Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 21

6.1K 120 10
By PollyNomial

KABANATA 21 —Crazy

“You sure?” mas lalo kong sinuri si Terrence. Hindi ko alam kung paano pero binabasa ko talaga ang mga sinasabi ng mga mata niya. Kahit na mahirap tumitig sa mga ganung klase ng mata ay ginawa ko pa rin dahil desperado na akong malaman ang katotohanan. Gusto kong malaman kung may alam ba talaga siya sa mga sikreto ng kuya niya.

“Who is Carrive anyway? Why are we talking about him?” tiningnan niya ang waiter at sumenyas doon. Matapos ay bumaling ulit siya sa akin. “Lalaki siya 'di ba? Carrive’s a guy’s name, I think.” Sabi niya sa akin.

Isang beses akong napailing dahil wala akong makitang kahit anong sign na nagsisinungaling sa akin si Terrence. He looked calm. Mostly sa mga nagsisinungaling, dapat ay hindi sila mapakali hindi ba? Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang litrato niya na naka-display sa loob ng bar counter.

                        

Mukhang wala nga talaga akong makukuha sa kanya.

Nilapag niya sa harap ko ang isang baso na may lamang malinaw na likido. Siya naman ay may hawak na isang bote ng beer.

“I thought I’m not supposed to drink?” tanong ko sa kaya.

“That’s not an alcohol. It’s just water. Inumin mo nang mahimasmasan ka na. Ang pupungay na ng mga mata mo.” Sinilip niya ang mukha ko kaya naman napaiwas ako. “Ang pula na rin ng pisngi mo.”

Agad akong napahawak sa pisngi kong nag-iinit. Kung hindi pa siguro dumating si Terrence at kinausap ako, baka lasing na lasing na ako ngayon. Hindi ko na maalala kung nakailang baso ng tequila ba ako mula nung dumating ako rito. I don’t know if I should thank him or not. Maybe thank him for saving me at hindi ako malalasing ng sobra sa gabing ito.

Inabot ko ang baso ng tubig at ininom iyon. At nahimasmasan nga ako ng mainom ko iyon.

“Mikaella…”

 

“Ella nalang, Terrence. Mikaella’s too long. Hindi rin ako sanay.” Putol ko sa kanya.

“Alright. Ella?”

 

“Hmm?” tanong ko.

Bumuntong hininga siya at napalayo ako nang hawakan niya ako sa balikat.

“Gaano mo kamahal ang kapatid ko?” nagulat ako sa tanong niya kaya naman nakaawang ang bibig kong bumaling sa kanya.

Ngumisi siya at kinamot ang ulo. Tinaggal niya ang kamay sa balikat ko at ininom ang beer niya.

“I just wanna know. The way you look tonight… Nung nakita kita kanina, wala ka sa sariling umiiyak. And… I can see the pain in you.”

Nanahimik lang ako at naalala ko kanina nung magising ako mula sa pagbabalik ko sa nakaraaan. Hindi ko na namalayan nun na umiiyak pala ako. At hindi ko rin napansin na kinakausap na pala ako ni Terrence.

“Talaga?” tinawanan ko ang sarili ko. “Isa ka rin pala sa kanila. Madali niyong nakikita ang sakit na nararamdaman ko.” sabi ko sa kanya.

Kagaya nila Lolo at Nanay Linda, nakikita rin ni Terrence ang mga tinatago ko lang at dapat ay ako lang ang nakakaalam. Hindi umeepekto sa kanila ang pagtatago ko ng mga nararamdaman ko. Nito ko lang nakilala si Terrence pero nagagawa na niyang basahin ang mga emosyon ko. Paano nila iyon nagagawa? Bakit ako ay hindi ko iyon kaya? Simpleng pagsisinungaling lang kasi ng isang tao, hindi ko pa mahalata.

“Halata naman kasi.” Sabi niya. “Now, answer my question.” Naalala ko ang tanong niya kanina lang.

Gaano ko nga ba kamahal si Vincent? Ilang taon na mula nung minahal ko siya. At hanggang ngayon, sa tuwing makikita ko siya, wala pa ring nabago. Parang palaging first time. I am falling in love with him over and over again. Paulit ulit na nahuhulog ang puso ko sa kanya. Kahit na iwasan ko, kahit na anong kontrol ko sa sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang mahulog.

“Sa tingin mo?” balik tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya at sumalubong sa akin ang madidilim na mata at nakakunot na kilay niya.

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. Tumutig siya sa mga mata ko kaya naman nailang ako.

“Nasasaktan lang naman tayo dahil sa mga taong mahal natin. 'Pag sobrang mahal mo, sobra rin ang sakit.” Aniya.

Napangiti ako at tinuro ang sarili ko. “At nung nakita mo ako kanina, nakita mo ba kung gaanong sakit ang naramdaman ko?” tanong ko sa kanya. I can’t answer his question. Or maybe, I just don’t want to answer it. Kaya gusto kong siya nalang ang sumagot sa sarili niyang tanong.

Umiwas siya ng tingin sa akin. Tumitig siya sa boteng hawak niya. Dumiin ang hawak niya roon dahilan para lumabas ang ugat ng pulsuhan niya. Nanibago ako sa ginawa niya kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya. Sa itsura ng paghawak niya sa bote, parang may pinipigilan siya.

“I saw too much pain, Ella. I can almost feel it…” bulong niya.

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nakita ko ang pag-igting ng bagang niya. Naninigas din ang panga niya.

“You love him too much.” Malamig na sabi niya nang hindi manlang ako tinitingnan. Nakaharap siya sa hawak na alak habang mariing pumikit.

Napalunok ako. Tama ang sinabi ni Terrence. Sobra sobra ang pagmamahal ko kay Vincent kaya sobra sobra rin ang sakit na nararamdaman ko. At kahit sobra sobra na ang sakit, hindi ko pa rin kayang magalit ng tuluyan sa kanya. Humahantong pa rin ako sa pagpapatawad at mamahalin ko ulit siya. Now, how can I explain this kind of love? Mahirap na. Wala nang eksplenasyong kayang pumantay rito.

“Alam mo…” napangiti ako sa naisip ko. “Para akong paulit ulit na nahuhulog sa isang bangin.” Tiningnan niya ako nang may pagtataka sa mukha. “Kahit anong kapit ko, kahit anong pilit ko na iligtas ang sarili ko, wala akong magawa. I just can’t help myself from falling. Mahuhulog at mahuhulog pa rin ako. At alam mo ang mas nakakainis, Terrence, ang lalim. Nahulog ako at ang lalim. Mahirap nang bumalik sa pinaggalingan ko.” Lumunok ako nang maramdaman ang pamamasa ng mga mata ko.

Tumingin ako sa kawalan at kinagat ang labi ko. “Sometimes I wished I didn’t know him at all. Sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana iba nalang. Kasi, nasasaktan lang ako ng sobra at nahihirapan sa tuwing minamahal ko siya.” ngumiti ako ng mapait.

Nakatitig lang si Terrence sa akin at ni hindi siya kumukurap. Ako naman ay panay ang pikit para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

Napayuko ako nang maramdaman ang paghaplos ng daliri niya sa ilalim ng mga mata ko. Narinig ko ang buntong hininga niya at ang mahinang mura niya.

“Kung 'di mo kayang iligtas ang sarili mo, ako nalang. I’ll save you, Ella. I hold on to you. Para hindi ka na mahulog sa kanya.” Umiyak na ako sa mga sinabi ni Terrence. Hindi na ako nakapagpigil. Gusto kong matawa pero naiyak lang ako.

He’ll save me? Loko loko ba siya? Bakit naman niya iyon gagawin at paano? That is impossible now. Hindi na niya ako maliligtas dahil imposible nang mailigtas ako sa lalim ng bangin ni Vincent.

Tiningnan ko ang mapupungay na niyang mga mata. Mas lalong nagdilim ang tingin niya dahil sa ginawa kong pag-iyak.

“A-alam mo, l-lasing na tayo.” Nanginig ang labi ko. “L-let’s go home.” Napangisi ako nang ma-realize ang sinabi ko. “Hindi ka pala kasama. Ako lang. Uuwi na ako, Terrence.”

Tinaas ko ang mga kamay ko at sinundan niya iyon ng tingin. Dinampi ko 'yon sa pisngi niya.

“Thank you, Terrence. Thank you. You’re brother might be hurting me a lot pero tinulungan mo akong mabawasan ang sakit. S-salamat.” Namula siya at umawang ang bibig niya. “I will never forget this night, Terrence.”

 

“W-wala naman akong natulong, E-ella.” Sabi niya nang nakatagilid ang mata. Nakatuon ang pansin niya sa kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

“You said you’ll save me. Kahit hindi naman pwedeng mangyari 'yon, thank you pa rin dahil sinabi mo 'yon. Your words are enough. Nakatulong ka, Terrence.” Tumango ako sa kanya at kahit na namamaga na ang mga mata ko, alam kong nakangiti ang mga iyon nang tingnan ko siya.

Kumislap ang mga mata ni Terrence. Inalis ko ang kamay ko sa pisngi niya at kinuha ang wallet sa bag ko.

“No.” pigil niya. “Ako nang bahala. Ito na ang tulong ko sa’yo.” Pagtukoy niya sa mga babayaran ko. Binitawan niya ang kamay kong hawak niya. Tumango ako at tumalikod na.  

Naglakad ako sa gitna ng napakaraming tao at sa mabagal na musikang umaalingawngaw sa buong bar. Nakayuko ako habang papalapit sa pintuan ng bar papuntang parking. Bubuksan ko na dapat ang pinto nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa pulsuhan ko.

“Wait, Ella?” nilingon ko si Terrence. Hinabol pala niya ako. Tumaas ang kilay ko sa kanya at inintay siyang magsalita. “One more thing. Can I ask you one more thing?”

 

“Uh-huh. What is that?” tanong ko.

Lumunok siya at saka nagsalita. “Y-you said you love my brother. And he loves you, too. Why don’t you make things work out? Five years have gone, Ella. Matagal na 'yon at hindi na kayo bawal. Why can’t you accept him again? Or should I ask why did you leave him and never come back 'till now”?

 

Malungkot akong ngumiti. Nanginig ang labi ko nang maalala ang lahat. No, Terrence, bawal pa rin kami. I want to say this to him pero kung wala nga siyang alam, hindi pwede. Ayaw ko nang makisawsaw pa kung bakit pati kay Terrence ay nilihim ni Vincent ang anak niya.

I thought of a safe answer. 'Yong walang ibang mahahalata si Terrence at ang maiisip niya ay ayaw ko lang talaga.

“I… I j-just don’t wanna hurt anymore.” Pagkasabi ko nun ay nabitawan ako ni Terrence. Hindi ko mabasa kung ano itong naging reaksyon niya. Magkahalong gulat, lungkot at awa ang nasa mga mata niya. Hindi na rin ako sigurado.

Tumikhim siya at ilang saglit na nanahimik. Tila wala nang maisagot sa sinabi ko. Mabuti naman dahil kung may isususnod pa siyang tanong, baka masabi ko na sa kanya ang totoo. Baka sumabog nanaman ako gaya ng nangyari kanina sa paghaharap namin ni Vincent.

Tumalikod na ako nang hindi pa rin siya magsalita. Kahit nahihilo na ako ay ginising ko ang sarili ko. Sinampal ko ang magkabilang pisngi ko. I need to get sober. Kundi baka hindi ako makapag-drive ng maayos. Paglapit ko sa BMW ko ay sinandal ko muna roon ang dalawang kamay ko habang sinasanay ang katawan ko sa alak na nainom ko. Konti palang naman iyon at kaya ko pa naman siguro.

Hinahanap ko na sa bag ko ang susi ng kotse nang may humatak sa akin palayo sa kotse ko.

“Wait!” pagtingin ko ay ang nakatalikod na si Terrence ang humahatak sa akin papunta sa kung saan. “T-terrence? Bakit? Sa’n mo ko dadalin?”

 

“I’ll take you home. Lasing ka at wala sa sarili. Baka maaksidente ka pa.” sabi niya nang hindi ako nililingon at patuloy lang sa paglakad hanggang sa makalapit kami sa blue audi niya.

Hindi ko nanaman mapigilang mamangha sa convertible car na nasa harap ko. Kung tama man ang alaala ko, hindi pa ako nakakasakay sa ganitong klaseng kotse. 'Yong kay Zac naman ay hanggang tingin lang ako dahil hindi niya iyon madalas gamitin. Sabi niya, mahalaga pa raw iyon sa buhay niya at ayaw niyang kahit isang gasgas manlang ay matamo nun.

“Hey.” Hindi ko namalayang nakaharap na pala sa akin si Terrence at nabitawan na pala niya ako.

“Oh.” Sagot ko sa kanya ng wala sa sarili.

“Bakit sa tuwing tinitingnan mo 'tong sasakyan ko, parang may hidden desire ka rito?” tanong niya nang natatawa. Ako man ay napangiti rin sa sinabi niya. “O baka naman sa may-ari?” natawa pa siyang lalo.

“Hm. I’m just a little amazed with the car.” In-emphasize kong lalo ang salitang ‘car’. “Not with you Terrence.”

 

“Tsk. Okay, fine. Pero kung magsalita ka parang 'di ka mayaman ah.” Sabi niya nang may pagkamangha. “You can afford this, I’m sure.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Gayang gaya ni Zac ang linyang binitawan ni Terrence noong sinabi ko sa kanya ang paghanga ko sa sasakyan niya.

“You know what, you remind me of someone.” Sabi ko at humalukipkip.

Tiningnan kong mabuti si Terrence. Mula sa features ng mukha niya, sa pangangatawan niya, at sa katangkaran niya. Nakakunot lang ang kilay niya at nagtataka akong tinitingnan habang ginagawa ko 'yon.

“You have no other similarities except with your height and charisma.” Sabi ko. “But you really remind me of him.”

Kinamot niya ang ulo niya at naguguluhan akong tiningnan.

“Okay. So, can we go now?” tanong niya nang hindi manlang pinansin ang sinabi ko sa kanya. Ni hindi manlang niya tinanong kung sino ang tinutukoy ko.

Pinagbuksan niya lang ako ng pintuan at umiiling akong pumasok doon. Naisip kong baka nagmana si Terrence sa nanay niyang si Madam Kristin. Minsan, kung mangialam sa buhay, wagas pero kapag ikaw itong nag-o-open sa kanila ay wala namang pakialam.

Sinundan ko siya nang tingin nang pumaikot siya sa sasakyan at pumasok na sa driver’s seat. Na-realize ko lang kung nasaan na ako nang makapasok na siya sa loob at ini-start ang sasakyan niya.

“Wait! What about my car?” tanong ko sa kanya habang nililingon ang kotse ko.

“Ah, yeah. I forgot.” Kinuha ni Terrence ang iphone niya sa bulsa at may kung anong kinapa roon. Ilang saglit lang ay may kausap na siya sa kabilang linya. “Hey, Marx, can you come outside? Yeah, I’m here in my car.” Sabi niya sa kausap. Maya maya lang ay may isang lalaki nang humahangos palapit sa amin. Nakilala ko siya bilang waiter ng bar.

Nakatingin lang ako kay Terrence habang binubuksan niya ang hood ng sasakyan niya. Tumama sa mukha ko ang hangin ng labas dahil sa nakabukas na hood.

“Marx, nakikita mo 'yong kotseng 'yon?” tanong ni Terrence habang nakaturo sa sasakyan ko.

“'Yong BMW, sir?” tanong nung Marx.

“Yup.” Lumingon sa akin si Terrence. “The key.” Sabi niya.

Agad ko namang kinuha sa bag ko ang susi nang ma-realize kong iyon ang tinutukoy niya. Bumalik ang tingin niya sa waiter ng bar at inabot doon ang susi ko.

“Isunod mo 'yan sa address na ite-text ko sa’yo.” Utos niya.

Magrereklamo pa sana ako pero hindi na ako nakasingit dahil naunahan ako nang lalaking kausap ni Terrence. Sumulyap ito sa akin at saka binalik ang tingin kay Terrence.

“Yes, Sir Terrence.” Sabi nito at umatras na dahil pinaandar na ni Terrence ang sasakyan niya.

Nakalingon ako sa lalaki hanggang sa tuluyan na kaming makaalis sa parking.

“Terrence, can we trust that guy?” tanong kong nag-aalala. Bago lang ang BMW ko at baka malagot ako kay Daddy kapag nawala iyon.

“He’s my friend, Ella. I trust him so you can also do the same.” Sabi niya habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa daan.

“Okay.” Ngumuso ako at nagtiwala nalang sa sinabi ni Terrence. Sumabog sa mukha ko ang buhok ko nang bumilis ang andar ni Terrence.

“Terrence, slow down. Hindi ako nagmamadaling umuwi.” Sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko.

Ngumisi siya at sumeryoso rin agad. Ngumuso nalang ulit ako habang naguguluhan sa pabago-bagong ekspresyon niya.

“About that someone.” Napalingon ako ulit sa kanya nang magsalita siya. “You said I remind you of someone. Sino 'yon, Ella.” Walang pag-aatubiling tanong niya. Ni hindi manlang siya nagtanong kung pwede ko bang sabihin kung sino iyon.

Hindi ako sumagot hanggang sa natawa nalang ako sa kanya.

“Ba’t ka tumatawa?” tanong niya nang nakakunot-noo.

“Sinasabi ko na nga ba’t itatanong mo rin 'yan.” natatawang sabi ko sa kanya. Baliw na ata ako at natatawa na ako sa simpleng bagay lang na ito. Epekto siguro ito ng tequila na ininom ko.

“So… Sino nga?” tanong ulit niya. Nag-igting ang bagang niya at napapikit-pikit siya nang tumawa pa rin ako.

Natatawa ako dahil sa personality na pinapakita ni Terrence. Sa ilang beses na pagkikita namin, napatunayan kong isa siyang klase ng tao na hindi marunong humingi ng permiso. Hindi marunong magpaligoy ligoy at laging direct to the point kung magtanong. Isang klase ng taong nakukuha ang gusto sa simpleng salita lang nito.

 

“Just someone.” Sagot ko sa kanya.

Napangiti ako nang tumikhim siya.

“Care to share his or… her name?” nakangiwing tanong niya. “Okay pa kung his pero her?” umiling siya sa sarili.

Natawa ulit ako. “His name, Terrence.” Pagtatama ko sa kanya. “Well, he is a friend. Best friend. I met him when I went to France at hanggang sa New York ay magkasama kami.” Paliwanag ko sa kanya.

“As friends?” naguluhan ako sa tanong niya pero nakuha ko rin agad iyon.

“Yeah. As friends. Best friends. Nothing more.”

“I remind you of him. So, you see me as your best friend?” tanong niya na nagpaisip sa akin.

Ano na nga ba si Terrence sa akin matapos nang gabing ito? Matapos kong mag-share sa kanya at matapos niya akong tulungan? He’s like the version of Zac here in the Philippines. Masasabi kong marami silang pagkakapareho. But Terrence as my best friend?

“More like a friend. Not a best friend, Terrence. Only friends.” Ngumisi ako dahil sa sinabi ko.

Tiningnan ko pa siya kung maaasar siya dahil friend lang turing ko sa kanya at hindi best friend. Pero imbes na ang inaasahan ko ang makita ay iba dahil napansin ko ang paghinga niya ng maluwag at malawak na pagngiti niya. Huminto kami sa stop light kaya naman nagawa niyang mataas ang dalawang braso niya.

“I like that. Friend. Just a friend. Not a best friend.” Sabi niya sa akin habang abot tenga ang ngiti niya.

“Huh?” naguluhan ako sa sinabi niya. “'Di ba’t mas nakakatuwa kapag best friend?”

Tiningnan niya ako at tinitigan sa mga mata.

“Best friends can’t love each other, Ella. Friends can. Mas malalim ang pinagsamahan ng matatalik na magkaibigan kesa sa kaibigan lang. Going to the next level will be difficult because you’re best friends. Too many things to consider like you can’t be more than that because you want to protect the friendship. But for friends only?” ngumisi siya. Tumingin siya sa langit at mas lalong nag-inat. “God, I can. Of course I can.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Wala akong naintindihan. Ang na-gets ko lang ay mas gusto niyang maging kaibigan lang kesa matalik na kaibigan. Anong point niya roon? Sadya bang tatanga tanga lang ako o malabo lang ang explanation niya?

“Okay.” Sagot ko nalang. Napatingin ako sa harap habang si Terrence ay wala pa rin sa sarili habang nakatingin sa langit.

Nakita ko ang pag-green ng traffic light kaya naman hinarap ko ulit siya at kinalabit sa braso niya.

“Terrence, go na.” sabi ko at napaayos agad siya nang upo.

“Oh, sorry.” Sabi niya at unti unti nanamang gumuguhit ang ngiti sa labi niya.

“You’re crazy.” Walang malay na sabi ko habang naguguluhang nakatingin sa kanya.

Lumingon siya sa akin para tingnan ako sa mga mata. “Yes, I am, Ella. Damn, I am crazy.” 

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 190 25
EXPENSIVE SERIES #1: The demure and good girl, Haven transferred to a new school and became a new member of a student elite group. Where she found o...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
3.5K 581 41
Stand Alone Novel #1 : Love Never Fades [COMPLETED] Kann Perez is a biatch. No one dares to block her path. She's fierce and she's tough. But then, e...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...