Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 319K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C13: Freya
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C26: The Queen Bee
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C41: Beginning of an end
C42: The monster inside
C43: Apocalypto
C44: Consequences
C45: To perish or to subsist
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C27: The Queen Bee (part 2)

202K 4.2K 1.2K
By enahguevarra

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Amanda's POV

"Ako nga pala si Summer. Let's be friends from now on."

Inabot ko ang kamay niya upang makatayo at unti-unting pumorma sa mga labi ko ang isang ngiti.

Naalala ko ang araw na yon. Ang araw na kinaibigan ako ng isang Summer Dela Vega. Sino ba naman ang makakatanggi sa isang Queen Bee?

Mas lalo lang ako mapapasama sa mga gulo kung tatanggihan ko siya. Nakikita ko ang mga ginagawa niya sa iba. Ang mga pangbu-bully, ang mga masasamang gawain.

Ngunit hindi ko inakala na magiging ganun din ako kasama.

"You have to walk properly. Walk like you own this whole campus."

Tinignan ko lang si Summer habang nagma-make up siya sa harap ng salamin. Binigay niya sa akin ang lip balm niya at ginamit ko naman ito.

"Kapag kasama mo ako dapat wala kang kinatatakutan dahil lagi lang akong nasa likod mo. Don't worry, walang mananakit sayo hangga't alam nila na best friend mo ang Queen Bee." Nginitian niya ako.

Mabait naman talaga si Summer. Minsan nga lang ay nasosobrahan ang pagiging sikat niya.

"Ayaw kong mapahiya. Ayaw kong isipin nila na mahina ako. Kaya madalas pinaparamdam ko na superior ako sa lahat. You know what I mean di'ba?"

Tumango lang ako.

"Baka sabihin nila na hindi ako nakatataas. Baka mawalan sila ng respeto sa akin. Iyan lang naman ang pinag-iingatan ko sa school na to."

---

"Hello classmates, ako nga pala si Freya. Sana maging magkaibigan tayong lahat."

Nasa harap naming lahat ang isang hindi katangkaran na babae, maikli ang buhok at maganda ang ngiti. Mukha naman siyang mabait. Ngunit nagulat ang lahat nang umalis siya sa kinatatayuan niya at lumapit kay Summer.

Tinignan lang namin sila.

Gulong-gulo ang ekspresyon ng mukha ni Summer ngunit si Freya ay ngiting-ngiti sa kanya.

"Summer! Naalala mo pa ba ko? Best friend mo ko nung elementary tayo. Tuwang-tuwa talaga ako nang nalaman ko na dito ka rin nag-aaral!" Tumawa lang siya habang hawak hawak ang dalawang kamay ni Summer.

"I-Im sorry."

Tumingin sa amin si Summer at muling tumingin kay Freya.

"Hindi kita kilala! Lumayo ka nga sa akin! Feelingera!" Tumayo si Summer at tinulak si Freya palayo.

Nakita ko naman na lumapit si Andy sa kanya upang itayo ang bago naming kaklase. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata nito pati rin ni Summer.

Ano ba talaga ang katotohanan?

Simula noong araw na yon, hindi na tumigil ang lahat sa pagpapahirap kay Freya.

Minsan nakikita ko na lang si Freya na tumatakbo papunta sa rooftop. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Ako rin ang ginaganyan dati. Ako ang umiiyak. Pero ngayon, isa na ko sa mga nananakit.

Bakit hindi ako masaya? Bakit parang may kulang pa?

---

Nakarinig ako ng isang magandang tugtog. Tinignan ko si Freya na nag-iisa lang sa classroom habang hawak niya ang itim niyang flute. Malungkot at medyo matinis ang tono ngunit maganda naman sa pandinig. Hindi ko alam na marunong pala siyang tumugtog ng flute.

Noong mga panahong iyon, hindi ko talaga siya maunawaan. Hindi ko alam kung bakit tila napakaimportante ng pagiging Queen Bee. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng nakakataas hanggang sa unti-unti na rin akong nagiging isang Summer Dela Vega.

---

"Nabalitaan ko na madami ka raw kinakalat na chismis tungkol sa akin." Hinatak ako ni Summer sa loob ng c.r at tinitigan ako nang masama bago muling nagsalita. "At sinasabi mo rin na dati ko pang sinisiraan sila Maeri at Anne. What the hell is wrong with you, Amanda?!"

"F.Y.I, hindi chismis ang lahat ng iyon. Nagsasabi lang ako ng totoo." Tinanggal ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. "Anong gagawin mo, Summer? Pabagsak ka na nang pabagsak ngayon."

Umirap siya at muling pumameywang.

"Tandaan mo Amanda, kung hindi dahil sa akin, wala ka diyan sa kinatatayuan mo. Kung hindi kita tinulungan, sana nandun ka pa rin sa rooftop at umiiyak. Hindi mo ba naalala? Amanda the loser?"

"Oh c'mon Summer. Katangahan mo yan, wag mo sakin isisi ang mga ginawa mo dahil unang-una, hindi ko sinabing tulungan mo ako." Tumingin ako sa malaking salamin. Naglagay ako ng lip gloss at nagpatuloy sa pagsasalita. "Isn't it ironic?" Lumingon ako sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatayo habang tinitignan ako.

She's dumbfounded, huh?

"Dati ako yung kawawa. Dati ikaw ang nasa taas. Pero ngayon, baliktad na. Anong feeling Summer? Ang feeling maging si Amanda the loser? Maging si Freya? Anong feeling maging si Alex? Sabihin mo sa akin Summer, anong feeling ng nasa ibaba?"

"Fck you."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay tumalikod na siya at umalis.

---

Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung tama ba ang mga ginawa ko. Hindi ko alam kung para kanino, kung para saan. Basta ang alam ko, ginawa ko ang dapat. Ngunit nagtataka pa rin ako sa mga nangyayari, mukhang mali nga.

Ako ang masama. Ako ang demonyo. Ako ang totoong mamatay tao.

---

"Please.."

Nasa harap ko ang umiiyak na si Summer. Kitang-kita ko ang pagmamakaawa niya habang nakaluhod siya sa harap ko.

"Ayoko pang mamatay." Napayuko siya sa mga paa ko at ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Hindi ... wag kang maawa Amanda. Ginawa ka niyang denmonyo. Ginawa ka niyang walang awa. Dapat lang ito sa kanya.

"Itulak mo na siya." Wika niya. "Ano pa bang hinihintay mo Amanda? Itulak mo na siya."

Tinignan ko ang bukas na pintuan ng rooftop. Kapag ba tinulak ko siya mula rito ... mamatay na siya?

"Bakit ka pa ba nag-iisip? Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa niya? Hindi lang sayo kung hindi sa ating lahat."

Tinignan ko ang paligid ko.

"Amanda... gawin mo na. Itulak mo na si Summer."

Bumalik ang tingin ko kay Summer na iyak pa rin nang iyak.

"Hindi ko kaya." Lumingon ako sa likuran ko kung saan nakatayo siya at nakatingin sa amin. "Hindi ko kayang itulak si Summer."

Kahit na sobra ang galit ko sa kanya. Bakit ganito pa rin ang nadarama ko? Tama si Summer. Tinulungan niya ako. Tinuring niya akong isang matalik na kaibigan at nasasaktan na ko ngayon ... hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang manakit ng isang kaibigan.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niyang tinulak si Summer. Narinig ko ang malakas niyang sigaw at kasunod nun ay ang tunog ng pagbagsak niya.

Napaluhod ako sa nakita ko.

Si Summer...

"Hindi naman mataas ang pagkakahulog niya. Ang tatanga nyo naman. Pwede pa ngang mabuhay yan eh." Nakita ko siyang pumunta sa nakahandusay na katawan ni Summer at tinapakan niya ang tiyan nito. "Tss ... bakit ka pa ba kasi nangielam?!" Sigaw niya sa katawan ni Summer na akala mo naman ay sasagot sa kanya. "Iyan lang ang nararapat sayo!"

"Tara na." Tinignan ko muli ang nasa likod ko. Inabot ko ang kamay niya at umalis na kami.

Andy's POV

"Anak kumain ka na."

Napasimangot na naman ako sa narinig ko. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa kanya na huwag na huwag niya akong tatawaging anak?

Hindi talaga marunong makinig ang mga matatanda.

Inalis ko ang pagkaka-plug ng charger ng phone ko at lumabas ng kwarto. Kahit ilang beses kong narinig na tinawag ako ng mga katulong ay dere-deretso ako sa labas ng bahay.

Ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa pantalon ko. Pupunta ako ngayon sa may kanto.

Binasa ko muli ang text galing kay Summer.

Sender: Summer

Message: Andy, kailangan kitang makausap. Meet mo ko sa kanto sa may inyo.

Anong sasabihin niya?

"Andy." Nakita ko siyang lumapit sa akin. "Hindi ko ine-expect na makikipagkita ka nga sa akin." Mas lalo pa siyang lumapit sa kinatatayuan ko. "Noong bumalik ako, akala ko magagalit ka sa akin."

"Bakit naman?" Tugon ko sa mga sinabi niya.

"Dahil nalaman ko na namatay si Freya. Baka kasi ako ang sisihin mo sa mga nangyari. Pero noong mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ... si Freya lang ang nandun. Siya lang ang kumampi sa akin nung mga panahon na wala na kong makakapitan." Nakangiti niyang wika at para bang kumikislap-kislap pa ang kanya mga mata.

"Pero noong kailangan rin niya ng kaibigan. Naroon ka rin ba sa tabi niya?"

Sigurado akong nagulat siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko siya masisisi. Alam ko ang lahat ng mga pinaggagagawa niya.

"Noong kailangan niya ng makakapitan. Nasaan ka?"

"Kaya ako pumunta rito para humingi ng tawad. Andy, pinagsisihan ko ang lahat ng ginawa ko kay Freya. Napakabuti niyang tao. Napakaswerte mo dahil ikaw ang minahal niya." Nakangiting sinabi sa akin ni Summer.

Minahal?

"Ako maswerte?" Tumawa lang ako nang mahina at sumandal sa pader. "Eh kayo ni Ash? Anong nangyari?" Hindi ko naman sinasadya na itanong sa kanya ang tungkol kay Ash. Hanggang ngayon galit pa rin ako sa lalaking yon, pero kapag sinabi mo kasing Summer Dela Vega, hinding-hindi mawawala ang isang Ash Flores.

"Alam mo naman na kunwari lang ang relasyon namin dati di'ba?"

Tumango ako biglang tugon sa tanong niya.

"Dahil may iba siyang mahal ng mga panahon na yon. Noong una, ayos lang sa akin pero nung nalaman ko kung sino. Andy ... may nagawa akong masama." Napayuko siya ng ilang sandali at muling tumingin sa akin.

"Si Maddie ba yon?"

Naalala ko muli ang mga nangyari dati...

Nadatnan na lang namin ang mga pulis sa classroom. Binalita nila sa amin na namatay si Maddie Smith, isa sa mga kaklase namin. Natagpuan ang katawan niya sa faculty room na puro saksak. Ang ginamit na pansaksak ay nakabaon pa rin sa loob ng bibig niya. Ngunit walang fingerprints ang kutsilyo kaya nasabi ng mga pulis na nasa murderer pa rin ang totoong ginamit sa pagpatay.

"Si Summer ang gumawa nun!" Tumayo si Amanda at tinuro si Summer na nakaupo lang nang tahimik. "Sigurado ako! Nakita naman nating lahat di'ba? Nag-away sila kahapon at walang ibang pwedeng pumatay kay Maddie kundi si Summer!"

Nagsitinginan ang buong klase kay Summer

"What the fck?!" Sigaw ni Summer kay Amanda. "Sino ka para sabihin na kaya kong pumatay? Watch your words, Amanda. Wag kang basta-basta mambibintang dahil hindi mo alam kung ano ang nangyari. At yung away namin? Simpleng away lang yon. Bakit papatayin ko siya?! Baliw ka na!"

May muling dumating na pulis at tumayo sa harap ng buong klase.

"Alam nyo ba kung kanino tong bracelet na to? Nakita ito sa tabi ng biktima." Itinaas niya ang silver na bracelet. Itinaas naman ni Maeri ang kamay niya at tumayo. "Alam ko po kung kanino yan." Sabi ni Maeri at pagkatapos ay tinuro si Summer.

"Kay Summer po yan!"

Nangibabaw ang sigawan sa buong classroom.

Muli akong bumalik sa realidad.

"Wag ka ngang magbiro, Andy. Sa tingin mo, magugustuhan ni Ash si Maddie?" Naglakad siya palayo. "Yung taong iyon ... siya yung taong kahit kailan ay di ko matatalo. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng tao sa school siya pa ang minahal ni Ash. Maganda naman ako, di'ba? Pwede naman niya akong mahalin katulad ng pagmamahal niya sa taong iyon." Lumingon siya muli sa akin.

Medyo may kalayuan na ang agwat naming dalawa.

"Pero bakit ganun? Bakit di niya ako magawang mahalin?"

Nanlaki ang mga mata ko at huli na nang napansin ko na yakap-yakap ko si Summer.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. "Sino yung taong yon?!" Tumingin ako sa taong naka-itim na jacket na tumatakbo palayo. "Bakit balak ka niyang patayin?"

Masyadong mabilis ang nangyari.

Habang tinitignan kong palayo sa akin si Summer ay biglang may lalaking patakbo sa kanya na may hawak na kumikislap ... isang kutsilyo.

"H-Hindi ko a-alam." Ang tanging nasabi ni Summer. Inilayo ko siya sa pagkakayakap sa akin. Nanginginig siya at tila takot na takot.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" Tumingin lang siya sa akin. "Ayos lang ba?" Tanong niya.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Sa tingin mo hahayaan kong umuwi kang mag-isa pagkatapos ng nangyari ngayon-ngayon lang?" Hinatak ko muli ang kamay niya papunta sa likuran ko. "Diyan ka sa likod ko para mas ligtas." Ramdam ko ang pagsandal niya sa likuran ko pati na rin ang panginginig ng kamay niya.

"Salamat Andy," wika ni Summer.

Ash's POV

Kinuha ko mula sa drawer ang nag-iisang sulat na binigay sa akin ni Summer dati. Tinago ko ito sapagkat hindi ko to kayang itapon na lamang. Naalala ko pa nung binigay niya ito sa akin---yung gabing yon.

"Ash, alam ko na."

Ibinaba ko ang headphone mula sa ulo ko at isinabit ito sa leeg ko. Nginitian ko lang siya. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya ngunit alam kong importante ito sa ekspresyon pa lang ng mukha niya. Para siyang iiyak.

Anong problema ni Summer?

"Mahal mo ba siya?" Maiyak-iyak niyang sinabi. "Alam mo naman di'ba na---"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Alam ko na Ash. Nakita ko kayong dalawa. Huwag mo nang itanggi." Tuloy-tuloy ang pagluha niya sa harapan ko.

"Oh tapos?" Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. "Summer, alam mo naman di'ba? Alam mo naman na hindi kita mahal. Kunwari lang naman tong relasyon na to. Bakit sobra kang nagpapa-apekto? Wala kang pake Summer. Buhay ko to."

Tumalikod na ko sa kanya. Naiinis ako. Bakit pati iyon inalam niya? Isusuot ko na sana ang headphone ko ngunit narinig ko na naman na sinigaw niya ang pangalan ko.

"Ash!"

Ngunit hindi ako lumingon sa kanya. Nanatili pa rin akong nakatalikod habang pinapakinggan ang mga sasabihin niya.

"Mahal kita! Hindi ba halata?! Sa tingin mo makikipaglaro ako ng kunwaring relasyon kung wala akong nararamdaman sayo?! Sa tingin mo tatagal tayo ng ganun kung wala akong gusto sayo? Mahal na mahal na kita Ash." Napakunot ang noo ko sa mga narinig ko. "Ash, wag mo naman akong gaguhin. Kung sinabi mo lang nung una ang tungkol sa relasyon nyo, sana hindi na lang ako nagkaganito. Kailan ka ba magsasabi ng katotohanan sa akin?"

Naramdaman ko na may binato siya papel sa likod ko.

"Kung gusto mong itapon yan, itapon mo! Wala na rin akong pakialam sa sulat na yan."

Binulsa ko lang ang papel at tinulak ko ang bisekleta ko palayo sa kanya. Walang mararating kung makikipagtalo lang ako kay Summer. Pareho kaming galit. Ngunit totoo naman ang mga sinasabi niya, ano pa bang laban ko? Iniwan ko siyang nakatayo roon at pinangako ko sa sarili ko na wala ng ibang makakaalam sa pinagusapan namin.

Pinangako ko na siya ang huling makakaalam patungkol sa sikreto ko---sa sikreto namin.

Hindi ko pa binubuklat ito simula nang gabi na yon. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong lakas para basahin ang mga nandito. Itinabi ko muli ang sulat sa maliit na drawer ng cabinet ko at kinuha ang cellphone ko. Hindi na muling nagreply si Denise sa kahit anong text ko. Bakit kasi pinauna ko pa siya?

Tumayo ako sa harap ng malaking salamin.

"Tama pa ba tong ginagawa ko?" Bulong ko sa sarili ko.

-----------------------------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 110K 43
The real you is the monster inside you.
3M 72.4K 56
"Hindi lahat ng mabuti ay mabuti at hindi lahat ng masama ay masama" - Tiffany Rochefort Achievement - #1 in Mystery Thriller
8.2K 794 11
"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."
1.6M 23.7K 31
Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Class resumes...