CHAPTER 2

10K 200 7
                                    


Sumandal si Flynn sa balustre ng veranda na katapat ng main dining room habang hinihigop ang mainit na kape sa tasang tangan niya. Katatapos lang maghapunan ng buong pamilya nila. Ang ilan sa mga kapamilya niya at mga kamag-anak ni Shebbah na maagang nagtungo dito sa isla para sa kasal nito at ni Ravin ay kinumbida ni Lolo Nemo sa family room.

At dahil ang bersyon ng mga Aseron ng family room ay literal at hindi ibang salita lang para sa sala, mas pinili niyang lumabas ng veranda kaysa sumama sa mga ito. Ang 'family room' kasi nila dito sa Aseron Castillo ay yaong silid kung saan nakalagak ang mga portraits ng mga ninuno nila kasama na ang mga abo ng mga iyon.

Kung tutuusin, mas tamang tawaging mausoleum iyon lalo

pa at matatagpuan iyon sa underground ng mansyon. Pero dahil sa kakaibang sense of humor ng lolo niya, tinawag nito iyong family room. Tuloy ang ibang bisita nilang kinukumbida nito doon ay nagugulumihanan. Bagay na siya mismong nais nitong

mangyari.

But he was not in the mood to listen to his grandfather's

tales about their esteemed ancestors as he guide Shebbah's relatives through the numerous winding corridors of the family room. Wala siya sa mood na mapaligiran ng mga patay na miyembro ng kanilang angkan, abo man ng mga iyon o mga paintings at estatwa.

He had enough of dealing with death for the time being. Gusto naman niyang mapaligiran ng buhay sa loob ng mahigit limang buwang bakasyong ibinigay sa kanya ng amo niyang si Cedric Townsend matapos ang kamuntikan nang naging trahedyang kinasangkutan niya dahil sa huling kliyente nilang isa palang drug lord.

Ang totoo dalawang buwan lang ang hinihingi niyang bakasyon dito. Pero ito na mismo ang nagtakda na pagkatapos ng limang buwan na siya bumalik sa trabaho. Not because he was injured badly but because Cedric thinks he was taking too much uncalled for risks with his own life.

Siya ang na-assign na mangasiwa sa security system sa gusali ng kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Santino Sanrival. At dahil doon ay natuklasan niya ang tungkol sa ilegal niyong negosyo. Subalit imbes na palihim na ipaalam iyon sa kinauukulan ay mas pinili niyang komprontahin si Sanrival ukol sa nalalaman niya.

He was not an LAPD cop anymore but he still has the instincts of a cop. Kaya ganoon na lamang ang pagkabanas niya nang subukan pa nitong suhulan siya na itago niya ang sikreto nito. The man did not know his real name dahil hindi iyon ang ibinibigay niya sa mga nagiging kliyente nila. He uses his mother's surname which was Riley.

Kaya marahil inakala nito na kayang-kaya siya nitong bayaran kapalit ng pananahimik niya. Sa pagkakaalam kasi nito ay isa lang siyang regular na tauhang paswelduhan sa Queen's Security and Detective Firm. Ganoon na lamang ang labis na pagkagulat nito nang tanggihan niya ito.

Gulat na agad pinalitan ng galit. Pinagbantaan pa nito ang buhay niya. Inakala nitong madali siya nitong masisindak.

Well, he proved the bastard wrong. But not before Carlosito, the man's son, shot him at the back while the police were arresting the drug lord. Balak talaga ni Carlosito na patayin siya kaya't inasinta nito ang ulo niya.

Doon nito nais ibaon ang bala ng baril na inagaw nito mula sa isa sa mga pulis na naroon. Buti na lamang at naitulak siya ng isang kasamahan niya kaya dumaplis lang sa balikat niya ang bala.

Sa kasalukuyan ay nakakulong na ang mag-ama. And hopefully, the two would stay locked in jail until the end of time. Or at least until he was back in tiptop shape to take them both down again.

He knew he could have handled it better. Hindi na kinailangan pang umabot sa pagtatangkang patayin siya ni Carlosito. At alam iyon ni Cedric. Kaya masinsinan siya nitong kinausap.

ASERON LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon