin at ngumiti nang makilala ako. Tumatakbo akong lumapit sa kanya.

“Ella, good morning!” Sabi niya sa akin. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri.

Pinagmasdan ko ang mata niyang kakagising lang. Natawa ako sa itsura niya.

“Bakit?” tanong niya.

Umiling ako. “I just wanted to thank you for last night. Hindi ko man maalala pero tingin ko talaga natulungan mo ako.” Sabi ko sa kanya.

Tumawa siya at umiling-iling. “I should be the one to thank you.” Nilagay niya sa bulsa ang dalawang kamay niya saka nilapit ang ulo sa tenga ko. “Ikaw ang kaunaunahang babaeng sinukahan  ako. You’re my first, Ella.” Bulong niya.

Namula ako sa sinabi niya dahil sa hiya. “Sorry! Hindi ko naman alam and I’m sure hindi ko sinasadya. Sorry talaga.” Ngumuso ako at yumuko sa kanya.

Pinatong niya ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

“It’s okay. Ikaw naman, e.” ngumisi siya.

Napangiti ako at umiling nalang sa sinabi niya. “Nga pala, thank you rin sa pagdala ng kotse ko sa bahay ko. Mom told me na ikaw mismo ang kumuha nun sa bar. Again, sorry and thank you.”

 

“And again, okay lang kasi para sa’yo naman.”

Hinampas ko na siya sa balikat dahil sa pag-ulit niya ng sinabi. Natatawa siyang napaatras pero agad siyang natahimik at sumeryoso.

Kinagat niya ang labi at narinig ko ang pagtikhim nang kung sino sa likod ko.

“Mikaella.” Isang pamilyar at paos na boses ang nagpatindig ng balahibo ko. Dali dali kong gustong magtago sa kung saang hindi makikita ng may-ari ng boses na ito.

Hindi ko na kailangang lumingon para makita kung sino ito. Ang simpleng pagbilis lang ng tibok ng puso ko ay sapat na para malaman at makilala ang lalaking tumawag sa pangalan ko. When will I get used to his voice? Especially when he’s calling my name. I don’t know. Maybe this is one of the things na hindi na makakalimutan ng sistema ko. His voice is like a bell that wakes up my calm and sleeping heart. Suddenly, I feel like I am in a racing match.

“Kuya.” Tawag ni Terrence kay Vincent. Umalis siya sa harap ko at pinuntahan ang taong nasa likod ko.

“What are you doing here?” Vincent’s question is definitely demanding for an answer. Hindi ko alam kung sino sa amin ni Terrence ang kausap niya. But even if that question is for me, I don’t think I could answer.

Nanatili akong nakatalikod. Pakiramdam ko, nakatingin ang mga makapangyarihang mata niya sa akin at pinapako ako sa kinatatayuan ko. Isa pa, tinutunaw din ako noon na parang yelo. Wala akong magawa kundi maestatwa nalang dito. Kagat-gata ko ang ibabang labi ko nang marinig ang pagsagot ni Terrence.

“I-I’m just visiting the house, Kuya—”

 

“No. I’m not talking to you, Terrence.” Putol ni Vincent sa kanya. Napapikit na ako lalo na nang makita ko ang anino niyang papalapit at papunta sa harapan ko.

“I’m asking you. What are you doing here? And why are you tapping my brother’s shoulder?”

Pilit kong tinatago ang mukha ko. Kulang nalang ay magdikit ang baba at dibdib ko sa sobrang yuko ko. Nasa harap ko siya! Namamawis ako hindi dahil sa araw kundi dahil sa maawtoridad na boses ni Vincent. Parang kapag hindi ko siya sinagot sa tanong niya, bubugahan niya ako ng apoy at maglalaho ako’t maaabo.

“You’re scaring her, Kuya.” Umakbay sa balikat ko ang braso ni Terrence.

Nagitla ako sa ginawa niya kaya naman medyo napalayo ako. Pero binalik niya lang ako sa pwesto kaya naman napadikit ako sa gilid ng katawan niya.

“Ella, you can go now. We’ll just talk some other time.” Mas lalong dumiin ang pikit ko sa sinabi ni Terrence.

Why does he have to tell that! We’re infront of Vincent! Baka… No. Hindi naman siguro siya magseselos. Why did I even think of that? Stupid Ella!

“Do. Not. Touch. Her. Terrence.” Bawat salita nang inutos ni Vincent ay may diin. Unti unti kong naramdaman ang pag-alis ng braso ni Terrence sa balikat ko. Mukhang tama ang naisip ko.

Hindi ko pa nakikita ang mukha ni Vincent pero nai-imagine ko na ang nanlilisik niyang mga mata habang nakatingin sa akin. Gaya ng kung paano niya ako tiningnan kagabi nang pilitin niya akong sabihin ang kasalanan niya. Nakakatakot iyon at parang papatayin ka.

Tuluyan nang inalis ni Terrence ang brasong nakaakbay sa akin pero hindi pala iyon para sundin ang utos ni Vincent. Hinigit niya ako sa braso, hinarap sa kanya at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Napadilat ko nang mapagtantong mukha na ni Terrence ang nasa harap ko.

“Go now, Ella. Go.” Mapupungay ang mga mata ni Terrence kahit na seryoso ang tingin niya sa akin. Kumpara sa naiisip kong nanlilisik na mata ni Vincent ay iba ang kay Terrence. Malamlam at nakakakalma.

Huminto sa mabilis na tibok ang puso ko at parang nagpahinga ito sa loob ng dibdib ko. This time, na-realize kong magkaparehas nga sila ng mga mata ngunit magkaiba naman ang epekto noon sa akin. Kung kay Vincent ay kinakabahan, ninenerbyos, at nagtatatambol ang dibdib ko, kay Terrence naman ay natatahimik ito.

Ewan ko ba kung anong meron sa mga mata ng magkapatid na ito pero iyon talaga ang naramdaman ko.

Lumunok ako at sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang pagkuyom ng mga kamay ni Vincent.

Kinagat ko ang labi ko at tumango habang nakatingin kay Terrence. Tumalikod ako at mabilis na tumakbo hanggang nasa loob na ako ng kotse ko. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Vincent sa pangalan ko pero hindi ko manlang siyang nilingon. Ayokong maabutan niya ako.

Agad kong pinaandar ang kotse at nang sulyap ako sa side mirror ay kitang kita ko ang ginawang paghabol ni Vincent sa akin. Hingal na hingal ako. Pakiramdam ko maaanbutan niya ako kahit na mabilis ang andar ko. Malapit lang ang tinakbo ko pero ang lakas ng kalabog sa dibdib ko.

Ayoko pang makausap siyang muli. Ayokong sagutin ang mga tanong niya. Natatakot akong tungkol nanaman sa nakaraan ang pag-usapan naming dalawa. I am okay now. At least that’s what I know.

At naalala ko ang nadatnan niya kanina. Nagtatawanan kami ni Terrence habang hinahampas ko ang balikat niya. 'Yon ang nakita niya. Malamang ay kanina niya lang nalaman na magkakilala na kami. Ano nang iniisip niya? Naalala ko ang utos niya sa aking 'wag akong pumayag makipagkilala sa kapatid niya. Pero ngayong nangyari na, anong gagawin niya?

Continue Reading

You'll Also Like

1K 51 42
Do you have a dream? Do you want to chase it? Dae wants to chase hers, but she wasn't expecting it meant leaving Pierre. Kate Daesiree Manzano believ...
62K 2.5K 35
Keep your friends close and your ex boyfriend closer... -Kendra Savannah Maniego Third and last installment of Maniego Series.
6.6K 167 28
"Is it really possible to embrace someone's poison, the poison that can make me fall again." Amstel Jacob Bandiala is the guy who badly wants to move...
2K 128 38
In life, you don't know if you're always on top. Hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo-kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Destiny is o...