Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 10

10.4K 205 4
By Dream_Secretly

MAHAPDI AT  namamaga ang mga mata ko nang magising ako. Halos hindi rin ako makatulog kagabi pagkatapos kong tumakbo paakyat sa kwarto nang maramdaman ko ang hindi normal na pagsikap ng puso ko.

Hindi ko na kinaya ang mga narinig ko kay mommy kaya ako na ang umalis. Hindi ko na kasi kakayanin kung may idadagdag pa siya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog 'yon. Tumatawag si skyrile.

Tinitigan ko lang ang pangalan niya sa screen. Magsasawa rin iyan at titigil mamaya. Ayoko rin muna siyang kausapin dahil naglihim siya sa'kin. Para niya na rin akong niloko dahil sinabi niyang mahal niya ako gayong engage na pala siya sa pinsan ko.

Wala sa sariling bumangon na lamang ako at pa-ika ika'ng pumasok ng banyo. Medyo mahapdi kasi ang sugat ko sa binti kapag kumikilos kaya dahan dahan lang ako. Hindi rin naman iyon malaki dahil daplis lang nang nabasag na wine glass ang sugat, sadyang mahapdi lang talaga.

Naghilamos lang ako at nag-tooothbrush. Magang maga talaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Mukha tuloy akong zombie tingnan.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Nang silipin ko 'yon ay pangalan ni kuya ang nakita ko. Nag-message siya sa'kin.

Kuya,
     He called me. Hindi mo daw sinasagot ang tawag niya. Your man is worried sick little sis and i am too. Are you okay?

Napabuntong hininga lang ako at nagreply ng  'I'm okay..'

Kuya,
      I know you are not. Don't f*cking fool your brother. By the way, susunduin kita bukas sabay na tayong pumunta sa party ni mommy since ikaw ang nag-invite sa'kin.

Napailing nalang ako. Magagalit lang siya kapag sinabi ko ang nangyari sa'min ni mommy kagabi. Ayoko namang ako ulit ang maging dahilan para hindi sila bumalik ng daddy niya sa buhay ni mommy.

Ito nalang ang magagawa ko para sa kanila. Gusto kong ayusin ang mga bagay na nasira ko. Gusto kong maging masaya si mommy....

Papatayin ko na sana ang phone ko nang magpakita na naman sa screen ang pangalan ni skyrile. Hindi talaga ako titigilan ng lalaking 'to.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya.

"Aria! God! Kanina pa kita tinatawagan! Nasan ka ba? Wala ka ba sa bahay niyo? Kanina pa ako dito sa labas." Sunod sunod niyang sabi.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napatakip ng bibig nang biglang bumuhos ang mga luha sa pisngi ko. Akala ko ubos na lahat ng luha ko kagabi, may ilalabas pa pala ako.

Lalong nababasag ang puso ko kapag naririnig ko ang concern sa boses niya. Dapat hindi na talaga ako nakipag-lapit sa kaniya. Dapat hindi ako nagpadala sa damdamin ko. Dapat hindi ako naniwala sa kaniya.....

"Aria? Are you still there?" Alalang tanong niya.

Napahikbi ako. "W-Wag mo na akong gag*hin skyrile...." halos pabulong kong sabi.

"W-What?"

Playing innocent, huh?

"T-Tama na. Lubayan mo na ako. Ayoko na." Nanginginig kong wika.

"Aria....hindi kita m-maintindihan..."

Napailing ako at hindi na nag-salita. "Aria? Where are you? Pupuntahan kita. We need to talk." Seryosong sabi niya.

"N-No need...." Napa-iling ako at mabilis na nagpunas ng luha. "Goodbye skyrile..." binaba ko na tawag at tinanggal ang batery ng phone ko.

Pabagsak akong humiga sa kama at binaon ang mukha sa unan. Sana maubusan na talaga ako ng luha para kahit masaktan pa ako, wala na akong ilalabas. Hindi na ako iiyak.


"READY?"

Tumango ako at nginitian si kuya nang alalayan niya ako papasok sa mansiyon. Mala-five star hotel ang mansiyong ito kaya dito madalas dinaraos kung may malakihang party mang magaganap sa mga miyembro ng pamilya.

Dumiretso kami sa malaking hall ni kuya kung saan ang venue. Ang sabi niya ay nandon na daw ang daddy niya at kami nalang ang wala. Actually, siya lang dahil hindi naman talaga ako imbitado dito.

Well, hindi naman ako iniimbitahan o sinasama kapag may ganitong party. Ang paniniwala nila ay baka ipahiya ko lang sila sa mga bisita.

Nang makapasok na kami sa loob ng venue ay maraming reporters ang humarang sa'min. Kinakabahang inayos ko naman pulang dress na suot ko, umaabot ito hanggang talampakan at kita ang aking likod. Litaw rin ang kurba ng aking katawan at lalong napapansin ang natural na kulay blonde at medyo curly kong buhok.

"Mr. Zoello Archimedez!"

"Sino po ang magandang kasama niyo?"

"Siya po ba ang nobya ninyo?"

"Mr. Archimedez anong masasabi mo tungkol sa pagtakbo mo bilang gobernador sa darating na eleksiyon?"

"Mr. Archimedez!"

"Mr. Archimedez kahit isang tanong lang po!"

Nakahinga ako nang maluwag nang makawala na kami sa kumpol ng mga media. "I'm sorry for that..." bulong ni kuya.

Ngumiti lang ako at tumango. "Hindi ko alam na marami palang may gustong mag-interview sa'yo." Komento ko.

"Ganyan ang buhay sa politika, aria." Kabit balikat niyang sagot.

Tipid na lamang akong ngumiti. Hindi rin siguro iyon madali.

"Zoel!"

Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay kuya. Nang makita ko kung sino 'yon at kung paano nabura ang ngiti sa labi niya nang makita ako ay kusa na akong lumayo kay kuya.

I don't want to ruin everything. Tulad ng gusto niya mawawala na akong parang bula.

"Mom...." Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni kuya kay mommy dahil lumayo na ako sa kanila. They need it. They need time together.

Sana lang ay maging maayos sila.

Nagulat ako nang biglang may humigit sa'kin palabas ng venue. Nang makita ko kung sino iyon ay parang otomatikong bumakas ang takot sa buong sistema ko. "What are you doing here?!" Singhal niya nang pabagsak niya akong binitawan dahilan para ma-out of balance ako at muntik nang matumba.

"S-Sinamahan ko lang po si k-kuya lola..." nanginginig kong sabi.

"Siguro nandito ka para sirain ang engagement party nila samantha at sky, ano?" Pag-aakusa niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na umiling. "Hindi po lola!" Depensa.

Dinuro niya ako. "Hoy babae! Kung balak mong sirain ang espesyal na araw na 'to, mabuti pa'y umalis ka nalang dito. Maayos na ang usapan namin ng mga villafontia. Wala ka nang magagawa kahit ahasin mo pa ang bunso nila!" Galit nitong asik.

Napailing na lamang ako. Naisip ko na kahit anong idahilan ko ay hindi sila maniniwala. Hindi siya maniniwala.

"A-Aalis na apo ako..." Nakayukong sabi ko.

Umismid ito. "Mabuti pa nga at sinisira mo lang ang araw ko."

Nakagat ko lamang ang ibabang labi ko at tahimik na tinahak ang daan paalis. I am not belong here. Dapat noon pa man ay tinanggap ko na 'yon.

Dapat noon palang ay sinuko ko na ang pamilyang ito dahil kahit mamatay pa ako ay hindi nila ako matatanggap.

With them, i will always be unwanted.....

"Aria...."

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko siya. Malungkot ang kaniyang mga mata nang matitigan ko ito. Siguro alam niya nang alam ko ang lahat, na alam kong ikakasal na siya sa iba.

Sana alam niya ring masakit ito para sa'kin...

Mapait akong ngumiti at naglakad palapit sa kaniya. "Congrats..." walang buhay kong bati sa kaniya.

Bumagsak naman ang mga balikat niya. "I'm sorry..." aniya.

Napailing ako. "Wag kang mag-sorry. Hindi mo naman kasalanan na ganito ang naka-tadhana sa ating dalawa."

Nag-iwas ako nang tingin atsaka huminga ng malalim. "Skyrile...." Napalunok ako. "Gusto kong magalit sa'yo kasi hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol sa inyo ng pinsan ko, iniisip ko tuloy na gina-gag* mo lang ako. Gusto rin kitang sumbatan kasi niloko mo ako't ginawang tanga pero hindi ko magawa." Napabuga ako ng hangin. "Ayoko na ring dibdibin pa lahat dahil pagod na ako." Nangilid ang mga luha sa mata ko. "Sumusuko na ako sa lahat skyrile. Suko na ako."

Ayoko na.

Napapagod rin naman ako. Dadating din naman ako sa puntong isusuko ko na lahat, at ito na nga ang puntong iyon.

Iiwan ko na lahat nang nagpapahirap sa'kin.






Continue Reading

You'll Also Like

22.4K 2K 22
𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟐 𝗥𝗮𝘁𝗲𝗱 𝟭𝟴 | 𝗧𝗵𝗲𝗺𝗲𝘀, 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲, 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗡𝘂𝗱𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝗲𝘅 Unedited 𝐓𝐡𝐞 𝐝𝐲𝐧𝐚𝐬...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
726K 25.4K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.5K 138 62
Luxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in pu...