Chapter 1

51.1K 875 112
                                    


Randall Clark--- At First Sight (Story Status: Completed)

Miro Lagdameo--- Written In The Stars (Story Status: Completed)

Milo Montecillo--- Love On Trial (Story Status: Completed)

Jared Montecillo--- You Had Me At Hello (Story Status: Completed)

Mike Villamor--- Dare To Love You (Story Status: Completed)

Arthur Franz de Luna--- Paint My Love (Story Status: Completed)

Lance Pierro Alvarez--- When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Story Status: Completed)




Nagpakawala
ng buntong-hininga si Catherine bago iniiwas ang mga mata sa mga parehang nagpa-public display of affection o PDA sa loob ng campus ng St. Anthony's Academy. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, ngunit parang nananadya ang pagkakataon dahil may bigla naman siyang makikitang pares na naghahalikan.

Napaungol siya. Bakit ba parang mga multo iyon na hinahabol siya?

Naiinis na tumayo siya mula sa bench na kinauupuan niya at saka nagtungo sa ladies room. Pinagmasdan niya ang kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin.

She was Catherine Sanders, a certified NBSB, because she had never had a boyfriend since birth. Sa edad niyang dalawampu ay wala pa siyang karanasan pagdating sa pag-ibig

"Maganda naman ako, ah," pabulong na sabi niya sa sarili habang nakamasid sa salamin. Wavy ang kanyang hanggang balikat na buhok, maganda ang bagsak at malambot. Ang akala nga ng mga kaibigan niya ay produkto iyon ng beauty salon pero ang totoo ay namana niya iyon sa kanyang ina. Matangos din ang ilong niya, maganda ang hugis ng mga mata, at manipis ang mga labing natural na mapula. Hindi niya alam kung binibiro lang siya ng kuya niya nang tanungin niya ito kung bakit ganoon ang mga labi niya. Ang sabi nito ay Igorota raw ang mga ninuno nila kaya marahil namana niya ang gene na iyon. Ang sabi pa nito, asset daw niya iyon kaya dapat ay proud siya dahil niya kailangan ng lipstick para ma-highlight ang mga labi niya.

Nang makontento sa pagsusuri sa kanyang muka ay ang katawan naman niya ang pinagtuunan niya ng pansin. Umikot-ikot siya sa harap ng salamin. Tumango-tango siya pagkatapos gawin iyon.Sexy rin naman siya. Hindi man gifted ang harapan niya, pero maganda ang hubog ng katawan niya.Pero bakit walang nagkakagusto sa kanya?

Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi totoong walang nagkakagusto sa kanya. Sa katunayan ay maraming gustong manligaw sa kanya. In fact,She possessed the kind of beauty that any woman would want to have. Mga guwapo at mayayaman din ang nagtatangkang kumuha ng atensiyon niya, pero wala siya matipuhan sa mga iyon.

She sighed. Of course, alam niya kung bakit ganoon. Hopeless romantic siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay talagang mahal niya ang lalaki. Iyong tipong pakakabugin nito ang dibdib niya kapag nginitian siya, o kaya ay ito ang papasok sa isip  niya bago siya matulog at unang maiisip niya pagkagising niya. She wanted a Prince Charming who could make her swoon and make her heart beat faster every time he looked at her. Ayaw niyang papasok siya sa isang relasyon dahil sa pressure o dahil gusto lang niyang maranasang magka-boyfriend. Hindi naman niya hinihiling na artistahin ang mamahalin niya. Wala siyang standard sa physical attributes ng isang lalaki. Basta maramdaman niyang mahal niya ito,iyon na iyon.

Masyado bang malaki ang hinihingi niya?Minsan tuloy naiisip niyang hindi totoo ang Prince  Charming, na produkto lamang ito ng imahinasyon.Parang sa mga libro lang nangyayari ang happy ever after.

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Completed!)Where stories live. Discover now