For Sale: Bed Warmer (COMPLET...

By majxsty

1.3M 19.3K 777

"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieve... More

FOR SALE: Bed Warmer
TEASER
FSBW I
FSBW II
FSBW III
FSBW IV
FSBW V
FSBW VI
FSBW VII
FSBW VIII
FSBW IX
FSBW X
FSBW XI
FSBW XII
FSBW XIII
FSBW XIV
FSBW XV
FSBW XVI
FSBW XVII
FSBW XVIII
FSBW XIX
FSBW XX
FSBW XXI
FSBW XXII
FSBW XXIII
FSBW XXV
FSBW XXVI
FSBW XXVII
FSBW XXVIII
FSBW XXIX
FSBW XXX
FSBW XXXI
FSBW XXXII
FSBW XXXIII
FSBW XXXIV (PART 1)
FSBW XXXIV (PART 2)
FSBW XXXV (PART 1)
FSBW XXXV (PART 2)
FSBW XXXVI
FSBW XXXVII (PART 1)
FSBW XXXVII (PART 2)
FSBW XXXVIII
FSBW XXXIX
FSBW XL
FSBW XLI
FSBW XLII
Author's Note
FSBW FINAL PART 1
FSBW FINAL PART 2
FSBW FINAL CHAPTER 3
Epilogue
<3

FSBW XXIV

13.6K 281 12
By majxsty

Kean's POV

"AECY!" hiyaw ko bago nanakbo papunta sa lugar kung saan sya nahulog.

Ang lahat ay nagulantang at hindi malaman kung ano ang gagawin. Mababakas sa kanilang mukha ang labis na pag-aalala.

"Aecy!" Dahil mas malapit si Adam ay agad syang nakarating doon. Aalisin nya na sana ang bag na nakasukbit sa kanya ngunit iniharang ko ang aking braso bago inihubad ang bag na pasan ko bago yumuko upang silipin ang lagay ni Aecy.

"Kean! Huwag, baka malaglag ka." Pigil ni Madison. "Hayaan mo nalang sya!" Dagdag nya pa.

Ibig ko syang murahin dahil sa sinabi nya. Pabayaan? Sinong gago ang hahayaan ang girlfriend nya sa bangin?

"Nag-iisip ka ba?" Si Juno ang nagsalita. "Ah, oo. Nag-iisip ka ng pansarili mo lang." Ngumisi si Juno habang nakatingin kay Madi. "Kean ano? Tutunganga ka nalang dyan? Puta si Aecy nalaglag!" untag nya sa akin kung kaya't dali dali kong sinipat ang kinalaglagan nya.

"Aecy!" Hiyaw ko bago walang ligoy ligoy na nagpadausdos pababa. Dahan dahan lamang dahil sinusukat ko ang taas nito at baka kung hindi ako magdadahan dahan ay madaganan ko si Aecy sa ibaba.

"Kean! Putangna. Ang gago. Shet." Padyak ni Adam sa itaas.

"Ano? Nakita mo na ba sya?" Si Winston ang nagsalita. Mababakas sa kanyang boses ang matinding pag-aalala.

Hindi ako sumagot at mas itinuon ang atensyon ko sa dahan dahang pagdausdos habang hawak ang mga damo para di ako magdirediretsyo.

"Tumawag na kaya tayo ng tulong kesa nakatayo tayo rine." Suhestyon ni Gael.

Nagpatuloy lang ako sa pagababa. Sobrang taas pala nito. Putsya. Ano na kayang nangyari Kay Aecy sa ibaba.

"Osige, Adam halika. Kambal maiwan kayo rine kasama si Kyle para kung sakali na magpatulong si Kean. Gael, Adam, tara." Narinig kong usal ni Winston.

"E anong gagawin ko dito? Duh ang init kaya." Sabi ni Madison.

"Anak ng putang ina naman Madison! Kanina ka pa ah! Nababanas na ako sayo!" Si Juno ang nagsalita. "Tumahimik ka nalang kase wala namang naitutulong yang birada mo! Kung mainit, sumama ka na sa kanila pababa." Frustrated na usal ni Juno.

"Stop it Uno! Bakit ba galit na galit ka kay Madison ha?" Rinig ko ang galit na boses ni Kyle.

"Ano ba! Ngayon pa ba kayo mag-aaway ha? Juno? Kyle?" Pumapagitnang sabi ni Josh.

Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil nang ibaba ko ang aking paningin ay nakita ko si Aecy na nakahiga sa damuhan. Parang naging tahimik ang lahat at parang biglang nagslow motion ang lahat. Pumikit ako ng mariin at madali akong bumitaw sa damuhan at inalalayan ang aking sarili sa pagbaba.

Mabuti na lang at may medyo malawak na lupa kung kaya't hindi nagtuloy-tuloy sa pagbagsak sa bundok si Aecy. Ngunit, hindi ko parin maiwasan ang mag-alala dahil may kataasan rin ang kanyang kinabagsakan.

"Aecy." Kalmadong pagtawag ko sa kanya, pilit pinapakalma ang aking sarili. Tinapik tapik ko ng mahina ang kanyang pisngi at inulit ang pagtawag sa kanyang pangalan.

May mga galos siya sa pisngi pati na sa mga braso at siko. Nang pakasuriin ko pa sya ay nakita kong mayroon din syang galos sa hita at binti pati narin sa kanyabg tuhod. Namumula ang mga ito at nagsisimula nang magdugo.

"Aecy..." Pag-uulit ko.

"Kean! Ano nang nangyari dyan?" Rinig kong hiyaw ni Juno.

"Nakita mo na ba si Aecy?" Si Josh ang nagsalita.

Hindi ko na muna sila sinagot at muling sinubukan na ibalik ang malay ni Aecy.

"Babe." Hindi ko na naitago pa ang pag-aalala at pagkataranta dahil kanina ko pa sya ginigising at hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising.

"Hey, sweety. Wake up." Tinapik ko pang muli ang kanyang pisngi bago halikan ang likod ng kanyang kamay, kanyang braso, pisngi, at pati na rin ang kanyang labi.

Halos huminto ang aking paghinga ng marinig kong umungol siya kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata.

"Babe. You're safe now. Kamusta ka? Anong masakit sayo? Ayos ka lang ba? Saan masakit?" Tarantang tanong ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang pisngi.

Kumibot ang kanyang mga labi at biglang inusal ang katagang hindi ko inaasahan na isasagot nya. "Sino ka?"

Napa upo ako dahil sa gulat. "Hey, wag ka naman magbiro ngayon." Pilit ang tawang sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo at pilit na inaalala kung sino ako. "Sino ka? Anong ginagawa natin dito?" Tila natatakot na usal nya bago umupo nila sa pagkakahiga at umurong palayo sa akin.

"Babe, easy. Si Kean to." Sabi ko bago ngumiti at lumapit sa kanya ng unit habang lumalapit ako ay sya namang paglayo nya.

"H-hindi kita kilala." Tarantang usal nya habang patuloy sa pag-atras.

"Ano ba Aecy! Hindi to oras para magbiro ka ng ganyan!" Gigil na sabi ko sa kanya. "Halika na rito. Icheck natin ang mga galos mo." Mabining usal ko.

"A-aecy? Sino si Aecy?" Kunot na kunot ang kanyang noo at parang pilit akong inaalala.

Tumayo ako at frustrated na napasabunot sa aking ulo. Tumalikod ako sa kanya bago pumikit ng mariin at magpakawala ng buntong hininga.

Muli akong naglakad palapit sa kanya ngunit katulad kanina ay umurong lang sya.

"Babe, please. Ano bang nangyayari sayo?" Kinamot ko ang aking batok. "Stop joking around will you?" Dagdag ko pa.

"Kean!" Si Juno "Ano na? Nakita mo na ba si Aecy?" Tanong nya.

"Kamusta dyan sa ibaba?" Rinig kong sigaw nila ngunit katulad kanina ay hindi ko sila sinagot.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na dahil sa kakausog ni Aecy at narating nya na naman ang dulo.

Napatili sya kasabay ng pagkalaglag nya.

"Putangna! Aecy!" Sigaw ko bago dumaib papunta sa dulo. Hindi ko alintana ang pagtama ng aking dibdib sa malilit na bato dahil sa ginawa kong pagdaib maabot lamang siya.

Laking pasasalamat ko nang naabot ko ang kanyang kamay kung kaya't hindi sya nagtuloy tuloy sa pagbagsak.

"K-keither, a-aah." Tila nagbalik siya sa wisyo at nakilala na akong muli. "Natatakot ako." Bakas sa kanyang boses na natatakot nga siya. "Wag mo along bibitawan, please." Dagdag nya pa.

"Humawak ka lang, hindi kita bibitawan." pagpapakalma ko sa kanya bago inihawak pa ang kanan kong kamay.

"Kean! Anong nangyayari dyan?" Sigaw ni Juno bago ko syang narinig na nagmura.

"Kailangan namin ng tulong!" hiyaw ko nang tumingala ako.

Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Juno. Hindi ko alam pero mukhang sa barkada, sya ang pinakanag-aalala.

"Saglit, nandyan na sila!" Si Josh na ang sumagot.

"Shit, babe. Kapit lang okay?" Usal ko habang nakangiti, pinapalakas hindi lang ang loob ni Aecy kundi pati na rin ang sa akin.

Konting tiis nalang. Shit.

---

Nagising ako ng maramdamang may humahaplos ng magaan sa aking pisngi. Umungot ako at dahan dahang ibinukas ang aking mata.

"Keither." Mabining usal ni Aecy. Itinutok ko sa kanya ang aking paningin.

"Sorry, anong oras na ba?" Kinusot ko pa ang aking mata gamit ang aking kanang kamay. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko nang bumaling ako sa kanya.

Kasalukuyan kaming nakahiga sa isang hospital bed. Hindi ito ganon kalaki ngunit nagawa ko naman na pagkasyahin ang aking sarili sa maliit na espasyo nito.

Naka-unan ngayon sa aking braso si Aecy habang ako naman ay nakasandig sa head board at isang unan.

Kahapon pa kami naririto. Kung susumahin siguro ay halos isang araw na kaming naglalagi rito simula ng masagip si Aecy.

Ayon sa doctor ay ayos naman daw ang lagay niya. Nagkaroon lamang siya ng galos at hindi naman sya napilayan.

"Hm, okay na ako." Ngumiti sya ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

Iniangat ko ang kanyang mukha sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang baba. "Bakit malungkot ka yata?" Tanong ko sa kanya.

"Nasira ko kase yung plano ng barkada." Sabi nya at ng akmang iyuyuko nyang muli ang kanyang mukha ay pinigilan ko ito at mabilis na hinalikan ang kanyang labi.

"No. It's not your fault." Sabi ko sa kanya. "Wala namang may gusto noong nangyari kaya wag ka nang malungkot." Nginitian ko sya bago muling kintilan ng halik ang kanyang labi.

"Hindi ko parin maiwasang maguilty e." Bumuntong hininga sya.

Magsasalita na sana akong muli ng biglang bumukas ang pinto at iluwa sila Adam, Juno, Josh, Gael, Winston na tila nagkatulakan upang makapasok. Prente namang naglakad papasok sila Kyle at Madison.

"Buti naman gising na kayo." Sabi ni Adam ng makalapit sa higaan namin.

"Brad kamusta?" Sabi ni Juno habang nakatingin kay Aecy.

Nangunot naman ang noo ko ng ngumiti si Aecy at sumagot sa tanong ni Juno. "Ayos naman na ako. Hindi naman ako nasaktan e." Sabi ni Aecy sabay tawa.

Napabitaw ako mula sa pagkakayakap kay Aecy at napa-upo ng maayos. Hindi narin naman sya nahiga at sa halip ay naupo na rin sa kama.

"Kailan pa kayo naging close?" Tanong ko.

"Kanina?" Patanong na sagot ni Juno habang nakatingin Kay Aecy.

"Oo, kanina habang tulog ka." Nakabungisngis na sagot naman ni Aecy habang tumatango.

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas dos na ng hapon. Masyado pala akong tinanghali ng gising.

"Flirt of the month." Narinig kong bulong ni Madison.

Napahinto naman si Aecy sa pagtawa at napa-angat ang paningin kay Madison na kasalukuyang naka-ekis ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Bitter ex of the month." Hindi ko alam kung nakangisi ba o ano si Aecy. Basta ang alam ko lang ay may diin ang pagkakasabi nya at parang nanunuya.

"Dapat talaga nagdirediretsyo ka na e!" Inis na sabi ni Madison. "You don't deserve to be here in the first place, bitch." Pinamewangan ni Madison si Aecy.

"Look who's talking." Sabi ni Aecy. Sa ngayon ay alam kong nakangisi na.

"Look who's talking too." Nagulat ako ng biglang magsalita si Kyle. "Inaagaw mo si Kean kay Madison yet kung maka-arte ka ay parang sobrang inosente mo." Dagdag nya na nakapagpatigil sa aming lahat, lalo na kay Madison. Hindi ko alam pero parang namutla siya bigla.

"Ano bang sinasabi mo, Kyle?" Naguguluhang tanong ni Juno habang papalit palit ang tingin nya sa amin ni Aecy, Madi at Kyle.

"That girl stole Kean from Madison." Walang pakundangang sabi ni Kyle.

Nagulat ang lahat ng bigla akong tumawa. Hindi lang tawa kundi isang malakas na halakhak.

"You must be kidding me." Tumatawang usal ko. "Usong-uso na talaga ang fake news ngayon." Ngisi ko bago tumayo

Now, alam ko na ang dahilan ng biglang pamumutla ni Madison. Alam ko na rin kung bakit bigla nalang nag iba ang pakikitungo ni Kyle sa akin.

"What are you talking about?" Nagugulumihanang tanong ni Kyle.

"Aecy never stole anyone." Si Adam ang sumagot. He knows everything about the break up dahil sa sya nga ang pinakamalapit sa akin at sya ang napagsabihan ko ng tungkol doon. "Madison fall for him and that is the reason why." Dagdag niya.

"So you still do the contract thing?" Tanong ni Kyle habang diretsyong nakatingin sa akin.

"Yes." Mahigsing sagot ko.

Ngumisi si Kyle. "Hindi ka parin nagbabago."

"I don't need to change bro." Usal ko habang nakangiti sa kanya. Alam ko kase na ayos na kami ngayon. "Where do you get that information by the way?" Tanong ko.

"Madison told me." Nilingon nya ang kanyang katabi ngunit wala na syang nadatnang tao roon.

"Kanina pa lumabas." Si Josh ang nagsalita. Kasalukuyan syang naka-upo sa sofa. Nakangisi siya.

"I'm sorry bro." Hinging paumanhin nya. "Aecy, sorry." Nakatingin sya rito at makikita ang pagiging sinsero nya.

"Okay lang Kyle." Ngiting ngiti na pahayag nya at tila sobrang saya nya. Napangiti nalang rin ako dahil sa wakas ay bumalik na si Kyle sa pagiging sya.

"Anong balak nyo kay Madison?" Si Winston ang nagsalita. Nasa tabi siya ng bintana habang naninigarilyo.

Nilingon siya ng lahat bago tumingin sa akin.

Magsasalita palang sana ako ng magsalita si Aecy. "Hayaan nyo nalang sya." Sabi nya habang tila nakiki-usap.

Kibit balikat lamang ang sinagot nila Juno.

"Let her be." Pagkumpirma ko sa sinabi ni Aecy.

Tatabi na sana akong muli kay Aecy ng bigla syang tumayo. "Nasusuka ako, kiki." Sabi nya bago tumakbo papunta sa banyo.

Sumunod naman ako at pumasok sa loob. Inilock ko ang pinto at hinarap siya.

Kasalukuyang sumusuka siya sa sink kung kaya't hinagod ko ang likod niya. Saglit lang rin at huminto na siya.

Matapos niyang magbanlaw ng bibig ay humarap siya sa akin at laking gulat ko dahil biglang bumukas ang lalagyan ng microchip sa ilalim ng collar bone niya kahit na hindi ko ito ginagalaw.

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa gulat at akmang sisigaw ng sakupin ng aking labi ang kanya upang mapigilan siya. Isang minuto lamang ang lumipas bago siya mawalan ng malay.

Shit. Anong nangyari?
---

A/N: Advance update! Hahahaha magiging busy e. :)

Hi kila JHENJHEN5197 at WittyJhami! Thank you guys!

Don't forget to vote and comment!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
450K 39.4K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
262K 4.2K 43
Chandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang ta...
1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...