CHAPTER 3

8.1K 154 3
                                    


                                                         Itinakip ni Dana sa bibig niya ang kanang kamay nang sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay maghikab siya. It was just eight o'clock in the morning. At bagamat late na iyong maituturing para sa karamihan sa mga nakatira dito sa Aseron Farms, sa kanya ay iyon pa lang ang oras na mahimbing na mahimbing na ang tulog niya.

Pero imbes na naghihilik sa gitna ng malambot na queen-

sized bed sa pink guestroom na ipinagamit sa kanya ng pamilya ni Ravin, heto siya at pinipilit nguyain ang isinubong Beat hotdog. And all for the love of Flynn!

Sa tabi niya ay nakaupo si Lolo Nemo. Tikom ang bibig na pinapanood siya sa pag-a-almusal niya. Kasabay ng pagnguya niya ang pagtuktok ng baston na hawak nito sa pagitan ng mga hita nito.

Hayag ang pagka-inip sa mukha nito. At kung hindi siya nagkakamali, gusto na nitong isubo ng isubo sa kanya lahat ng laman ng plato niya matapos lang siya sa pagkain. Kanina pa kasi ito tapos mag-almusal. Pero naroon ito upang ibigay sa kanya ang mga detalye tungkol sa kinaroroonan ni Flynn.

Ang totoo, siya na lang at ito ang nakaupo sa breakfast

table dahil kanina pa natapos kumain ang ibang kasambahay

nila. Alas-siyete pala ang official breakfast time ng buong pamilya. At tulad kagabi sa hapunan, sabay-sabay din ang pag-a-

almusal ng lahat.

Kahit nga si Hetty, ang batang-batang madrasta ni Shebbah na kadalasan ay tanghali na rin gumising ay nauna nang bumangon sa kanya. Kasama kasi ito at ng tatay ni Shebbah na si Uncle Tom nina Ravin sa pagsundo sa pantalan sa mga paparating na iba pang kamag-anak nina Shebbah.

Nakalusot lang siya sa istriktong edikto ng sabay-sabay na

pagkain ng pamilya Aseron dahil sinabi ni Shebbah kay Lolo Nemo ang tungkol sa sleeping disorder niya.

"Lolo, kailangan ba talagang ganito kaaga kami maglibot ni Flynn? Hindi ba pwedeng mamaya na lang ng hapon? Saka nasaan na ba siya? Akala ko ba kayo na ho ang bahalang kumumbinsi sa kanyang samahan akong maglibot?" aniya dito matapos lunukin ang nginunguya.

Inabot niya ang baso ng freshly squeezed orange juice sa tapat ng plato niya. Hindi siya mahilig sa kape kaya bagamat umuusok pa ang coffee pot na nasa sentro ng mesa ay hindi niya pinapansin iyon.

Sa sinabi niya ay lalong lumalim ang kunot sa noo nito. Bumulong-bulong ito. At hindi niya sigurado kung alam nitong naririnig niya ang ibinubulong nito pero malinaw na ang narinig niya ay ganito:

'Napakamanhid talaga ng Flynn na iyon. Aba ay

drinamahan ko na ngang sumasakit ang dibdib ko sa pagtanggi

niya sa utos ko, hindi pa rin ako sinunod! Tinawag lang ang tigreng nurse ko at pinabigyan ako ng gamot! That boy is too clever for his own good! How can he see right through my excellent acting skills? How can I play matchmaker here if he always opposes every move I make?!'

''Nagbago na ang isip ko. Kailangan ay ikaw na mismo ang kumubinsi sa kanya. Isipin mo na lang na test ko iyon sa iyo. Kailangan mo munang mapatunayan sa aking karapat-dapat ka sa apo ko. Kaya kailangan sundan mo siya sa kwadra at ikaw na ang bahalang kumumbinsi sa kanyang ilibot ka sa buong farm," ang

malakas na wika nito.

Direktang kontra sa narinig niyang ipinagbubusa nito na

marahil ay iniisip nitong hindi niya narinig. Kaya naman nagdududang kinunutan niya ito ng noo.

ASERON LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon