Fatal Attraction 1: Down And...

By Whroxie

11.2M 214K 25.7K

LYCA fucked up Alford's reputation, and Alford did the same to her life. It's too late when... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Epilogue
Pre-order update
Fenix

Chapter 20

292K 6.9K 850
By Whroxie

I dedicate this chapter to alexandriaelloisa and Hazel Grace Manaytay! Happy Birthday, Ms. Hazel Grace!  

--

LUNCH TIME  nang  umalis  si Lyca  para makipagkita kay Tyler sa isang restaurant. Pagdating niya sa naturang resto na napag-usapan nila ni Tyler ay naroroon na ang binata. Dinala niya si Fudgee. Siguro dapat ay isuli na rin niya ito. Iniwan niya ang pusa  sa sasakyan kasama ng driver at bodyguards.

Kasama rin niya ang mga bodyguards. Gusto niya sanang umalis mag-isa kaso ayaw siyang payagan.

"Paanong nangyaring ikinasal kayo? Ano ba ang totoong nangyari?" Tanong ni Tyler habang magkaharap silang nakaupo sa lamesa.

"May nangyari kasi sa amin. Tanda mo noong inutusan ako ni Princess na kuhanan si Alford ng nude. May nangyari sa amin nang gabing 'yon at pinilit ako ni mommy na ipakasal kay Alford."

"Damn! Dapat talaga inihatid na kita nang gabing 'yon, eh."

"I'm so sorry, Tyler."

"Lyca, pwede ka namang makipaghiwalay kung gusto mo." Ginagap ni Tyler ang dalawang kamay ni Lyca na nasa ibabaw ng mesa.

"One of the grounds for annulment of marriage is vitiation of consent which includes obtaining consent by force, intimidation or undue influence. They forced you to consent to the marriage kaya hindi mahirap ipawalang bisa ang kasal niyo."

"I know." Marahang hinila ni Lyca ang kamay at ipinatong iyon sa ibaba ng kamay ni Tyler.

"But I want to stay as his wife." Ang punong-punong pag-asang mukha ni Tyler ay biglang kawalan ng pag-asa ang bumalatay sa mukha nito.

"But I thought you don't love him."

"Yeah. But as we got to know each other, I can't help but be interested in every little detail about him. My admiration was increased by his kindness towards needy people. He was so romantic and he made me feel really special. I could spend hours and hours chatting with him or cuddling up together watching movies all day without  getting   bored." Lyca sighed, didn't aware how her eyes glowing as she spoke.

"You are in love with him." Tyler's voice pulled her out in her dreamy state.

"Ha?" Mapait na ngumiti si Tyler.

"It's obvious, you are in love with him already." She's in love with Alford? In love na nga ba talaga siya? Malalim na huminga si Tyler at muli siyang tinitigan sa mata.

"It's over. He'd already won your heart. Pero ang daya mo naman, eh. You were making me fall in love with you, Lyca. Naging sweet ka, lagi mo akong pinupuri. You fascinated me and you make me feel like I'm a perfect man, someone worth loving." Pinisil niya ang kamay ni Tyler.

"You are. You are perfect and worth loving, Tyler. I'm so sorry! Kasalanan ko." Hinila nito ang sariling kamay na hawak ni Lyca at isinandal ang likod sa sandalan.

Malungkot itong tumitig sa kanya. Seeing him in that state of dejection, rejected and hurt is breaking her heart. Tyler is such a good man and he doesn't deserve to be hurt. Nasaktan na ito nang iwan ito ng girlfriend nito at ngayon ito na naman, nasasaktan na naman niya.

Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam na si Lyca kay Tyler. Inihatid siya nito sa labas ng restaurant kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Ayaw rin ni Tyler na ibalik niya si Fudgee. 

"These past few weeks with you I've been truly happy. How could I forget the time we've spent together?" His voice was very week.

"Tyler! Huwag namang ganyan. Makokosensiya ako nito, eh." Malungkot itong ngumiti.

"Can I hug you?" Malungkot siyang ngumiti at siya na mismo ang yumakap sa binata.

Mahigpit siyang niyakap ni Tyler. Iyong yakap na parang ayaw na siyang bitawan.

"Kidnap-in na lang kaya kita." Marahan  siyang  natawa.

"I have five bodyguards, and they will  shoot you kapag ginawa mo 'yon."

"How to move on for the second heartbreak?" Kumalas siya mula  sa pagkakayakap. Inabot  niya ang mukha ni Tyler  at masuyong  hinaplos.

"You  can get over it. Nagawa mo na dati  kaya magagawa mo ulit ngayon. At  isa pa, tingin ko hindi naman gan'on kalalim ang nararamdaman  mo para sa 'kin. Hindi pa naman nagiging tayo."

"In love na ako sa 'yo. And  I  think  it  hurts more than the first."

"You can find another woman. 'Yong mamahalin ka talaga." Muli  niyang  niyakap  si  Tyler. Kung  hindi niya nakasama si Alford, hinding-hindi siya magdadalawang  isip na tanggapin  si Tyler. Pero may asawa na siya at si Alford ang pinipili niya. Masaya  kay  Alford. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap, nginitian si Tyler  bago tumalikod para sumakay sa sasakyan.

Natigil ang tangka niyang pagbukas ng pinto ng sasakyan nang hawakan siya ni Tyler  sa braso. Muli niya itong nilingon, pero sa paglingon niya  ay  bigla  siyang  hinalikan  sa labi ni Tyler. Hawak  ni Tyler  ang  gilid  ng  magkabila  niyang  ulo. Tangka  niya  itong  itutulak  pero bigla  na  lang  may  humablot  kay  Tyler.

"Alford!" Sindak  niyang  sambit  sa  pangalan  ng  asawa  na  siyang  humablot  kay  Tyler.

Gumapang  ang  matinding  takot  sa  buo  niyang  katawan  nang  bigla  na  lang  ni  Alford   pinagsusuntok  si  Tyler  sa  mukha  hanggang   sa  mapahiga  ito.  The blood started oozing out of his mouth  from a series brutal punches he  had  received from Alford.  Noon  niya  nagawang  kumilos  mula  sa  pagkakatulos  sa  kinatatayuan.

"Alford!" Hinawakan  niya  sa  braso  si  Alford   at  pilit  na  iniwat.

"Alford,  stop!  Awatin  niyo  sila!" Hiyaw  niya  sa  nga  bodyguards  na  mukhang  walang  balak  umawat.  Pawang  naka-miron  lang  dahil  sa  pagkabigla. Lumapit  ang  dalawa  at  hinawakan  si  Alford   sa  magkabilang  braso  pero  nagpumiglas  ito.

"Alford,  tama  na! Mapapatay  mo  na  ang  tao!"  Malakas  niyang  hiyaw  na  siyang  nagpatigil  kay  Alford.  Pero  ang  nag-aapoy  na  mata   nito  sa  tindi  ng  galit  ay  nagbigay  ng  matinding  takot  sa  kanya. 

"Alford,  stop,  please!" Maluha-luha  niyang  pakiusap. Nagsigalawan  ang  buto   nito   sa panga  nang  tumitig  sa  kanya.

"Tyler!" Isang  boses  ng  babae  ang  nagpalingon  sa  kanya. Si  Sasahh  at  Wilson.

"Oh,  God!" Mabilis  na  nilapitan  ni  Sasahh ang  nakahigang  kapatid  na  umaagos ang dugo  mula  sa  bibig. Nakaramdam  siya  ng  awa  para  sa  lalaki.  Tangka  niya itong  lalapitan  pero  napigil  siya  sa biglang  pag-alis  ni  Alford.

Sa halip  na  lapitan  si  Tyler  ay  hinabol  niya  si  Alford  na  tinungo  ang  sariling  sasakyang nakarapada   sa  hindi  kalayuan.

"Alford!"  She  stopped  him by  grabbing  his  arm. Marahas  na  ipiniksi  ni  Alford   ang  braso  dahilan  para  halos  lumipad  ang  kamay  niya  sa  ere. Her  breathing  hitched  when  Alford spun  around  to  face  her  with  a  dark  and  hard  expression. . . And  also in  pain.

"Respeto!  Sana  naman  bigyan  mo  ako ng  kahit  kaunting  respeto! Kung  hindi mo kayang  ibigay  bilang  asawa mo  kahit  bilang  tao  na lang!" He  said  through  clenched  teeth. Bago  ito  tumalikod   ay  nahagip ng  kanyang  paningin  ang  luhang  nalaglag  mula  sa  mata  ni  Alford.

Mabilis  na  sumakay  si  Alford sa  kotse  at  agad  iyong pinaharurot  palayo.  She felt a sharp pain in her chest, as if someone had twisted a sharp knife through her heart. Sakit  hindi  para  sa sarili  kundi para kay Alford.   Nasaktan  niya  ito.  Hindi nakakilos  si  Lyca  mula  sa  kinatatayuan. She  couldn't  think  straight. Hindi  niya  alam ang dapat gawin ngayon.

"Lyca." He heard Tyler's voice from behind. Pinunas niya ang luhang  hindi  niya namalayang sunod-sunod na tumulo  bago  hinarap si Tyler. Nandoon din si Sasahh at Wilson.

"I'm sorry," Tyler  said.

"Sinabi ko na sa 'yo  na  masasaktan  mo sila sa ginagawa mo  pero  pinatagal mo pa rin!" Sumbat  ni  Sasahh  sa  kanya.

"Inirespeto ko ang desisyon mo, Lyca, na huwag  ipaalam kay Tyler  ang tungkol sainyo ni Alford kasi sabi mo si Tyler ang mahal mo. Nangako ka na hindi masasaktan  ang  kapatid ko!"

"I'm sorry!" Tuluyang  humikbi  si  Lyca. 

"Lyca--"

"Tyler,  stop! Isa  ka pa, eh! Sinabi ko na sa 'yong may asawa na si Lyca nakipagkita ka pa talaga! Halika na nga!" Hinila ni Sasahh  si  Tyler palayo. Naiwan  siyang  umiiyak. Hinawakan  siya  ni  Wilson  sa  balikat  at  bahagyang  pinisil.

"Alford  is  a  womanizer. . . But  I've  witnessed  him change. He  had changed  for  you, Lyca. Sana  pahalagahan mo naman. Kung  hindi  mo  talaga kayang  mahalin  si  Alford  mas mabuting  deretsuhin mo na. Don't   give  him   a  false  hope." Tinapik  ni  Wilson  ang  balikat  niya  bago  siya  nito  iniwan. Tuluyan  siyang  bumulalas ng  iyak! Gusto lang naman niyang  maayos  ang  lahat  pero  mas lalong  naging magulo.


PAGKATAPOS  NG  nangyari  kanina  ay  umuwi  siya  ng  bahay. Inaasahan niyang  maabutan si Alford  sa  bahay  pero  wala  ito  roon. Sumapit  ang  gabi  pero  hindi  talaga  ito  umuwi. Hindi  siya  mapakali. Tinawagan  niya  si  Tres  at  tinanong  kung  alam  ba  nito  kung  nasaan  si  Alford.  Nasa  The  Rock  Bar  daw kasama  si  Wilson at  Dock  kaya  agad  siyang  nagpunta   sa  naturang  bar.

Pinagalitan na naman siya ng pinsan  niya.  This  is  serious! Ramdam  niya ang galit ni Alford  at  natatakot  siya.

"God, puwede ba, huwag na nga kayong  sunod nang sunod!" Pagalit  niyang  sita  sa  mga  bodyguards  na lagi na lang  nakabuntot  sa  kanya. Lalo  siyang  nafu-frustrate sa  ginawa  ng  mga  ito.

"Pasensiya na po, ma'am,  sinusunod lang namin ang ipinag-uutos ni sir." Marahas  siyang  bumuga  ng  hangin   sa bibig  saka  pumasok  sa  loob  ng  bar.

Palinga-linga  siya  sa loob ng madilim  na  club  habang  naglalakad  hanggang   sa  makita  niya  si  Wilson  at  Dock. May mga kasama itong babae. Si Dock ay naka-secured  ang  mga braso  sa  baywang  ng  isang babae. Habang  si  Wilson  ay  pormal  lang  na  nakikipag-usap  sa  isang  babae-- oh  wait! It's  Vicky. Juliet Policarpio's bff.

Where's  Alford? Lumapit   siya sa  mesa  ng  mga  ito.  She  was  about  to  get  Dock  and Wilson's attention  when a woman in red caught  her attention. Pero  hindi  talaga  sa babae  natuon  ang  atensiyon  niya  kundi  sa  lalaking  nakakandungan  nito;  ang  asawa  niya  at  ang  malanding  si  Juliet.  He  had  a  glass of  liquor  in his  hand  while  the  other   hand  was  on  a  woman's ass,  squeezing  it.

Nang-aakit  na pinaglandas  ng  Juliet  ang  daliring  may  mahabang  kuko  na napipinturahan ng pula  sa  labi  ni  Alford  habang  nakatitig  sa  mata  ng  isa't  isa. She  felt  a  pang  of  jealousy,   pain and  anger.  Lumapit   ang  nakaawang  na  labi  ni  Juliet  sa  naghihintay  na  labi  ni  Alford. Pero  bago  pa  man  iyon  maglapat  ay  mabilis  siyang  lumapit. She put her hand over Juliet's  mouth,  squeezing  it as hard  as  she  could  sabay  hila  sa  babae  palayo.  Itinulak  niya  ito  at  natumba  ang  babae  sa  kung  saan  nakaupo  ang  kaibigan   nitong  si  Vicky.  Nadagan  nito  ang  kaibigan.

"Ano  ang  problema   mo?!" Tili  nito  at  galit  siyang  tinitigan.

"Subukan  mo  lang  ilapat  ang  nguso  mo  sa labi ng  asawa  ko  at  bubunutin ko talaga  lahat  ng  ngipin mo kasama  ang  gilagid  mo!"

"Asawa?" Juliet   laughed  humorlessly. 

"Asawa  mo  ba  ang  ambisyosang  'to,  Alford?" Alford  just  shrugged nonchalantly  and  downed  the  remaining  content  of  his  glass.  Muling  tumawa ng  malakas  si  Juliet.  Hinarap  ni Lyca  si  Alford.

"Umuwi na tayo  sa  bahay,  please."

Alford  smirked  as  he  looked  up  her.

"Ms. Veliganio, hindi  tayo  magkaano-ano  para  umuwi  tayo  sa  iisang  bahay. Just   go  home! Can't   you  see? I'm  enjoying   a  piece  of  ass here. Just  go!" Taboy  nito  sa  kanya  at  nasasaktan  siya  sa  ginagawa  nito.  Pero  lasing  ito  at  galit  sa  kanya   kaya  naiintindihan  niya. Iintindihin  niya  dahil  siya  naman ang may kasalanan.

"Please,  Alford!"

"Just. Go. Home!" Matigas  nitong  taboy  sa  kanya. Parang   umakyat  lahat  ng  dugo  niya  sa  ulo  nang  marinig  ang  tawa  ni  Juliet.

"Nakikiusap  ako  sa  'yo. If  you  don't   want   me  to  make a  scandalous   scene  here  umuwi  na  tayo!" Shit! Alam niyang  parang  marupok  na  goma lang  ang   pasensiya  niya  kaya  alam  niyang  anumang  oras  ay  mapapatid  ito  at  hindi  niya  alam  kung  ano  ang  magagawa  niya. Lalo  pa't  naririnig niya ang ng uuyam  na  tawa  ni  Juliet.

"Huhuhu! Kawawa  naman  ang  naliligaw  na  pusa. Uwi na! That  delicious   meat  is  mine.   Meow. Meow-- hey!" Malakas  na  tumili  si  Juliet   nang  hablutin  niya  ang   baso  na  naglalaman  ng  alak  mula  sa  mesa at  itinapon  sa mukha ni  Juliet.  Pupungas-pungas  pa  ito  na  parang  malulunod  sa  isang  basong  alak.

"Try  to  spit  out  another  shit and  I'll  beat  your fake nose!" Nagtagis  ang  bagang  ni  Juliet  at  akmang  tatayo  pero  pinigil  ito  ni  Wilson. 

Tumayo  si  Wilson   at  tinabihan  si  Alford  saka  bumulong. Muli  siyang  tinitigan  ni  Alford. Nagpakawala ito ng marahas na  buntong-hininga  bago  tumayo  saka  nagpatiuna  palabas.


"ALFORD, please, mag-usap  naman tayo. Nakipagkita  lang  naman ako kay Tyler  para mag-explain.  He  deserved  it." Paliwanag  niya  habang  nakasunod  sa  asawang  pumasok  ng  kanilang  silid. Hinarap siya ni Alford.

"What  kind  of  explanation  you've  given  to  him? Like,  don't  worry,  Tyler, I don't   love  Alford. Napilitan  lang  naman  akong  magpakasal  sa  kanya. Ikaw  talaga  ang  mahal  ko. Just wait for me until I get my marriage annulled.  You  consoled  him  by  uttering  sweet  nothings  as  you  were  holding each other  in  a  tight  embrace.   So fucking romantic !" He  said  sarcastically.

"Alford,  hindi! You  are  taking   this  the wrong  way.  I  told  him  that  I  want  to  stay  with  you.  I  want   to  stay  as  your   wife.  I  hugged  him,  yes,  but  I  didn't   expect  that  he  will  kiss  me."

"You  have  a  chance  to  tell  me  but  you  didn't. Nagawa  mong  magpaliwanag   sa  kanya   pero  sa  'kin  na  asawa  mo  hindi mo  magawa  dahil  siya  ang  mahal  mo, Lyca!" Punong-puno  ng  galit  ang  boses  nito. 

Hindi  sila  magkakaintindihan  lalo't   nakainom  ito.

"Mag-usap  tayo  bukas  pag hindi  ka na lasing."

"Hindi  na  kailangan! I  don't   wanna  hear  your  lies!" Hinugot  nito ang cell  phone  sa mula  sa  bulsa  ng  jeans  at  sinagot  ang  tawag.

"Pare?" Anito  nang  sagutin  ang  tawag. Umupo  si  Lyca   sa  gilid  ng  kama  habang  nakatitig  sa  asawa.

"Just  hold  it. Hindi  pa  rin  kami  maayos. Mukhang  wala talagang  chance." Tinapos  ni  Alford  ang  pakikipag-usap  pagkaraan  ng  ilang  sandali. Inilapag  nito  ang  cell  phone  sa  night  stand  at  tinungo  ang  banyo.

Tumayo  siya  at  tinungo  ang  walk-in  closet. Kumuha  siya  ng  damit  na pamalit  ni Alford   at  muling  lumabas. Hinintay  niya  ang  asawa  sa  labas  ng  pinto ng  banyo. Ilang  sandali  ang  lumipas  nang  bumukas  ang  pinto. Bagong  ligo  ito. A small white towel slung low around his hips. 

Inabot  niya  rito  ang  damit  pero  hindi  nito  iyon  kinuha. Nilagpasan  siya  ni  Alford   at  tinungo  ang  cell phone   na  nagri-ring.

"Hello?" Bakit  ba  ang  daming  tumatawag  dito?

"Si Monica? Ngayon  na? . . . Okay,  twenty minutes nandiyan na ako." Inilapag  nito  ang  cell phone   sa  night stand. Nilagpasan  siyang  parang  multong  hindi nakikita. Tinungo  ang  walk-in  closet. Agad  siyang  sumunod at  napasukan  niyang  humila ng  maong  na  pantalon at  puting  T-shirt habang nasa isang kamay ang puting briefs.

"Saan ka pupunta?" Tanong  niya sa asawang  mabilis  na  nagbibihis.  Hindi  siya  nito  pinansin.

Matapos magbihis  ay  kumuha ng sapatos  at  isinuot  iyon  saka  lumabas. Pasunod-sunod  siya  rito. Nag-ayos  ng buhok  at  pagkatapos  ay  pumasok  ng banyo  para  kunin ang susi  ng  kotse sa  bulsa ng pantalon  at walang  paalam  na  lumabas  ng  silid.

Itinapon niya ang  damit  sa kama  at  mabilis   na  sinundan  si  Alford  hanggang  sa  makalabas  ng  bahay.

"Giliw  ko,  saan ka ba pupunta?"  Yumakap  siya  sa  baywang  nito  nang  buksan nito  ang  pinto  ng kotse sa driver  side.

"Lyca, pumasok   ka na  sa  loob."

"No! Sasama ako!"

"Hindi puwede!"

"Sino  ba  si  Monica?" Alford   paused  for  a  while  before  answering   her.

"She's  my  first  love." Humigpit  ang  pagkakayakap  niya  rito.

"First love? You have first  love?"

"Ano  ang tingin  mo  ikaw  lang  mayroon  first  love?"

"Eh, bakit  pupuntahan mo siya?"

"I  didn't   demand an  explanation  from  you nang  puntahan mo si Tyler.  Pero, sige, sasagutin  'yang  tanong  mo.  I  will go  to  Monica  to  hug  and  kiss  her. Happy?" Nasasaktan  na  talaga   siya!

"Then  sasama  ako. You  brutally  hit  Tyler,  so  gagawin  ko  rin  'yon  sa  first  love  mo!" Alford  heaved a  deep  breath  as  he  threw  his  head   back.

"Pumasok  ka  na!"  Kinalas  ni  Alford   ang  kamay  niyang  naka-lock  sa  baywang   nito  pero  mas  lalo  siyang  kumapit.

"Please,  hubby,  huwag ka ng  umalis! Sorry  na!" Kinuha  ni  Alford  ang  atensiyon   ng    bodyguards na  naroroon  at  patakbo  naman ang  mga itong  lumapit. 

"Pakipasok si Lyca at huwag niyong palalabasin." 

"Subukan niyo lang akong hawakan  masasaktan kayo!" Banta niya sa dalawang bodyguards na takang hahawak sa kanya.

"Ipasok niyo na siya." Marahas na binaklas ni Alford ang mga kamay niya. Hinawakan siya ng dalawang bodyguards at inilayo kay Alford na para ba siyang kriminal.

"Let me go!" Tili niya, at nang hindi siya binitawan ng dalawa ay kinagat niya ang mga  ito sa braso. Napahiyaw ang dalawa at  nang mabitawan  siya  ay  agad  siyang  tumakbo  palapit  kay  Alford pero naharang naman siya ng dalawa pa.

"Ano ba!?" Sinipa niya sa binti ang dalawa.

"Lyca!" Malakas na boses ni Alford ang nagpatigil sa kanya. 

"Pasok!" Mahina pero matigas ang boses nito.  She  shook  her  head  stubbornly. 

"Sasama  ako. M-mambabae ka, eh." Gumaragal ang boses niya. Matagal siyang tinitigan ni Alford. 

"I'm getting really tired to deal with a stubborn and unrepentant person like you! Give me a break!" 

Nanikip ang dibdib niya sa tinuran nito. Tuluyang namuo ang luha sa mata ni Lyca.  Humakbang siya paatras at bago pa malaglag ang luha  mula sa mata niya at makita iyon ni Alford  ay mabilis siyang pumihit at tumakbo papasok ng bahay. 

Saka  lang  niya  hinayaang  mag-unahan  sa  pag-agos ang mga luha mula sa kanyang mata. Bumalik siya sa silid at umiiyak na dumapa sa kama. Ngayon lang siya umiyak ng dahil sa lalaki. Nasasaktan siya! Paano kung hindi na siya mapatawad ni Alford? Paano kung magbago na ito? Paano na?






Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
Troublemaker By Cher

General Fiction

1M 58.9K 20
Gabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilal...
5M 101K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...