ASERON LOVERS

De DreamGrace

127K 1.2K 61

Dana thought her love life will never have a happy ending. Lagi na lang kasi siyang nabibigo sa pag-ibig. Kun... Mais

Prologue
Chapter 1
CHAPTER 2
Chapter 4
Chapter 5

CHAPTER 3

8.1K 154 3
De DreamGrace


                                                         Itinakip ni Dana sa bibig niya ang kanang kamay nang sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay maghikab siya. It was just eight o'clock in the morning. At bagamat late na iyong maituturing para sa karamihan sa mga nakatira dito sa Aseron Farms, sa kanya ay iyon pa lang ang oras na mahimbing na mahimbing na ang tulog niya.

Pero imbes na naghihilik sa gitna ng malambot na queen-

sized bed sa pink guestroom na ipinagamit sa kanya ng pamilya ni Ravin, heto siya at pinipilit nguyain ang isinubong Beat hotdog. And all for the love of Flynn!

Sa tabi niya ay nakaupo si Lolo Nemo. Tikom ang bibig na pinapanood siya sa pag-a-almusal niya. Kasabay ng pagnguya niya ang pagtuktok ng baston na hawak nito sa pagitan ng mga hita nito.

Hayag ang pagka-inip sa mukha nito. At kung hindi siya nagkakamali, gusto na nitong isubo ng isubo sa kanya lahat ng laman ng plato niya matapos lang siya sa pagkain. Kanina pa kasi ito tapos mag-almusal. Pero naroon ito upang ibigay sa kanya ang mga detalye tungkol sa kinaroroonan ni Flynn.

Ang totoo, siya na lang at ito ang nakaupo sa breakfast

table dahil kanina pa natapos kumain ang ibang kasambahay

nila. Alas-siyete pala ang official breakfast time ng buong pamilya. At tulad kagabi sa hapunan, sabay-sabay din ang pag-a-

almusal ng lahat.

Kahit nga si Hetty, ang batang-batang madrasta ni Shebbah na kadalasan ay tanghali na rin gumising ay nauna nang bumangon sa kanya. Kasama kasi ito at ng tatay ni Shebbah na si Uncle Tom nina Ravin sa pagsundo sa pantalan sa mga paparating na iba pang kamag-anak nina Shebbah.

Nakalusot lang siya sa istriktong edikto ng sabay-sabay na

pagkain ng pamilya Aseron dahil sinabi ni Shebbah kay Lolo Nemo ang tungkol sa sleeping disorder niya.

"Lolo, kailangan ba talagang ganito kaaga kami maglibot ni Flynn? Hindi ba pwedeng mamaya na lang ng hapon? Saka nasaan na ba siya? Akala ko ba kayo na ho ang bahalang kumumbinsi sa kanyang samahan akong maglibot?" aniya dito matapos lunukin ang nginunguya.

Inabot niya ang baso ng freshly squeezed orange juice sa tapat ng plato niya. Hindi siya mahilig sa kape kaya bagamat umuusok pa ang coffee pot na nasa sentro ng mesa ay hindi niya pinapansin iyon.

Sa sinabi niya ay lalong lumalim ang kunot sa noo nito. Bumulong-bulong ito. At hindi niya sigurado kung alam nitong naririnig niya ang ibinubulong nito pero malinaw na ang narinig niya ay ganito:

'Napakamanhid talaga ng Flynn na iyon. Aba ay

drinamahan ko na ngang sumasakit ang dibdib ko sa pagtanggi

niya sa utos ko, hindi pa rin ako sinunod! Tinawag lang ang tigreng nurse ko at pinabigyan ako ng gamot! That boy is too clever for his own good! How can he see right through my excellent acting skills? How can I play matchmaker here if he always opposes every move I make?!'

''Nagbago na ang isip ko. Kailangan ay ikaw na mismo ang kumubinsi sa kanya. Isipin mo na lang na test ko iyon sa iyo. Kailangan mo munang mapatunayan sa aking karapat-dapat ka sa apo ko. Kaya kailangan sundan mo siya sa kwadra at ikaw na ang bahalang kumumbinsi sa kanyang ilibot ka sa buong farm," ang

malakas na wika nito.

Direktang kontra sa narinig niyang ipinagbubusa nito na

marahil ay iniisip nitong hindi niya narinig. Kaya naman nagdududang kinunutan niya ito ng noo.

"Lolo, sigurado ba kayong gusto din ako ni Flynn? Na mahiyain lang talaga siya kaya kailangan ako na ang maunang manuyo sa kanya? O sadyang allergic siya sa beauty ko kaya dinedma din ang sinabi ninyo?"

Pinandilatan naman siya nito.

"Mukha ba akong sinungaling sa iyo? Kapag sinabi kong gusto ka niya, gusto ka niya. Mahiyain lang talaga siya kaya kailangan ikaw ang manuyo sa kanya. Gusto mo ba o hindi ang apo ko? Akala ko ba ay handa kang ligawan siya kung kailangan?"

"Um, gusto ko nga po siya. Pero alangan namang habul-habulin ko siya! Ang lawak-lawak nitong lupain ninyo. Baka kapag hinabol ko siya, mamatay ako sa pagod at hindi na matagpuan ang bangkay ko. Nabanggit ko ho bang madalas akong maligaw?

"Paano kung magkamali ako ng liko at mahulog ako sa

bangin? Eh di naging tragic ang ending ng lovestory namin at malamang kasalanan ninyo," katwiran naman niya.

Kagabi ay buo ang desisyon niyang gawin ang suhestyon ni Lolo Nemo. Pero kung ganitong hindi pa siya nakakatulog kulang

pa ang energy niya para makipag-hide and seek kay Flynn sa

ekta-ektaryang lupain ng pamilya nito.

"Don't worry, ipapahatid naman kita kay Irvine sa kinaroroonan ni Flynn. Sa pagkaka-alam ko ay balak niyang i-train 'yung mga kabayong binili niya noong isang buwan pa kaya siguradong nasa kwadra siya. Sa tingin ko ay nagbabalak na siyang umalis sa pagtatrabaho sa Queen's at maging ranchero na rin."

"Talaga po?! Oh, wow! I love horses too! Nabanggit ko ba sa inyong may rancho kami dati? Pero ibinenta iyon ni Papa nang mamatay na si Lolo Maxi kasi hindi niya hilig iyon. Baka malugi lang daw kung pipilitin niyang pamahalaan iyon.

"Mahilig man akong mangabayo noon, bata pa ako at wala ding alam sa pagpapatakbo ng rancho kaya kahit tutol akong ibenta ni Papa ang rancho ni Lolo Maxi, wala akong naggawa," saad niya na hindi maiwasang malungkot pagka-alala sa dating rancho ng pamilya niya sa bayan ng Salin-Salin.

She was just ten years old when her grandfather who was the father of her father passed away. Ngunit hindi niya kailanman nakalimutan ang mga masasayang alaala niya sa rancho nila o ang mga leksyong itinuro sa kanya ng lolo niya. Buti na lamang at mababait ang nakabili sa dating rancho nila. Hanggang ngayon kasi ay pinapayagan siya ng mga ito na bisitahin at sakyan ang mga naging anak ng dating kabayo niyang si Justice.

"Kagabi nga sinubukan kong magkunwaring hindi ako marunong mangabayo para magpapaturo ako kunwari kay Flynn pero tinanggihan niya ako. At sino po si Irvine?" pagpapatuloy

niya sa pag-uusisa kay Lolo Nemo.

Ilang beses napakurap si Lolo Nemo. Waring iniisa-isang isipin ang lahat ng sinabi niya. At pinipili kung alin sa mga iyon ang dapat nitong unahing bigyan ng sagot.

"Well, Flynn grew up in his father's ranch in Texas. Siguro na-realize na niyang pagiging ranchero din pala talaga ang gusto niya. Magandang ideya nga na magkunwari kang magpapaturo ka sa kanyang mangabayo. Mas mapapalapit kayo sa isa't isa kapag ganoon.

"At si Irvine ay isa din sa mga apo ko. He's a rancher. Siya ang pumalit sa posisyon ng ama niya sa Aseron Ranch na siyang nagpu-provide ng beef meat para sa ASRON," sagot nito na natuklasan niyang tulad ni Flynn ay kayang sundan ang mabilis niyang pagsasalita at ang mas mabilis na pagtalon ng mga paksa sa utak niya.

Ang tinutukoy nitong ASRON ay ang ASRON Food Manufacturing Corporation na nasa ilalim ng Aseron Corporation. Processed meat products, preserved fruits, instant coffee, instant noodles at iba't iba pang canned foods ang produkto ng ASRON. Ang kinain niyang Beat hotdog kanina ay isa din sa mga produkto ng kompanya.

Kung gaano kadami ang apo nito ay higit pa ang dami ng

mga negosyo ng pamilya nito. Subalit para sa isang bilyonaryong pamilya, ang mga Aseron na yata ang bukod-tanging hindi takot magtrabaho ng regular na trabaho. Dahil sa mga anak ni Lolo

Nemo at sa mga apo nito, iilan lang ang nasa mataas na posisyon

sa loob ng Aseron Corporation. Ang karamihan ay mas piniling

pumasok sa ibang regular na trabaho.

Numero uno nang halimbawa si Flynn. A millionaire detective!

"May apo rin kayong cowboy?! Wow! Ang dami ninyo talagang apo, lolo," komento niya.

Proud na tumangu-tango naman si Lolo Nemo.

"Oo. Pero kung sana ay nakaya akong gayahin ng mga anak ko imbes na tigda-dalawa lang sila ng anak, malamang mas marami pa ang naging apo ko. Anyway, kapag naikasal na kayo ni Flynn, gusto ko bigyan ninyo ako ng sampung apo, malinaw?"

Buti na lamang at nalunok na niya ang isinubo niyang piraso ng hinog na mangga. Kung hindi tiyak nabilaukan na siya.

"Lolo, hinay-hinay lang. Wait muna nating maging kami ni Flynn bago natin pag-debatehan iyang mga future apo pa ninyo, okay?"

Sumimangot ito pero agad ding lumiwanag ang mukha nang makitang simot na niya ang laman ng plato niya. Maliksing tumayo ito.

"Remember, once you see Flynn, don't let him scare you

away. Sabihin mong hindi mo alam kung paano bumalik ng castillo mag-isa," bilin nito habang naglalakad sila palabas ng breakfast room.

"Hindi ko naman po talaga alam kung paano bumalik mag-isa dito. In fact kahit umalis mag-isa dito, hindi ko rin alam."

"That could work to our advantage. At isa pa, huwag mong diretsahang sasabihin sa kanyang gusto mo siya. He's a typical man. Mas gusto niyang siya ang naghahabol sa babae at hindi siya ang hinahabol. Ang gagawin mo lang ay magpapapansin sa kanya at hintaying habulin ka niya, maliwanag?" bilin pa nito.

Napakunot-noo naman siya. Sa puntong iyon ay medyo tagilid yata siya. Dahil ang paniwala niya, ang pagiging matapat ang susi sa pagsasamang maluwat. Kita mo na nga lang ang attempt niya kagabi na magsinungaling kay Flynn tungkol sa pagpapaturo dito ng pangangabayo, pumalpak. Malamang kasi natunugan nitong nagsisinungaling siya kaya nainis sa kanya at nag-walk out sa kanya.

Biglang napangiti si Lolo Nemo nang marating nila ang front door at makita nilang bumaba mula sa naghihintay na Hummer sa tapat ng mansyon ang isang matangkad na lalaking naka-cowboy suit at cowboy hat. Kulang na lang kabayo at mistulang si Marlboro man na ang kaharap niya.

"That's my grandson Irvine. He looks a lot like his grandmother," proud na proud na pagpapakilala nito sa apo.

"Oh, wow!" imboluntaryong singhap naman niya.

Sapagkat kahit hindi sabihin ni Lolo Nemo kung sino ang

lalaki, batid niyang ito na ang tinutukoy nitong Irvine kanina.

Irvine looked every inch a cowboy. Tall, lean, tanned due to his long days in the sun and heart-stoppingly gorgeous! Wala ba siyang makikitang Aseron na pangit?! Parang gusto na niyang

palitan ang Destiny niya.

"May Flynn ka na, Dana. At may iba na rin akong napili para kay Irvine," wika naman ni Lolo Nemo bilang reaksyon sa humahangang bulalas niya patungkol kay Irvine.

Bahagyang napataas sa gulat ang mga matang binalingan niya ito.

"So it's true! Balak nga ninyong hanapan ng mapapangasawa lahat ng apo ninyo? Akala ko nagbibiro lang si Ravin nang ikwento iyon sa amin ni Shebbah!"

Makahulugang ngumiti lang ito.

Subalit anumang pagdadalawang-isip ni Dana tungkol sa pagpapalit niya ng kanyang napiling Destiny ay naglaho nang maabutan nila ni Irvine si Flynn na nasa loob ng pabilog na kural at nakasakay sa isang kabayo.

He looked so strong and so powerful riding that huge and obviously wild stallion. Para siyang nanonood ng sine sa kaperpektuhan ng bawat galaw nito para makontra ang pagtatangka ng kabayo na patalsikin ito mula sa likod niyon. Every arch of his body was both manly yet graceful. Mistulang sayaw na ang tugtog ay ang mga yabag ng mga paa ng kabayo sa lupa.

It was a good thing she never goes anywhere without her trusty sketch pad and charcoal pencils. Dahil maiguguhit niya ang napakagandang porma nito habang pilit nitong pinapaamo ang sinasakyang mabangis na kabayo. Bumababa pa lang siya sa passenger's side ng Hummer ni Irvine ay inilalabas na niya mula sa backpack niya ang mga gamit pangguhit niya.

"Hey, careful!" paalala ni Irvine dahil muntik siyang mauntog sa pinto ng sasakyan paglundag niya pababa niyon.

"I have to draw him. No, I need to draw him. I'm going to paint him like that. And I want to sculpt him too. Alin kaya ang mas maganda? Wood or clay? Never mind. Bakit ba galaw sila ng galaw ng kabayong iyan?

"Hindi ba pwedeng pumirmi lang muna sila sa isang lugar? I need to---" natigil siya sa hindi niya namalayang naisaboses pala niyang mga plano sa isip.

Tutok na tutok kasi kay Flynn ang mga mata niya kaya hindi niya napapansin ang bahagyang natatawang si Irvine sa tabi niya habang minamasdan at pinakikinggan siya nito. Pero dahil sa malakas na pagtikhim nito para makuha ang atensyon niya, napilitan siyang lingunin ito at ihinto ang kusang paggalaw ng kamay niya sa sketchpad na hawak.

"I doubt if he'll agree to that. He's too impatient to stay in

one place or position for a long period of time. At problema rin kung paano mo maipapaintindi sa kabayo na hindi niya pwedeng ihagis si Flynn dahil iginuguhit mo sila," saad nito sa tonong

puno ng kaaliwan.

Napakunot-noo naman siya.

"You're a cowboy, right? Wala ka bang alam na strategy para mapatigil sa iisang posisyon lang ang kabayo? Preferrably ay iyong nakataas ang dalawang paa niya sa harapan?"

"Nino? Ni Flynn o ng kabayo?" biro nitong napangisi.

"Nung kabayo siyempre! Niloloko mo ba ako?" kunot-noong angil niya dito.

Kanina pa sa Hummer ay may pakiramdam na siyang tahimik siyang pinagkakatuwaan nito. At iyon ay dahil lang sa pag-amin niya ditong gusto niyang ligawan si Flynn matapos nitong itanong kung ano ba daw ang binabalak niyang gawin sa kwadra.

Ilang beses itong napakurap habang nakatitig sa kanya. Waring naghihintay na sabihin niyang nagbibiro lang siya. Pero nang hindi mangyari iyon doon na ito malakas na napahalakhak na tila ba ang sinabi niya ang pinaka-nakakatawang bagay na narinig nito sa buong buhay nito.

"Of course not! Bakit ko naman gagawin iyon?" kaila agad nito bagamat nananatiling may ngiti sa mga labi.

Ngunit hindi na niya tinugon ito dahil muli nang inagaw ni Flynn ang atensyon niya.

"Oh! Why is he stopping?! No! Go, tell him he should ride

again! Hindi ko pa tapos ang ini-sketch ko!" tarantang utos niya

kay Irvine nang makitang bumaba na mula sa likod ng kabayo si Flynn.

Flynn climbed over the wooden corral then jumped down from his five feet perch on top of it. Hindi pa sila napapansin nito dahil abala ito sa pagkausap sa isa sa mga naroong lalaki.

Ni-lasso naman ng tatlong lalaking ranchero din marahil ang biglang nagwawalang kabayo na naiwan sa loob ng kural. Tila si Flynn lang ang gusto ng kabayo na humawak sa renda nito

dahil ayaw nitong sumunod sa panggigiya ng tatlong ranchero.

Hindi rin nakatakas sa kanyang pansin na nahihirapan ang tatlo sa pagkontrol sa kabayo gayong kanina nang si Flynn ang nakasakay sa likod niyon ay parang kaydali lang sa binatang kontrolin ang kabayo.

Pero sa halip na sundin ang utos niya dito ay tila nababaghan sa kanyang tinignan lang siya ni Irvine.

"You'll certainly lead Flynn on a merry chase," iiling-iling na komento nito. "Dana, if he's done training that devil horse for today, he's done. I can't tell him to ride again and---Dana!"

Kung hindi nito maggawa siya na lang mismo ang magsasabi kay Flynn. Patakbo siyang lumapit sa kural. Doon sa bakod na binubuksan ng isa sa mga lalaking naroon siya lumapit upang mas madali niyang matawid ang distansya sa pagitan nila ni Flynn. Malawak kasi ang kural kaya matatagalan pa siya kung iikutin niya iyon sa halip na tawirin na lang.

"Flynn!"

Continue lendo

Você também vai gostar

9.5M 288K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
75.4K 1.4K 82
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
150K 8.4K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.