When Miss NBSB Meets Mr. Bull...

By IamAyaMyers

496K 5.8K 240

Hindi pa nagkaka-boyfriend si Catherine. Hopeless romantic kasi siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa i... More

Chapter 1
Chapter 2 Part 1
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 Part 2
Chapter 4 Part 1
Chapter 4 Part 2

Chapter 2 Part 2

22.3K 625 10
By IamAyaMyers


"We're here," anunsiyo ni Lance Pierro.

Saka lang napansin ni Catherine na nasa harap sila ng isang mamahaling restaurant. It was an Asian restaurant that served all kinds of Asian cuisine--- Korean specialties, Japanese, Chinese, and others. Alam niya ang restaurant na iyon. Hindi birong pera ang pakakawalan ng sinumang gustong kumain doon. Bukod kasi sa mga pagkain ay world class din ang establisyemento at may nakatalaga pang chef at waiter ang bawat diner.

Lihim na napangiti ang dalaga. Revenge is indeed at hand!

Mabilis na bumaba ng sasakyan ang binata at lunigid sa gawi niya, marahil ay upang  ipagbubukas siya nito ng pinto. Ngunit bago pa man ito makalapit ay mabilis na siyang naka-ibis ng sasakyan. Lihim siyang napangiti nang matigilan ito at tila nainsulto sa iginawi niya. Hindi na rin niya hinintay na alalayan siya nito papasok sa restaurant. Siya na rin ang  naghila ng upuan niya nang makarating sila sa mesa na nasa bandang sulok ng restaurant. 

Hindi na maipinta ang mukha nito nang makaupo sila. "Won't you really let me do those gentlemanly acts?"

Ngumiti siya nang sarkasriko. "I'm not expecting you to be a gentleman." Muli, alam niyang naka score na naman siya.

Sasagot pa sana ang binata nang lumapit ang waiter na nakatalaga sa mesa nila pati na ang chef na siyang magluluto ng kakainin nila. Pinauna niya ito sa pag-order. He settled for Korean food, maaanghang lahat.

"How about you ma'am?" baling sa kanya ng waiter na kanina ay sinenyasan niya nang palihim pati na ang chef na huwag siyang babatiin. Mukhang nakuha naman ng mga ito ang mensahe niya dahil napakapropesyonal ng ginawang pagtrato ng mga ito sa kanila.

"Fresh fruits in caramel dip, please pineapple juice. That's all! And please make sure to do the usual, okay?" Kumunot ang noo ni Lance Pierro nang ngitian niya ang waiter.

"Certainly, Ma'am," anang waiter bago magalang na tumalikod.

"Prutas lang ang kakainin mo? And what's the usual?" baling ni Lance Pierro sa kanya nang makaalis ang waiter at ang chef.

"You'll see," makahulugang sagot niya.

Hindi na ito nagkomento. Lihim siyang nangingiti sa nakikitang pagkabalisa nito. Tila hindi nito alam kung paano magbubukas ng paksang pag-uusapan, katunayan roon ang ginagawa nitong pagtapik-tapik ng mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. Ilang beses din niyang nahuling nag-iwas ito ng paningin kapag nahuhuli niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Parang gusto tuloy niyang magdalawang isip kung totoo ba talaga ang kayabangan nito dahil sa kaunting panahon ay marami na agad siyang nakitang inconsistency sa personalidad nito.

Nakahinga marahil ito nang maluwag nang maihain na ang mga pagkain, pagkatapos  ay pareho na silang naging abala sa pagkain. Manaka-naka ay nahuhuli pa rin niya itong sumusulyap sa kanya. Agad na nagbabawi ito ng tingin na sinasagot naman niya ng pagkibit-balikat. Iyon nga lang, kahit na anong gawin niyang pambabalewala rito ay hindi pa rin niya naiwasang hindi maapektuhan ng presensiya nito. Hindi kasi nakaligtas sa paningin niya ang humahangang mga mata ng mga kabaro niya na panay ang sulyap sa mesa nila. 

"Would you like some champagne?" Tanong nito nang matapos na silang pagkain,

Tumaas ang isa kilay ng dalaga. Marunong din pala itong magtanong. Akala niya, ito ang tipong hindi humihingi ng opinyon ng iba. "Champagne? What for?" May dapat bang i-celebrate?

"Wala lang," anito. Mayamaya ay sumenyas sa waiter upang hingin ang bill nila.

 Mabilis namang lumapit ang waiter. Nakadama siya ng kasiyahan nang makita ang dalawang set of bills.

There you go.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" nanggigigil na tanong ni Lance Pierro nang makita ang magkahiwalay na bills. 

"As you can see, there are two separate bills. Ibig sabihin, kanya-kanyang bayad tayo." Binigyan niya ito ng ngiting nagsasabing naisahan na naman niya ito.

"I won't allow that! Kahit kailan hindi ko pa pinagbayad ang mga babaeng nakasama ko!" agad na protesta nito. Nagbabaga na ang mga mata ng binata sa galit, gayunpaman ay nananatiling kalmadop ang boses  nito. Ngunit halata pa ring galit base sa pamumula ng mukha nito. Marahas na inilabas nito ang wallet at naglabas ng  credit card. Hinablot nito ang dalawang bill at ibinigay sa waiter.

"I'm sorry, Sir, but Miss Sanders' bill is already paid. Lahat ng nagtatrabaho rito ay alam ang patakarang iyan ni Miss Sanders. That is the 'usual'," paliwanag ng waiter.

Napangiti si Catherine kahit na bahagya ring kinakabahan.

Well trained talaga ang mga empleyado ng kuya niya. Isa lamang ang restaurant na iyon sa mga sangay ng restaurant na pag-aari ng kapatid nya. Mga pinagkakatiwalaang tao ang nagmamanage ng mga iyon dahil sa ibang bansa na nga nakabase ang kuya niya. Matagal na siyang kinukumbinsi ng kapatid na i-manage ang mga iyon pero sa tuwina ay tumatanggi siya  sapagkat nag-aaral pa siya at hindi pagnenegosyo ang hilig niyang gawin.

"Give her a refund! Damn it!" singhal ni Lance Pierro sa waiter.

"I'm sorry, Sir, but we stick to our costumer's usual preferences, especially Miss Sanders.'  Unless she tells us to do otherwise."

 Naniningkit ang mga matang bumaling sa kanya si Lance Pierro. "Catherine, huag mo akong ilagay sa ganitong sitwasyon."

Masyado ka kasing adelantado, eh. 'Ayan ang napala mo! natawa siya sa naisip.

"That's my rule, Alvarez. I've been doing it since the beginning, at hindi ko pa 'yon nababali. Lalong hindi ikaw ang babali sa nakasanayan ko na so live with it!" nagkibit balikat na sagot niya rito.

"I won't allow that!" Binalingan nito ang waiter. "Tawagin mo ang manager o ang may-ari! You do what I say or I'll sue all of you. I'm telling you, hindi n'yo magugustuhan ang gagawin ko!" banta nito.

Sinenyasan niya ang waiter na umalis na, kapagkuwan ay hinarap niya ang binata "I represent the owner. On what grounds would yousue us?"

"You represent the owner?! What the – oh, I get it! Your family owns this place."

"Why, Alvarez, what kind of woman do you usually date? Hindi ko ginagawa ito dahil sa 'yo.  I've been doing this since a long time ago, so don't feel too humiliated. This is the kind of life I live," aniya rito.  Sa mga tulad nitong adelantado at matataas ang ego, nakakainsulto talaga ang ginawa niya.

But he deserves it.

"Can't you just break it? It's total nonsense. Lagi bang magiging ganito ang sitwasyon  sa bawat restaurant na puputahan natin? Lagi ba nating pagtatalunan ang ---"

"Whoa! Hold it. Anong mga restaurant ang pinagsasabi mo? Let me make it clear to you, Alvarez Wala akong planong ma-involve sa isang kagaya mo, so this will be the first and last time that I come with you. And me paying for my own meal is not nonsense!"

"Okay, forget the 'nonsense' part."

"Can't you just say you're sorry?"

"Sorry? Come on, Catherine. Pride at reputasyon ko ang nakataya rito."

"Yeah, right. Makakasama nga naman sa reputasyon mo na may babaeng hindi mo mapasunod. I'm telling you, Alvarez, wala sa plano ko ang mainvolve sa 'yo." Sinasabi na nga ba niya at tama ang impresyong nabuo niya tungkol dito.

"Too late, babe, dahil nakuha mo na ang atensyon ko."

"Wala akong kinukuhang atensyon, Alvarez! I can't believe this!" napapailing na wika ng dalaga. Inignora na lamang niya ang endearment na ginamit nito, subalit hindi nakaligtas sa kanya ang tila paglundag ng  puso niya.

Pinayapa niya ang loob niya, saka tumingin sa suot niyang relo. "So, ihahatid mo pa ba ako? Kailangan ko nang makauwi. My little boy is waiting," aniya. Tumayo na siya at humakbang patungo sa exit ng restaurant.

Agadna humabol ito. "Y-you have a son?" tila hindi makapaniwalang tanong nito, nanlalaki pa ang mga mata.

Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. "Mukha ba akong may anak na?" Iningusan niya ito. "Well, I wish he was mine. He's my nephew." Hindi niya alam kung bakit itinama pa niya ang akala nito gayong dati-rati naman ay wala siyang pakialam kung isipin man ng mga bago niyang kakilala na may anak na siya.


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
8.2K 291 10
This is my very first novel under MSV Desire, and the first time to write under pseudonym Helene Del Mundo. This is the unedited version, kaya ipagpa...
124K 2.4K 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya...
462K 4.5K 13
Pinilit si Celine na dumalo sa isang masquerade ball--- ang Party of Destiny. Ayon sa host na si Lolo Kupido, doon makikilala ni Celine ang lalaking...