Rockiversary

By theficxchange

1.2K 48 6

"my music will tell you more more about me than I ever will." A collection of stories in different genres bas... More

Plush
Learn to Fly
Disruption
We Are
Only Exception
The Kill
214
Here's to Us

First of Summer

174 8 1
By theficxchange

"Drive me away
 'Cause the night just feels right
Take me away with you tonight
Anywhere with you."

First of Summer - Urbandub 

Written by: mothafaulker


ONE

Muli akong lumingon sa aking kaliwa at bumungad sa akin ang mga mata ng isang anghel.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

"Wala. Masama ba? I can't believe this is real. You're here. With me. On this trip."

Ngumiti siya at muling sumilip ang kanyang malalim na dimple.

Hinayaan kong mapukaw ang aking atensyon ng mga ilaw ng mga sasakyan na aming nakakasalubong dahil kung hindi, baka kasi hindi ko na mapigilan ang puso kong kanina pa nagmamakaawang mapagbigyan.

Dear heart, ay teka, kapams to di ba? Mali.

Kumalma ka puso ko, di mo deserve ang lalaking ito.

Masyado syang... mabait por you.

Yung kaluluwa nya sure na sa langit, as in kay lord na pupunta, at ikaw, yung kaluluwa mo matagal ng nakasangla kay Satanas kaya wag mo na idamay ang lalaking ito.

Nagulat ako nang biglang may mainit na kamay ang dumampi sa aking pisngi. Turuy fertile.

Pinunasan nya ang mga luhang di ko namamalayang tuloy tuloy na dumadaloy.

"Bakit ka umiiyak Meng?"

***

Naisip mo na ba kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay ng isang tao? Minsan mo na bang tinanong ang sarili mo kung bakit bumabagsak ang ulan o sumisikat ang araw?

Bakit kailangan mong kumain kung itatae mo lang rin naman pala ito paglipas ng ilang oras?

Bakit mahalaga ang tubig?

Bakit kailangan mo ng pera?

Bakit kailangan mo pa makilala (ulit) ang isang tao kung di rin naman pala kayo ang para sa isa't isa?

Bakit bilog ang buwan at bakit may limang sulok ang mga bituin?

Bakit pa sya bumalik?

Bakit ngayon pa?

Bakit kung kelan huli na ang lahat? Kung bakit naman kailan tama na ang mali, saka namang hindi na maari?

Hindi ba nakaka putangina yung ganon?

Minsan tinatanong ko yung tinatawag nyong kataas-taasang diyos kung bakit ba ako nabubuhay pa sa mundong ito?

Ewan ko ha pero matagal ko na kasing pinaghahandaan tong pagpapakamatay ko, nag make up at nag suot pa nga ako ng pinaka maganda kong bistida para awra pa rin pag deds na tapos ito? Andito pa rin ako. Humihinga, mukhang tangang pinag titinginan ng mga tao sa loob ng hospital.

"Maine? Maine? Okay ka lang ba?"

Tanong ng putangina kong asawa. Siraulong to akala mo pagka gwapo gwapo ng hayop maliit naman - ang kinikita, di sapat kaya pati ako kailangang mag puta.

Mabuti nalang at maraming masarap at malalaking... pera ang mga customer ko. Salamat nalang talaga sa naturalesa kong kagandahan dahil tangina kung hindi tag-gutom kami nitong hayop na to.

Tinabig ko ang kanyang kamay at pinilit na tumayo.

Shit.

Umikot ang mundo ko. Nahihilo ako.

Pinilit kong maglakad palabas. Putangina lakas ng loob nitong dalhin ako sa hospital wala nga kaming pera. Tanga talaga kahit kailan.

Palagi kong tinatanong kung bakit hindi pa pinunas ng tatay nya sa kumot itong kumag kong asawa bilang wala naman syang kwenta.

Ewan ko ha... mas makakasave kasi ng oxygen sa mundo kung pinahid nalang sa tuwalya o hinayaang mag flush sa banyo to noon. Peste eh.

"Maine san ka pupunta?"

"Tanga ka ba? O tanga ka? Lalabas ng hospital ano pa?"

"Hindi ka pa magaling!"

"Gago mo noh? Anong pumasok dyan sa kokote mo at dinala mo ako dito?"

"Ayokong mawala ka sa akin. Ayokong mamatay ka."

Ay putangina. Iba din tong lalaking to.

Siguro kung nung mga panahong kinakarir ko pa ang pagiging pers honor sa katangahan baka naiyak pa ako with matching takbo sabay yakap sa kanya dahil sa pagka touch sa mga linyang yon pero shet na malagket beshy iba na ang panahon ngayon.

Basag na yung jelmet na binigay mo besh.

Ikaw ba naman gawing punching bag ng hayop mong asawa ewan ko kung hindi maalog utak mo.

"Tigilan mo ko. Kailangan mo lang ako dahil walang magpuputa para sa'yo."

"Mahal naman."

Nakakatawa ano? Yung ganong eksena namin ng asawa ko nung nakaraang linggo lang yun, normal na yun. Yun na yung pinaka normal namin kasi ngayon, may karga nanaman ang hayop.

"Maine! Asan na yung pera? Pahinging pera!"

Mukha lang akong chill pero ang totoo, kinakabahan na ako. Sa lagay na to kabado na ako, hindi lang talaga masyadong halata kasi alam nyo na... sanayan lang yan eh.

Isang sapak. Tangina.

"Wala na akong pera Roger! Kinuha mo na yung kinita ko kagabi ano pang ilalabas ko?"

"Putangina ka wala ka talagang silbi!"

Dalawang sapak.

Tatlo, apat, lima... sampu? Hindi ko na mabilang.

Ganito kami ka sweet ni Roger. Sorry nakalimutan ko ipakilala yung asawa ko ha? Busy kasi ako mag maganda sa hospital last week kahit na may benda magkabilang palapulsuhan ko. Ewan ko basta feeling ko ang ganda ganda ko pa rin.

Hello? Ang dami kayang mga lalaking naglalaway sa akin. Kung hindi nyo naitatanong ako ang pinakamabentang puta dun sa bar ng hayop kong nanay.

May her soul forever rot in hell putangina nyang hayup sya.

Ay sorry ang profane ko ba lately?

Force of habit lang sensya na ha?

So medyo kakaiba kasi ang priorities ko sa buhay kaya ngayon ko lang ike-kwento kung bakit andito ako ngayon sa sulok ng aming bahay at.. bugbog sarado, naglalamentasyon sa buhay. Kung dahil sa sakit ng mga sapak at tadyak o dahil pasakit ang buhay na meron ako, ewan ko na.

Nasobrahan na ata ng alog yung utak ko hindi na alam kung alin ba dapat ang dapat. Gets nyo ba?

Kung di nyo gets, pabayaan nyo nalang. Medyo hirap ako mag lahad ng mga bagay bagay. Lam nyo naman nakakaputangina kasi yung araw araw kang gawing punching bag, kayo nalang mag adjust.

So paano ako naging ganito?

Wala inborn na tong kagandahan ko charot!

Pero sige seryoso na. It all started nung nagsaboy ng kamalasan at kagandahan ang diyos. Gandang kombinasyon ano?

So syempre sa squatter ng Langit ako lumaki.

Wag kayong palinlang sa pangalang yan.

Kung inaakala nyong masaya sa langit, mali kayo. Depende sa langit na pupuntahan nyo.

May langit na... maraming anghel, may langit na nakakapag patirik ng mata at may langit rin dito sa lupa.

At yun na nga ang langit na sa kalasmalasan eh dun kami nakatira.

Welcome to the beautiful city of Keleeken.

Mahirap lang kami at anim kaming magkakapatid. Sipag ng nanay at tatay ko mag jugjugan sa maliit naming tabing tabing puta masarap daw eh.

Lasenggo tatay ko at sugarol nanay ko. Panganay pa ako. Kayo na mag imagine ng buhay na meron ako.

Pero sige para naman fair bibigyan ko kayo ng idea.

Laro tayo.

Langit, lupa, impyerno. Im - im - impyerno. Ayan! Ganyan!

Nung bata pa ako di ko naransan ang maglaro.

Di ko kasi nilalaro ang langit-lupa, isinasabuhay ko siya. Ang saya kaya! Tangina.

So dose ako nung una akong gahasain ng tatay ko. Iyak iyak pa ako nun sa nanay ko, nanginginig na nagsusumbong pero dahil mas mahal ng putangina kong nanay yung tatay kong maliit... pa sa munggo ang utak, hindi sya naniwala sa akin.

Sabagay, naka sampu nga sila eh, so malamang sa alamang di ba mahal na mahal nya ang tatay ko?

Ay sorry sabi ko pala kanina anim kami.

Ang totoo, anim lang kaming buhay. Yung apat, sumalangit nawa ang kaluluwa nila, ipinalaglag lang ng nanay ko.

Ewan ko ha, pero sana ako nalang ung ipinalaglag. Ako nalang yung ininuman ng Cytotec o Cortal o Empi pampawala ng kapit.

Mas havey kasi maging little angel ni papa God kesa manatili dito sa lupa. Corny dito masyado.

Kung nakakatawa man, medyo offending, parang Showtime.

Lam nyo ba yon? Yung show na pinagbibidahan nung baklang kabayong mahaba ang mga binti at baba na saksakan ng perfect?

Di ko talaga alam yon, pero sa bar kasi na pinagtatrabahuan ko, bukod sa katawan ko, mabenta rin dun ung mga jokes nung baklang hayup na yun.

Di ko bet kasi mga banat nya masyadong... uhhh, corny. (Taray ko kala mo benta ng humor ko noh?)

Anyway, pasensya na. Distracted akong tao kaya yung kwento ko paputol putol.

Mabalik tayo sa kwento ko, medyo depressing to, kung ayaw nyo na makinig keri lang naman. Lahat naman kayo may karapatan sa mga bagay bagay. Ako lang ang wala.

Kinse ako nung nagsimula akong ibugaw ng nanay ko.

Kakasimula pa nga lang ata ng regla ko nun at yung utong ko hindi pa halos tumutubo pero kung anu-ano ng klase ng hotdog ang natikman ko.

Nung una syempre masakit, kala mo virgin noh? Pero di lang naman sa kipay masakit yun mga mumshie.

Masakit yun sa puso ko.

Iniisip ko pa nun, pano na ang dangal ko? Ang moral ko?

Pero habang tumatagal, habang ang bawat hindot at hagod ng mga etits ng mga lalaki ay unti unti ko ng nakakasanayan, namamanhid na rin ang puso ko.

Sa buhay na to, pag mahirap ka wala kang karapatang mag hangad ng dangal o moral o kung ano pa mang mga ka-cornyhan.

Ang tanging pangarap lang na pwede mong pangarapin (taray parang the possibility is possible) ay ang malagyan ng laman ang sikmura mo tatlong beses sa isang araw, dalawampu't isang beses sa isang linggo. Kebs na san galing yung pinambili mo.

Naka LL kami sa buhay, thank you very much sa angkin kong ganda at kamandag sa mga lalaki.

Nakapagpatayo ng hindi masyadong pipitsuging bar ang nanay ko sponsored by the one, the only, Mayor Francisco ng Brgy Langit, Keleeken citeh!!!

Pero wag kayong maingay. Secret lang kasi namin yun.

Ako ang kabit ng dakilang mayor namin.

Ibinenta ako ng nanay ko sa hayop na yon kapalit ng pagpapatayo ng negosyong ito.

Taray di ba?

Kabuhayan package kapalit ng pag papainit ko sa malamig na kama nung malungkot na matanda.

Infairness naman kasi sa matanda, mabait naman sya. Hindi naman siya kagaya ng mga ibang mayayaman kong customer na bababuyin ka talaga. Siya kasi, slight lang. Charot! (Or not charot)

At least sa matanda hindi pa ako umuuwing dumudugo ang labi o may pasa sa hita, braso, suso balakang kahit nga sa pwet eh.

Uy wag pala kayo maaawa sa akin ha?

Tama na yung ako lang yung naaawa sa sarili ko. Keri ko naman kasi.

Konting lagay lang ng concealer, lapat ng nagmumurang pulang lipstick sabay suot ng pamatay na high heels, kebs na. Ready na ulit sa pag aura.

Isang araw nagmamadali akong tumakas dun sa customer ko nung gabi. Baboy ang putang ina eh. Di ko kinaya yung gusto nyang mangyari kaya binola-bola ko nalang hanggang sa makatulog.

Mabuti nalang rin at matanda na. Hindi na tinitigasan kaya konting kembot, himas himas habang nag sasayaw, nakatulog ang matanda.

Sa pagmamadali ko nabunggo ko ang isang lalaki.

Hulaan nyo kung sino?

Syempre ang hirap hulaan di ba?

Si ROGER!!! Ang gwapong gwapo kong asawa.

Marupok ako kung hindi nyo naitatanong kaya konting 'tanggap ko kung sino at ano ka', 'mahal na mahal kita' at 'hinding hindi kita sasaktan', bumigay ang lola nyo.

And the rest, as they say is history.

I don't even know where it went downhill dahil maayos naman ang lahat nung simula.

Pero ganon naman talaga sa pag ibig di ba? Sa umpisa mahal na mahal nyo ang isa't isa, gustong gusto nyo ang isa't isa.

Pero pag nagtagal - gustong gusto nyo...

...

nalang patayin ang isa't isa.

Nalibang ako mag kwento ng buhay ko sa inyo hindi ko namalayan tulog na pala ang customer ko.

Sorry di ko na rin nasabi sa inyo na pumasok na ako sa trabaho ko kasi baka maguluhan kayo lalo sa kwento ko, eh magulo na nga.

Tapos nanaman ang isang gabi ng pagpuputa. Infairness galante ang sir nyo.

Nakatanggap ako ng 10 tawsan pieces kapalit ng ilang sampal, sabunot at kadyot mula sa hinayupak na lalaking to. Hindi na rin naman masama.

Nag enjoy rin naman ako kahit papano kasi bihira lang naman ako magkaroon ng customer na medyo bata-bata pa. Gaya nito.

Matigas pa at tindig na tindig. Nangawit pa nga yung panga ko dahil ang tagal labasan ni kuya mo.

Nagmadali na akong mag ayos para naman makaalis na ako sa lugar na to. Ihuhulog ko pa sa banko yung kalahati ng perang kinita ko.

Aba kahit naman pokpok ako kailangan ko pa rin paghandaan ang pag tanda ko.

Sa mundong meron ako, pag kulubot na balat mo at wasak na kipay mo, chupi ka na. Kaya kailangan maging wais.

Yung tarantado kong asawa malapit lapit na yun kuhain ni Lord kaya sure akong mag isa lang akong tatanda.

Actually, oh taray artista, inaantay ko nalang matokhang yung hayup na yun. Ewan ko kay Duterts kelan ba sya magpapadala ng mga tokhangers dito?

Sinarado ko ang zipper ng aking black dress, sinuot ang sunnies sabay hawi ng buhok, dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba upang kumuha ng taxi.

Habang aligaga akong hinahanap ang cellphone ko sa bag ko, nabangga ako ng isang lalaking maputi at may malalim na dimples.

Naka sunnies na nga ako nasilaw pa ako.

Lord, nasa heaven na ba ako?

(As if namang papapasukin ako ni San Pedro duh)

Bakit may anghel?

"Shoot!" aniya.

"Ay sorry kuya. Sorry talaga." Sabay himas sa namumutok nyang braso.

"No, uhmm okay lang. Okay ka lang?"

Infairnes, concern. Pero di mo ako malilinlang. Mga lalaki talaga pare-pareho ng style.

"Yeah I'm okay. Sorry ulit."

Ngumiti ako sa kanya, yung pinaka cute kong ngiti, bago ako nag lakad palayo.

"Menggay?"

Napatigil ako dahil ang tanging taong tumatawag sa akin sa pangalang yun ay walang iba kundi si Ti -

"Tisoy. Di mo na ba ako naaalala?"

Ah - eh - hello kuya? Kamusta naman? It's been what? More than a decade simula nung nasilayan ko ang dimples na nakakatunaw ng panty. Required ba na maalala kita agad agad?

"Uhmm. Tisoy as in, Tisoy from Langit?" Infer tunog anghel para sa fes na mala anghel. Gwafoo!! **kagat labi**

****

"So kamusta ka na?"

"Ito."

"It's been 15 years."

"Oo nga eh."

"Ang ganda mo pa rin."

"Halaah inaanoh kah buh?"

Di ko alam kung sadyang tarantado itong tinatawag nilang destiny o ano pero di ko talaga ma-gets bakit nandidito sa harapan ko tong mokong na'to.

Ang gago ni tadhana, ni destiny o kung nino mang pontio pilato dahil kung bakit sa dinami dami ng taong pwede kong makasalubong eh ito pang, ugh, yummy na yummy na may dimple na kasing lalim ng indian ocean at super duper megah over na gwapong lalaking ito.

Mygas abelgas, excuse me po bakit ngayon pa?

Bakit di noon?

Bakit kung kelan naman wala akong suot na make up o kahit anong koloretes?

Kung kelan naman mamasa masa pa ang buhok ko dahil no time to make blower my hair dry eh sya namang sulpot nitong lalaking ito?

Tadhana, ano na beshie? Inaano ka ba?

"Okay ka lang?"

"Ha?"

"I mean... parang, distracted ka. Did I catch you at a bad time?

Ay wow. Sosyal na si koya. Englisher. Sabagay, mukhang naka LL na rin itong si Tisoy, may pa kape na eh.

"Okay lang. Actually... " Yes mga mumshie papatalo ba akez? Artista ako, sikat ako eh. "Pauwi palang ako."

"Ay talaga ba? Matutuwa na sana ako kasi kala ko dito ka nakatira. Kamusta naman sila Tita Ann at Tito Ted?"

Okay lang sila beh. Okay na okay dahil sure ako tostado na sila sa impyerno. "Wala na sila."

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa expression nya. Napalitan ng awa yung excitement nya. UGH.

"I'm so sorry to hear that."

Don't be sorry! Halos mag happy dance nga ako nung namatay yung nanay ko. At halos ipasara ko buong street namin nung nabalitaan kong pinatay yung tatay ko nung sikat na drug lord sa may amin dati. "Don't be. I'm fine."

"Asan na sila Dean? Nikki? Yung mga kapatid mo, kamusta na sila?"

Uhm si Dean nakakulong, si Nikki ayon buntis nanaman sa pang lima nyang anak nung asawa nyang hudlom. Yung mga iba kong kapatid, ewan ko nasa langit na ata. Yung langit na as in heaven ha.

"I don't really know. Wala na akong balita sa kanila."

"Ikaw Menggay, kamusta ka na?"

"Uy ano ba, wag mo naman ako tawaging Menggay, nakakahiya eh. Maine nalang. Okay lang naman ako. Ikaw?"

"Ayos din naman. Sorry mukhang wala ka sa mood."

"Uhmm di naman, kaya lang kailangan ko na kasing umuwi. Baka kasi hinahanap na ako ng asawa ko."

Di ko alam mga mumshie ha, pero alam nyo yung parang may isang malaking tubo yung biglang sinaksak sa bandang kaliwang joga ko nung nakita ko yung paglamlam ng mga mata nya.

Iba eh.

"Ganon ba? Sorry, sorry. Nadala lang ako nung nakita ulit kita."

Hinawakan ko ang kanyang braso. Ewan ko pero feeling ko kailangan kong gawin yun. Di ako nanananching ha? Pero parang ganon na rin charot!

"Di naman. Uhmm, ganito nalang... ibigay mo sa 'kin number mo tapos text nalang kita."

Nagliwanag ang kanyang mukha na para bang batang binilhan ng paborito nyang robot.

"Sure ka ba? Baka naman magalit yung asawa mo."

"Naku hindi naman yun ganon."

Tumayo na ako at nagpaalam. Ewan ko mga beshie, feeling ko kasi pag nagtagal pa ako dito sa harap ng anghel na ito maudyukan pa ako nung demonyong nasa kaliwang balikat ko at masunggaban ko to.

Nag papa yummy pa eh.

Pero di ko alam mga bes... naramdaman nyo na ba yung ganong feeling? Yung parang... umuwi ka sa asawa mo pero yung puso mo parang naiwan mo sa kung saan?

Parang ganon kasi.

Anyway, dalwang linggo ang nakalipas, syempre para sa isang pokpok na kagaya ko,tuloy ang buhay. Aba eh wala kaming kakainin kung hindi ako kakain. Lam nyo yon?

Dalawang linggong kung sino sinong hindot na lalaki ang nag labas pasok sa pinto ng bar ng puta kong nanay at lahat sila, hindi ko nakikita ang mukha.

Baliw na ba akong matatawag?

Dalawang linggo na kasing isang mukha lang ang paulit ulit na nasisilayan ko. Kada halinghing na lumalabas sa bastos kong bunganga, lahat yon, para lang sa kanya.

Hindi para sa punyeta kong asawa kundi para dun sa mala anghel na pinadala ni Satanas para tuksuhin ako. Dahil kahit pagpuputa ang trabaho ko, at kahit kinarir ko ang maging opisyal na punching bag ng asawa ko, aba'y loyal naman ako.

Hindi ko kailanman inisip na maghanap ng ibang lalaking ipapalit sa asawa ko.

Ngayon lang. Charot!

Alam ko sinabi kong walang lugar ang dangal sa mga kagaya ko pero ano ba naman mumshie. Ilang etits na ang nag labas pasok sa kipay ko, lahat sila pare-pareho lang naman ng lasa. Mag hahanap pa ba ako ng iba eh ganon din naman yun?

Pero depende sa size charot!

Sorry ha? Medyo off ng humor ko eh.

So anyway, ayon na nga kasi, iku-kwento ko na kung bakit nga ba sa hinaba haba ng panahon eh parang ngayon lang ata muling tumibok ang puso ko.

Tinatanong nyo ba kung in love ako kay Tisoy?

Uhmm wait iisipin ko muna.

Siya lang naman kasi yung TOTGA ng lola nyo.

So feeling ko hindi ako in love sa kanya.

In love na in love lang.

DATI.

...hanggang ngayon naman eh.


TWO

"Menggay!"

"Hello."

"Uhm. Pwede ba kitang... "

"Maging girlfriend? Manligaw ka muna."

"Oy huminga ka joke lang yon. Katawa yung mukha mo oh. Ano ba yon?"

"Ikaw talaga. Pinapakaba mo ako eh."

"Nerbyoso ka talaga kahit kailan. Oh anong maipaglilingkod ko sa pinaka gwapo kong bespren?"

"Wag kang maingay nakakahiya, pinag titinginan nila tayo."

"Sus bakit ba? Eh totoo naman! Di ba aling Charing? Oh di ba? Sabi sa'yo eh."

"Baliw. Turuan mo naman ako sumayaw oh."

"Bakit ka tumatawa?"

"Nakakainis ka naman wag na nga lang!"

"Oy Tisoy! Huy! Joke lang kasi! Huy!"

"Sorry na! Sorry ano kasi.. Natawa lang ako. Kasi di ba alam naman natin parehas na parehong kaliwa ang paa mo? Posible bang maturuan kita?"

"Wag na nga!"

"Oy. Sandali."

"Richard!"

"Nakakai -"

...

"Para san yun?"

"Alin?"

"Yun."

"Ahhh - wala lang."

"Ba't namumula ka?"

"Oy huminga ka Tisoy!"

"Isa pa?"

"Ay gago."

"Bak -"

NICOMAINE!!!!

"Tawag na ako ni nanay, bukas nalang ulit. Dito na ko didiretso after ng klase ko. See you."

"Bye Meng."

"Bye Richard."

Muli siyang tumawa.

"So yun lang talaga ang natatandaan mo sa akin? Yung pagpapaturo ko sa'yong sumayaw?"

Syempre pati yung malambot, kasing lambot ng uratex na kutson mong labi at kasing tamis ng imported na tsokolate mong halik. "Oo may iba pa ba dapat akong maalala?"

"Wala naman. Malay ko ba kung... may iba ka pang naaalala."

Walanghiyang lalaki to, malandi rin eh 'noh?

"Naku Tisoy wag mo ko landiin sinasabi ko sa'yo..."

"Ano?'

"Sinasabi ko talaga sa'y -"

...

"Ano di mo pa rin ba naaalala?"

Kung bakit ba naman kasi hindi pa nakuntento itong si Destiny sa pagpapahirap sa puso ko at dinagdagan pa nya ng tuksong kay hirap tanggihan. Tangina.

Tumahimik ako at tumanaw sa bintana ng kanyang sasakyan.

Kumalma ka self. Hindi pwede okay? Wag na wag kang bibigay. Tibayan mo ang loob mo dahil hindi na pwede. May Roger ka na at hindi mo pwedeng sirain ang buhay nitong lalaking ito.

"San mo gustong pumunta?" aniya.

"Uhm. Ibalik mo na ako sa bar. Kailangan ko pumasok ngayon eh."

Oo hindi nya alam ang trabaho ko. Hindi pa nya alam dahil kahit saksakan ng kapal ang mukha ko, hindi ko kayang sabihin sa lalaking ito kung ano at sino ako.


Lam nyo ba yung ganon? Yung wala kang pakialam sa kung anong sasabihin ng ibang tao sa'yo pero sa taong... sa taong mahal mo hindi mo kayang sikmurain na malaman nya ang totoo.

Di dahil sa gusto mong pagsinungalingan sila... natatakot ka lang malaman nila dahil baka... iwanan ka nila pag nangyari yun.

"Ha? Meng naman. Look, sorry kung hinalikan kita. I - okay sorry akala ko kasi... fine, I know may asawa ka na and mali ako, I was out of line. I promise di na mauulit pero please stay with me for a while? I mean... kahit san mo gusto mag punta kahit ngayon lang."

Katahimikan.

"Namiss kita."

Okay ground, please swallow me now. Hindi ko na alam kung may galit ba sa akin itong si tadhana dahil lord paano ko naman po tatanggihan ang pagmamakaawa ng isang anghel?

Sino ako para tanggihan sya?

"No. It's okay. I mean... wala kasi akong - kailangan ko kasing mag trabaho ngayon par -"

"Magkano ba ang gabi mo?"

Kung may kinain lang ako mag hapon, malamang lahat ng iyon naisuka ko na. Ang sakit ha.

Naranasan ko nang masuntok sa tyan ng asawa kong gago pero bakit parang mas masakit itong suntok na ito sa aking pagkatao?

Binuka ko ang aking bibig para sumagot pero wala akong masabi.

Okay life, ganito kasi ano, ang usapan lang kasi natin ang pwede mo lang durugin ay yung mukha ko, katawan ko, pagkatao at dangal ko.

Wala sa usapan natin na pati puso ko eh wawasakin mo ng ganito.

Nagsimula ng bumungad ang mga luha sa aking mata. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa labas kung san ang mga taong naglalakad ang nagsilbing distraction ko.

"Meng."

"ANO BANG GUSTO MONG GAWIN KO?!"

Alam kong di nya kasalanan dahil wala naman syang alam talaga pero ang sakit kasi.

Oo na universe! Gets ko naman eh. Tangina.

"S - sorry. Oh sige ihahatid na kita sa trabaho mo. Magpapa gas lang ako sa may Shell tapos ihahatid na kita. Sorry."

UGHHH!

Huminto kami upang magpagasolina sa pinakamalapit na Shell. Lumabas sya sandali at naiwan akong nakatingin sa may bintana.

Ang funny ko noh?

Like sa ilang taon kong pagiging pokpok, hindi ba dapat hindi na ako sensitive sa mga taong ginagawa akong katatawanan?

I mean kasi naman nakakatawa naman kasi ang mga kagaya kong babae.

Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang iyon. Hello, papasang playlist ko na yung linyahang ganon dahil sa isang gabi higit benteng beses kong naririnig yun.

Sabi naman kasi sa inyo mabentang pokpok si ate nyo girl kaya pinipilahan ako. Pero alam nyo yung pakiramdam na para kang tinuhod sa kipay, ganon kasakit yung naramdaman ko nung sa kanya mismo nanggaling yung tanong na yun.

Ewan ko pero kailan pa ba ako naging maselan?

Ngayon lang ata.

Bumalik na siya matapos makargahan ng gas ang kanyang sasakyan na may dala dalang cheeseburger meal mula sa Mcdo.

"Sorry. Kumain ka muna habang nasa biyahe."

Ewan ko sa'yo Richard, tangina bakit ba ang bait bait mo? Di ko deserve yang ganyang pagtrato mo sa akin.

"Kumain na ako. Thank you nalang." Mahina kong sabi.

Alam nyo yung naubos na yung kung ano mang natitira mong lakas dahil lang kasama mo siya sa loob ng isang saradong espasyo?

Nakakapanghina kanina pa yung mga tingin nya, pano pa yung halik nya?

"Wala ka pang kain Maine. Namumutla ka na."

Ay wow? So kulang pa yung pagkapula ng lipstick ko at nakita nya talagang namumutla ako?

"Patawa ka, ang kapal kapal ng lipstick ko tapos sasabihin mo maputla ako? Di ako gutom."

Siguro dahil pagod na pagod na yung mga bulate ko na malipasan ng gutom, sila na mismo nag reklamo.

Muling lumitaw yung nakakalunod nyang malalim na dimple nung narinig namin parehas yung pag kulo ng tyan ko.

"Hindi ka nga gutom."

Kung pwede ko lang i-roll yung mata ko ng mga 720 degrees ginawa ko na. Bwisit.

Hinablot ko ang plastic ng cheeseburger meal at sinimulang kainin ito ng hindi tumitingin sa kanya.

Tahimik ang byahe namin.

Mabuti naman kasi kailangan ko talagang pakalmahin ang sarili ko. Alam nyo yun okay na kasi talaga ako, ayos naman ang buhay na meron ako. I mean di ba? Uso naman kasi yung mga pokpok na jinujombag ng mga asawa nila so meaning in ako sa uso.

Oks na ako dun eh. Tapos biglang babalik sa eksena itong... itong mapanuksong anghel mula sa Langit.

Ewan.

"Maine."

Napalingon ako sa kanya. "Oh?"

"If you ever need someone to talk to, you have my number."

Tumingin sya sa akin at ngumiti.

So di pa tapos si universe sa akin kasi alam nyo yung pakiramdam na parang unti unting kinakain ng bukbok at anay yung puso ko?

Masakit.

Makirot.

"Oh naman. Thank you ha."

Di ko na kaya, babagsak na talaga yung luha ko kaya agad akong bumaba ng sasakyan nung makarating kami sa tapat ng bar.

Pag pasok ko ng bar bigla akong hinilia ni Jenny.

Siya yung mahadera kong prend na matabil din ang dila.

Kung bastos bunganga ko, mas bastos to. Wala siyang pakialam. Pag sinabi nyang malaki ang titi, malaki ang titi. Walang preno preno, walang isip isip.

Winarningan ko kayo ha, wag kayong ano.

"Psst gerl! Sino yung naghatid sayo? Bagong kliyente mo? Iba ka talaga ha. Mukhang bigs time. Big din ba ang titi ang tanong?"

"Langya ka Jen! Di ko kliyente yun! Kababata ko yun."

"WHAT? May kababata ka pala? Kala ko ba di ka dumaan sa pagkabata? Pokpok ka na agad di ba?"

"Sira."

Kung normal na araw to may witty na banat ako sa friend kong to kaso atii wala ako sa mood. Masakit ang puso ko.

Nakakatawang isipin na sa ilang taong nagdaan, ngayon lang na hindi ang kipay ko ang masakit kundi ang puso ko.

Pumasok ako sa dressing room at nagsimulang mag ayos. Rarampa pa ako at may sayaw ako ngayon.

Nasabi ko na ba sa inyong magaling akong sumayaw?

Nung nagsaboy kasi ng kamalasan at kagandahan, umambon ng talent sa pag giling. Nakasalo naman ako kahit papano.

Ayos din naman tong sideline ko na to kasi malaki rin ang kita dito.

"Girl hulaan ko. Si TOTGA iyon ano? Umamin ka!"

Nasabi ko rin bang sobrang makulit tong friend kong ito? Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti sa kanya.

"Oy alam ko yang mga ngiting yan! Yung pekpek mo o pumapalakpak! So ano na? Nag sex kayo?"

"Gaga. Tigilan mo nga ako Jen! Hinatid lang ako. Alam nyang may asawa na ako noh."

"Wowehnonaman?! Kung sino sino na ngang humihindot sa'yo wala namang pakialam yung hukluban mong asawa. Anong problema?"

"Di kasi ganon yun ano ka ba? Alam ni Roger na ito yung trabaho ko, na kailangan yun unless gusto nyang mawalan ng itatapal sa sikmura nyang kinakain na ng mga bulate?"

Nakatingin lang sa akin yung kaibigan ko na para bang may nais pa syang sabihin.

"Ano ba yon?"

"Wala. May nagbago sa'yo gerl."

"Huh?"

"Di nya alam noh?"

"Alin?"

"Na pokpok ka." Hindi ako nakasalita. Kasi totoo naman, hindi naman nya alam dahil di ko talaga kayang sabihin sa kanya.

Kung dahil ba sa natatakot akong husgahan nya ako o pandirihan, ewan ko. Basta ang alam ko lang, hindi nya pwedeng malaman, ayokong malaman nya.

"Sabi na eh. Bakit di mo pa sinabi? Natatakot ka bang maawa sya sa'yo? Mandiri?"

"Alam mo Jen, echosera ka. Lika na start na ng show oh."

"Alam mo ikaw babae ka, di ko talaga gets bakit binenta mo pa to dun sa tita mong mukhang ewan eh. Kung di mo binenta to di sana pahila-hilata ka nalang dyan nag aabang na pumasok ang mga pera mo. Kaysa ganito ka na ang hinihintay mong pumasok eh titi ng kung sinu-sinong mga lalaki."

"Psst bunganga mo ano ba! Hindi na. Ayokong sumakit ang ulo ko sa pag iisip kung paano o ano ang dapat gawin."

"So mas okay lang na puke mo sumakit?"

"Gaga!"

Bakit nga ba ayaw ko? Eh kung tutuusin pwede na akong mag retiro bilang isang propesyonal na pokpok at maging isang magiting na bar owner nito.

Ah... kasi unang una ayokong ito yung iiwanan kong legacy sa magiging anak ko.

Oh bakit?

Sinabi ko lang naman kanina na wala kaming karapatan mag hangad ng dangal pero di naman bawal managinip. Like managinip ng gising duh.

Alam nyo ba magkakaanak dapat kami ni Tisoy? Charot! Ni Roger... umaasa lang na baka sakaling masamang panaginip lang to at sya pala talaga ang asawa ko.

Anyway, ayon na nga, buntis ako non, 6 months. Yung putang ina kong hayup na asawa umuwi ng lasing at ginawa akong punching bag.

Wala kaming pera noon dahil kamamatay lang ng bwakanang ina kong nanay at yung hinayupak kong tatay naman nasa hospital dahil na overdose sa bato.

Wala rin akong trabaho dahil hello? Sino ba naman ang kliyenteng gustong tumira sa isang pokpok na nakalulon ng bata?

Nakunan ako syempre. Aba'y sino bang bata ang nanaising kumapit kung pag labas mo huklubang tatay at pokpok na nanay lang ang sasalubong sa'yo?


Syempre pinagsisihan ko yon pero kahit papano nagpapasalamat rin ako na hindi na hinayaan ng panginoon nyo na mahirapan yung anghel na yon dito sa lupa.

Pangalawa, mababaliw ako kung mananatili lang akong nakatunganga dito.

At pangatlo, wala lang. Trip ko lang chumupa ng mga lalaki at makipag sex kung kani-kanino dahil ano bang magagawa ko? Eh pag giling lang ang tanging talentong nasalo ko nun eh.

Muling nag flash back ang mga ngiti nung anghel at naramdaman ko nanaman ang unti-unting pag baon ng malaking tubo sa dibdib ko.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Labinlimang taon na ang lumilipas pero bakit parang kahapon lang yung mga araw na pinagsaluhan namin?

"Maine gerl, let's go?"

THREE

I used to be so good at this. Alam nyo ba yon?

Pipikit lang ako habang gumigiling pababa at pataas tapos kebs na kung may mga malalamig na kamay ang biglang dadampi sa kung saan mang parte ng katawan ko.

Basta kulay asul o dilaw ang pera kering keri ko pero bakit ngayon ang hirap?

Bawat kembot ng aking balakang parang may isang kutsilyo isinasaksak sa aking puso.

Bawat ikot ng aking pwet, parang may bloke ng yelong pilit na ipinalulunok sa akin.

Hindi ako makahinga.

At kahit nakapikit na ang aking mga mata, tanging ang kanyang mga mata, na sumasalamin ng pagkagulat at pagkaawa, ang tangi kong nakikita.

Minsan nyo na bang naisip kung bakit pa kayo ipinanganak sa mundong ito?

Kung totoo bang may purpose ang lahat ng buhay ng tao?

Mahilig akong magpatawa oo. Masaya akong magbitaw ng mga jokes sa mga kaibigan ko lalo pa't alam kong mapapaligaya ko sila. Pero di ko naman ginustong maging isang malaking joke na pwedeng pagtawanan ng mga kung sino mang diyos sa kalangitan.

Bakit nga ba sa dami ng mga kapatid kong pinalaglag nung demonyo kong nanay, ako pa yung naisipan nyang buhayin?


Andoon sya.

Nakaupo.

Nanunuod sa aking magiliw na pag kembot at pagsayaw.

Hindi ko siya magawang tingnan.

Hindi ko magawang dumilat.

Oo Richard, ito ako.

Ako yung pokpok na kabit ng mayor ng Langit, maaaring kinalantari ng boss ng boss mo, o ng tatay mo at kung sino pa mang mga kakilala mo.

Ako yun.

Minulat ko ang aking mga mata at patuloy na gumiling sa harap ng mga lalaking nagpapalakpakan. Bawat kembot, isang piraso ng aking kakarampot na damit ang tinatanggal.

Bawat giling, isang daan, dalawang daan para sa panandaliang paghawak sa aking katawan.

Hindi ko magawang lumingon sa kung nasaan sya.

Nandidiri ako sa sarili ko. Nandidiri ako sa mga lalaking nandirito.

Sa pag lapag ng isang libong salapi kasabay ng pag hawak ng isang matandang hukluban sa akin,

isang patak ng luha mula sa aking mga mata ang tumulo.

Patay malisya kong kinuha ang pera, isiniksik sa maliit na tela sa aking palapulsuhan at patuloy na sumayaw sa tugtog ng miserable kong buhay.

Nakakatawang isipin na sa tinagal tagal ng panahon na ako'y sumasayaw sa entabladong ito, hindi pa rin pala manhid ang pagkatao ko.

Isipin nyo ha, mahigit isang dekada ko ng ginagawa ito at akala ko kayang kaya ko ng lunukin ang kung ano mang dignidad ang natitira sa akin.

Akala ko lang pala iyon.

Sa pag lapag ng huling piraso ng damit sa sahig ay sya namang pag talikod nya sa akin at mabilis na lumabas ng bar.

Kung meron pang mas sasakit sa sugat na pinatakan ng kalamansi o pinahiran ng sili, yun ang nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos na pagkatapos ng aking sayaw, agad akong pumasok sa dressing room at doon ko hinayaang tumulo ang mga luhang kanina pa nagpupumilit na lumabas .

Gamit ang bath robe na iniabot sa akin ng isa sa mga kasama ko, ibinalot ko ang aking sarili at umiyak ng umiyak ng umiyak.

Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. As if naman ang linis ko dati di ba?

Pero alam nyo yun?

Ewan ko kung naiisip nyo rin to, ironic masyado na nagiisip ako eh wala naman akong utak talaga. Well at least sabi ng nanay ko.

"Gerl. Okay ka lang?"

Lalo kong hinigpitan ang kapit sa aking roba at niyakap ang sarili.

"Diyos ko. Tahan na Maine. Shhh. Tahan na. Naiiyak na rin ako puta ka."

"Bakit... bakit ganon friend? Bakit... ang sakit sakit."

"Gerl... di ba alam mo naman sa mundong meron tayo hindi pwede ang mahina ang sikmura? Akala ko ba tanggap mo na?"

Oo matibay ang sikmura ko.

Kaya kong tanggapin lahat eh.

Yung suntok, sapak, tadyak nung putangina kong asawa kaya kong sikmurain.

Yung mga pambababoy ng mga hayup kong kliyente kayang kaya kong isiwalang bahala.

Pero ito... siya.

Hindi ko kaya.

Siya lang yung natatanging lalaking nagbigay ng halaga sa akin.

Siya yung naniwala sa akin na kaya kong maging sino man ang gustuhin ko.

Siya yung... una kong minahal.

Minamahal.

.

.

.

.

.

At mamahalin.

Sa kapal ng mukha kong ito, ngayon pa ako nakaramdam ng kahihiyan.

"Di ko alam Jen. Di ko alam."

"Shhh. Tama na friend. Alam mo na ang gagawin di ba? Iyak, punas ng luha, ayos ng mukha at tuloy ang buhay. Ganyan ang buhay nating mga pokpok."

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinayaang umiyak.

"Wala tayong karapatang maging choosy dahil ito lang ang meron tayo. Tahan na prend."

***

Tiningnan nya ang mga ngiting tanging nagbibigay ng kahulugan sa kanyang walang direksyong buhay at napangiti ng malungkot.

Ilang oras nalang ang nalalabi at siya'y aalis na at maiiwan ang kanilang mga pusong nagmamakaawa kay Tadhana na sana'y huwag silang paglayuin.

Pero ano ba ang magagawa ng kanilang murang kaisipan na maagang namudmud sa kahirapan ng buhay?

Hinawakan nya ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang baywang. Napangiti siya sa pag nginig ng kanyang buong katawan.

"Wag kang matakot."

Hinawakan nya ang pisngi ng batang lalaki bago ipinatong ang kanyang mga kamay sa balikat nito.

Dahan dahan, unti-unti, kaliwa, kanan... ang kanilang mga paa'y sumusunod sa bawat indak ng musikang tila sumasalamin sa kanilang mga damdamin.

"Babalik ako."

"Promise?"

"Promise."

***

"Roger? Anong ginagawa mo dito?"

"Asan ang pera ko?"

Aba'y putanginang to. Akala mo talaga may pinatago ang hayop. "Wala pa akong pera."

"Ano to?" Hinagis nya ang bankbook na pinakatagotago ko.

"Paanong - san mo naku -?"

"ROGER! PLEASE TUMIGIL KA NA. TAMA NA! WAG MO NA SAKTAN SI MAINE!"

"Tumigil ka! Away mag asawa to! Walang makikialam asawa ko to! Sa bahay tayo mag usap!"

"Bitawan mo ako!"

FOUR

"Dali! Sakay na!"

Walang pag aalingan akong sumakay upang makalayo mula sa aking walang kwentang asawa.

"Thank you ha? Alam mo sobrang laking tulong nito pero wala na bang ibibilis pa yang pag papatakbo mo?"

Natawa lang siya sa akin at pailing iling na pinabilis ang takbo.

WOW. Iba din talaga ang karisma ng hayup na maputing lalaking to. Makalaglag panty talaga. Ay ewan.

"San tayo miss?"

"Miss ka dyan. Kahit san. Dalhin mo ko sa langit kung tatanggapin man ako ni San Pedro."

Muli itong tumawa.

Hindi naman sa nag papaka creepy ako noh. Disclaimer lang ano,dalawa lang talaga mata ko at sa kalsada talaga ako nakatingin pero alam nyo yung nakikita kong nakatingin siya sa akin.

Yung tingin na para bang hinuhubaran ka nya unti unti kasi titig na titig sya.

"Alam ko suicidal ako, pero jusko naman Tisoy ayoko mamatay ng chaka. Ayoko mamatay sa aksidente, tapos kotse pa? Wag mo akong tingnan! Mag drive ka!" Natutunaw panty ko eh.

"Hindi naman ako nakatingin sa'yo."

Ah wow. "Okay. Sorry! Pinanganak na assumera. Galit ka na nyan?"

Tawa ulit. Ano ba to nababaliw na? Tawa ng tawa? Gusto na mag asawa? Corny ko sorry huhu.

"Bakit ka ba tawa ng tawa? Gusto mo na mag asawa?"

"Bagong bago Meng! Bagong bago." pailing iling nitong sabi.

"Wag ka nga. Wala ako sa mood mag joke kaya walang kwenta mga banat ko. So anong trip mo?"

Napatingin sya sa akin. "Trip ko?"

"Oo. Bakit mo ko sinusundan?"

"Excuse me?"

"Dadaan ka ba? Dadaan ka?"

Kumunot ang kanyang noo at bahagyang napanguso. Lord, jusko, please, alam ko makasalanan akong nilalang kaya please naman wag nyo ng dagdagan ang mga kasalanang pwede kong magawa lalo pa't di magpaawat ang lalaking ito.

"Wag mo ko mapakyut-pakyutan dyan ha. Ano bang trip mo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Kung pwedeng umikot ng 720 degrees ung mata ko ng hindi lumuluha ng dugo ginawa ko na. Ang slooooow.

"Maglolokohan pa ba tayo? Anong ginagawa mo sa bar?"

Hindi ito kumibo. Halatang hindi niya inaasahan ang tanong.

Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin ito kumikibo. Ano na ba to? Na pipi na?

"Anong ginagawa mo sa bar? Bakit mo ko pinapanuod? Anong ineexpect mong makita? Nag seserve ako ng drinks doon?"

Katahimikan.

"Di mo inaaasahan yung nakita mo noh? Galing ko sumayaw no?"

Mas matagal na katahimikan.

"Meng..."

"Hep! Bago mo ituloy kung ano man yang sasabihin mo... kung ano man yang nasa isip mo, oo yun ako. Pokpok,. Puta. Parausan. Ganyan."

Napabuntong hininga sya.

At kahit na nakaikom ang kanyang bibig at seryoso ang ekspresyon ng mukha, nag uumapaw pa rin yung kagwapuhan ng hinayupak na mapanuksong anghel na to.

"I just wanted you to understand na hindi -"

"Oo gets ko. Di mo ko huhusgahan. Tanggap mo maging sino man ako pero hindi eh. Hindi kasi ganon yon Soyti ano? Komplikado ang buhay na meron ako. At hindi yun ang klase ng buhay na maiintindihan ng isang kagaya mo."

"Kagaya kong ano?"

"Yang ganyan! Mayaman. Maayos ang buhay. Lamoyon, di mo kailangang chumupa para lang may kainin ka."

Hininto nya ang sasakyan at pansamantalang pumarada sa gilid ng kalsada.

"Meng."

Mag sasalita sana ako pero pinigilan nya ako.

"Ako muna. Makinig ka. Oo tama ka, I will never understand the choices you made from the time na huli tayong nagkasama up until now or what the hell happened to you pero that doesn't mean na hindi ko tatanggapin kung ano ka o sino ka."

Kitang kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. At kahit sobrang seryoso ng usapan namin, yung utak ko, hindi ko mapigilang imaginin kung ganyan rin ba nya ako titingnan kung mag keme kami? Lamnyo yon? CHAROT!

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Hindi sya nag salita pero hinawakan nya ang aking mga kamay.

"Mahal kita Meng. Mahal pa rin kita."

Kung single lang ako baka nalaglag na ang panty ko dahil girls ano ba? May isang gwapong maputing lalaking macho at may dimples ang po-propose ng feelings nya for me. Anek na mga beh?

"May as -"

"May asawa ka na alam ko. Pero Maine, you don't deserve this kind of life. You're too beautiful and pure to be ruined like this. Come away with me. I will give you the life you deserve Maine."

Okay so kahit english yun mga beh gets ko yon. Di naman ako gaya ng ibang pukita na bobs ano?

Shet na malagket, parang tae sa pwet, beautiful daw akez.

Pure? Tataa ba?

"Richard." Di na ako sanay banggitin ang pangalan nya. Pero may secret ako. Wag kayong mismis ishe-share ko lang ano, bet na bet ko ang pangalan nyang iyon.

Noong mga bata pa kami, lagi kasi kaming nagkikita dun sa isang abandonadong warehouse para mag, uhm, wag kayong ano bata pa kami nun bawal pa mag chukchakan ano ba. Nag papraktis kami palagi ng sayaw dun!

Lam nyo naman uso dati sa mga schools ung mga sayaw di ba?

Boogie.

Chacha.

Tango.

Mga ganern.

Lagi ko siyang tinatawag sa pangalan nya at lagi siyang naaasar sa akin. Wala lang, share lang ba't ba?

"Come away with me."

Horzhit! Tangina paano ko naman magagawang tanggihan yang ganyang tingin. Lam nyo ba yung puppy eyes? Imaginin nyo puppy eyes pero level up na pa beautiful eyes ni Alden Richards. Kilala nyo yon?

Yung dyowa ni Nicomaine Dei Mendoza na nakilala sa Eat Bulaga kasi magaling mag dubsmash?

Ano ba sila na kasi. Masyado lang talagang pabebe yung chakang babaeng yon eh kitang kita naman sa mga landian nila kung gano sila kadalas mag sex. Charot! (Pero not charot.)

Ganon.

Hinawakan nya ang aking pisngi at dahan dahang inilapit ang kanyang mapupulang labi.

Lord.

Naglapat ang aming mga labi at sa tinagal tagal ng panahon muli kong naramdaman kung paano magkaroon ng mga nagliliparang mga paru-paru sa aking sikmura.

At sa sobrang dami nila daig ko pa ang nakalutang sa ulap. Tila ba dinadala nila ako sa hardin ni Eva at Adan. Sa napakagandang lugar kung saan nagsimula ang lahat kasalanan ng tao.

Pero hindi siya ang ahas na nagtulak kay Eva na kumagat sa ipinagbabawal na mansanas dahil ako iyon.

Ako ang mapanuksong traydor na nagdala sa kanya upang magkasala.

Ang aking kagandahan ang nagtulak sa kanya upang tumikim at kumagat sa ipinagbabawal na pag ibig at naiinis ako dahil imbes na pigilan ko siya ay lalo ko pa itong ginugusto.

Ang mga kasalanan nga naman na ginagawa ng tao para sa ngalan ng pag ibig.

Nag aagaw ang konsensya at ganid.

Nagtatalo ang puso at utak (kung meron pa mang natitira sa labis na pagkakaalog).

Ang katawan ay hindi mapakali dahil sa tinagal tagal na panahon, hindi ang tawag ng nagugutom na sikmura at pangangailang ng pera, o nang laman na nag hahangad ng kakaramput na init mula sa iba't ibang tao ang nangingibaw.

Kundi ang mahinang tinig ng pusong nagmamakaawang mapansin at mapagbigyan.

Pumikit ang mga mata.

Tumulo ang mga luha.

At ang mga bisig na matagal ng nananabik ay kusang naglakbay upang higitin ang kanyang katawan papalapit sa akin.

Ewan ko ha, medyo OA lang siguro ako mga bes pero ang lakas maka-makata ng inarte ko.

Labing limang taon na ang nakalipas pero siya at siya pa rin ang hinahanap ng puso kong tanga.

Labing limang taon.

Nang maghiwalay ang aming mga labi, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kakaramput na awa sa aking sarili.

Hindi naman kasi pwede itong ganito mga mamshie.

Lumabas ako ng sasakyan at mabilis na naglakad palayo. Syempre sinundan nya ako, ganda ko kasi eh.

"Maine!"

"Richard. Tama na okay? Mali ito eh. May asawa na ako."

"I saw everything Maine. That fucker doesn't even love you. Why do you settle with someone like him?"

"Ay wow! 15 years tayong di nagkita. Nagkausap lang tayo sandali kilalang kilala mo na ako at ang asawa ko. Ano alam mo na agad lahat?"

Tumalikod akong muli at pinunasan ang mga luhang kanina pa hindi nag papaawat. Tangina kasi bakit di pwede di ba?

"Maine! Wait!"

"Ano ba?!"

"Don't tell me you actually believe that fucker when he says he loves you? Hindi sinasaktan ang mga babae Maine, in case you didn't know that."

"Ano bang alam mo? Wala kang alam!"

"Alam kong mahal mo ako."

Ay wow! Ok ako na ang obvious. "Ano?!"

"Mahal mo ako Maine. I know you love me otherwise di mo ako hahalikan ng ganon."

"Ganon naman ako humalik sa lahat ng mga kliyente ko. Wag ka ngang pa-espesyal. Paka potassium mo eh."

"What potassium? Do I even wanna know what that means?"

"Potassium. Putangina assumero. Tangina sang mundo ka ba galing ba't di mo alam yon?"

"Good lord. Sorry ha hindi ata ako nakikinig sa baklang prof ko nung college di ko napag aralan yang salitang yan."

"May issue ka ba sa mga bakla?!"

"Oo. They are disgustingly annoying."

Ay wow. Judger nitong hayup na to. "Di lahat ng bakla disgustingly annoying. Si Vice lang." sabay irap. Nauubos yung energy ko makipag talo.

"I don't care. Maine, listen. Di ka nya mahal. Come away with me. I will take care of you. I promise."

Huminga ako ng malalim.

Gustong gusto kong sabihing 'Oo tara na ilayo mo na ako sa impyernong ito' pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang sirain ang buhay nya.

May karapatan kaming managinip ng gising pero ang mangarap wala, hindi.

"Hindi nga pwede. Hindi na pwede."

"Bakit? Dahil dun sa asawa mong kulaog? I don't think so."

"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Kasi alam kong ako ang mahal mo. Ako pa rin ang mahal mo. Yung ganong halik mo? That was the same kiss 15 years ago. That kiss was only for me. So don't give me that shit!"

Okay. Speechless ako.

Medyo iba rin yung confidence level ni Tisoy.

Palibhasa maputi at may dimples kala mo naman gwapo.

Uhm, okay sige medyo gwapo kaya di ko rin masisi pero kahit na.

"Okay so kilalang kilala mo na ako? Marami ng nagbago Richard."

"Oo pero yung halik mo, at yung mga ngiti mo, yung tingin mo, yung ganda mo... lahat yun di nag bago."

"Ano ba!? Alam mo ba yang mga sinasabi mo? C'mon Richard. Pok pok ako in case di mo nakita! Ano mahal mo pa rin ako?!"

Hinawakan nya ang aking kamay dahan dahan. At ang mga paru-paru sa aking sikmura at nagsimula nanamang magliparan.

"Maine. Alam mo ba kung gaano katagal kitang hinanap? I don't know what happened to you simula nung nagkahiwalay tayo, oo nasasaktan akong makita kang ganito, but I don't care. Coz I have you now. Andito ka na at yun lang naman ang mahalaga."

"Hindi pa rin naman nawala yung Menggay na minahal ko noon. Yung maingay, masayahin, palabiro, mapang asar. Sure nabawasan ng konti yung sinag nya pero di naman nag bago. Andyan pa rin, ito pa rin."

Hinimas nya ang aking pisngi gamit ang kanyang malambot na kamay at ang mga luha ay nagsimula nanamang sumilip.

Masyadong dalisay at lantay ang kalooban ng taong ito at di ko kayang sirain. Sinubukan kong tumakbo palayo subalit hinila nya lang ako at niyakap ng mahigpit.

"Ikaw pa rin ang Menggay na minahal ko 15 years ago. If you think you're going to ruin my life because of what you've become, you're wrong."

"I've finally found my true purpose and that is to spend every waking moment with you by my side, loving you and taking care of you."

"Sinira ka man ng iyong nakaraan, ayos lang yon. Andito na ako, tutulungan kitang buohin ang sarili mo. Masugatan man ako, masaktan man ako. Maine, akin ka nalang. Please."

At sa mga salitang yun, lahat ng lakas na inipon ko mula kaninang umaga, naglaho kasabay ng mahinang pag ihip ng malamig na hangin.

Ang tanging natira na lamang sa akin ay ang pusong maligayang maligaya at ngiting hindi mapapawi ng ilang litrong luha na aking iniiyak sa kanyang dibdib.

***

Muli akong lumingon sa aking kaliwa at bumungad sa akin ang mga mata ng isang anghel.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

"Wala. Masama ba? I can't believe this is real. You're here. With me. On this trip."

Ngumiti siya at muling sumilip ang kanyang malalim na dimple.

Hinayaan kong mapukaw ang aking atensyon ng mga ilaw ng mga sasakyan na aming nakakasalubong dahil kung hindi, baka kasi hindi ko na mapigilan ang puso kong kanina pa nagmamakaawang mapagbigyan.

Dear heart, ay teka, kapams to di ba? Mali.

Kumalma ka puso ko, di mo deserve ang lalaking ito.

Masyado syang... mabait por you.

Yung kaluluwa nya sure na sa langit, as in kay lord na pupunta, at ikaw, yung kaluluwa mo matagal ng nakasangla kay Satanas kaya wag mo na idamay ang lalaking ito.

Nagulat ako nang biglang may mainit na kamay ang dumampi sa aking pisngi. Turuy fertile.

Pinunasan nya ang mga luhang di ko namamalayang tuloy tuloy na dumadaloy.

"Bakit ka umiiyak Meng?"

"Wala. Alam mo yung, hindi mo naman deserve ang isang katulad ko."

"Sino nagsabi? Yung konsensya mo? Mga mapanuring mata ng mga tao?"

Di ako umimik. Ganon naman kasi ang mga tao hindi ba?

May mga super powers silang malaman kung sino at anong klaseng tao ka base sa kung ano ang unang makita nila.

"Hindi naman. Uhm, siguro yung Menggay dati yung nagsasabi sa akin nun."

Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

Ngumiti ako.

"Yung Menggay na minahal mo. Yung menngay na mahal ka."

Huminga ako ng malalim at tumingin muli sa kawalan.

"Naalala mo pa ba nung lumapit ako sa'yo para mag paturo ng sayaw?"

"Hmmm?"

"Sabi ko kung pwede ba akong mag paturo sumayaw pero you cut me off and asked if I wanted you to be my girlfriend. Then you said na ligawan muna kita."

Natawa sya. "Kung - kung niligawan kaya kita noon, magiging tayo kaya?"

"Malamang hindi pa rin."

Ngumuso ito at sa pang ilang libong beses natunaw ang Victoria Secret na panty ko. Lumabas ang pamatay nyang dimples at muling napatalon ang puso ko.

"Sira ka wag mo ko pakyutan. Paanong magiging tayo nun eh aalis ka pa rin naman nun pa-amerika. Tsaka yung nanay kong walang kwenta, malamang ilalayo rin naman ako dito."

"Kung - kung pumayag ka noon na maging girlfriend ko... I would've ran away with you. Alam kong sasama ka sa akin Maine."

Katahimikan.

"Kung naging tayo, ilalayo kita mula sa lugar na iyon at paliligayahin kita sa bawat sandali ng ating buhay. Corny noh?"

Natatawang naiiyak nyang sabi.

Wala akong witty na banat o pambasag dun kaya ngumiti nalang ako. Hello? Ano namang isasagot ko sa ganong klaseng banat mumshie?

"Maine."

...

...

...

...

"Let's go?"

...

...

...

"Somewhere far, some place where you and I can finally become one."

Tumingin siya sa akin at hinalikan ang aking palad.

"Sa lugar kung saan tama ang mali, at pwede na ang hindi."

FIVE


So tinatanong nyo ba kung sumama ako kay papa Richard?

Uhm, yeah, no, sort of. Di ko alam eh. Char!

Pero seryoso, after naming mag usap hinatid na nya ako pabalik ng bahay namin.

Ayos na sana ang lahat.

Alam nyo yung okay na, naka ayos na ako ng mga gamit na dadalhin ko, naghihintay nalang ako sa labas para pumara ng tricycle nang biglang dumating, hulaan nyo kung sino?

Napakahirap hulaan dahil heto lang naman ako, nakakulong sa bahay habang nakatali, maga ang mukha, putok ang labi at kulay talong ang isang mata.

Nakakatawa ano?

I mean, ito nanaman ako, ginawang praktisan ng hayop kong asawa pero hindi ako natatakot para sa sarili ko. If anything, natatawa pa nga ako.

Baliw na ba akong matatawag?

Masokista?

Hindi rin.

Natatawa ako dahil itong sakit ng panga ko, ng braso,sikmura at katawan ko. Itong lasa ng dugo sa labi ko, itong mala-talong na kulay sa ilalim ng mga mata ko... ito yung reminder ng katangahan ko.

Ang tanga tanga kong nagtiis ako sa ganitong klaseng buhay.

Nakakatawa ano?

Minsan naiinggit ako sa iba kasi kaya nilang matuto sa mga pagkakamali nila ng ganon lang kadali.

Paano kung di dumating si Richard?

Paano kung di siya nag tyagang kausapin ako at ipaintindi sa akin na hindi ito ang klase ng buhay na dapat meron ako?

Na dapat nung nadapa ako bumangon ako?

Na hindi ko dapat ginamit ang kahirapan bilang isang nakakatawang excuse upang mamuhay ng miserable.

Paano... paano... puro paano.

Paano ako makakaalis dito?

Malamang naghihintay na siya sa lugar kung saan kami dapat magkikita.

Pinilit kong tumayo kahit nangangatog ang aking mga tuhod. At kahit na hindi na halos makakita ang kaliwa kong mata, pinilit kong aninagin ang loob ng bahay.

Sampung taon akong tumira dito, malamang alam ko ang pasikut-sikot ng kwartong ito.

Madilim.

Malamig.

Unti unting bumubuhos ang ulan sa labas at ang ingay ng aming bubong ay dahan dahang bumabasag sa katahimikan ng kulungang ito.

Wala ang demonyo.

Mag isip ka Meng, sayang ang brain cells.

Naalala ko ang blade na ginamit ko nung isang buwan at nagdasal na sana andun pa rin iyon kung saan ko siya iniwan.

Pinilit kong yumuko at silpin ang ilalim ng lumang aparador.

Gamit ang aking mga paa, sinubukan ko itong hilain palapit sa akin.

Matapos ang ilang minutong pagtatangka, nakuha ko ito at sinimulang pigtasin ang tali sa aking kamay.

Kebs na kung sugat-sugat na ang aking labi.

Sa kabutihang palad nagawa kong pigtasin ito at agad akong tumakbo palabas ng bahay.

Alam nyo yung dakilang paasa si Tadhana?

Okay na eh, ayos na sana eh.

Pag bukas ko ng pintuan pag mumukha ng demonyo ang tumambad sa akin.

"SAAN KA PUPUNTA HA? DON SA LALAKI MO? PUTANGINA MO TALAGA NICOMAINE!"

Isang malakas na sampal.

Kung isang normal na araw ito, malamang ay hindi na ako muling tumayo sa aking pagkakalugmok pero hindi, kailangan ko puntahan si Richard.

Muli akong tumayo subalit mabilis nyang nahawakan ang aking buhok.

Hinila nya ako pabalik sa loob at nagpumilit na itali ako pero nakakuha ako ng tyempo.

Habang ako'y patuloy na tumatakbo papalayo ng impyernong lugar na iyon, hindi ko maiwasang matuwa.

Ang kanyang mga matang halos tumirik na nung basagin ko ang bayag nya. Putangina nyang hayup sya tama lang yun sa kanya kingina nya.

Binaybay ko ang pasikot sikot na eskinita ng kalakhang maynila.

Di ko na inintindi ang lamig ng hanging pilit na nanunuot sa katawan kong halos mawalan na ng saplot.

Wala na rin akong pakialam sa mga sugat at pasang naghuhumiyaw sa sakit.

Ang mahalaga malaya na ako.

Ang importante nakatakas ako.

Richard antayin mo lang ako.

Patuloy akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa maaaninag ko ang liwanag.

Unti unting lumalakas ang mga tunog ng mga sasakyang nagdaraan at ang puso kong kanina pa nag wawala ay unti unting kumakalma.

Halos ipikit ko ang aking mga mata ng marating ko ang dulo ng tila walang hanggang daan na ito subalit isang malamig na kamay ang humablot sa akin pabalik sa dilim.

Si Roger.

"Bitawan mo ako!"

"SAAN KA PUPUNTA?!"

"Tama na Roger! Ayoko na! Bitawan mo ako."

Sinakal nya ako habang kinakaladkad pabalik, palayo sa liwanag na magpapalaya sana sa aking nakakulong na puso.

"Tama na Roger! Parang awa mo na ayoko na!"

"Tangina mo! Walang ibang pwedeng mag may ari sayo. Akin ka lang gago ka! Papatayin ko yung lalaki mo! Tangina nyo!"

Nakaramdama ko ng matinding takot.

Hindi para sa sarili ko kundi para kay Richard.

Nagpumiglas ako hanggang sa maitulak ko siya na naging dahilan upang matumba kaming dalawa.

Tumama ang kanyang batok sa isang nakausling bakal at umagos ang maraming dugo.

Nanginginig man ang aking katawan agad akong tumakbo pabalik sa liwanag.

Nang marating ko ang dulo, agad akong napapikit sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa akin.

Nakakabinging tunog ng busina, nakakabahalang hiyaw ng mga tao at malakas na pag tama ng aking katawan sa isang matigas na bagay.

Unti-unti, dahan-dahan... ang liwanag ay napapalitan ng dilim, ang mga boses sa paligid ay humihina at ang buong paligid ay lumalamig.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay, isang anghel ang tumawag sa aking pangalan.

"Maine!"

SIX

♪♫🎶♬Kamukha mo si Paraluman nung tayo ay bata pa ♪♫🎶♬

Simula nanaman ng aming klase. Excited ako dahil masisilayan ko nanaman ang kanyang kagandahan.

Sa pag sinag ng araw at pagsilip nito sa aming munting silid aralan ay sya namang pag dating ng isang napakagandang dilag.

Maraming mga bata ang talaga namang nahuhumaling sa kanyang kakaibang ganda pero maswerte ako dahil siya ay -

"Soyti!"

aking kaibigan.

"Meng!"

"May naisip na akong pwede nating sayawin!"

♪♫🎶♬Pagkaggaling sa eskwela ay dideretso na sa inyo. At buong maghapon ay tinuturuan mo ako♪♫🎶♬

"Awww!"

"Oops! Sorry, sorry! Sabi naman kasi sayo di ba wag nalang?"

"Ano ka ba! Game na! - "

...

...

"Tisoy?"

...

...

"A - anong gina - ginawa m - mo?"

"Ano ka ba? Hawakan mo kaya yung bewang ko. Yan. Ganyan. Kalma kasi. Naninigas ka."

♪♫🎶♬ Naninigas ang aking katawan kapag umikot na ang plaka. Patay sa kembot ng beywang mo at pungay ng yong mga mata. ♪♫🎶♬

"Ganito kasi oh..."

Hindi ko maiwasang mapalunok ng makita ko ang bawat pag kembot ng kanyang balingkinitang katawan.

"Tisoy?"

...

...

"Huy! Nakikinig ka ba?"

"Ha? O - oo!"

"Game?"

Lunok laway.

Dahan dahan nyang hinawakan ang aking kamay at ipinatong sa kanyang malambot na baywang bago ipinatong ang kanyang braso sa aking nanginginig na balikat.

♪♫🎶♬ Lumiliwanag ang buhay habang tayo'y magkaakbay. At dahang dahang dumudulas ang kamay ko sa makinis mong braso.♪♫🎶♬

"Okay ka lang ba?"

"Ha? Uhm... oo naman. Ano - nahihiya lang ako."

"Bakit naman? Ang galing mo na nga oh."

"Hindi... kasi alam mo yun, ako yung lalaki tapos... ako pa yung nagpapatur -"

Napangiti ako.

"Okay ka na ba? Hindi ka na ba nahihiya?"

...

....

Huminto kami sa pag sayaw at dahan dahan nyang inilapit ang kanyang labi at muli akong hinalikan.

♪♫🎶♬ Magkahawak ang ating kamay at walang kamalaymalay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.♪♫🎶♬

Huling gabi na naming magkakasama ngayon. Lilipad na kaming buong pamilya pa-amerika.

Alam kong alam nya.

Alam kong ayaw nya.

Pero hindi nya ako pinipigilan. Hindi rin siya nag tatanong.

Gustong gusto kong sabihin nyang wag akong umalis.

Pero a part of me says na that'd be too much to ask of her.

Kaya heto, yakap yakap ko siya habang nagsasayaw sa malungkot na melodya ng aming buhay.

Naririnig kaya nya ang sikretong hiyaw ng puso kong naghuhurumintado?

"Richard."

Napangiti ako.

Akala nya kasi naaasar ako kapag tinatawag nya ako sa aking buong pangalan.

Hindi nya alam nagdidiwang ang puso ko sa tuwing binibigkas nya ito.

"Hmm?"

Bigla siyang huminto sa pag sayaw at hinawakan ang aking mga pisngi. PInagmamasdan akong mabuti.

"Sino ka?"

"Ha?"

"Anong nangyare sa'yo?"

"Ako pa rin to."

"Di ikaw si Tisoy! Bakit di ka nagagalit na tinawag kitang Richard?"

Natawa ako. "Sira!"

Bigla siyang yumakap sa akin, nanginginig.

"Wag kang matakot."


Dahan dahan, isinabay ko ang aming katawan sa musika.

"Babalik ako."

"Promise?"

"Promise."

♪♫🎶♬ At lumipas ang maraming taon hindi na tayo nagkita... At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita. Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw. Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw. ♪♫🎶♬

"One, two, three... CLEAR!"

...

...

...

"AGAIN!"

...

...

...

Tinakpan ko ang aking tenga mula sa nakakabinging tunog ng makina sa aking tabi.

"Diyos ko iligtas nyo po si Maine please."

"One, two, three... CLEAR!"

...

...

At ang pamilyar na tunog ng pusong muling nabigyan ng pagkakataong mabuhay ang bumalot sa loob ng ambulansya.

...

...

"Richard."

♪♫🎶♬ Magkahawak ang ating kamay at walang kamalaymalay, na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.♪♫🎶♬

"Maine! Oh my god Maine! I'm so sorry. I'm sorry baby. I'm -"

"Shhh. Nar - naririnig... mo... ba?"

Napangiti ako.

"Oo. Oo naman."

"Ma - mahal na mahal kita."

"At mahal na mahal rin kita. I love you Maine. God knows I do."

"Na - nakapag - de - sis - yon - n - na a - ako."

...

...

...

"T - take m - me w - with y - you."

...

...

"Please."

END

Continue Reading

You'll Also Like

170K 4.5K 39
" She is my wife, stay away from her!" " Keep trying she will remain mine. " " Show me your scars, I want to see how many times you needed...
167K 17.6K 23
"𝙏𝙤𝙪𝙘𝙝 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛, 𝙜𝙞𝙧𝙡. 𝙄 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙚 𝙞𝙩" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
103K 9.1K 111
"You think I'm golden?" "Brighter than the sun, but don't tell Apollo" Dante hates Rome's golden boy. Jason doesn't even remember him. Right person w...
74K 1.7K 32
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...