The Princess and the Puto (Fa...

By renzesguerra

315K 5.7K 746

Ynnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogan... More

Teaser
Prologue
Chapter 1: Meet the Princess
Chapter 2: The Prophecy
Chapter 3: Mr. Arrogant
Chapter 4: Hello, Eastfield University
Chapter 5: First Day, Second Encounter
Chapter 6: Epic Fail First Day
Chapter 7: Do's and Don't's
Chapter 8: So Fake
Chapter 9: Her Final Decision
Chapter 10: Not-So-Fun Wednesday
Chapter 11: Upcoming Events
Chapter 12: Why So Mean?
Chapter 13: Unrightable Wrong
Chapter 14: The Blame
Chapter 15: Outreach Program
Chapter 16: Cat and Dog
Chapter 17: In Your Dreams (Part1)
Chapter 18: In Your Dreams (Part 2)
Chapter 19: What's On Your Mind
Chapter 20: The Cutest Smile On Earth
Chapter 21: Mr. Killer Smile
Chapter 22: Brush Brush Brush
Chapter 23: Be My Date
Chapter 24: That Feeling
Chapter 25: Add As A Friend?
Chapter 26: The Preparation
Chapter 28: Acquaintance Party
Chapter 29: Run Away With Me
Chapter 30: Who's That Girl?
TEASER FOR THE UPCOMING CHAPTERS
Chapter 31: Embarassing Moment
Chapter 32: Just Give Me A Reason
Chapter 33: The Legal Business
Chapter 34: The Perfect Bite
Chapter 35: Goodbye, Eastfield University?
Chapter 36: The Bad News
Chapter 37: The Turning Point
Chapter 38: First Day, Second Semester
Chapter 39: The Birth-date
Chapter 40: The Fault In Our Car
Chapter 41: Fast-track
Chapter 42: Happy 17th Birthday, Princess
Chapter 43: The Charm Bracelet and the Emerald Necklace
Chapter 44: The Overwhelming Changes
Chapter 45: My Valentine
Chapter 46: The First Move
Chapter 47: The Scheme
Chapter 48: The Test
Chapter 49: The Unexpected Singers
Chapter 50: The Realization

Chapter 27: Passenger Seat

4.8K 88 3
By renzesguerra

CHAPTER 27

 

THIRD PERSON’s POV

“Ayan, ‘Nay! Ang ganda ko na!”

Bulalas ni Ynnah pagkatapos ayusan ng buhok ng kanyang ina sa harap ng salamin ng kanilang aparador sa kanilang mumunting kwarto.

“Oh di ba, anak. Bagay na bagay sa’yo ang buhok mo ngayon,” pagmamalaki pa ni Merla nang matapos ayusin ang buhok ng anak.

Tumayo si Ynnah mula sa pagkakaupo sa kanilang kama at nagtanong sa ina, “Nay, nasaan po ‘yung pulang lipstick na inorder niyo sa Avon sa dati? ‘Yun na lang po ang gagamitin kong lipstick at blush on.”

Napaisip si Merla sa tanong ng anak at sumagot, “Nak, di ko na matandaan kung saan ‘yun napalagay.”

“Ganun po ba?” sabi ni Ynnah.

“Di bale, ihihiram na lang kita sa kapitbahay ng make-up,” sabi ni Merla. “Teka, sandali lang.”

“Ako na lang po, ‘Nay,” pigil ni Ynnah.

“Wag na, ‘Nak. Baka masira pa ‘yang ayos ng buhok mo,” sabi ni Merla. “D’yan ka na lang.”

Dali-daling pumunta si Merla sa kapit-bahay at nanghiram ng make-up kit. Pagbalik niya ng bahay ay sinimulan na niyang lagyan ng make-up ang anak.

“Wow, ‘Nay! Ang galing niyo naman pong mag-make up,” masayang sabi ni Ynnah nang matapos siyang lagyan ng make-up ng ina. “May future ka, ‘Nay!”

“Nambola pa,” sabi naman ni Merla.

“Hayaan niyo, ‘pag yumaman tayo, ipagpapatayo ko kayo ng parlor,” sabi pa ni Ynnah sa ina.

“Magbihis ka na lang at baka dumating na ang susundo sa’yo. Teka, kukunin ko ‘yung susuotin mo,” sabi na lang ni Merla at lumabas na ito ng kwarto upang kunin ang damit ni Ynnah sa sala na pinalatsa niya kanina habang ito ay naliligo.

Pagbalik ni Merla mula sa kwarto, laking gulat ni Ynnah nang makita ang platsadong pink dress na hawak-hawak ng ina.

“Nay, nasaan ‘yung taong grasa costume ko?” seryosong biro ni Ynnah dito.

Napakunot ang noo naman ni Merla sa tanong ng anak.

“Joke lang, ‘Nay! Teka, ‘yan na ba yung binili ko sa ukay, ‘Nay?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Ynnah. Napakaganda pala talaga ng dress nang nalabhan at plantsado.

“Ang ganda di ba, anak?” sabi ni Merla habang tinitingnan ang hawak na dress. “Mukhang mamahalin.”

“Tama, ‘Nay!” masayang sagot ni Ynnah. “Sinong mag-aakalang galing ‘to sa ukay? Di ba, ‘Nay?”

“Oo nga, anak. O siya magbihis ka na,” sagot ni Merla sa anak at ibinigay na dito ang damit. Pagkatapos ay iniwan na nito ang anak sa loob ng kwarto para makapagpalit.

Gandang-ganda naman si Ynnah habang tinititigan ang hawak-hawak niyang damit. Naalala niya bigla si Kiros at ang magiging reaksyon nito kapag nakita siyang suot ang damit na hawak niya ngayon. Nasa ganun siyang pangangarap nang mapatingin siya sa oras at laking gulat niya nang makitang alas sais na. Alas siyete ng gabi ang simula ng Acquaintance party at sinabi sa kanya ni Kiros na susunduin siya ng alas sais ng gabi.

Dali-dali siyang naghubad ng damit upang maisuot na ang pink dress.

“Anak, ayan na yata ang sundo mo!” sigaw ni Merla mula sa sala. Nakatayo ito sa pintuan ng kanilang bahay.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Ynnah. Bigla siyang kinabahan. Naisip niya agad si Kiros. Ayaw niyang paghintayin ito kaya binilisan niya ang pagbibihis.

“Ay, hindi pala, ‘Nak. Umalis na eh,” sigaw ni Merla nang biglang umalis ang itim na kotseng nakatigil sa harapan ng bahay nila kani-kanina lang.

“Nay naman eh!” angil ni Ynnah mula sa loob ng kwarto. Akala niya kasi ay nand’yan na talaga ang susundo sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag nang malamang may oras pa siya para ayusin ang sarili niya.

“Sorry, ‘Nak. Biglang tumigil sa harapan natin eh,” sigaw ni Merla na nakatayo pa rin sa pintuan ng kanilang bahay. “Ano nga palang kulay ng sasakyan ang dala ng sundo mo?”

“Itim, ‘Nay!” sagot ni Ynnah habang busy sa pagsusuot ng pink dress sa loob ng kwarto. Naalala niya kasi na kulay itim ang motorsiklo ni Kiros.

“Itim?! Itim na kotse?” tanong pa ni Merla sa anak.

“Hindi, ‘Nay! Itim na—” biglang natigilan si Ynnah sa pagsusuot ng damit nang maalala niya at tuluyang mag-sink in sa utak niya na motorsiklo nga pala ang sasakyan ni Kiros.

“Itim na ano, anak?” tanong pa ulit ni Merla ngunit hindi pa rin nakasagot si Ynnah.

“Oo nga pala! Motorsiklo nga pala ang sasakyan ni Kiros!” sa isip-isip ni Ynnah. “Paano na ‘yan? Nakaganito ako tapos naka-angkas ako sa motor niya? Masisira pa ang buhok na pinaghirapang ayusin ni Inay dahil naka-helmet din ako. Eh kung wag na lang kaya akong mag-helmet? Kaso baka iba na ang itsura ko pagdating ko sa hotel. Sasabihin ko na lang kay Kiros na bagalan niya na lang ang pagpapatakbo. Kaso baka ma-late naman kami. Haay, bahala na nga!”

 

Ipinagpatuloy na lang ni Ynnah ang pagsusuot ng pink dress.

“Nak! Bakit di ka na nakasagot?” takang tanong ni Merla sa anak. “Ano nang nangyari sa’yo d’yan sa loob?”

Tuluyan nang hindi nakasagot si Ynnah nang makita niya ang kanyang itsura sa harap ng salamin. Napakaganda niya sa suot niya ngayon. Bagay na bagay sa kanyang ayos ng buhok at make-up.

*BEEEP! BEEEEP!*

Bigla namang may bumusina mula sa labas ng kanilang bahay.

“Nak, mukhang nandito na ang sundo mo!” sigaw ni Merla sa anak na nasa loob pa rin ng kanilang kwarto.

“Naku, ‘Nay. Baka false alarm na naman ‘yan!” sigaw naman ni Ynnah dito habang nakaharap pa rin sa salamin.

“Hindi, ‘Nak. Mukhang ito na talaga!” sigaw pa ni Merla. “Itim na sasakyan di ba?”

Napaisip naman si Ynnah sa sinabi ng ina. Itim na sasakyan nga—itim na motorsiklo. Pero bakit parang busina ng kotse ang narinig niya?

Biglang napalabas si Ynnah upang alamin kung sundo na nga ba niya ang dumating. Laking gulat naman ni Merla nang makita ang itsura ng anak na suot-suot ang pink dress. Gandang-gandang ito sa anak.

Dere-deretso naman si Ynnah na sumilip sa bintana sa kanilang sala at laking gulat niya nang makita ang isang itim na BMW na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. Lalo pa siyang nagulat nang makita niyang bumaba si Kiros sa sasakyan. Ang gwapo nito sa suot nitong black na long sleeve na may bow tie na white. Naka-white pants pa ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ynnah at nakaramdam siya ng kakaibang kaba.

“Ang ganda-ganda naman ng anak ko!” biglang sabi ni Merla sa likuran niya.

Napalingon naman si Ynnah sa narinig mula sa ina at napangiti.

“Siya ba ang sundo mo?” tanong ni Merla sa anak.

“O-opo, ‘Nay,” masayang tugon ni Ynnah. Bigla itong naging di mapakali at akmang lalabasin si Kiros nang may mapansin ang kanyang ina.

“Nak, magpapaa ka lang ba?” takang tanong ni Merla nang mapansing nakapaa lang siya.

Napatingin si Ynnah sa kanyang paa at napagtanto na nakapaa pa pala siya. Dali-dali itong pumasok sa loob ng kwarto at kinuha mula sa paper bag ang black heels na pinahiram sa kanya ni Mint. Sinundan naman siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto. Nang maisuot kaagad ay bigla itong humarap sa salamin. Nakita niya na nasa likuran na pala niya ang kanyang ina.

“Nak, kalma lang,” advice ni Merla sa anak nang mapansin niyang naging aligaga ito.

Kumalma naman si Ynnah dahil sa sinabi ng ina.

“Pumikit ka. Pagkatapos, sundin mo ang sasabihin ko,” utos ni Merla habang nakaharap sila sa salamin. “Inhale.”

Sinunod naman siya ng kanyang anak.

“Exhale,” utos pa ni Merla kasabay ng pagsunod ng kanyang anak.

“Inhale,” utos pa ulit ni Merla kasabay ng pagsunod ni Ynnah.

“Exhale,” utos pa ulit ni Merla kasabay ng pagsunod ni Ynnah.

“Relax lang. Ideretso mo ang katawan mo, anak,” sabi ni Merla at inayos ang katawan ng anak. Pinatayo ito ng tama.

“Imulat mo ang mga mata mo,” sabi pa ni Merla na sinunod ni Ynnah.

“At ngumiti ka,” huling utos ni Merla sa anak.

Ngumiti naman si Ynnah.

“Oh ayan, anak. Napakaganda mo na,” sabi ni Merla.

Agad naman siyang niyakap ni Ynnah, “Salamat, ‘Nay.”

“O halika na’t baka naiinip na ang sundo mo,” sabi ni Merla nang magkalas sila sa pagkakayakap.

Lumabas na sila ng kwarto at laking gulat ni Ynnah nang makita si Kiros na nakatayo sa pintuan ng kanilang bahay. Nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng puting pants nito. Ang gwapo nitong tingnan sa ganung itsura.

Halata din ang pagkagulat ni Kiros nang makita si Ynnah. Gandang-ganda siya dito. Hindi niya akalaing may igaganda pa ito simula nang mabunggo niya ito sa field ng university eksaktong isang linggo na ang nakakaraan. Para siyang nakakita ng anghel sa ganda ni Ynnah.

“A-and’yan ka na pala,” di malamang sasabihin ni Ynnah nang makaharap si Kiros. “P-pasensya na ha, k-kung medyo natagalan ako.”

“Y-you don’t have to say sorry,” sagot naman ni Kiros habang titig na titig pa rin sa kagandahan ni Ynnah na nasa kanyang harapan.

Napatungo naman si Ynnah sa hiya at kilig na nadarama. Napansin naman ito ni Merla.

“Ehem!” pagpapapansin ni Merla. Para kasing itong dalawa lamang ang tao sa paligid at hindi na siya napansin pa.

“Ay, oo nga pala!” pansin ni Ynnah sa ina at ipinakilala ito kay Kiros. “Kiros, si Inay nga pala. ‘Nay, siya po si Kiros.”

“Nice to finally meet you po,” nakangiti at magalang na sagot ni Kiros at tumungo pa ito kay Merla.

“Nice to meet you din, iho,” nakangiting tugon naman ni Merla. “Totoo pala ang sinabi ng anak ko, mabait ka at napaka-gwapo.”

Nagulat naman si Ynnah sa binuking ng kanyang ina kaya pasimple niya itong siniko at pabulong na umangil, “Nay!”

Napangiti naman si Kiros sa narinig at napatingin pa kay Ynnah. Napangiti ito at animo’y nahiya kaya nailagay na naman nito ang kanyang kanang kamay sa kanyang batok.

Naalala naman ni Ynnah ang gesture na iyon ni Kiros. ‘Yun ang gesture na lalong nagiging hot at gwapo si Kiros kapag ginagawa ito.

“Mabuti pa, umalis na kayo at baka ma-trapik pa kayo sa daan,” singit na naman ni Merla sa dalawa. “Sige na at baka ma-late pa kayo.”

“S-sige po, Tita,” tugon ni Kiros kay Merla at bumaling naman kay Ynnah. “Let’s go?”

Tumango naman si Ynnah at ngumiti.

“Kiros, iho, ikaw nang bahala sa anak ko ha?” pagbibilin pa ni Merla habang naglalakad silang tatlo palabas ng bahay at papunta sa sasakyan.

“Opo, Tita,” sagot naman ni Kiros dito.

“Iuwi mo siya agad pagkatapos na pagkatapos ng party niyo,” bilin pa ni Merla kay Kiros.

“Pangako po, Tita,” sagot ni Kiros at tumingin pa kay Ynnah. “Iingatan ko po ang anak niyo.”

Bigla na namang kinilig si Ynnah at napatungo na lang sa hiya.

“Nak, wag masyadong malandi este ‘wag masyadong magpagabi ha?” bilin naman ni Merla kay Ynnah.

“Opo, ‘Nay!” tugon naman ni Ynnah.

“Ipagbalot mo ko ha?” bilin pa nito.

“Nay naman!” bulalas ni Ynnah sa sinabi ng ina. Akala yata eh piyestahan ang pupuntahan ng anak.

“Biro lang,” natatawang sabi ni Merla. “Sige, mag-ingat kayo.”

“Bye, Nay!” pagpapaalam ni Ynnah at pinagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ni Kiros na ikinakilig na naman niya. Pumunta naman si Kiros sa kabilang side ng sasakyan kung nasaan ang driver’s seat.

“Bye po, Tita!” pagpapaalam naman ni Kiros kay Merla at binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan at pumasok na.

Tinanaw naman ni Merla ang sasakyan habang papalayo ito.

*****

“You look more beautiful tonight.”

Compliment ni Kiros kay Ynnah habang nagmamaneho ito. Tumingin at nakangiti pa ito nang sabihin kay Ynnah na nakaupo sa kanyang tabi—sa passenger’s seat.

Hindi naman malaman ni Ynnah ang gagawin sa narinig. Pinakilig na naman kasi siya ng buong husay ng lalaking crush na crush niya.

“T-thanks,” pabebe na sagot ni Ynnah kay Kiros.

Humarap naman sa kanya si Kiros at ngumiti. Natamaan na naman ang puso niya sa ngiting pinakawalan nito.

“I-ikaw rin naman eh,” nahihiyang sabi ni Ynnah. “Lalo kang gumuwapo sa ayos mo ngayon.”

“Talaga?” nakangiting tanong ni Kiros habang salitan na lumilingon kay Ynnah at sa daan.

“Oo kaya,” nahihiyang tugon pa ni Ynnah.

“Mabuti naman at nagustuhan mo,” sabi pa ni Kiros.

Bigla na namang kinilig si Ynnah sa narinig. Doble-dobleng kilig na ang nararamdaman niya ngayon. Bukod kasi sa kinikilig siya dahil katabi niya ngayon ang crush niya, kinikilig pa siya sa mga sinasabi nito sa kanya ngayon.

“Nagpagwapo kasi ako talaga para sa’yo,” dagdag pa ni Kiros.

Wala namang pagsidlan ng kilig ang nadarama ngayon ni Ynnah. Para siyang kinukuryente at kinikiliti ng sabay.

“Kinikilig ako my gosh! Pareho pala kami ng iniisip!” sa isip-isip ni Ynnah habang sinusulyapan ng tingin si Kiros na nagmamaneho sa tabi niya. “Hindi niya alam na nagpaganda din kasi ako para sa kanya! Hihi!”

 

“Ikaw talaga! Binobola mo pa ko,” sabi ni Ynnah. “Ayaw mo lang ma-turn off sa’yo ‘yung mga babae sa campus na may gusto sa’yo eh.”

“Hindi ah,” agad na pagtanggi ni Kiros habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. “Nag-ayos talaga ako para sa’yo. Para hindi naman ako mapahiya sa ka-date ko. Para bagay tayong tingnan.”

Bigla namang napalingon patalikod si Ynnah at pilit na itinago ang mukha na namimilipit na sa kilig. Hindi na niya kasi mapigilan ang kilig na nadarama. Agad naman niyang pilit na ikinubli ang kilig na nakikita sa kanyang mukha at humarap ulit kay Kiros.

“Ano, bagay ba tayo?” bigla pang naitanong ni Kiros sabay tingin kay Ynnah.

Natulala naman si Ynnah sa narinig dito. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito.

“Bagay saan, Kiros? Bagay bilang mag-jowa? Oo naman! Bagay na bagay!” sagot ng utak ni Ynnah. Pero alam naman ni Ynnah na ang tinutukoy ni Kiros ay kung bagay sila ngayong magka-date.

“Di tayo bagay, tao tayo,” biro ni Ynnah.

Bigla namang nalungkot ang mukha ni Kiros at nag-pout ng lips habang nagmamaneho. Cute na cute naman si Ynnah sa itsura nito pero napaisip rin siya kung bakit biglang nalungkot ito. Iba yata ang interpretasyon ni Kiros sa sinabi niya dito.

“Joke lang!” bawi ni Ynnah sa sinabi. “Oo, Kiros. Bagay tayo.”

“Bagay na bagay!” masayang dagdag ni Kiros.

Nagkatawanan naman silang dalawa. Mga 30 minutos kasi ang biyahe papunta sa hotel na paggaganapan ng Acquaintance party nila at 45 minutos naman kung trapik.

“Mukhang inabot tayo ng traffic,” pansin ni Kiros nang maisama ang sasakyan sa trapik. “Wag kang mag-alala, sandali lang ‘yan.”

“Sorry ha? Dahil yata sa akin kaya tayo naabutan ng traffic,” malungkot at nahihiyang sabi ni Ynnah. Naalala niya kasi na natagalan siya sa pagbibihis kanina.

“Ynnah,” nakaharap sa kanya si Kiros habang nakatigil ang sinasakyan nila. “What did I tell you kanina? Di ba sabi ko you don’t have to say sorry? Hindi mo kasalanan. Actually, kasalanan ko pa nga kasi late na kita nasundo sa inyo.”

Napatingin si Ynnah sa mukha ni Kiros. Sobarang lapit pala ng mga mukha nila sa isa’t isa. Nagkatitigan sila.

“Wag ka nang malungkot,” pagpapagaan pa ng loob ni Kiros kay Ynnah. “At saka, ganito talaga dito kapag maggagabi na, nagta-traffic na. Smile ka na.”

Di pa rin napangiti si Ynnah. Nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya.

“Ngingiti na ‘yan,” nakangiting sabi pa ni Kiros. “Ngiti ka na, please?”

Saka lang ngumiti si Ynnah. Ngumiti si Ynnah dahil nasilayan na naman niya ang nakakahawa at nakamamatay na ngiti ni Kiros. O di ba, parang sakit lang?

Nang ngumiti si Ynnah ay saka lang inilayo ni Kiros ang kanyang mukha dito. Nakangiting sumandal ito sa upuan at may naisip na gawin.

“Para hindi ka mainip, making na lang tayo ng music,” sabi pa ni Kiros at binuksan ang music player ng kanyang sasakyan.

I look at her and have to smile

As we go driving for a while

Her hair blowing in the open window of my car

And as we go the traffic lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening

Passenger Seat ni Stephen Speaks pa ang kanta. Tamang-tama ang kantang ito ngayon para sa babaeng katabi niya at nakaupo sa passenger seat ng sasakyan niya.

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me

ITUTULOY…

Mr. Author’s Note: Let’s get the party started! CHAPTER 28: ACQUAINTANCE PARTY is coming! Wag nang magpaiwan! The controversial party is about to begin!

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 484 49
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
72.3K 4.8K 79
(On-Going)
30.1K 1.3K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
9.9K 614 19
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.