Love Me, Hate Me

By shinkumi

1.5M 22.2K 1.7K

Gio Andrei Dela Vega changes his partner like how he changes his clothes. Yet it is a wonder for Lian Isabell... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 21

38.6K 770 48
By shinkumi

Chapter 21

Attachment

The one whole week of training felt like a dream. It passed by like a blur and now it felt like we were back to reality. Sighing, I picked up my bag and walked out of the room when the class ended. Ever since I became the manager of the basketball team, the classes seemed so boring. May times na gusto kong mag-stay na lang sa gym habang pinapanood silang mag-training o kaya makipagkulitan sa kanila.

Coach Carandang gave me a week off to focus on my academics. Paparating na ang exam kaya naman kailangan kong mag-aral. Ang basketball team naman ay patuloy pa rin sa training. Wala naman silang magiging problema dahil simula ngayon ay magiging hands-on na sa kanila si Coach. Ang focus nila ngayon ay para maghanda para sa Intercollegiate Sports Competition na gaganapin isang buwan mula ngayon.

"Oh? Ba't ganiyan ang itsura mo? Miss mo na ang mga alaga mo?" tanong ni Tamara.

Mabuti na lang kakaunti ang tao sa cafeteria. Ayoko nang masyadong crowded. Sa sobrang daming estudyante rito ay kapag nag-breaktime nang sabay-sabay ay napakasikip na. Pinipili namin 'yong oras na wala gaanong tao.

Humalumbaba ako sa lamesa. Kumuha ako ng isang pirasong fries. "Ang boring lang. Ang tahimik ng buhay ko kapag hindi ko sila kasama."

Tumawa si Yvonne. "Nasanay ka na sa gulo nila, 'no?" Kumuha siya ng fries sa 'kin.

"But it's fine, next week balik na ulit ako sa pagiging manager."

"Malapit na nga pala ang competition, 'no?" tanong ni Jelyn at tumango kami sa kaniya. "Sa tingin mo, mananalo sila?"

Napangiti ako. Naisip ko ang naging laro nila noong practice game. "Yeah, they'll definitely win."

Tiningnan ako ni Tamara na para bang nang-aasar. "Akalain mo nga naman na 'yong mga kinaiinisan mo dati, kasundong-kasundo mon a ngayon."

"Well, who would have thought that they're just kids inside those huge bodies?" Natawa sila sa 'king sinabi. "And I'm really thankful for them. They stood up for me against Paul."

"Especially Gio," nakangising sabi ni Yvonne. "Siguro nabago na ang impression mo sa kaniya. Maging kami ay hindi makapaniwala sa ginawa niya."

Hindi lang ako ang nagbago ang paningin kay Gio. Nang sabihin ko sa kanila ang nangyari sa training camp ay para na rin silang nakaganti kay Paul. Nagalit pa nga sila sa 'kin dahil hindi ko sinuntok. Dapat daw ay nakaisa man lang ako.

I've thought about it. I wanted to punch the living daylights out of him before but when I was finally in front of him, I couldn't bring my hand down on him. I don't want to waste my energy by doing that. Hurting him physically won't solve the problem so I chose not to.

"Ano nga pala ang plano mo next semester?" Tamara sipped on her buko shake. "Hindi ba't start na ng practice teaching mo?"

It's something I really look forward to. Nakaplano na ang gagawin ko next semester at alam ko na rin kung saan ako magpa-practice teaching.

"Yeah, I already made plans." Inalog ko ang binili kong milk tea para pumunta sa ibabaw ang mga pearls. "After ng Intercollegiate this November, magagampanan ko pa rin ang pagiging manager ko until December. Starting January, magsisimula na ako sa practice teaching."

Yvonne took the milk tea from my hand after I took a sip. Uminom siya mula rito at ngumiwi. "Gah! This is too sweet!" reklamo niya. "Who will manage them while you're gone?"

Nagkibit-balikat ako. "We haven't talked about it yet," sagot ko. "They'll need a new manager next semester since another competition will be held in March."

It will be the last time they'll play basketball as Black Bulls before they graduate. Nakakapanghinayang lang na baka hindi na nila ako manager kapag dumating ang oras na 'yon pero gusto ko kapag nanalo sila ay nando'n din ako.

"Mabebs!" 

Napatingin kaming apat sa pinto ng cafeteria. Pumasok ang buong basketball team. Hindi maitago ng mga kababaehan ang kilig nila nang dumating ang pinakasikat na varsity players sa school na 'to. 

Lumapit sila sa amin. Hinila pa talaga 'yong mahabang lamesa para idikit sa lamesa namin. Ang kaninang apat na tao lang sa isang lamesa ay nadagdagan ng labing dalawang magugulong nilalang. 

"Mabebs, kamusta ang exam?" tanong ni Luis habang pasimpleng kumukuha sa fries ni Tamara. "Kailangan pa rin naming mag-training habang nag-aaral para sa exams."

Humigop ako mula sa hawak kong milk tea at tiningnan silang lahat. Mukha silang stressed maliban kay Gio na nakikinig lang ng music mula sa earphones na nakasalpak sa tainga niya. Nang dumaan ang aking paningin kay Zen ay muntik ko nang maibuga ang iniinom ko.

Maputla ang kaniyang mukha at magkadaop ang kaniyang mga palad na parang nagdadasal. Napahagalpak ako nang tawa. Hinampas-hampas ko pa ang lamesa. "What the hell happened to Zenji?!"

Tumingin silang lahat dito at napatawa na rin. Sa kanilang lahat, si Zen ang pinakamukhang stressed. Kitang-kita sa kaniyang mukha na hindi siya natutuwa sa mga nangyayari. Kulang na lang ay magbigkas siya ng dasal habang magkalapat ang kaniyang mga palad.

"Bagsak siya last time sa exam namin sa isang subject, kapag bumagsak pa siya ngayon ay baka makakuha siya ng failing grade," sabi ni Lloyd. Tinapik-tapik niya ang likod ni Zen ngunit hindi man lang ito gumagalaw.

"It's a lot tougher because the sports competition will happen next month." Tinampal ni Adam ang noo ni Zen atsaka lang ito bumalik sa katinuan.

"Ba't ba ang hilig niyong manampal ng noo? Ano'ng akala niyo sa 'kin? Langaw?" reklamo niya.

"Oo," seryosong sagot ni Rex.

Umamba si Zen na tatampalin niya ang noo ni Rex ngunit kaagad na nakaiwas si Rex. Nagsimula ang pagtatampalan nilang dalawa at wala ni isa sa kanilang umaaawat. Hindi rin tumigil sina Rex at Zen kahit na mapula na pareho ang kanilang mga noo.

"Seriously, hands down sa 'yo, Lian, dahil nakakaya mong tiisin ang kakulitan nila," sabi ni Tamara habang pinapanood ang mga tukmol. "Kay Erzo pa lang sumasakit na ang ulo ko."

Tumingin si Erzo sa kaniya at kumindat. "I know, right?"

Ipinulupot ni Tamara ang braso niya sa leeg ni Erzo at in-headlock ito. "At proud ka pa talaga?"

Everything's going smoothly between them. Maging kina Yvonne at Rex, at kina Zen at Jelyn. Hinihintay ko na lang talagang sabihin nila na in a relationship na sila. Mukhang ako na lang ang matitirang single kung sakali. Well, ok lang naman sa 'kin. I've been single for more than a year now and it wouldn't hurt me if I stay like that.

"Mabebs, wala raw tayong klase mamaya kay Mr. Ollivares," sabi ni Erzo.

"Oh? Bakit daw?" Ibinaba ko na ang hawak kong milk tea. Sunod ko namang kinain ang binili kong fries.

Nagkibit-balikat siya. "Baka bibili ng bagong wig."

Isusubo ko na sana 'yong fries na hawak ko pero dahil sa sinabi niya ay naibato ko na lang sa kaniya. "Siraulo ka talaga. Baka may nakarinig sa 'yo."

Humagalpak siya ng tawa. "Nah, wala 'yan." Dumukwang siya para kumuha ng fries sa 'kin.

Nagkulitan muna sila bago nila naisipang bumili ng pagkain nila. Nagsitayuan na silang lahat maliban kay Gio na abala pa rin sa pakikinig ng music. May hawak na siyang maliit na notebook ngayon. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Bahagya akong sumilip. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang reviewer ito. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa mukha niya at sa notebook. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Gio habang nagre-review.

"If you want to say something, say it." Isinarado niya ang hawak niyang notebook gamit ang isa niyang kamay. Inalis niya ang isang earphones sa kaniyang tainga.

"Maalam ka pala mag-review?"

Napasigaw ako nang pitikin niya ako sa noo. Sa sobrang lakas nito ay nadinig ko 'yong paglapat ng daliri niya sa noo ko. Hinimas-himas ko ang aking noo habang mangiyak-ngiyak na. 

"Masakit!" sigaw ko sa kaniya.

Nginisian niya ako nang mapang-asar. "Ano'ng akala mo sa 'kin? Puro basketball na lang?"

"Oo!" sagot ko.

Pinitik niyang muli ang noo ko. "Akala mo lang 'yon." Inirapan niya ako. Muli niyang binuksan ang kaniyang notebook at nagbasa. In fairness, ang ganda ng sulat niya. Hindi parang kinaykay ng manok.

Isa-isa nang bumalik ang mga tukmol. May mga dala na silang tray ng pagkain.

"Hindi ka kakain?" tanong ko.

"Nagpabili na ako kay Adam," aniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa notebook. Sobrang dedicated naman niya mag-review. Akala ko puro babae at basketball lang ang inaatupag niya. Nag-aaral din naman pala siya.

"Boss, ubos na 'yong gusto mong burger." Ibinaba ni Adam ang dala niyang tray. "Gusto mo samahan ka ni Mabebs lumabas ng campus?"

"Oo nga, samahan ka na lang ni Adam--ha?" Napatingin ako kay Adam na nakangisi. Itinuro ko ang aking sarili. "Bakit ako?"

Tumayo na si Gio at inilagay ang maliit na notebook sa kaniyang sports bag. "Let's go." Tumingin siya sa 'kin.

"Bakit kailangan ko pang sumama?" tanong ko habang nakatingala sa kaniya. Wala pang ilang minuto akong nakatingala ay nangangalay na ako. Ang higante niya kasi! "Puwede ka namang bumili mag-isa, ah?"

"Coach asked me to discuss things with you about the training," sagot niya. "Ngayon lang 'yong free time nating dalawa. The following days will be busy again."

Kumunot ang aking noo. Puwede namang itawag na lang ni Coach o mag-message na lang. Kailangan pa talagang kay Gio magmumula. Hindi ako komportable na kaming dalawa lang. 

"H'wag kang maarte, Isabelle. Hindi ko rin gustong makasama ka."

Something snapped in my head. I balled my fist in annoyance while looking up at him. Padabog akong tumayo. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya. Sa huli, ako na lang ang umiwas at nagsimula na akong maglakad palabas ng cafeteria.

Nakakainis! Wala akong rebuttal! Pakiramdam ko tuloy ay talo ako!

He caught up to me fast because of his huge strides and long legs. Wala siyang imik pero alam kong tuwang-tuwa siya dahil hindi ko nagawang sumagot sa sinabi niya. Maghintay siya. Mamaya siya sa 'kin.

Nang makarating kami sa parking lot ay dumeretso kami sa kotse niya. Malayo pa lang kami ay pinindot na niya ang key lock button para mag-unlock ang mga pinto. After we got in, he immediately turned on the engine and drove off.

"Ano ba'ng dapat nating pag-usapan?" tanong ko.

Nilaro niya ang ibaba niyang labi gamit ang kanan niyang kamay at ang kaliwa ay nakahawak sa manibela. "Regarding your position as the manager," sagot niya. "We already know that you have to do your practice teaching next semester. That means you won't be able to attend our practices and training anymore."

Umiwas ako ng tingin at minabuti na lang na tumingin sa labas ng bintana. To be honest, I felt kinda sad that being their manager will end too soon. Kung puwede lang na maging manager nila hanggang sa maka-graduate kaming lahat ay gagawin ko pero hindi kakayanin ng schedule ko.

"Ano'ng magiging plano ni Coach?" Itinuon ko ang aking siko sa pinto at itinakip ang aking kamao sa 'king bibig.

"They have to look for a new manager before the new year starts." 

I smiled at him. "Do you already have someone in mind?"

He chuckled without turning his eyes away from the road. "I don't there's someone who can handle us like you and the guys are pretty attached to you already. Looking for a new manager will be a pain in the ass."

Nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan nang madinig ko 'to mula sa kaniya. Sa maikling panahon na kasama ko sila, hindi lang pala ako ang na-attached.

"Where do you want to eat?"

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Talagang humarap pa ako sa kaniya. "Huh? Akala ko ba may gusto kang kainin na burger?"

"I changed my mind. You pick."

Napakamot ako sa aking ulo. Dito ako madalas nahihirapan, eh. Ayoko talagang ako ang pinapipili kung saan ko gusto kumain dahil ok lang sa 'kin kahit saan. Kung aalma naman ako, siguradong hindi rin papayag si Gio at ako lang din ang matatalo sa huli.

"I feel like eating desserts." Pero gusto niyang kumain ng burger kaya kailangan kong mag-isip ng isang cafe or restaurant na may masarap na dessert at burger. "How about going to one of the cafe I know?"

Bigla kong naisip ang isang cafe hindi kalayuan sa campus. Hindi pa naman kami nakakalayo at malapit na kami sa kanto kung saan patungo sa cafe na naisip ko. Hindi siya gaanong kilala pero masarap naman ang mga nasa menu nila.

"Alright." 

Kaya ba ako ang pinapili niya dahil alam niyang malulungkot ako sa pagpapalit nila ng manager? Kaya niya ba ako isinama kahit na puwede naman niya akong kausapin sa campus? 

Iniiling ko ang aking ulo para maalis ang mga katanungan sa isip ko pero kahit ano'ng gawin ko, hindi naman maalis ang ngiti sa 'king labi at ang mga paru-paro sa 'king tiyan.

Continue Reading

You'll Also Like

51.9K 3.2K 14
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
3.4M 94.2K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
6M 179K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...