Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 18

6.4K 125 7
By PollyNomial

KABANATA 18 — Can I

 

Labis labis na pagkalabog ng dibdib ang naramdaman ko nang marinig ko ang sinabi ng lalaking ito sa harap ko. Ngayon, lumilinaw na sa akin ang lahat. He’s Terrence. He’s a Formosa. Sinabi ni Yannie na siya ang may-ari ng Formosa University. Dahil pala siya ay isang Formosa rin at kapatid niya si Vincent. Nang unang makita ko siya, si Vincent agad ang unang taong nakita ko sa kanya. 'Yon pala ay magkapatid kasi sila.

Ngayon din ay alam ko na kung bakit walang dudang magkamukha sila. Parehas na parehas ang mga mata nilang dalawa. Kahit na medyo moreno siya at mas maputi si Vincent kesa sa kanya ay hindi maipagkakailang magkapatid nga sila. Bakit ko nga ba hindi napansin iyon? Kung hindi pa niya sinabi sa akin ay hindi ko pa malalaman.

Nito ko lang talaga nalaman na may kapatid pala si Vincent. I didn’t know it back then because he never mentioned him. Masyado kasi kaming naka-focus sa isa’t isa lang kaya nakakalimutan na namin ang mga bagay na nasa labas ng mundo naming dalawa. Para sa akin ay iyan talaga ang dahilan. 'Pag kasama ko si Vincent, puro kami nalang ang naiisip ko.

“I wonder why my brother didn’t mention me to you.” Sabi ni Terrence habang mapanuri akong tinitingnan. Tila nababasa niya ang bawat iniisip ko.

“K-kung ganun, alam mo—”

 

“I know all about you, Mikaella. I know everything. Magkapatid kami ni Vincent at lahat ng sikreto niya ay alam ko.” sa itsura niya ay talagang makikitang marami nga siyang alam. Walang duda kung nagsisinungaling ba siya. At siguro nga ay alam niya ang tungkol sa amin dahil nga magkapatid sila. Pero hanggang saan ang nalalaman niya?

“Mula sa magkagusto siya sa’yo hanggang sa naging kayo. Alam ko.”  sagot ulit niya sa tanong na nasa isip ko lang. Tumaas ang kilay niya at lumapit ng kaunti sa akin. “But don’t worry. Mula noon, hanggang ngayon, tahimik ako. I’ve been keeping my mouth shut for five years, Mikaella.” Ngumisi siya at tiningnan ang mga taong nakapaligid sa aming dalawa.

Busy ang mga ito sa pagsasayaw at sa kung anuano pang ginagawa nila. Hindi nila pansin ang seryosong usapan namin ng lalaki sa harap ko.

“As far as I know, wala pang nakakaalam sa kanila ng naging sikreto ninyo ng dating professor mo.” Binalik niya ang tingin sa akin. Kinilabutan ako nang magtamang muli ang mga mata namin. Same effect, kagayang kagaya 'pag tinitingnan ako ni Vincent ang epekto niya sa akin.

Kagat kagat ko ang labi ko habang sinusubukan kong umiwas ng tingin sa kanya. Kung hindi ko titigilan ang ginagawa ko, baka mamaya ay magkasugat na ito at magdugo sa diin ng pagkagat ko.

“W-wala na kami. Matagal nang tapos ang kung anong namagitan sa amin.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi. Siguro ay dahil gusto kong malaman niya ito para manatili nalang siya sa pananahimik niya. At sana, mabura na iyon sa isip niya.

“Really? Are you over him?” nanunuyang tanong niya. Sa tono niya ay halatang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

“Y-yes. I’m over him. Matagal na kaming wala at nakalimutan ko na ang nakaraan kong iyon.” Giit ko. Gusto ko siyang mapaniwala. Sana ay hindi siya kagaya nina Lolo at Nanay Linda na kayang makita ang katotohanan sa akin. I wish I could hide it just within me.

Ngumuso siya at umiling iling. Naguluhan ako sa kinilos niya. “Hm. I see.” Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya 'yan. “Pero… Alam mo kasi, si Kuya, I don’t think he’s over you. He’s not yet done with you, Mikaella.” Napalunok ako. Ngumisi siya at pumalatak. “Tss. He’s miserable because of you.”

I know that. Alam na alam ko dahil 'yon ang sinabi ni Vincent sa akin nang huling magkita kami. Hindi man niya iyon sinabi ng diretso pero alam kong iyon ang ibig sabihin niya. Hindi pa nga siya tapos sa akin. Sa aming dalawa. What should I do? Gusto ko nang matapos ito. Iyon naman talaga ang gusto kongg mangyari, hindi ba?

Nasasaktan at pinipiga ang puso ko sa tuwing maaalala ang dalawang beses na pagtataboy ko sa kanya. Pero wala akong pinagsisisihan. This is what I wanted. Nagawa ko na at kailangan ko iyong panindigan.

Bumalik ang tingin ko sa kapatid ng lalaking dahilan ng sakit na nararamdaman ko.

Unang pagkakakilala palang namin nitong si Terrence pero parang napakarami na niyang alam tungkol sa akin. Isang sensitibong bahagi ng nakaraan ko ang pilit niyang hinuhukay at pinapaalala sa akin. Sa bawat salitang binibitawan niya ay lalong nadadagdagan ang nerbiyos ko. Why are we even talking about this? Hindi porket kapatid niya si Vincent at may alam siya, may karapatan na rin siya mangialam ng buhay naming dalawa. I don’t know anything about him except that he is Vincent’s brother. Wala akong kaalam alam sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya patungo sa usapan naming ito.

“Pero ako, tapos na ako sa kanya.” Tumayo ako at humarap ako sa kanya.

I gathered all my strength and prayed to God that I can say every word straight. Sana hindi mahalata ang pagsisinungaling ko.

“If you may, tell this to your brother. I am done with him. Ayoko nang pumasok ulit sa buhay niya. Past is past and I’m completely over it. Sana makumbinsi mo siyang tigilan na niya ako.” Tinalikuran ko siya at naglakad na ako palayo sa kanya.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko kasabay ng pagbagsak ng balikat ko. Hindi ko akalaing masasabi ko iyon sa kapatid pa mismo ni Vincent. Inutusan ko ba siya? Iyon ang ginawa ko, 'di ba? Pero kailangan na kasi. Kailangan kong makumbinsi si Vincent na tapusin na ang lahat ng kung anong meron pa siya sa akin. Ayoko ng gulo sa buhay ko. Kaya nga ako umalis noon ay dahil ito ang iniiwasan ko. Ayoko nang madikit sa pangalan ni Vincent. Alam man o hindi ng mga tao.

Wala na akong pakialam sa mga tumawag sa akin nang naglalakad ako. Dire-diretso akong tumungo sa double door ng private room at lumabas doon. I shouldn’t have come to this reunion. Hindi ko naman inasahan na may ganito palang mangyayari. Una 'yong kay Yannie. 'Yong mga kwento niya tungkol kay Charlene. Nerbiyos at kaba ang dinulot noon sa akin. Pagkatapos ay itong kay Terrence. I still can’t figure out why he said all those things to me. Bakit pa niya ako nilapitan kanina at bakit siya nagpakilala sa akin.

Palabas na ako ng parking para makaalis na ng lugar na ito nang may ma-realize akong nagpagulo at nagpadagdag ng problema ko. I remembered Madam Kristin. She said that she wants me for her son. And it’s Terrence! My God! Si Terrence nga. Naalala ko ito! Problema nanaman dahil mukhang pursigido si Madam Kristin sa mga gusto niya. Sa itsura niya, kagayang kagaya niya si Mommy na kahit anong gustuhin ay nakukuha. She has the power. Hindi ko alam kung anong klaseng pagreto ang gagawin niya sa aming dalawa pero ngayon palang ay natatakot na ako. Hindi naman kasi si Terrence ang gusto ko.

Pinilig ko ang aking ulo. Stupid Ella! Ano ba 'yang iniisip mo? Naiisip mo pa rin ang pag-ibig mo kay Vincent e kakasabi mo lang kanina na tapos ka na sa kanya! Ang gaga ko talaga! Dapat sa akin inooperahan at tinatanggalan ng puso at utak para wala nang Vincent na pumasok sa dalawang parte na iyon ng katawan ko.

“Hindi ka nagpaalam sa kanila.” Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

Agad kong nilingon ang may-ari ng boses at napairap sa kanya. Mahina siyang tumawa sa ginawa ko. Humarap ulit ako sa kotse ko at pinatunog iyon.

“Ikaw pala 'yon?” sabi niya. Nilingon ko siya at  nakita kong nakatitig na ang mga mata niya sa itim na BMW ko.

Ano nanaman itong sinasabi niya?

“Remember that car?” tinuro niya ang kotseng kumukuha ng atensyon ko sa tuwing makikita ko. Nakangiti siya sa akin habang nakaturo roon.

Pinanlakihan nanaman ako ng mata at dali dali ay gusto kong murahin ang sarili ko.

“That’s your car?” tanong ko sa kanya. Saglit na bumalik sa aking isipan ang nangyari kanina noong pauwi ako at huminto ang sasakyan ko sa traffic light.

“Uh-huh. I caught you staring at me earlier. Sa stop light. Hindi ko alam na iyo pala itong sasakyan na 'to.”

Nilingon ko ang sasakyan ko para masigurado kung talaga nga bang tinted 'yon. Sinubukan kong tingnan ang nasa loob nun pero wala akong makita. Black lang at sariling repleksyon ko lang ang nakikita ko roon. Paano niya nalamang…

“How’d you know? H-hindi naman ako kita.” Kinagat ko ang labi sa sinabi ko. Hindi man niya ako nakita kanina, parang sinabi ko na rin na ako nga iyon. Ang tanga ko talaga!

Ngumisi siya at inilingan ako. “I just know.” May kinuha siya sa bulsa niya tinapat iyon sa blue audi niya. Pinatunog niya iyon pagkatapos ay bumaling ulit sa akin. “I need to go. I’ll see you again.” It’s a statement not a question. Sigurado siyang magkikita ulit kami.

Tutal naman ay hindi siya nagtatanong, hindi ko na siya sinagot at tumalikod na ako.

“Wait!” hinawakan niya ako sa braso at agad kong binawi ang kamay ko. Siguro ay dahil sa gulat ng ginawa niya sa akin. Umawang ang bibig niya at kinamot ng isang daliri ang ulo niya.

“What?” hindi ko na napigilan ang pagiging iritado ng boses ko.

“'Yong ininom mo kanina… Okay bang mag-drive ka?” tanong niya sa akin matapos ay bumaling sa sasakyan ko.

Naalala ko ang alak na medyo nagpahilo sa akin kanina.

“Of course. Hindi naman matapang 'yong nainom ko. Nagulat lang ang katawan ko dahil ilang weeks na akong 'di nakakainom. But I’m fine. I can manage.”  Huminto ako sa pagsasalita. Teka? Ba’t ba ako nag-eexplain sa kanya?

“Oh. But if you—”

 

“I said I can manage.” Putol ko sa kanya. Muli ay tinalikuran ko siya at binuksan ko na ang pintuan ng kotse. Sa ginawa niyang pag-uusisa sa akin, nakalimutan ko na ang hilo ko at gising na gising na ako.

Pumasok ako ng kotse at dali dali kong ini-start iyon. Tiningnan ko siya sa labas habang nakapamulsa at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Nakikita ba niya ako? Anong klaseng mga mata ba ang meron siya at bakit mukhang tumatagos sa tinted kong salamin ang mga tingin niya? Ewan ko sa kanya! Imbes na maasar pang lalo ay pinaandar ko nalang ng mabilis ang sasakyan ko.

Abala ako sa pag-iwas sa mga sasakyan para mapabilis ang biyahe ko nang tumunog ang cellphone ko. Number ng bahay ang naka-register kaya sinagot ko iyon agad.

“Hello?” sagot ko sa nasa kabilang linya.

“Ella? Pauwi ka na ba?” boses ni Nanay Linda ang narinig ko. Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang lagpas 9pm na pala.

“Opo, Nay. Nasa sasakyan na po ako, pauwi na.” sabi ko. Iba talaga si Nanay Linda kung mag-alala. Dati, ganito rin siya sa akin. Tumatawag 'pag nale-late ako ng uwi.

“Mabuti naman. Tumawag ang Daddy mo kanina, hinahanap ka. Ang sabi ko ay wala ka rito sa bahay.”

 

“Sige po, Nay. Ako na pong bahala kay Daddy. Sasabihin ko nalang sa kanya na nagkaroon kami ng reunion ng college batchmates ko.” sabi ko.

“Osiya. Sige. Mag-ingat ka sa biyahe. Hihintayin kita.” Sabi niya at pagkatapos nun ay nagpaalam na siya.

Binalik ko ang tingin sa daan at sa side mirror ng sasakyan ko. Mabuti nalang at medyo maluwag na ang trapiko dahil gabi na. Hindi na ako matatrapik nito pag-uwi.

Huminto ako nang mag-stop light. 'Pag nalagpasan ko ito ay konti nalang, village na namin. Naghihintay akong mag-green ang traffic light nang mapatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan ko. Namilog agad ang mata ko at napatingin sa likod nang makita ang isang pamilyar na sasakyan na kaninang umaga lang ay pinupuri ko pero ngayon ay kinamumuhian ko na.

Napapalatak ako. Ano pa bang gusto niya? Sinusundan ba niya ako? Kanina pa ako nagpipigil pero ano ba 'tong susunod na pakulo niya? Nagulat ako nang may walang tigil na bumusina.

Pigil pigil ko ang sarili ko nang paandarin ko ang aking kotse. I know it was him. Sa luwag ng daan, bakit pa niya kailangan bumusina sa akin? Pwede naman siyang mag-overtake!

And wait? Is he following me?

Papasok na ako sa village namin nang ibaba ko ang salamin ng bintana ng kotse.

“Ma’am?” tanong sa akin ng lumapit na security.

Nanlilisik ang matang tiningnan ko ang kotseng nasa likod ko.

“Kuya, I think that car is following me. Pwede bang 'wag niyo siyang papasukin?” tiningnan ng guard ang kotseng nasa likod ko. Napangisi ako dahil siguradong susundin ako nito dahil amin ang village na ito.

Pero imbes na pumunta sa kotse sa likod ko ay bumalik lang sa pagsilip sa akin ang guard.

“Eh, ma’am.” Kinamot niya ang ulo niya.

Tumaas ang dalawang kilay ko at hinintay ang sasabihin niya.

“Si Sir Terrence po 'yon, e.” umawang ang bibig ko. “Kanila po ang isang bahay dito.”

Sir Terrence. Terrence Formosa. Kapatid ni Vincent. Oh shit! Ang tanga ko talaga!

Tinikom ko ang bibig ko at tumango sa guard. Ngumiwi ako at ngumiti. “Sige po, Kuya. Hayaan niyo nalang po pala. Salamat po.” Pagkasabi ko nun ay sinara ko na ulit ang bintana.

Pinaandar ko ang kotse papasok habang asar na asar at tangang tanga sa sarili ko. Bakit nga ba hindi ko naisip kanina na baka pupunta lang talaga siya dito sa village at hindi niya ako sinusundan? He is a Formosa, he is Vincent’s brother, and definitely, he is also a grandson of Lola Glory and Lolo Martin. He is also a Ricafort! Ang tanga!

Hindi ko mapigilang tumingin sa rear view. Nakikita ko ang headlights ng sasakyan niya. Parehas ang daan namin dahil papunta siya ng puting bahay. Does he know that my family owns this village? Alam ba niyang akin itong sasakyang sinusundan niya?

Sinagot ang tanong ko ng isang mabilis na busina. Tiningnan ko ulit ang rear view. Nagpatuloy ako sa pagda-drive nang bumusina ulit siya.

Bumuntong hininga ako at tinigil ang sasakyan. Huminto rin siya sa likod ng sasakyan ko at napansin kong nasa tapat na pala kami ng puting bahay. Napapikit nalang ako sa isa pang katangahan ko. Hindi ako ang dahilan kung bakit siya bumubusina!

Pagtingin ko sa side mirror, naglalakad na siya palapit sa akin. Kinatok niya ang salamin ng bintana nang makalapit na siya.

Nahihiya man sa ginawa ko, binuksan ko pa rin iyon.

“Why’d you stop?” sinasabi ko na nga ba! Sa ngisi palang niya… Naku!

“W-wala.” Kagat-labing sabi ko. Matapos kong sabihin iyon ay mabilis ko pinaandar ang sasakyan. Nakita ko pa siyang ngiting ngiti sa side mirror at kumakaway pa sa akin.

Hinampas ko ang manibela. Unang kilala ko palang sa kanya, asar na asar na ako! He is way different from his brother! Kung kay Vincent ay napuno ng kilig, kaba at kalabog ang puso ko nang una ko siyang makilala, dito naman kay Terrence ay punung puno ng inis at pagkaasar ang dibdib ko. The thing is this is just our first meeting. Paano pa sa mga susunod?

Ngayon alam ko na ang isasagot ko kay Madam Kritis. Hindi, no, definitely won’t! I will not date her son! Neither of them can date me!

Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang makilala ko ang kapatid ni Terrence. Thank God at hindi ko na siya nakitang muli gaya ng sabi niya. Laking pasalamat ko at wala ni anino niya sa village namin. Sinilip ko pa nun ang puting bahay nang mapadaan ako roon. Wala naman ang Formosa brothers doon.

Sa FF naman ay puro si Carmela lang ang madalas kong makita at walang Vincent na nakabuntot sa kanya. Hindi siya hinatid ni Vincent at nagpapasalamat talaga ako dahil matapos nang mangyari nang huling pagkikita namin, hindi pa ako handang harapin siya ulit. Natatakot ako dahil sa mga sinabi niya sa akin noon. Na hindi magtatagal ay babalik din ako sa kanya. Natatakot ako kasi alam kong may posibilidad na mangyari ang bagay na iyon.

Naging busy ako sa trabaho ko kaya naman kahit papanu ay nawawala si Vincent sa utak ko. Marami na akong natapos na disenyo ng wedding gowns at ipapasa ko nalang ito kay Nash at DB for approval. Sa ilang araw ko dito sa FF ay napatunayan kong ang kabaitan ng mga tao rito. Everyone is willing to help each other. Kahit ako na hindi naman humihingi ng tulong dahil nahihiya ay nilalapitan pa rin nila. Naaalala ko tuloy nang nasa New York pa ako at kasama ko pa ang mga empleyado ko. Kagayang kagaya sila ng mga tao rito sa FF. Kaya nga hindi na ako naiilang at naging komportable na ako.

Natapos ang buong araw na iwas ako kay Madam Kristin. Mabuti nalang at maging siya ay marami ring ginagawa. I think I should avoid her. Ayokong mapag-usapan ang tungkol sa mga anak niya. Sa mga nakaraang araw kasama ang araw na ito, wala akong kinakausap na kahit sinong Formosa. Kahit pa ang katulong sa puting bahay na si Manang Elsa ay hindi ko na kinausap pa.

Pauwi na ako at papuntang parking lot. Pinayagan na ako ni Dad na mag-isa nalang na pumunta sa trabaho at hindi na magpasundo. Nang tawagan niya ako ay nakiusap ako sa kanya tungkol sa bagay na ito. Sinabi ko na kaya ko na naman. Kung sa New York nga ay nagawa ko, dito pa kaya sa Pilipinas? Mabuti nalang at sumang-ayon na sila agad ni Mommy.

Malapit na ako sa BMW ko nang masilaw ako sa headlights ng sasakyang nasa harap ng kotse ko.

Nilagay ko ang kamay sa ibabaw ng mata ko at kinilala kung kanino ang sasakyan. Kumalabog agad ang puso ko nang malamang iyon ang Ford Everest ni Vincent!

“V-vincent…” kasabay ng banggit ko ng pangalan niya ang paglabas niya.

Makisig siyang naglakad palapit sa akin. “Mikaella.” Banggit niya ng pangalan ko nang makalapit na siya.

“A… Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin sa mga mata niya.

Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos nang gabing pinakiusapan ko siyang pakawalan na ako. Sinubukan ko sulyapan ang mukha niya at nagulat ako sa nakita. Gulo gulo ang buhok niya at malalim ang eyebags ng mga mata niya. Nawala rin ang pagiging mapula ng pisngi niya at namumutla siya.

“P-pwede na ba?” Paos at pumiyok pa ang boses niya.

“A-ang alin?” naguluhan ako sa tinanong niya.

“Tayo… Pwede na ba tayo?” nagsusumamong tanong niya. Nakaawang ang bibig ko nang tingnan ko siya sa mukha.

“Huh?” wala akong masabi sa tanong niya.

Malakas ang hampas ng puso ko at nawalan na ata ako ng bokabularyo kaya’t hindi ko na siya masagot pa. Mabilis ang hinga ko at panay ang lunok ko habang nakatitig sa mga mata niyang kaawa awa.

“That night, you said you want me to let go of you for that night. Remember? You told me, ‘just for now, let me go’. Ngayon, sabihin mo, pwede na ba ulit? Can I hold you, again? Tighter, Mikaella. Can I do that, again?”

Continue Reading

You'll Also Like

958 188 24
Walang nangyaring maganda sa buhay ni Thor sa siyudad kaya bumalik siya sa kanilang probinsya para lang muling malasin nang mabundol siya ng isang ko...
233K 13.4K 34
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
616K 41.8K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
516K 18.7K 54
(Monteciara Series 1: Klode Leighton Monteciara) "Don't expect me to be a good girl at all times. Baby, I'm no saint. I had my fair shares of bad dee...