Ang Batang Ipinanganak sa Hau...

Od GYJones

584K 24.8K 3.4K

Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina... Viac

Introduction
Prologue
Chapter 1: Sina Hannah at Jules
Chapter 2: Si Father Markus
Chapter 3: Ang Bata
Chapter 4: Stop Over
Chapter 5: Seek Ye First
Chapter 6: Ang Pulis
Chapter 7: Check-In
Chapter 8: Pagpapakilala
Chapter 9: Game Plan
Chapter 10: Parokyang Lokal
Chapter 11: Si Mayor
Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests
Chapter 13: Ang Bahay na Bato
Chapter 14: Gising na si Berta
Chapter 15: Ang Torture Chamber
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Exorcism
Chapter 18: Si Bishop Israel
Chapter 19: Magparamdam Kayo
Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Chapter 21: Mayor's Den
Chapter 22: The Appeal
Chapter 23: Translation
Chapter 24: Bagong Game Plan
Chapter 25: Ang Lagay ng Mga Bagay
Chapter 26: Secret Weapon
Chapter 27: Huling Hantungan
Chapter 28: Sa Mental Hospital
Chapter 29: Kilala Ka Na Namin
Chapter 30: Paghahanda
Chapter 31: +
Chapter 32: God on My Side
Chapter 33: Respite
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
Acknowledgments

Chapter 34: Sa Dagat ng Impiyerno

9.3K 496 48
Od GYJones

Parang bumagal ang oras kay Father Markus.

Sa bawat kataga na kanyang binibitawan ay tila nanunuyo ang dila niya.

God of heaven and earth, God of the angels and archangels...

Sa bawat linya ng banal na salita ay para bang nalulunod ang boses niya.

God of the prophets and apostles, God of the martyrs and virgins...

Sa bawat talsik ng holy water na kanyang binabato ay tila bumibigat ang mga kamay niya.

Creator of heaven and earth, who are truly King, whose kingdom is without end...

Nararamdaman ni Father Markus ang panghihina. Ang pagod. Ang hirap na dinudulot ng exorcism na ito sa kanyang katawan. Ngayon lang niya naranasan ito. Napahinto siya sa ritwal. Hinihingal. May patak ng malamig na pawis sa kanyang noo. Napatukod siya sa kama kung saan nakagapos si Berta.

"Father, okay ka lang?" paglapit ni Brother Paul.

"Oo nga, father, okay ka lang?" kutya naman ng dimonyo.

Sa paligid, naroon sina Jules, Hannah, Karen, Kanor at Wendell na nakatingin na may pag-aalala. Kita nila ang pagod sa mukha ng pari, sa napapapikit niyang mga mata, sa ilang beses na muntik siyang matutumba. Pinipilit ng pari kahit wala na siyang lakas, anila sa sarili. Nangangamba sila para kay Father Markus.

Tumango ang pari kay Brother Paul. Senyas na kaya pa niya.

"Suko na, father?" ngiti ng dimonyo.

Tinignan ni Father Markus nang matalim ang dimonyo at kumuha ng lakas para ipagpatuloy ang ritwal.

I entreat your glorious majesty to deliver this servant of yours from this unclean spirit! Through Christ our Lord.

Amen. Sagot ng lahat.

Tinutok ni Father Markus ang krus niya sa bata at buong lakas na sinigaw:

Berith! Berith!

Nang madinig ng bata ang pangalan ay napahiyaw ito.

"Anong pangalan mo?!" sigaw ng pari. "Sabihin mo'ng pangalan mo!"

Nilapat niya ang krus sa noo ng bata.

"Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo!"

Naghihiyaw ang dimonyo. Nagpipigil.

"Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo!"

Lumaban ang dimonyo at nagpakita ng kanyang kapangyarihan. Ang pader ng Dead Room sa likuran ng hospital bed ay bumukas at ipinakita ng dimonyo ang loob ng impiyerno. Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa natunghayan. Isang vision ng hell. Kumukulong dagat ng apoy, usok at bato kung saan nasusunog ang mga kaluluwa. Narinig nilang sigaw ng mga makasalanan habang ang hubad nilang mga katawan ay naaagnas nang walang tigil. Eternal suffering.

At sa mga kaluluwang naroon ay may kani-kanila silang namukaan.

Nakita nina Kanor at Wendell na si Berta mismo ay naroon.

Nakita ni Brother Paul na si Father Dacayman ay naroon.

Nakita ni Karen ang kanyang kapatid ay naroon.

Nakita ni Jules na ang lola niya ay naroon.

Nakita ni Hannah na ang ama niya ay naroon.

At nakita ni Father Markus na si Sister Juanita ay naroon.

At sila'y naluha, ang iba'y napaluhod na umiiyak. Natigatig na makita ang mga mahal nila sa buhay, mga kamag-anak na nasusunog sa impiyerno.

Nguni't naranasan na ito ni Brother Paul, alam niyang ito'y ilusyon lamang, gawa-gawa ng mapaglinlang na dimonyo, at siya'y sumigaw.

"Pumikit kayo!" sabi ni Brother Paul. "Pumikit kayo at magdasal!"

Nagsipikitan ang lahat at nagdasal.

Pagmulat nilang muli ay wala na ang vision ng impiyerno, wala na ang nasusunog na mga kaluluwa. Naroon na lamang ang bata sa kama na nakatingin sa kanila at nakangiti, may yabang sa mukha sa ipinamalas na kapangyarihan.

#

Nagyoyosi sa labas ng Bahay na Bato sina Hannah at Father Markus kasama sina Karen at Brother Paul. Sa loob ng Bahay na Bato, nagpapahinga ang iba sa sala. Sina Kanor at Wendell ay medyo affected pa rin sa nakitang vision habang umiinom ng mineral water. Niyaya sila ni P02 Paterno na nasa kusina at kumakain ng cup noodles, pero sila'y tumanggi.

Napatingin sila Father Markus nang nagmamadaling lumabas si Jules ng bahay at may kausap sa cellphone.

"Hello, Clint!" tense na sabi ng parapsychologist sa telepono. "Si lola?"

"Natutulog," sagot ng kapatid sa kabilang linya.

"Check mo nga bilis," utos ni Jules, may kaba sa boses.

Saglit niyang hinintay ang reply ni Clint.

"Naku, kuya! Wala ng pulso si lola!" sigaw ni Clint.

Nanlaki mata ni Jules. "Ano?!"

Narinig ang tawa ni Clint sa kabilang linya. "Joke lang!"

Gustong murahin ni Jules ang kanyang nakababatang kapatid, pero pinalampas na lang niya. Thankful na lang siya't okay pa'ng kanyang lola.

"Julius! Ikaw ba 'yan?" dinig niyang sabi ni Lola sa cellphone.

"Hello, lola, sorry nagising ata kayo. Okay naman po ako, baka sa next week ang uwi namin. Next week po, lola. Next week!" sigaw ni Jules sa telepono pagka't hindi siya marinig ni Lola. "Okay, lola, babay na!"

Binaba ni Jules ang cellphone, kunsumido na hindi siya marinig ng lola niya sa telepono. Kaya hindi rin siya palatawag sa kanya ay dahil sa tuwing tatawag siya'y nauuwi lang sila sa pagsigaw. Ini-expect niyang aasarin siya ni Hannah sa kanyang pagiging paranoid at pagpapanic, pero nakapagtatakang tahimik lang ang psychic na naninigarilyo.

"Nakita mo si lola?" tanong ni Father Markus.

Tumango si Jules, at sa lahat, "Kayo? Sinong nakita niyo?"

"Kapatid ko," sabi ni Karen na may konting sama ng loob sa boses. "Well, masamang damo naman 'yun, pero nakakaawa pa rin na makita siya na nagdurusa."

"Nakita ko si Father Dacayman," amin ni Brother Paul. "Pero, ayaw kong maniwala na nasa impiyerno siya."

"Huwag kayong maniniwala sa nakita n'yo. Gawain ng dimonyo ang lagyan ng masasamang bagay ang ulo natin," sabi ni Father Markus, at bumaling kay Jules. "I'm sure sa langit ang punta ni Lola."

Napangiti si Jules.

"Father, tutoo ba'ng may impiyerno?" biglang tanong ni Karen sabay bawi. "I'm sorry, stupid question!"

Pero, sa tutoo'y nag-aantay pa rin siya ng kasagutan.

Kaya sabi ni Father Markus, "Para matalo natin ang dimonyo kailangan natin munang maniwala sa kanya. Para sa kaligtasan ni Berta at nating lahat, kailangan nating maniwalang may impiyerno."

Nagtanguan sila.

"Ikaw father, sinong nakita mo?" tanong ni Brother Paul.

"Mga kaluluwa na kailangan ng kaligtasan, Brother Paul," sabi ng pari. Itinago na lamang sa sarili na nakita niya si Sister Juanita.

"Ikaw Hannah?" tanong ni Jules.

"Eh 'di sino pa?" matigas na sabi ng psychic sabay buga ng usok ng yosi. "Eh 'di tatay ko!"

Napatango sina Father Markus at Jules, may kaalaman sila kung bakit, at iyon ay bagay na personal.

"Nakita ko rin 'yung mga multo dito," sabi ni Hannah. "'Yung mga biktima ni Dr. Nakadai."

"Ah, really?" react ni Karen.

Pero, kay Jules ay hindi iyon nagme-make sense.

"Weird," sabi ng parapsychologist.

"Weird kung bakit ko sila nakita?" tingin ni Hannah.

"Yes, bakit sila?" pag-isip ni Jules. "Kung si Berith ang may gawa nung vision, bakit niya ipapakita sa 'yo 'yung mga bikitima ni Dr. Nakadai na wala namang kinalaman personally sa 'yo."

Napaisip sila. Weird nga naman iyon. At bakit kay Hannah lang? Bakit siya lang ang pinakitaan ng mga multo ng mga biktima ni Dr. Nakadai? Bakit hindi ang iba rin? Bakit hindi si Father Markus?

"Unless hindi si Berith ang may kagagawan n'on," sabi ni Jules.

"You mean, 'yung mga multo mismo ang nagpakita?" tanong ni Father Markus. "Kung ganon, si Hannah lang talaga ang makakakita."

"Well, siya lang ang may third eye," sabi ni Jules.

Ngumiti si Hannah. "Well, of course, special ako noh!"

"May gusto silang sabihin..." pag-isip ni Father Markus.

"Baka siguro natatahimik ang mga kaluluwa nila," sabi naman ni Brother Paul.

At na-gets ni Jules.

"Shit! Oo!" sigaw niya at bumaling kay Hannah. "Kinokontak ka nila, Hannah!"

"Ha? Bakit?" pagtataka ng psychic.

"Who knows," sabi ni Jules. "Baka gusto nilang tumulong? Kung hindi sila natatahimik tulad ng sabi ni Brother Paul, baka may gusto silang sabihin!"

"Alam nilang nilalabanan natin si Berith," sabi ni Father Markus.

Napapitik si Jules.

"Sa EVP! Baka may message sila sa EVP!"

Nagmamadali silang pumasok sa loob ng bahay at inabutan sina Kanor at Wendell na papasok sa Dead Room para tignan si Berta. Si P02 Paterno ay kumakain pa rin sa kusina. Dire-diretso si Jules sa sala kung nasaan ang kanyang laptop at kanyang kinabitan iyon ng external speakers. Pagkatapos ay ikinabit niya ang EVP recorder. Pumaligid sina Father Markus, Hannah, Karen at Brother Paul.

"Non-stop ang recording ko, so malaki ang chance na may nasagap tayo," sabi ni Jules habang plinay ang EVP recorder, or Electronic Voice Phenomenon, sound na gawa ng mga multo.

Maririnig sa voice wave ang last nilang session sa Dead Room. Narinig nila ang boses ni Father Markus na nagpe-perform ng exorcism. Sa ngalan ng Panginoong Ama, Anak at Espiritu Santo, sabihin mong pangalan mo! Narinig nila ang mga hiyaw ni Berta. Plinay pa ni Jules ang recording hanggang sa narinig nila'y katahimikan lang.

"Dito 'yung nagka-vision tayo ng impiyerno," sabi ni Jules, at nilakasan niya ang volume at inayos ang timpla ng equalizer.

Una'y parang static lang. Pero mahinang pumipitik-pitik ang voice wave, patunay na may sound na na-pick-up ang EVP sa katahimikan. Nguni't hindi nila ito halos madinig.

"Ma-boo-boost up mo pa ba?" tanong ni Father Markus.

Tumango si Jules, in-adjust niyang muli ang timpla ng equalizer at binoost pa ang volume. At may narinig silang mga boses mula sa kabilang mundo na sabay-sabay na sinasabi ang:

Ego Catholicus sum et animo prompto paratoque pro Deo mortem obibo si mille vitas haberem cunctas ei offerrem.

Nagkatinginan sila.

"What the fuck?" sabi ni Hannah. "Ano daw?"

Ni-loop ni Jules ang sinasabi.

Ego Catholicus sum et animo prompto paratoque pro Deo mortem obibo si mille vitas haberem cunctas ei offerrem.

"Anong salita ito?" tanong ni Karen.

"Latin, ata," pakinig ni Jules.

"Yes, Latin," sabi ni Father Markus. "Ego Catholicus, ibig sabihin, I am a Catholic."

Pinakinggan pa uli ni Father Markus ang sinasabi ng mga multo at triny niyang i-transalate muli ang Latin.

"I accept death...for God," pakinig ni Father Markus. "I...have...thousand...lives...all...I offer...to Him...sorry, kinakalawang ang Latin ko."

"So, anong ibig sabihin no'n?" tanong ni Hannah.

Napalakad si Brother Paul. Parang pamilyar kasi sa kanya. Parang nabasa niya somewhere. Hinuhugot niya sa kanyang memorya kung ano iyon. Napatingin sa kanya ang lahat.

"Brother Paul?" tawag ni Father Markus.

At naalala ni Brother Paul dahil nabasa lamang niya kamakailan ang isang libro noong nagpunta siya sa library, ang talambuhay ni:

"San Lorenzo Ruiz!" bulalas ng brother, may liwanag sa mukha. "'Yan 'yung last words niya, o last letter!"

Agad Ginoogle ni Jules ang "Last words of San Lorenzo Ruiz" at sa gulat nilang lahat ay ito ang lumabas:

Ego Catholicus sum et animo prompto paratoque pro Deo mortem obibo si mille vitas haberem cunctas ei offerrem.

"FUCK LANG!" exclaim ni Hannah.

"In English ay," nagmamadaling basa ni Jules sa Google, " I am a Catholic and wholeheartedly do accept death for God. Had I a thousand lives, all these to Him shall I offer."

"Close na dun sa sinabi mo, Father," ngiti ni Hannah kay Father Markus.

"Pero, ano'ng kinalaman nito sa mga biktima ni Dr. Nakadai?" tanong ni Jules.

Napa-fuck uli si Hannah dahil na-gets niya.

"Dahil nag-recant sila ng faith! 'Yan ang declamation nila ng pagbabalik loob sa Diyos!"

"Yes! That makes sense!" sabi ni Jules, at lumingon kay Father Markus. "Father, naiisip mo ba'ng naiisip ko?"

May kakaibang confidence sa mukha ng pari, at siya'y tumango.

"Coincidence lang ba ito na may kinalaman na naman si San Loreno Ruiz?" tanong ni Hannah.

Nagkatinginan sila at walang masabi. Again, hindi ito ang first time na nabanggit o nasama ang protomartyr ng Pilipinas sa usapan. At hindi na ito coincidence, maaaring may kinalaman ang santo sa lahat ng nangyayari.

Hindi nila napansin na kanina pa tahimik si Karen at ito'y dahil ka-text niya si Mayor. May tinext ang alkalde na magbabago sa sitwasyon ng lahat. At bakit text message? Dahil alam ni Mayor na kapag tumawag siya'y may tiyansya na maharang ang message ng dimonyo.

"Alam ko kung bakit," sabi ni Karen at nagtinginan sa kanya ang lahat, at kanyang ipinakita ang message ni Mayor:

We have a secret weapon. I have the rosary!

"Nagpapatawa ba si Sonny?" sabi ni Jules. "Eh, fake nga 'di ba..."

Umiling ni Karen, "No, hindi siya magjojoke about this. Lalo na 'pag serious ang situation."

At na-realize ni Father Markus. Nagliwanag ang mukha niya.

"'Yun ang gustong sabihin sa 'kin ni Bishop Israel bago maputol ang usapan namin!"

"You mean to say, na dala niya 'yung tutoong..." sabi ni Hannah.

Tumango si Father Markus. "Yes."

Hindi sila makapaniwala, at napasigaw sina Jules at Hannah sa saya. Hindi sila mapakali. Hindi sila makapaghintay na makita ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz at magamit iyon kay Berith. Napuno sila ng saya, nguni't mabilis ding natabunan nang humihingal na lumabas ng Dead Room si Wendell. Namumutla ang binata at nanginginig ang boses.

"Si Berta!" sigaw niya.

NEXT CHAPTER: Finale

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
17.6K 600 28
Paano kung ang isang panaginip ay naging totoo? Kagaya nalang ni Regina na nagkaroon ng isang pambihirang panaginip at hindi niya inaasahang mangyay...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
1.7M 99.3K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...