My Babies (COMPLETED)

By ILoveHR

366K 2K 44

"I want you to work for me but...as a mother of my children" Mga salitang nagpabago sa buhay ni Maricar. Mga... More

My Babies
#1
#2
#3.2
A/N
The Bitchy Teacher

#3.1

18.9K 307 2
By ILoveHR

#3.1

MARICAR POV

Hindi ako makapagsalita. Para akong estatwa na nakatayo lamang sa gitna ng mga tsismosa't tsismosong tao sa labas ng J. Academy habang may dalawang maliliit na bata ang nakayakap sa aking mga binti.

Wtf?Magsasalita na sana ako ng biglang may nauna saking nagsalita.

"Ayesha, Lucas! What are you two doing in there? Diba I said na wag kayong lalabas ng kotse?! Bakit sinuway niyo na naman ako?!" naiinis na sabi ni kuyang gwapo sa dalawang bata.Wow huh? Ang harsh niya lang. -___-

"Ihhh daddy! Mommy is here. Can't you see?" sabi nung batang babae sabay higpit ng yakap sakin.

Pagkatapos tumingin ulit ako dun sa pwesto ng mga kaibigan ko tapos binigyan nila ako ng confused look. Nagkibit-balikat na lamang ako bilang sagot. Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sakin ngayon. Bakit ba kasi naging kamukha ko yung nanay ng dalawang batang ito? Yan tuloy! Akala nila ako yung mommy nila.

"She's not your mommy Ayesha. Kaya halika na at marami pa kong gagawing trabaho. Come on. Ikaw din, Lucas." sabi niya habang kinukuha niya yung dalawang bata na ngayon eh umiiyak na at hinihila rin ako papunta sa kanila.

Iyak ng iyak yung dalawang bata habang pinagpipilitan ng daddy nila na ipasok sila dun sa kotse niya. Argh! Bakit ganun? Bakit parang nakokonsensya at naaawa ako sa kanila? Eh Hindi ko naman talaga mga anak iyon eh. Well, nakakaawa nga talaga sila dahil iniwan sila nung mommy nila pero Err! Dapat hindi ko to nararamdaman noh.

Pinanood ko lang si kuya habang pilit niyang pinapapasok yung dalawang bata sa kotse. Hanggang sa naipasok niya na ang mga ito at saka siya pumasok sa driver seat at pinaharurot ng mabilis yung kotse.

Nang nawala na sa paningin ko yung kotse ni kuya, napansin kong nag-sialisan na yung mga taong nanonood lamang kanina sa amin. Napa-iling na lamang ako. Mga tao nga naman ngayon oh.

Maya-maya, napadako ang tingin ko sa mga magagaling kong kaibigan na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa kanina nilang pwesto. Inismidan ko na lamang sila at lumakad ako palayo sa kanila.

Naiinis ako sa kanila dahil hindi man nila ako tinulungan doon kay kuya. Nakakainis.

Mukhang bumalik na sa kanilang wisyo yung tatlo dahil narinig kong tinawag ako ni Jopet. Hmp. Bahala sila.

Binilisan ko na lamang ang aking paglakad palayo sa kanila. Ngunit sa kasamaang palad, naabutan nila ako habang hingal na hingal pa silang nakahawak sa kani-kanilang dibdib.

"Muchacha kang bekle ka! Tinatawag kita kanina, hindi mo man lang pinansin yung beauty ko! Pinagod mo pa kami. Problema mo teh?" Sambit ni Jopet pagkalapit nila sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakakapagtampo sila, akala ko pa naman maaasahan sila pero bakit hindi nila ako tinulungan kanina? May pa this is-this is your moment girl pa sila. Psh.

"Ay shet ang bekle nagtampururot! Oh mga teh? Lam na gagawin?" Rinig kong sambit ni Jopet kayla Ella at Aika.

"Ako na" sambit ni Ella. Pagkatapos, maya-maya lang may humawak sa braso ko na nagpatigil sa aking paglalakad. Tinignan ko kung sino iyon at tumambad sa akin ang mestisang mukha ni Ella.

Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapameywang ako sa harap niya.

"Look Maricar, we're sorry ok? Hindi naman namin sinasadya na hindi ka tulungan don sa gwapong nilalang kanina. Kasi..uhmm..pano ko ba sasabihin to? Y-you know? We're just having fun. Ngayon lang ulit kasi kami nakakita ng lalaking ganong kalapit sayo. And come to think of it, hinawakan ka pa sa magkabilang braso kung saan malakas ang kiliti mo! Diba sabi mo kapag hinahawakan ka ng ibang tao sa dalawa mong braso nakikiliti ka? Eh bakit nung hinawakan ka ng lalaki parang wala ka namang kiliti? At tsaka diba sabi mo kapag hindi ka nakiliti sa paghawak nung taong yon sa braso mo, ibig sabihin may gusto ka sa tao na iyon?....

...Edi ang ibig sabihin may gusto ka don sa gwapong nilalang? Kasi diba? Si Alex, remember? Yung crush mo right? Diba nung hinawakan ka niya hindi ka nakiliti pero nung kami na nila Jopet at Aika yung humawak sayo bigla kang nakiliti? So paki-explain nga kung bakit nagkaganon? Kilala mo ba yung lalaki kanina Maricar? Tell us and don't lie" tuloy-tuloy na sabi ni Ella.

Nawala ang pagkataas ng aking kilay nung sabihin niya iyon. WTH? Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yun? May kiliti pala ako sa aking mga braso, pero hindi ko ito nararamdaman kapag yung taong gusto ko na yung humahawak. Ibig sabihin ba neto...NO WAY!

Ngayon ko nga lang nakilala yung si kuya tapos gusto ko na agad? Oo crush ko siya dahil kahit sino naman magiging crush yun! Sa gwapo ba namang iyon diba? Pero gusto? Seriously? Hindi ako easy to get noh. Baka na-tiempohan lang ni kuya na hindi sumumpong yung kiliti ko sa braso diba? Oo baka ayun nga! Bat ko ba iniisip yon? Psh.

"A-ano b-ba kayo! S-siguro na-tyempohan lang ni kuya na hindi sumumpong yung kiliti ko kaya nagkaganon! Wag nga kayong masyadong advance. At tsaka hindi ko talaga kilala si kuya, promise. Ngayon ko nga lang nakita iyon dito eh. At teka-teka nga? Kayo ang may kasalanan sakin diba? Bakit napunta sakin yung usapan? Nga pala, diba sabi mo Ella we're just having fun? Ano naman ang ibig sabihin niyo don Ella? Pinagkakatuwaan niyo ba ko? Aha! Sinasadya niyo talaga yun noh!" Panghuhuli ko sa kanilang tatlo.

"A-ano ka ba bekle?! Hindi noh. B-bakit naman namin gagawin sa iyo yun d-diba?" Natatarantang sambit ni Jopet.

"O-oo nga! Hindi namin talaga iyon sinadya promise Maricar" sang-ayon ni Ella kay Jopet.

Nung hindi sumagot si Aika sa mga sinabi nila Jopet, napadako ang tingin ko sa kanya. Hinihintay kong sumang-ayon siya sa sinabi nila Ella, pero napansin kong namutla siya at bigla siyang napatingin kayla Ella. Pagkatapos, napansin kong sumenyas si Jopet kay Aika sa gilid ng aking mga mata. Pero hindi ko iyon pinagtuusan ng pansin, at nagkunwari na lamang akong walang nakita. Tong mga to talaga.

"Ah o-oo! Hindi naman iyon sinasadya Maricar! Maniwala ka samin" sambit ni Aika nung bumalik yung tingin niya. Napahinga na lamang ako ng malalim.

"Ok fine. Papatawarin ko na kayo pero sa isang kondisyon..." sambit ko. Sa totoo lang, alam ko namang sinadya talaga nila iyon pero hindi ko na lang ipinahalata. Yaan na kahit medyo nakakainis at nakakapagtampo pa rin. Mga kaibigan ko pa rin sila noh, kahit malalakas ang topak ng mga yan sa utak.

"Ano iyon?" Sabay-sabay na sambit nilang tatlo.

Napataas kaagad ang sulok ng aking labi sabay sabi ng "Gusto ko ng ice cream, pizza, at ng hamburger" pagkasambit ko non, biglang nagsiputlaan ang mga mapuputi nilang kutis. Napatawa na lamang ako sa reaksiyon nila. Epic shet XD

"Hmp sige tawa ka pa diyan bekle. Takaw mo talaga kahit kailan. Lika na nga mga teh" sambit ni Jopet pagkatapos nauna na siyang pumasok sa academy para pumunta sa parking lot ng school. Nandon kasi yung kotse niya kaya doon kami pupunta.

Siya lang ang may kotse sa aming apat, dahil si Aika at Ella walang interes sa ganyan. Pero ako? Gusto kong magkaron, ang kaso sayang lang sa pera kaya hindi na ko nagpabili kayla nanay at tatay. Iintindihin ko na lang ang ganyang mga bagay kapag natapos ko na itong pag-aaral ko noh. Malapit naman na.

"San tayo pupunta?" Tanong ko pagkatapos naming makapasok sa kotse ni Jopet. Nandito ako sa passenger seat habang si Aika at Ella naman ay nasa back seat. Si Jopet yung nasa driver seat, of course siya lang naman ang marunong dito eh duh?

"Saan ba? Edi sa Mall!" Masungit na sagot ni Jopet. Itong bakla na ito, siya na ang may kasalanan sakin niyan huh? Pero siya ang masungit, dapat nga ako eh. Mga bakla talaga.

"Sungit" bulong ko.

"By the way bekle, alam mo, pamilyar yung gwapong fapa kanina. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko siya nakita eh, pero ugh..whatever" sambit ni Jopet. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tumingin na lamang ako sa bintana ng kotseng ito.

---

Nagtitingin-tingin ako sa news feed ng facebook ko ng biglang may nag-pop out na message sa akin sa fb. Pagkatingin ko si Jopet lang pala.

Nga pala, nakauwi na ako galing sa mall. Wala naman kaming masyadong ginawa nila Jopet kanina, as usual kumain lang kami, naglibot at nang-hunting ng mga gwapo. Masaya naman kahit papano. Psh.

Jopet: Bekle! May tsismis ako!

Pagkatapos kong basahin ang minissage ni Jopet, biglang napakunot ang aking noo.

Me: Ano naman iyon?

Naghintay muna ako ng 2 minutes bago sumagot si Jopet sa aking tanong.

Jopet: Bekle kilala ko na kung sino yung gwapong fapa kanina! Siya yung kasyo-syo ni pudra sa business niya. Pangalan daw ay Edwin Jimenez, marami siyang business dito sa Pilipinas lalo na sa Asia, meron siyang mga hotels, malls, publishing house, and etc. Pero bekle! Totoo nga yung sinabi niya kanina, may asawa nga siya before, ang kaso namatay na 4 years ago. Kaya ang nangyari, na-byudo si fapa, at siya nag-alaga don sa dalawang anak niya. Kawawa naman si Edwin noh? Ay oo nga pala bekle! Muntik ko ng makalimutan, may papakita pala ako sa iyong picture. I'm sure magugulat ka teh!

Hindi na lamang ako sumagot sa reply ni Jopet. Hinintay ko na lamang yung picture 'daw' na ipapakita niya sakin. Maya-maya biglang nag-pop out yung message ni Jopet sakin. Pinindot ko iyon at nagulat ako sa nakita ko.

Jopet sent a photo.

Jopet: Bekle! Nakita mo na? Nagulat ka noh? Kahit ako rin eh nung una! Btw, ayan si Cleo Ferrer-Jimenez, yung namayapang asawa ni Mr. Jimenez. Yung babaeng pinagkamalan niya kanina na ikaw.

Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto at parang biglang nanuyot ang lalamunan ko sa aking nakita. WTF? I-imposible? Papanong nangyaring....

NO WAY talaga!

...to be continued...

***
(Edwin Jimenez picture is in the Multimedia)

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
472K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
138K 3.8K 26
[ completed ] Time is gold. sa sitwasyon ni Savannah wala na siyang oras para sa sarili niya kaya umalis siya sa showbiz dahil limitado nalang ang or...