TIG2: Intertwined Fates

By Meishah22

15.3K 714 423

https://www.wattpad.com/story/31187347-the-impossible-girl-completed Check the above link given for Bo... More

Prologue/Trailer
Chapter 1: Thank you
Chapter 2: Farewell
Chapter 3: Moving On
Chapter 4: Blamed One
Chapter 5: Accomplishment
Chapter 6: It's you
Chapter 7: Navin
Chapter 8: Sacrifice
Chapter 10: Follow your dream
Chapter 11: Amsterdam
Chapter 12: Bothering
Chapter 13: I found you
Chapter 14: It's decided
Chapter 15: Let's go home
Chapter 16: New Chapter
Chapter 17: Going back
Chapter 18: Conditions
19: Second Home
20: Maven
22: There She Is
23: Novus Lux Inc.
24: Teacher
25
26
27

Chapter 9: The Plan

672 26 9
By Meishah22


Jessy's POV

Tulad ng sinabi ng magaling na si Ren, hindi na ako tumuloy sa workshop. Okay sana kung kasama ko siya nung pinagalitan ako ng HR officer namin. Pero, hindi eh! Ako lang mag isa ang nakatanggap ng nakakabusog na sermon. Sinibak na nga ako, nainsulto pa ako.

Isa raw akong kahihiyan ng Maven University! Aray ko ha!!

Nakatayo lang ako malapit sa traffic light at nag hihintay mag green ang light para maka cross na ako.

Agad ako naluha at tuluyang naiyak. Ayos lang sana kung umuulan, pero hindi! Tirik na tirik ang araw habang umiiyak ang ate niyo!

Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob at sobrang tagal ko ng tinatago lahat ng sakit.

Napapatingin ang mga amerikano saken. Wala akong pake! Hindi naman uso dito ang pakealamanan eh.

"huhuhu." lintek. Nawalan na nga ng trabaho, nawala ang sinususpetsya namin na si Matthew at nawala rin daw ang memorya niya.

Bakit ganito ang buhay?

Agad ako napahagulgol mag isa ko. Nag green na ang light pero hindi parin ako nag cross. Sa sobrang emosyon ko agad ako yumuko at niyakap ang tuhod ko. Pero....

"AWWWW!!" nasubsob naman ang mukha ko sa sahig at natumba ang lalakeng bumangga saken.

"the hell! Why are you blocking the way?! And why did you---" biglang sigaw niya pero agad naman siya natahimik nang napansin niyang umiiyak ako.

May edad na siya at halatang nagmamadali.

"errr. Are you hurt?" tanong niya saken sabay hawak niya sa balikat ko at tiningnan ang mukha ko.

"I--I am." para akong bata na mas naiyak. Halata namang nataranta siya. Akala ko wala na talagang makakapansin na sobrang nasasaktan na ako."Shhh.. Shhh.." napapatingin na kasi ang mga tao sa banda namin. Agad naman niya ako tinayo at inabutan ng panyo. Pinagpag niya naman ang tuhod ko dahil nadumihan ito. Hindi ko nagawang tanggapin ang panyo niya kaya binalik niya ulit ito sa bulsa.

"shit. Will you stop crying? The hell... I lost Mariya." bulong niya.

"come." agad naman niya ako hinila patungo sana sa isang bench pero hindi ako nagpahila sa kanya.

"What now?!" halos gigil na gigil na siya.

"I don't trust strangers." sabi ko naman sa kanya. Sa mukha naman niya para siyang nagulat. Napailing lang siya at napabuga ng hangin sa inis.

" You know what miss? I lost the lady I've been searching for years. All because of you. And now you'll look at me as if I'm at fault for what happened to you? what the hell happened to you anyway?! Why are you crying in public? Goodness." napasuklay siya sa makapal niyang buhok. Ewan ko lang ha, pero parang may naaalala ako sa pananalita niya. Sino?

"sorry sir, but I can't narrate my bitter story." napangiti siya pero may halong inis. Wala akong pake sa kanya. Inalis ko ang kamay niya na nakakapit sa pulso ko. Kailangan ko mahanap si Matthew. Pero.... Hahanapin ko muna ang gago na si Ren.

"hey hey!! Don't turn your back on me Lady! Show your manners, you're just the same age like my son!" agad niya ako hinila pabalik.

Pinahid ko naman ang luha ko. Bakit ba ang kulit ng mamang to? Ano paba ang kailangan niya saken?

"Apologize to me." he said in demanding tone.

"hala... Bakit ako mag sosorry sayo?" hindi naman siguro niya naiintidihan ano?

"aba. Sumasagot kapa." para ko nga siyang tatay. Linte!! Naintindihan niya ako?

"Hala. You can understand me?"

"huwag mo ako englishin at mag sorry ka saken Miss." Siya kaya ang naunang nag english saken, para akong anak niyang pinapagalitan.

"hala sir, bakit ako mag sosorry? Kayo po ang hindi tumitingin sa daanan niyo. Kayo kaya ang bumangga saken." pangangatwiran ko naman. Hindi ako tipikal na sumasagot sa mas nakakatanda saken, pero kung alam ko nasa tama ako bakit hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko? Diba?

"pfft. Huh. Alright. Pero sino ba ang may sabi sayo na bigla ka yuyuko lalo na't alam mo nasa gitna ka ng daan huh? Diba, ayaw mo may humaharang sa harap ng gate ng bahay niyo? It goes the same when you block where people usually pass."

"Bakit kaba nakikipagtalo saken? Pareho naman po tayo may kasalanan " napa pout tuloy ako. Bakit ba ang daldal ng manong na 'to? Mukhang seryoso pa naman siya.

May similarity sila ni.... Matthew. Si Matthew nanaman ang naalala ko. 😢 Sa kakahanap ko sa kanya, parang halos lahat ng tao kamukha niya na. May time na bigla ko lang nahila ang isang lalake na akala ko si Matthew, mukhang na trauma ata siya sa hitsura ko nang nakita niyang halos maiyak ako. Nakakahiya yun.

"and whoa. You're crying over small things. Parang ako pa may kasalanan ha. Tsk. Iba na talaga ang generasyon ngayon. Brat." napamewang pa siya.

"Small things? Bakit? Kilala niyo po ba ako? Para husgahan ako? Alam niyo ba problema ko? Alam mo gaano kabigat ang problema ko? I'm still starting my career,my life..   pero isang snap lang nawala agad. At the age of 14 ang daming nangyari saken. Ang daming pagsubok na dumating sa buhay ko. Ni hindi ko nga na enjoy ang highschool life ko eh dahil sa kakatrabaho. Tapos nung college hirap na hirap ako. Tapos kung saan may masasandalan ako, nawala naman sila. Ano? Small things ba ang iniiyakan ko? Waaaaaa! Bakit ba ganito ang buhay ko? Wala ng trabaho, hindi pa ako maalala ng nobyo ko, at wala pa akong perang dala ngayon!" biglang bulalas ko. Hindi ako emosyonal sa mga stranger pero nalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa mamang to. At gumaan naman ang pakiramdam ko. Tiningnan niya ako na para bang isa akong weird na tao. At oo, weird nga ako ngayon.

"what's wrong with you? I think you need psychiatrist miss." inayos niya naman ang coat niya at umalis na siya. Tiningnan ko siya papalayo at sabay iling pa ng ulo niya. Tiningan ko ang pigura ng likod niya. Kung nakatalikod ito, para nga si Matthew. Pero... Sa sobrang dami ba naman ng tao sa mundo, malamang may makakahawig ka sa porma, galaw at pananalita. O sadyang... Namimiss ko lang ang gago.

"Sorry na po!!" sigaw ko naman sa kanya, he just waved his hand without looking back at me.

Napansin ko naman ang bulaklak na naiwan sa may stop light. Kanino kaya yan? Bakit iniwan? Sinadya kaya?

***

Dani's POV

Nakipag meet naman saken si Ren sa isang cafe malapit kung saan ako nakatira. Mukhang tumanda siya dahil hindi na siya nakapag shave at nangayat plus may eye bags.

"okay ka lang?" tanong ko naman sa kanya sabay usog ng coffee sa kanya.

"do I look okay to you?" biglang bulalas niya naman saken. I sipped and flashed my close up like smile at him. "No. Because you aged a lot."

"Aba't gago....." pero agad naman siya huminahon.

"look at you. Ang laki ng pinagbago mo sa pagiging King. Pero....si Matthew kaya?" agad naman kumirot ang puso ko. Alam ko kahit kailan hinding hindi ko makukuha ang simpatsya nila. Si Matthew parin ang hahanapin nila at mananatiling bilang King.

Napangiti ako ng mapait sabay sip ulit sa kape ko. Kunwari hindi ako apektado.

"So, may balita naba kay Matthew? Nakita mo na ba siya ulit?"

"Hindi nga siya tumawag eh. Ikaw, sigurado kaba wala kang alam? Anak ka kaya ni Daniel nuh. Bakit di mo alam ang kilos ng magaling ama mo?"

" tsk. I told you, wala akong alam. Alam mo gaano kahalaga si Jessy saken. At alam ko hinahanap niya si Matthew." lumapit naman ang mukha niya sa mukha ko na para bang duda siya saken.

"Anong malay ko na gusto mo pala masolo na ng tuluyan si Jessy?" he smirked.

"Are you suspecting me?" I controlled my emotion.

"Should I?"

Sasagutin ko pa sana siya nang biglang napahiyaw siya sa gulat. Agad naman siya nakatanggap ng isang sakal at sabunot.

"GAGO KA!! INIWAN MO AKO SA HOTEL!! UMALIS AKO NG HINDI BITBIT ANG GAMIT KO DAHIL WALA AKONG PANGBAYAD!! BALIKAN NATIN ANG GAMIT NATIN!!" napatigil naman siya nang magtagpo ang mata namin.

"Esfriend?" sabay na tawag namin sa isa't isa.

Bigla niyang binitawan ang buhok ni Ren at agad tumungo saken. Niyakap niya agad ako at sobrang gulat na gulat ako. Pareho parin pala.  I still feel the same. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"esfriend. . I miss you so much" nakangiting bati niya saken. I smiled back and held her cheek.

"me too."

**

Sabay na kame kumain. "At saan ka nag suot ng mga nagdaang araw ha?! Ang haggard mo!" bulyaw naman ni Jessy kay Ren. Napansin ko na masyado na nga komportable si Jessy kay Ren. Nakakaselos, parang may pumalit saken. Pero, maganda na yun at least may masandalan siya sa oras na wala ako. Masaya ako dahil nagkaroon rin siya ng bestfriend maliban saken.

"ang ingay ingay neto. Pwede ba? " sabay hilamos naman ni Ren sa mukha niya. Mukhang puyat naman ito.

"ah. Let me guess, siguro may boyfriend na si Loise. Kaya MISSING in action ka." i said out of the blue. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Alam naman ng lahat na talagang hindi pa siya nakaka move on sa ex niya. Hindi lang namin alam kung mahal niya pa ba o hindi na. Pero sa tuwing binabanggit namin si Loise, natatahimik ang uncle niyo. Haha!

"bakit ikaw pala? Diba mahal mo pa---" agad ko naman siya sinubuan ng isang bread para hindi na siya dumaldal.

"teka. May balita na ba kayo kay Matthew?" tanong naman ni Jessy. Makikita mo sa mata niya na talagang umaasa siya. Umiling naman si Ren sa kanya.

"Sorry esfriend, maging ako hindi ko rin alam." ngumiti lang siya saken. Ano ba ang silbi ng pagiging King ko? Ang tagal ko na rin hinahanap ang gagong yun.

"Si Carl naman, wala ring nakakaalam kung nasan siya?" tanong ulit ni Jessy. Yes, plano nila ibalik ang dati. Uumpisahan sa paghahanap ng mga taong lumisan.

Hindi namin alam kung nasan ba talaga ang eksaktong lokasyon ni Carl at Miss Cathy.

"this is what my resources says." nilapit ko naman ang isang brown envelope.

"possible na nasa Amsterdam siya?" tumango naman ako. Napangiti naman sila. Si Loise at Ace naman ay nasa Canada, hindi naman sila mahirap hanapin.

Si Miss Cathy, wala parin kameng hint kung nasan siya.

As for Matthew, nakilala nilang bilang Navin. Pero wala paring sapat na ebidensya na siya talaga si Matthew.

"Ikaw Dani, kelan ang alis mo?" tanong naman saken ni Ren.

"A couple of days." nakita ko naman sa peripheral vision ko na nalungkot si Jessy. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"after that...I'll be back in our hometown." agad naman siya napangiti.

"talaga? Uuwi kana talaga for real?" tumango naman ako sa kanya. "sus. Huwag na." sabat naman ni Ren.

I mouted him 'Gago' pero napangiti naman siya.

"so, the real King will make his comeback." sabi ni Ren saken sabay ngiti.

Shit. Hindi naman ako basta si Dani Luis Marcelino. It's Luis King. Isa na nga akong King.

"Pag nakumpleto na tayo. Sabay sabay natin ipaalala ang mga memoryang binuo kasama si Matthew. Salamat naman esfriend at babalik kana. Parte ka rin kaya ng buhay ni yosiboy." tiningnan ako ni Jessy sabay ngiti.

Nakakainis dahil naging parte rin ako ng buhay ng nobyo niya. Para akong paulit ulit na sinasaksak sa tuwing nakikita ko sila.

Pero.... Mahal mo nga diba? Kaya naman kaya mong mag sakripisyo.

If you truly love one person, you don't need to tell her. You don't have to let her see and feel how much you long for her..how much you think of her...how much you love her.

Just keep it to your self and love her secretly.

That's how I love you Jessy. Pero, sana ako yun. Ako sana yung nasa posisyon ni Matthew. Naunahan lang ako. At shet, destiny talaga ang nagtagpo sa inyo.

***

Navin's POV

This calling card keeps on bothering me. Do I need to call that guy? My mind and heart keeps on debating if I should trust him or not.

Ren? It's my first time hearing and seeing him. Oh well, maybe I saw him but I don't remember him. We met in a bar? For real? My dad said I often spend my time in bar before, but why is it everytime I drink I easily pass out? It is because of surgery that I went through?

This is too hard. Finding your old self. I don't want to try remembering my past because it doesn't seem important to me. But, something triggered me to do so. I don't know who, what, and why?

Do I really need to find my old self? Or it's better to stay this way?

After contemplating, I decided that maybe it's good for me to know my olf self. I want to know more about myself. I know deep inside of me something is missing.

I dialled his number and waited to answer my call.

***

"hello?" it's a woman voice on the other line. He checked his phone if he dialled the right number.

"yes? May I know who's this?" she asked again. "errr. I'm sorry is this Mr. Lenon number?" Navin inquired.

There was a pause. He checked if she ended the call. Bigla namang bumilis ang puso ni Jessy nang marinig niya ang boses ng lalake sa linya. Kahit ang tagal na, sigurado siya na kay Matthew ang boses na ito.

Naiwan kasi ni Ren ang phone neto sa table at nasa counter habang nag order ng makakain nila.

"hello? Are you still there?" tanong ni Navin.

"Ma--Matthew?" tanong niya bigla ni Jessy. Natahimik rin si Navin sa kabilang linya, nagtaka siya bakit Matthew ang tawag sa kanya. Mukha ngang nagkamali siya ng dial. Pero may iba siyang naramdaman nang banggitin ang pangalang Matthew. Parang bigla nag iba ang beat ng puso niya at hindi niya ma explain ang pakiramdam niya, pero agad niya ito isinantabi.

"ahm... Sorry. This is not Matthew, it's Navin. Can I talk to Mikhail Ren?"

"Navin? Ah...eh..." agad naman siya kinabahan dahil hindi niya alam ano ang sasabihin niya dito. Dumating si Ren at nilapag ang pagkain.

"psst. Sino yan?" tanong ni Ren dito. Pero agad naman binigay ni Jessy ang phone kay Ren na ikinabigla neto.

"si..si Navin!" halos bulong niya naman para hindi marinig sa kabilang linya.

"fvck!" voiceless na react naman ni Ren. "oh Hi bro. Ren's speaking. How may I help you?" as if wala lang ito sa kanya. Pero sobrang excited siya makausap si Matthew.

"I want to know more about my past. Can you really help me?" prankang tanong ni Navin dito. Napa smirk naman si Ren sabay tingin kay Jessy at nag wink sabay okay sign.

"if you'll let me bro. I can help you. " nanlalamig naman ang kamay ni Jessy.

" alright. I want to know my past. But, give me more time. I'll try asking my father first and I'm going somewhere in Europe, let me think first there."

"WHAT?! Defuta! Bakit kapa mag iisip dun sa somewhere in Europe?! Kung nandyan naman sayo ang utak mo?!" biglang napatayo si Ren at nagulat rin si Jessy sa reaksyon neto ganun rin si Navin sa kabilang linya.

"relax ka nga! Putek ka Ren!" voiceless namang sabi ni Jessy pero nabasa ito ni Ren.

"What is it to you if I'll go there? I want to relax. And decide with a sound mind." pinilit naman ni Ren kumalma.  Halos gusto niya itapon ang phone sa ungas na amerikano na feeling gwapo.

"tsk. So... Tatawagan mo ako ulit?"

"Maybe."

"damn. Oryt. May I know when will you leave? And where?"

"tomorrow. " walang ganang sagot ni Navin dito. "linte!!!! Bukas na agad?!" pinagtitinginan naman sila ng mga tao pero wala silang pakialam.

"gagu ka Ren! Make him stay!!" desperate whisper naman ni Jessy kay Ren.

"Magkita tayo bago ka umalis! Nandito...nandito ang special friend mo!" agad naman pinasa ni Ren ang phone kay Jessy. Wala namang masabi si Jessy. Pinawisan naman siya ng malamig.

"excuse me? He--hello?" nagtaka naman si Navin. Hindi niya kasi maintindihan ang pinagsasabi ni Ren.

"Ikaw naman gumawa ng paraan duckling ka! Kahit papano may sparks parin yan! Putakte!!!" sabay hand gestures pa ni Ren na dapat magsalita siya.

"ah...ahm... Navin?" kinakagat naman ni Jessy ang kuko niya.

Napatampal naman sa noo si Ren. "SABIHIN MO MATTHEW!!! Mention his real name!!" pero walang boses na lumalabas sa bibig ni Ren.

"errr. Who's is this?"

"ah. Hehe. Si Jessy. Natatae kasi si Ren." halos batukan naman siya ni Ren dahil sa pagpapahiya neto sa kabilang linya.

"I'm sorry but let's talk some other time. And I need to go. I need to see my girlfriend"
Para namang sinaksak ng samurai si Jessy. Napangiti siya ng mapait.

"hehe. Sige. Ke....kelangan ko na rin ibaba to ".

Jessy's POV

Inabot ko naman kay Ren ang phone niya. Agad naman siya nag tapon ng mga tanong niya.

"putek! Pinigilan mo?"

"ano ba sabi niya? Nag pause ba siya sandali?! Tapos sinabi niya bang familiar ang boses mo?!"

"kelan pala ang flight niya?!"

"ano?! Makikipag meet naba siya satin?!"

Umiling naman ako. "makikipag kita pa siya sa girlfriend niya"

"ayos. So makikipag kita siya sayo?!" ewan ko ba kung tanga si Ren o nagpapatawa lang siya. Pero hindi eh. Mas nasasaktan lalo ako.

"gago ka ba? Ulol ka! May girlfriend nga siya ngayon diba? Yung magandang babae! At tanga kaba? Ang narinig mo naman kung ilang linya lang sinabi ko sa kanya diba?! Bakit kung makatanong ka parang wala ka dito habang nakikipag usap ako sa kanya?!"

"tsk. Lintek. Fvck. Ano na gawin natin Jessy? Paano pag nagbago nanaman ang isip nun?"

Sa totoo lang. Hindi ko rin alam ano ang gagawin ko. Nawawalan na ako ng pag asa. Bakit ba ganito? Nasa isang drama ba kame?! Grabe kalupit!

"bukas ang alis niya."

Aalis nanaman siya? Paano pag this time, hindi ko na talaga siya makikita?

" there's one person who can help us."

"huh? Sino naman?"

"tsk. Yohan."

"Ren, ayusin mo pagsasagot mo saken! Sino yun?!"

"nako linte Duckling, kailangan bang sabihin ko pa sayo? My effin Dad. Tara..." agad naman kame tumayo para puntahan nga daw ang dad niya.

Oh my. Sana nga matulungan kame ng dad niya.

Jackie's POV

hmmm.. Ang tahimik naman ng boyfriend ko. Ano naman kaya ang problema neto? Nainis ba siya kung pinag hintay ko siya? Sabi ko naman sa kanya na male late ako ng uwi.

"wuyyy. Galit kaba saken?" patuloy lang siya sa pag drive ng kotse at hindi pinansin.

"Navin? Huyyy." i poked his cheek. Agad naman niya kinuha and intertwined his fingers with mine.

He looked at me. "Let's go in Amsterdam tomorrow."

"AGAD AGAD?! HINDI MAN LANG AKO NAKAPAG PAALAM?!"

"i just did. Hehe." he kissed the back of my hand. My goshhhhh. Namula ako dun. Palagi niya naman ginagawa yun pero palagi parin ako kinikilig.

"huyyy! Gagu ka! Ano sasabihin ko kina mama at papa?"

"diba, sabi ko sayo nakapag paalam na ako?" hindi naman ganito si Navin, lahat ng plano niya pinapaalam niya muna saken, pero bakit ngayon biglaan ata ang pagbabakasyon namin?

"Navin, may problema kaba? You look bothered. Nag away ba kayo ni Tito Terrence?"

"Silly, nope. I just want to go on a trip with my girlfriend. After all it will serve as our first anniversary together." he smiled at me. Tama pala, mag one year na pala kame. Imagine natiis ko ang may topak pero sweet kong boyfriend?

Binaba niya na ako sa samin. Nakasandal naman siya sa pinto ng kotse niya. He opened his arms, means dapat bigyan ko siya ng hug. I gave him one and he welcomed me warmly.

"Jackie..." inamoy niya naman ang buhok ko. Napangiti naman ako habang pinapakinggan ang tibok ng puso niya.

"I need to tell you something but I'll tell you after our vacation in Amsterdam. Okay lang sayo? " tumingila naman ako sa kanya.

"oo naman. Walang problema. Hehe."
Hinalikan niya naman ako sa noo. Pinapasok niya muna ako bago siya umalis.

"I love you Jackie."

"i love love love you too Navin!" sabay flying kiss ko naman sa kanya. He just chuckled.

Ano kaya ang sasabihin niya saken?

Continue Reading

You'll Also Like

112K 237 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
177K 6.6K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
294K 8.2K 137
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
214K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad