Married to Unknown

Por CloudMeadows

8.7M 321K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... M谩s

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XXIX.

119K 4.9K 1.1K
Por CloudMeadows

Rose

"Hindi ko nga alam kung nasasaan siya!" Sabay subo ng kanin. What? Gutom ang dyosa.

Pinaningkitan ako ni Harold at ako naman dedma lang. Kaya nga ako kumakain ngayon para mapigilan ko yung bunganga ko sa kakatalak at baka ma-spoil ko sakanya ang location ni Gemmy. Sumubo pa ako ng kanin saka ulam. Yung tipong punong-puno na yung bibig ko. Well, at least maganda pa rin.

"Alam mo namang nawawala yung bestfriend mo diba? Pero bakit ang kalmado mo?" Muntik na akong mabulunan. Okay, kalma lang Rose. Hwaiting!

"Eh anong gusto mo? Halughugin ko ulit yung buong bahay? Eh diba ginawa mo na yun kanina pa? So alangan na uulitin ko? Jusmiyo kebaribaridad! Paano nga ulit kita naging boyfriend? Kaloka ka ha." Good job, Rose. Good job.

Sasagot pa ulit sana siya kaso nag ring yung phone niya. Tinapunan niya ako ng tingin na hindi-pa-tayo-tapos-magusap saka siya lumabas. Uwaaa! Kanina pa ako hina-hot seat ng unggoy na yun! Pinakawalan ko yung hininga na kanina ko papala pinipigilan. Whoo.

Gabi na kaso wala pa ring palya sa paghahanap si Harold. Hindi ko nga alam pero sobra siyang natataranta, alam kong boss niya yung asawa ng bestfriend ko pero anong meron at ganun na lang siya sobrang nag-aalala? May takot akong nakiya sa mga mata niya. Pwede namang tumawag ng pulis o di kaya--oh god!

Idinikit ko ng maigi yung tenga ko sa pinto at nakinig sa usapan ni Harold at yung tao na nasa kabilang linya. I swear my narinig akong Luc/Luke. Di kaya si Luc Hamilton? Kyaaah! Pero teka, kalma lang hormones ko. Umaandar na naman ang pagiging fan girl ko.

May narinig akong boses mula sa kabilang linya pero hindi ko naring ng husto. Teka ano daw? Basta may narinig akong back. Hindi kaya...alam kong baliw ako pero hindi ako slow!

****

Gemma

Pangatlong araw ko na ngayon at sa kabutihang palad, nakahanap ako ng trabaho dito sa bayan, dahil wala rin naman akong magawa sa bahay kundi magkulong at magmukmok. Mas mabuti na siguro kung lunurin ko yung oras ko dito sa trabaho para kahit papaano maokupado yung utak ko.

Maliit lang na karinderya ang napasukan ko pero sobrang babait ng mga trabahador dito. Napangiti ako nang masulyapan ko si Emy, isa sa mga waitress dito, na kanina pa nag papa-cute sa isang costumer. Si Ral, na seryosong kumukuha ng order. Si Kristy, na nasa counter na palihim na kumakain ng clover at si Nanay Weng na ubod ng bait at feeling bagets. Konti lang kami dito pero nakakaya pa rin naman namin yung trabaho.

"Nakakalurkey ka Gem! Simula nung nag apply ka dito, mas dumami yung mga costumer--"

"Ate isang order ng sisig!"

"Opo! Opo! Andiyan na!--Tignan mo? Sabi ko sayo e." Bulong ni Emy saka pumunta sa kusina. Tumawa nalang ako ng mahina saka nilapitan yung iba pang costumers. Hindi tulad sa Maynila na babastusin ka sa trabaho, iba ang mga tao dito. Masaya silang kausap at ituturing ka nila bilang kaibigan at hindi trabahador dito.

"Kain na hija." Offer nung mag asawa pero nginitian ko nalang sila.

"Sige lang po. Pakabusog po kayo." Nakita kong papalapit si Nanay Weng sa direksyon ko kaya tumugil muna ako at sinalubong ko siya.

"Kamusta naman ang trabaho hija? Hindi ka ba masyadong nahihirapan dito?" Nung una kasi akala niya anak mayaman ako at hanggang ngayon nagdududa pa rin siya.

"Ikaw naman kasi, bakit ito ang pinasok mong trabaho? Sayang ang kutis mo oh! Puro usok lang dito at dagdag mo pa yung ingay, nako hindi bagay yung mukha mo dito. Bakit hindi ka nalang nag model hija? Jusko pag ikaw naging anak ko, matagal na kitang isinabak sa miss universe."

"Nanay ayos lang po ako at uulitin ko, ayos lang talaga ako. Ayos lang sa akin na mausukan, hindi naman ako maarte kung iyon ang inaakala ninyo."

"Hindi naman sa ganun hija pero--"

"Nanay ayos lang talaga ako." Napabuntong hininga siya at ngumiti.

"O sya na nga. Kumain ka na ba? Mukhang kaninang umaga ka pa walang kain, tignan mo nga oh ang payat payat mo at namumutla ka tapos parang nananamlay ka pa. Mas maigi kung magpahinga ka muna, maraming pagkain doon sa kusina. Hala punta na at ako ang papalit sa'yo." Hindi naman ako umangal at pumunta na sa kusina. May sarili kaming kusina at natakam ako sa pagkain na nakahain doon. Tama nga si Nanay Weng, mukhang napapabayaan ko na ang sarili ko.

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na yung pinggan ko. Mga alas sais na ata ng hapon, lumabas ako at medyo konti na yung costumers, mas maaga kasi ang closing namin ngayon kasi papaubos na yung mga pagkain. Malapit na kaming magsara kaso may pumasok na mag jowa ata.

"Babe you made me dress like ganito and dito mo lang ako ibi-bring? Like what the f, this place is so trashy!"

"Mahiya ka nga, ang lakas ng boses mo."

"So what? At least I'm being honest naman diba?"

Napairap si Emy at Kristy sa narinig habang si Ral naman ay napasimangot. Buti nalang wala dito si nanay. Pero grabe naman makapagkomento 'tong babaeng 'to, mas basura pa nga yung ugali niya. Halos sila na nga rin yung natitirang costumer dito at nagdedebate pa kaming tatlo kung sinong mag aasikaso sa kanila. Pare-pareho kaming napatingin kay Ral na agad naman nag salubong ang kilay.

"Menu please!" No choice. Itinulak na namin si Ral. Kawawa naman yung boyfriend ng babaeng 'to.

"Babe what is this? It's so nakakadiri like ugh! Ew." Sabi niya sabay turo sa picture ng sisig. Nagpipigil kami ng tawa mula dito pero nagvibrate bigla yung phone ko kaya bumalik muna ako sa kusina.

Bes? You alive? Okay kung nababasa mo man ito ngayon, gusto ko lang ipaalam sa'yo na natunugan ko kanina si Harold at mukhang kausap niya yung asawa mo. Bes, sa tingin ko pabalik na yung asawa mo dito.

Nakatitig ako sa message ni Rose at tila pino-proseso palang ito ng utak ko. Mahina akong napamura. Hindi ko nalang masyadong inisip yung nabasa ko at lumabas na parang walang nangyari kahit sa totoo lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero isinawalang bahala ko nalang iyon.

Lumapit sa akin si Emy at bumulong, "Hay sa wakas, naka order na rin."

"Anong in-order naman niya?"

"Tubig."

Napailing iling ako at rinig na rinig pa yung awayan nila.

"Why can't you just take me sa mga mamahaling restaurant? Mygad! I even asked my bodyguard to drive me here because you said so tapos dadalhin mo lang pala ako dito sa--sa--sa chararat na kainang ito?! You're mayaman naman and all but--"

"Lenna, would you shut your fucking mouth?"

"Excuse me?"

"Let's break up. Nakakarindi na yang boses mo. I should've invited Danica instead." Lumapit naman si Kristy at bumulong ng 'buuuuurn.' Pagkalapag na pagkalapag ni Ral ng tubig ay agad itong ibinuhos ng babae sa mukha ng boyfriend niya at saka nag walk out. Agad naman itong nilapitan ni Kristy at Emy na hindi ko namalayan na may hawak hawak na palang pamunas. Teka saan nila nakuha yun? Wala yan kanina ah?

"Sir ayos lang po ba kayo?"

"Ang gwapo niyo pa naman, ba't niyo yun pinatulan?"

"FC ka bes?"

"Hindi ba pwedeng nagmamalasakit lang?"

"Chill girls. Sanay na ako sa ganito." Teka, ang pamilyar ng boses niya.

"Magkano yung tubig?"

"Ano ka ba pogi, libre na yun para sa'yo."

"Mey berbeque, geste me?"

"Hoy magsitigil nga kayo diyan!"

Napalingon silang tatlo sa direksyon namin ni Ral at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?

"Miss ganda!"

"Ay ako ba? Hayahay salamat pogi!"

"Taray, assumera din. Ako kaya yun."

"Ako."

"Ako."

"Asa ka pa."

"Di ako umaasa."

Kumaway-kaway siya sa akin kaya napatigil yung dalawa at napatingin sa akin.

"Girl anong shampoo mo? Nakakainggit ka na ha."

"Omagad ikaw na."

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya at nagsalubong ang kilay ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakangiti nang pagkalapad-lapad. Itinulak ko siya habang tawa naman siya nang tawa. Nakashabu rin ata to eh.

"Hmp sungit."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba obvious? Nakipag date lang naman ako na nauwi sa ganito." Itinuro niya yung damit niyang basa. Buti nga sayo.

"Hindi ko alam na ganun pala ang tipo mo sa mga babae." Nakangisi kong sabi. Pero ang loko, hinawakan na naman ang balikat ko at seryosong nagsalita.

"Alam mo, ang mga babaeng tulad niya ang mga tipo ng babaeng masarap paglaruan. Nakita mo ba yung reaksyon niya kanina nung dinala ko siya dito? Diba nakakatawa? Aminin mo natawa ka din."

Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at malamig siyang tinignan sa mata.

"Magsasara na kami kaya kung maaari ay umalis ka na kung wala ka ring sasabihing matino."

"Ha? T-Teka."

Lumingon ako kay Ral at tumango naman siya. Malaking tao si Ral kaya walang pawis na binuhat niya si--yung unggoy.

"Anong ginawa ko? Miss ganda! Hoy sagutin mo ako! Anong ginawa ko?!"

Nagbingi-bingihan ako. Laruan pala ang mga babae ha? Magdusa ka.

****

Alas-8 na ng gabi kami natapos sa paglilinis at papauwi na ako. Medyo liblib kasi yung daan papunta sa amin kaya walang masyadong nag co-commute dito dahil sa mga sabi-sabing may mga multo daw na nagpaparamdam. Napatawa nalang ako dahil wala naman akong naranasang kakaiba mula pagkabata ko dito.

Ang tahimik ng daan at tanging bawat yapak lang ng paa ko ang naririnig. Buti nalang may post light dito at habang abala ako sa pagsipa ng bato sa bawat dinadaanan ko, napahinto ako nang may marinig akong konting ingay.

Baka aso o pusa lang yan.

Pero napahinto ulit ako nang may marinig na akong umiiyak. Mahina lang ito at mukhang medyo malayo pa ang pinanggalingan nito. Medyo nagsisimula na akong kabahan pero tinatagan ko ang loob ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi pa ako nakakaisang hakbang nang marinig ko yung iyak na mas lalong lumakas. Binilisan kong maglakad at konting-konti nalang maniniwala na talaga akong may multo dito sa amin.

Medyo malapit na ako sa bahay at hindi ko na naririnig yung iyak pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang nasundan ito ng malakas na sigaw. Kumaripas na ako ng takbo papuntang bahay at agad kong ini-lock yung pinto. Napasandal ako sa pader habang rinig na rinig ko pa yung napakalakas na kabog ng dibdib ko.

Anong meron doon? Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig para mahimasmasan.

Sinigurado kong nakalock lahat ng bintana at pinto saka ako humilatay sa kama. Dinukot ko yung phone mula sa bag ko at tinignan kung may message ulit si Rose at hindi nga ako nagkakamali.

Bruha ka! Uso mag reply! Uso magpa load! Uso magparamdam! Pag ikaw hindi pa nag reply sa message ko na 'to, ibubulgar ko talaga kung saang lupalop ka nagtatago!

Oh crap!

To: Rose
Pasensya na. Huwag mo na akong alalahanin, ayos lang ako.

Kinabukasan, nagising na lamang ako sa sigawan ng mga tao sa labas. Kahit na naka pajama at inside slippers lang ako ay hinila ko ang sarili ko papalabas at naabutan ko ang mga tao na tumatakbo papunta sa damuhan sa kabila. Nagkusot kusot pa ako ng mata, anong oras na ba?

"Manong? Teka po, ano pong kaguluhan ang meron?"

"Nako hija, bagong salta ka lang ba dito?" Hindi na ako umangal at tumango na lamang.

"May natagpuan na naman kasing bangkay di kalayuan dito..." Tuluyang nagising yung diwa ko sa sinabi ni manong. "Ang sabi nila, isang dayo daw ang nabiktima ngayon."

"Ano po bang nangyari?"

"Mas maiging ikaw na lamang humusga sa makikita mo." Yun lamang at tumalikod siya. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Nung una nakipagsiksikan pa ako at ngayong nasa harapan na ako mismo sa katawan ng biktima ay hindi ko maiwasang manginig sa takot at pandidiri. Napatakip agad ako sa aking bibig at agad kong iniwas ang tingin ko.

Naalala ko, siya yung maarte na babae kagabi sa karinderya at hindi ko masikmura yung hitsura niya ngayon. Wala nang saplot ang kanyang katawan at napalitan ito ng kalmot at pasa habang may dalawa namang butas ang kanyang leeg na punong puno ng nagkalat na dugo. Putlang putla na rin ang kanyang bangkay na tila ba naubos na halos lahat ng dugo sa kanyang katawan.

Dumating naman yung mga paramedics at agad nilang tinakpan ng itim na tela ang katawam ng bangkay. Umalis na ako sa lugar na yun at may narinig pa akong usap-usapan galing sa mga matatanda.

"Kawawang dalaga. Malamang aswang ang gumawa niyan."

"Eh dapat pati lamang loob niya ay nakain na rin. Mas hindi malabong bampira ang may kagagawan niyan. Sigurado ako."

"Sabagay tama ka, hindi na natin alam kung anong nangyayari ngayon."

Mabilis akong bumalik sa bahay at nanginginig kong binalkot ang sarili ko sa kumot. Hindi naalis sa isipan ko yung hitsura ng bangkay at yung napag usapan ng dalawang matanda kanina.

Malaki nga ang posibilidad na bampira ang may kagagawan 'non. Bakit? Kasi nakasalamuha na ako ng mga uri nila. Tila ba nabalot ng takot ang buong katawan ko habang hindi maalis-alis ang duguang bangkay sa isipan ko.

I remembered his red eyes. I said to myself, I won't be scared because I know he won't hurt me but I guess I was wrong. So wrong.

END OF CHAPTER 29



Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
21.6M 442K 78
The LeFevre Mafia Series: Marcus LeFevre's story 1st installment of the LeFevre Mafia series. All LeFevre stories are interconnected. PUBLISHED UNDE...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...
2.3M 36.2K 55
A story about two antagonists, a jerk and a bitch, who have long been disillusioned by love, but in some twist of fate, they'd soon find themselves h...