Chapter 4 Part 2

22.2K 967 35
                                    





KUMAKAIN ng tanghalian sina Catherine at Margaux nang ikuwento ni Catherine dito ang nangyari sa gym.

"Anong pumasok sa isip mo at nakipag-deal ka ng gano'n?" nanlalaki ang mga matang tanong nito. Iniisod nito ang silya papalapit sa kanya.

"I know I have good grades, Marge," confident na sabi niya.

"Napasubo ka, girl. How can you make such a deal with a Business Management student?" umiiling na sabi nito.

Tumaas ang isang kilay ni Catherine. "So what kung Business Management ang course niya?" Lahat naman yata ng mayayaman ay ganoong kurso ang kinukuha,

"Girl, a businessman will not accept a deal unless he has much to gain from it!"

Napaisip ang dalaga. "Hmm... Okay, may point ka diyan," tumatango-tangong sabi niya. Naalala niyang sinabi ni Lance Pierro na hindi ito nakikipag-deal, lalo na sa mga babae pero bakit nito tinanggap ang deal niya? Posible kaya na alam nitong ito ang mananalo?

"You're really in trouble, girl!" sabi ni Margaux.

"At bakit naman? Margaux, confident ako sa grades ko, so don't worry, okay?" Sobra naman yatang makapag-react ito, samantalang siya ay hindi iyon pinuproblema.

"Sure you are. No doubt na mataas ang grades mo. Ang problema, nasa dean's list ang hinamon mo!" sabi nito.

"Dean's list— W-what?!" Napatayo ang dalaga, pero napaupo rin agad nang mapansin niyang napatingin sa mesa nila ang ibang estudyante. "That terrorist is on the dean's list? Seryoso ka ba, Margaux?"

"Cath, kaya nga habulin 'yon ng mga girls at iniilagan ng boys, because he can walk the talk. Bukod sa drop-dead gorgeous body, lagi pang academic excellence awardee 'yon. Kung hindi lamang sa mga gulong pinapasok n'on, siguradong magiging magkakumpetensya siya ng kaibigan niyang si Miro sa summa cum laude post." Pumalatak ito. "Naku, patay kang bata ka."

"B-bakit hindi mo sinabi agad?" Gusto niyang kutusan ang sarili sa katangahan niya. Nakikinita na niya ang mga araw na mamamatay siya sa inis at kunsumisyon sa lalaki. Ang sabi pa naman niya, bibigyan niya ito ng pagkakataon upang kilalanin niya. Kung gaanoon ay araw-araw talaga niyang makakasama ito.

"Nagtanong ka ba? Kung makasugod ka kasi..." umiiling na sabi ni Margaux.

"I'm so dead!"

"I know, right!" natatawang tugon ng kaibigan niya.

Hay, naku, Catherine, nagpadalos dalos ka na naman kasi.




"HI."

Nasapo ni Catherine ang dibdib niya sa sobrang gulat nang biglang sumulpot sa tabi niya ang lalaking dahilan kung bakit hindi siya nakatulog nang maayos nang nagdaang gabi. Hindi mawala wala sa isip ang naging engkwentro nila ni Lance Pierro sa gym kung saan nakita niya ang hubad-barong katawan nito. Hindi naman iyon ang unang beses na nakakita siya ng katawan ng isang lalaki, pero bakit tila pakiramdam niya ay naengkanto at nagayuma siya?

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Completed!)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora