EMPIRE HIGH

By mscresantine

5.8M 176K 29.3K

Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes st... More

EMPIRE HIGH
Empress Morrigan
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Casts
Chapter 23
Chapter 24
AUTHOR'S NOTE
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Explication Chapter
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
BOOK 2: COMPLETED

Chapter 1

278K 7.2K 2K
By mscresantine


Chapter 1: Hell

HER POV

Isa. Dalawa. Tatlo.


Bilang ko at agad tumalon sa kabila ng mataas na pader. Pinagpag ko saglit ang kamay ko at muling nilingon ang tinalon kong pader. Napailing na lang ako dahil sa kalokohan ko.


Ayoko magmistulang grand entrance ang pagdating ko at salubungin ng mga itlog nang dahil lang sa kasuotan ko kaya naisipan kong talunin na lang ang bakod ng eskwelahan bilang isang shortcut.


Napalingon ako sa buong paligid at kaharap ko ang isang tila abandonadong gusali. Dala ng kyuryosidad ay mas pinili kong pasukin ito. Hindi naman ako takot na mahuli dahil bukod sa unang araw pa lang ng eskwela ay wala din akong makitang mga estudyante na napaparito dahil tila ito na ang pinakadulong bahagi ng gusali.


Pagpasok ko pa lang sa gusali ay sumalubong mula sa katayuan ko ang madaming iba't ibang klase ng sasakyan. Maganda sana ito base sa mga klase nila pero balot ito ng masangsang na amoy. At ni hindi rin lumagpas sa paningin ko ang tuyong mga dugo dito.


Pamilyar na ako sa ganitong pangyayari at kung ibabase sa nakikita ko ngayon, marahil hindi normal ang eskwelahang ito. Gusto ko mang sagutin ang katanungan sa isip ko ay ayaw ko pa ring makielam. Dahil una sa lahat ay wala pa rin akong alam tungkol sa eskwelahang ito.


Kibit balikat na lang akong umalisat naglakad na papalayo. Ayokong mangielam sa mga bagay na walang katuturan. Nandito ako para sa sarili ko, hindi para sumagot sa misteryong bumabagabag ngayon sa utak ko.


Inikot ko ang aking paningin sa lugar hanggang sa makita ko ang dulo ng field na may isang puno. Tamang doon na lang muna siguro ako. With my normal presence ay naglakad ako patungo doon nang makaiwas sa atensyon. Laking pasalamat ko na din siguro dahil napapansin ko na may mga nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa isang bilog sa gitna. A crowd for losers and troublemakers maybe. At sa mga ganoong bagay, wala akong pakielam.


Dumiretso na lang ako sa paglalakad habang binabalewala ang mga taong wala rin namang pakielam sa akin. Pasimple muna akong lumingon sa paligid at nang masiguro kong walang nakakakita sa akin ay umakyat na agad ako ng puno. Humiga ako sa isang malaki laking sanga nito at bahagyang napatingin sa itaas kung saan gustong gusto ko ang mga dahon na siyang nasisikatan ng araw.


I'm a transferee. Nasa ikatlong baitang sa kolehiyo. And I admit, hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi nagpatong-patong ang nangyari. Delikado silang lahat. Ayoko nang may madamay pa sa lahat ng plano ko. Tama na ang dalawang nawala. Kinalimutan ko na ang lahat. But I'll never forget those people who have been the suspect of this life. I'll be back for revenge.


*BANG*


Bahagya akong napaigtadsa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagputok ng isang baril. Nang makarinig pa ako ng ilang hiyawan ay tumayo agad ako sa sanga para bumaba. Puno ng kyuryosidad ay akmang tatalon na sana ako pababa nang mapansin ko ang dalawang babaeng nasa ilalim ng puno. Tss. I don't have enough time. And I admit, curiosity hits me really hard.


"Sh*t!"

"Aaahh!"


Hindi ko na pinansin ang pagmura at pagtili sa gulat ng dalawang babaeng iyon nang tumalon ako sa harap nila. Dumiretso na rin agad ako ng lakad sa kumpulan na iyon. And there I saw a guy swimming with his own blood. Looking at his body, alam na alam ko ang nakabaon sa kanyang dibdib. Isang bala.


Napatingin ako sa mga tao na nakapalibot at napansin ang taong may hawak ng baril. Natitiyak ko na siya ang nagpaputok nito. Akmang lalapit na sana ako dito nang may dumating pang dalawang lalaki. Magaganda ang tindig nila. Bakas ang karangyaan sa buhay at maski ang pangangatawan nila ay tila kababakasan ng kagalingan sa pakikipaglaban.


"Run away now, if you don't want to be a dead body." saad ng isa sa dalawa habang nakatingin sa bangkay. Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari but I'm sure he's one of the influential students here lalo nang makita kong nag-atrasan ang mga estudyanteng nakapalibot. He has this authority and respect from everyone.

Umalis na din naman agad ang lalaking may hawak ng baril pero hindi pa siya nakakalayo ay nakita ko ang pagtango ng lalaking nagsalita kanina sa kanyang kasama na lalaki.


Tiningnan ko ito ng mabuti. May hindi tama. Napansin ko ang pagbunot nito ng kutsilyo at itinapon sa lalaking tumatakbo. I watched him. Unti-unti bigla itong bumagsak sa lupa in three seconds. Tama ang hinala ko. Three seconds are enough para dumaloy sa dugo niya ang lason. That knife, may nakapalibot na lason doon. Tss.


Napasinghap naman ang lahat sa nangyari at akmang magaalisan na sana pero biglang nagsalita muli ang lalaki na nagsalita kanina.


"Be a traitor and you'll know your consequence."


Kahit nasa bandang likuran ako ay sapat na ang malakas at galit niyang boses para marinig ko. I didn't move at tiningnan lang ang mga nakarinig din. Their faces screams for fear. Ilang segundo lang ay umalis na din ang dalawang lalaki na mukhang iyon lang ang iniintay ng bawat estudyante dito dahil agad din silang nagtakbuhan papalayo. And here I am, still standing and looking at this body. Mukhang normal na nga lahat ng ito dito. No even dared to move out this corpse.


"He's a spy. And it looks like pinatay din siya ng katulad niya."

Napatingin ako sa pagsulpot ng dalawang babae. And my mind hit me nang mapansin ko na sila ang dalawang babae na nasa puno kanina. Pero tahimik ang isa sa kanila at nakatingin lang din sa bangkay na tila may malalim na iniisip.


"Escape if you're scared."

Bahagyang tumaas ang kilay ko nang magsalita ang babaeng tahimik. Mukhang nagpapatawa siya tungkol sa pagtakas. Escaping? It's the only thing that I've never done before.


At base sa nangyayari, bago man ako sa eskwelahang ito. I know this is not a normal school. Normal ang patayan para sa kanila unlike in the other colleges which perfectly fits as a schools for mystery movies. Natigil ang pagiisip ko nang maramdaman ko ang titig ng isa sa kanila. And I'm quite shock nang makita ko kung saan siya nakatitig. My eyes were exposed.


"Hide yourself and hide your eyes."


Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng tatlong tao na mahalaga sa akin. Before I runaway. Before that tragedy happened, binanggit nila ang laging sinasabi nila sa akin. Hiding my eyes is a big responsibility na hindi ko dapat mabigo. So before the girl could react, umiwas na agad ako ng tingin.


"Sama ka sa amin." Bigla akong napatingin sa babeng tumitig sa akin. Medyo natigilan pa ako dahil ramdam kong nag-iba ang kanyang aura. Weird. But this time, I didn't refuse with her offer since everything here seems a big question mark in my head.

Patuloy lang kaming naglalakad at may iilan ilan ding tumitingin sa amin, or much like sa akin. Alam ko ang pumapasok sa kanilang isipan. Ang isang nerd ay nakapasok ng isang prestihiyosong eskwelahan dahil isa itong magiting na iskolar. Typical mean girls on a typical school story.


"You need to be careful on what you'd entered."  


Mas lalong nawala ang atensyon ko sa mga nakatingin nang biglang nagsalita ang babaeng kanina pang tahimik.


Hindi ko alam ang sinasabi ng babaeng ito pero it simply looks as a warning for me. Kung gayon, mukhang kailangan ko talagang magdoble ingat.


"Well, I believe in you." Biglang bulong naman ng babaeng tumitig sa akin. Di ko alam kung sino ang sinabihan niya but my instincts never failed me, at alam kong ako ang sinasabihan niya. Why? I don't know. But one thing is for sure, this school is weird same as the students. Tss.

"Ikaw siguro ang balita na transferee. Well, Welcome to Empire High!"

Magiliw man ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon ay hindi ko maiwasang magisip ng dobleng kahulugan nito. Welcoming me signifies that I brought my own death because of entering in this school. At kung tama man ako, isang linya lang ang masasabi ko. In my existence here in this world, death is upon me. Hunting me and dragging me there. So I'm used to it. Hindi na ako takot mamatay.


"Anyway, I'm Jeena Nathalie at siya naman ang matalik kong bitch friend. She's Hera Clarkson." Masayang pagpapakilala nito at tumitig sa akin. So her name is Jeena. Tumango na lang ako sa kanila at nagpatuloy na lang muli kami ng paglalakad. Hindi naman nila itinatanong ang pangalan ko kaya tahimik lang akong nakasunod sa kanilang likuran.


"We're here." 


Napatigil ako sa pag-iisip sa biglang pagsasalita ni Hera at napatingin ako ngayon sa aking harapan. Isang gusali na may ikalawang palapag. This is the Cafeteria obviously, lalo na't may sign board ito. Well, not bad dahil mukha itong classic restaurant nang dahil sa mga disenyo nito mula poste, bintana, dingding at maski ang pinto nito.


Tumango na lang ako sa kanila at walang kibo pa din akong nakasunod sa kanilang likuran hanggang matapat kami sa pinto. They opened the door in unison habang nasa gitna nila ako at pagkabukas nila, halos matumba si Jeena sa nasaksihan niya. The two seems widened their eyes in shock at agad napatingin sa akin.


Simply because when they opened the door tila nag slow motion ang pagdaan ng isang patalim sa pag-itan ng ulo namin ni Jeena.


Nagulat naman ang lahat ng estudyante na nasa loob ng cafeteria pero mas bakas ang kagulatan sa mukha ni Jeena at Hera. Pero marahil siguro sa reflexes ay agad napatabi si Jeena sa pagkakataranta while I simply stepped aside with more than six inches.


Napahinga na lang ako ng malalim sa mga nangyari and before I can stop my mouth, I had finally described this school in one word.

"Hell."



EDITED.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 152K 54
Meet Cassidy Evans. 4th year Student. Sobrang saya ng pamumuhay niya kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Wala na siyang hahangarin pa kundi ang ma...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2.3M 70.3K 134
Do you want to know how to have a get-out-of-jail free card and get away from any crime you committed? Then, learn from her. Ang storyang ito ay hin...
10.6K 733 51
TO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle between students, who will be the last man...