Chapter 2 Part 1

25.2K 604 9
                                    


NAGTUNGO SA library si Catherine at doon siya nagpalipas ng inis. Lunes na lunes pero hindi na maganda ang mood niya. Hindi na muna siya papasok sa susunod na subject, tutal ay minor  lang naman iyon. Sa library na lang  siya nagpalipas ng oras hanggang dumating ang oras ng pag-uwi niya.

Marahan siyang naglalakad nang maagaw ang pansin niya ng tila komosyon sa isang sulok ng campus. Babale-walain na lang sana niya iyon nang mahagilap ng tingin niya ang lalaking nakasalamin. Ito ang may ari ng thesis  na naging tulay para magkrus ang landas nila ni Lance Pierro Alvarez.

Napalunok siya nang makitang kinukwelyuhan ito ng isang malaking lalaki na tila bouncer sa club sa laki ng katawan. Bahagya siyang napaatras nang makita siya ng lalaking nakasalamin, biglang lumiwanag ang natatakot na mukha nito.

Oh no, not again!

Handa ng siyang tumalikod nang tawagin siya nito, "M-Miss Catherine!" Nagsusumamo ang boses nito katulad ng pagsusumamo ng mga mata.

What? Am I supposed to help him?

Napapantastikuhang luminga siya sa mga taong nag-uusyoso sa nangyayari. Bakit wala man lang gustong tumulong sa mga ito? Tila nasisiyahan pa nga ang mga itong panoorin ang ganoong eksena sa loob ng campus. Wala man lang bang tumatawag sa kahit na sinong school authority?

Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang makita si Lance Pierro na kampanteng nakasandal sa isang makintab na sasakyan. Malaki ang shades na tumatabing sa mga mata nito kaya hindi niya alam kung saan ito nakatingin, ngunit malakas ang kutob niya na sa kanya nakatutok ang mga mata nito. At hindi niya alam  kung bakit kumakalabog ang dibdib niya nang mga sandaling iyon. Kung pagmamasdan kasi niya ito ay para itong modelo na nag-eendorso ng sasakyan.

Malakas ang kutob niyang may kinalaman na naman ang lalaking ito sa gulong iyon.

Mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ang kinaroroonan nito at nakataas ang isang kilay na hinarap niya ito. Mukhang nasasanay na ang kilay niya sa pagtaas. Dahan-dahan naman nitong tinanggal ang suot na shades.

Gorgeous set of eyes, as black as the darkness of the night... she thought, iyon din ang  naisip noong una niyang makita ang mga mata nito ngunit parang may kakaiba sa mga iyon. Hindi niya matukoy kung ano iyon pero parang may kakaibang emosyon sa mga matang iyon na hindi niya mapangalanan.

"Let him go" mariing utos niya nang tuluyan siyang makalapit dito.

Suminghap ang mga nakarinig sa kanya na tila hindi makapaniwalang sinabi niya iton sa lalaki. Ang iba nga ay bahagya pang lumapit sa kinaroroonan nila para marinig nang maayos ang magiging palitan nila ng salita ni Lance Pierro. Sa hitsura ng mga ito, tila noon lamang nangyari na may nagsalita ng ganoon dito. Nagsipaglayuan din naman agad ang mga ito nang pukulin ito ni Lance Pierro ng nagbabantang tingin. Parang mga daga na nagsipaglayuan ang mga iyon. Hindi niya tuloy maiwasang lalong tumaas ang isang kilay niya. Mukhang pinangingilagan  talaga ito sa eskwelahang iyon.

Bumaling ito sa kanya at inilahad  ang kamay. "Hi! My name's Lance Pierro Alvarez." He smiled, exposing a perfect set of white teeth.

Kinabahan ang dalaga sa ngiting iyon. Tila may kung anong kakaibang pakiramdam na biglang nabuhay sa dibdib niya. Ang akala niya ay hindi ito marunong ngumiti pero sa pagngiti nitong iyon, tila biglang nag-switch ang personalidad nito sa isang kaaya ayang tao. Parang bigla  ay nagliwanag ang madilim na mukha nito at nawala ang kaarogantihan doon. Ang ngiting iyon yata ang perpektong halimbawa ng salitang 'killer smile.'

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Completed!)Where stories live. Discover now