Always unwanted 💯

By Dream_Secretly

463K 7.9K 295

The feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will... More

Always Unwanted
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13: AFTER 5 YEARS
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGO

CHAPTER 7

10.2K 211 1
By Dream_Secretly

MALAWAK ang ngiti sa labi ko nang bumaba na ako para makapag-almusal. Masaya kasi akong nakatulog kagabi dahil sa pagpayag ni kuya na um-attend sa birthday party ni mommy kasama ang daddy niya. Natitiyak ko kasi na matutuwa si mommy kapag nakita niya silang dalawa.

"Goodmorning!" Napangiti ako kay linda nang batiin niya ako habang inaayos ang pagkain sa mesa. Siya pala iyong apo ni manang na pinasok niya rito last week. Sa tuwing nakikita ko siya ay parang gusto kong tanungin kung bakit ko siya naabutang umiiyak noon kasama si manang sa kusina, naku-curious kasi ako. Hindi ko nga lang talaga siya makausap kasi parati siyang nakadikit kay manang.

"Morning linda," bati ko pabalik. "Bumaba na ba si mommy?" Tanong ko.

"Hindi pa po." Sagot niya.

Tumango lang ako at tahimik na kumuha ng hot cake atsaka ito nilagyan ng chocolate syrup. "Ahm...may pandesal bang binigay si mang seth sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah, opo. Gusto mo bang kunin ko?"

Nahihiyang tumango lang ako. Bukod kasi sa hot cake ay pandesal lang ang pwede kong almusalin. May allergy kasi ako sa bacon, itlog at ibang niluto ni manang. Mabuti nalang at parati kong napapakiusapan si mang seth na ibili ako ng pandesal araw araw.

"Thank you linda." Nakangiting sabi ko sa kaniya ng ibigay niya sa'kin ang supot ng pandesal.

"May kailangan pa po kayo?"

Umiling lang ako. "Wala na. Salamat."

Mayamaya lang din ay dumulog na rin si mommy sa hapag. Hindi ito naka-corporate attire ngayon kaya alam kong hindi sa office ang punta niya. Gayunpaman, kahit gusto kong magtanong ay nanatili na lamang akong tahimik, baka masira ko lang ang araw niya.

Sanay na rin ako na ganito ang takbo tuwing nasa hapag kami, tahimik at tila walang pakealam sa isa't isa. She wanted it that way kaya nananahimik na lang ako.

"Manang, paki-pasok nalang po ang maleta ko sa kotse."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "San po kayo pupunta?" Tanong ko.

Saglit lang ako nitong sinulyapan bago yumuko at pinagpatuloy ang pagkain. "Sa mansiyon, doon muna ako habang pina-plano namin ang party." Bored niyang sabi.

Napalunok na lamang ako at nanahimik. Maiiwan na naman pala ako rito. Tss...ano bang bago? Parati naman akong mag-isa.

IT WAS lunch time nang maisipan kong dumaan ng gym. May try-out ngayon sa basketball at ang grupo ni skyrile ang magdedesisiyon kung may tatanggapin ba sila o wala.

Papasok na sana ako ng gym nang may bumangga sa'kin. Nagulat pa ako dahil muntik na akong matumba dahil don. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Singhal nito.

Kumunot lang ang noo ko. Bakit siya nagagalit? It was his fault for the first place! Siya bumangga sa'kin at alam kong sinadya niya 'yon. Napailing nalang ako at nilampasan siya. Mukhang mainit ang ulo ng lalaking 'yon.

Tumuloy nalang ako sa paglalakad at hinanap si skyrile. May mga taong napapatingin sa gawi ko at napapaismid pero hindi ko na 'yon pinagtuunan pa ng pansin, hindi naman kasi sila ang pinunta ko rito.

Nakita ko siyang nakaupo sa bleachers habang matamang pinapanuod ang mga naglalaro. Kalaban pala ng mga nagta-try out ang ibang basketball players na.

Mukhang wrong timing pa ang pagpunta ko. Napanguso nalang ako. Aayain ko pa naman sana siyang kumain.

Napabuntong hininga nalang ako atsaka tumalikod. Next time ko nalang siya aayain.

Hindi pa ako nakakalayo sa gym nang biglang may umakbay sa'kin. Nanlalaki ang mga mata sa gulat ko itong binalingan. Amoy palang niya alam ko na kung sino siya. Nakakagulat lang ang biglang pagsulpot niya.

"Saan mo gustong kumain?" Nakangising tanong niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Aayain kang mag-lunch.." Manghang sabi niya.

Napabuntong hininga ako. "Paano 'yong try out?"

Nagkibit balikat lang siya atsaka ako hinila papunta sa canteen. Napangiti nalang ako at nagpatiunod sa kaniya. Ibang klase talaga ang lalaking 'to.

"Nakausap mo na ba ang kuya mo?" Tanong niya nang matapos kaming kumain.

"Yeah." Ngisi ko.

Napangisi na rin siya. "How is it?" Excited niyang tanong.

Natawa ako sa itsura niya pero sinimangutan niya lang ako. "Ano nga?" Nguso niya.

"Okay lang." Natatawang sabi ko.

"Okay lang?" Pag-uulit niya.

Tumango lang ako. "He likes me."

Nakahinga naman siya ng maluwag. "Talaga?" Nagliwanag ang mga mata niya.

Ngumisi ako. "Oo. Niyaya niya pa nga akong kumain sa labas, eh, tapos nag-kwentuhan kami." Masayang kwento ko.

"Ano namang pinag-usapan niyo?"

Napanguso ako at umaktong nag-iisip. "Hmmm...." Napangisi ako nang makitang hinihintay niya talagang mag-kwento ako. "Secret!" Hagalpak ko sa tawa.

Sumimangot naman siya. "Ang daya!"

Natawa lang ako. "Samahan mo 'ko mamaya?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Saan?" Kunot noong tanong niya.

"Basta." Ngisi ko.

Lalo namang kumunot ang noo niya kaya natawa na naman ako. Lumapit ako sa kaniya atsaka inihilamos ang kamay ko sa mukha niya. "Isipin mo nalang na isusurprise kita." Ngisi ko.

Napangiti naman siya kapagkuwan. "Sabi mo, eh."

"Sky!"

Sabay kaming lumingon sa tumawag sa kaniya. Bahagya akong lumayo kay skyrile ng makitang naglalakad palapit sa pwesto namin ang barkada niya. Kumunot na lamang ang noo ko, paano nalaman ng mga 'to kung nasan kami?

"Sabi ko na nga ba at nandito ka lang." Umiiling na sabi ni kite nang makalapit sa'min. Bumaling ito sa'kin at ngumiti kaya napangiti na rin ako.

"Kanina ka pa namin hinahanap gag* ka!" Natatawang sabi naman ni scorpion. Oo, ganon ang pangalan niya, weird? I know.

"Bakit ba?" Iritang tanong naman ng katabi ko.

"Hinahanap ka ni coach sa'min tang*na mo!" Sabat naman ni aquarious, kapatid ni scorpion. Another weird name.

"Ang haba na daw ng break mo. Pinapabalik kana." Seryosong sabi naman ni evan atsaka namusal sa harap namin.

"Susunod nalang ako." Ngusong sabi naman ni skyrile. Sinamaan ko naman ito ng tingin atsaka tinulak patayo. "Sumama kana sa kanila. Sayang naman ang effort ng mga 'yan para hanapin ka." Mahinang sabi ko.

Kilala ko ang mga kaibigan ni skyrile dahil parati niya rin itong kasama. Sila ang mas ka-close niya sa mga kasama nila sa basketball. Ang grupo nila ang mas sikat na grupo sa buong university, kinatatakutan at talagang hinahangaan.

Ayon sa obserbasyon ko, may kaniya kaniya silang katangian. Mga katangian at ugali na mukhang mapapatunayan ko na, ngayon palang.

Si kite ang tipo ng taong palangiti pero may awrang seryoso. Ang magkapatid na scorpion at aquarious naman ay parehong maloko at kapag nagsalita na sila, siguradong uulan ng mura. Ang pinaka-seryoso at masungit naman sa kanila ay si evan, snobber ito pagdating sa mga taong ayaw niya. At ang pinakahuli, si skyrile ang moody sa grupo nila at pinaka-nakakatakot.

Nagtatakang napatingin ako kay acorpion at aquarious ng humagalpak silang dalawa ng tawa. Ngingiti-ngiti naman si kite, samantalang naka-poker face naman si evan.

Seriously? Laki ata ng problema ng mga 'to?

"Anong nakakatawa?" Kunot noong tanong ko.

Nagkibit balikat lang sila evan at kite nang tingnan ko sila. "Huwag mo nang pansinin ang mga 'yan." Bulong ni skyrile.

"Ano bang meron?" Takang tanong ko.

"Tang*na! Hindi mo pa nasasabi sa kaniya sky?" Tawang tawang sabi ni scorpion na ikinakunot ng noo ko.

"Gag*! Umalis na nga kayo!" Sigaw ni skyrile sa kanila. Nang tingnan ko siya ay nakita kong namumula ang pisngi at tainga niya.

"Tsk...namumula ka gag*!" Natutuwang sabi ni aquarious.

Napasimangot na lamang ako dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Sila lang naman kasi ang nagkakaintindihan, Ako? Nganga.

"Ano ba 'yon?" Malapit na akong mapikon sa mga ito.

Hindi pa rin nila ako sinagot. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang mas lumakas ang tawa ng magkapatid. Pinagtatawanan ba ako ng mga 'to nang hindi ko alam?

Huminga na lamang ako nang malalim at padabog na tumayo. Akmang aalis na ako nang magsalita si evan na naging dahilan ng  panlalaki ng mga mata ko.

Minsan lang siya mag-salita pero nakakapag-hinto pa ng tibok ng puso ko.

"Parating nagpu-punta dito si sky kapag nandito ka kaya alam namin kung saan siya hahanapin."

Continue Reading

You'll Also Like

452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
21.8K 1K 42
Maganda Mabait Masayahin Inosente ... She is the captain's tale.
843K 29.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
27.4K 1K 56
Rence is a valiant man with a serious personality, kung may nakuha siyang bagay na gustong-gusto niya ay hindi niya ito hahayaang mawala pa sakaniya...