Chapter 4

7.2K 176 11
                                    


'Damned shoulder!' inis na busa ni Flynn habang minamasahe ang palibot ng gumagaling pa lang na sugat sa balikat niya. Kung wala iyon maari pa siyang magtagal sa likod ni Cronus. Pero hindi na niya maipagpatuloy ang pagsasanay sa kabayong binili niya mula sa mga Falcon dahil sa pagkirot ng balikat niya.

Humakbang siya patungo sa trailer na gagamitin ni Irvine para ilipat si Cronus sa rancho nito na nasa gawing timog ng

Aseron Farms. Tulad ni Ravin na solong pag-aari na ang Esther Farms na nasa bandang hilaga ng Aseron Farms, solong mina-manage na rin ni Irvine ang Rancho Salome.

Hiwalay na ang kita at pagtakbo niyon sa Aseron Farms bagamat nasa loob pa rin ng lupain ng pamilya nila. Bagamat buhay pa kasi si Lolo Nemo ay pumayag na itong makuha ng mga anak ang parte ng mga mamanahin mula dito. At ang Rancho Salome ang bahagi na napunta sa kay Uncle Iago, ang ama ni Irvine.

Hiniling sa kanya ni Irvine na ipahiram niya dito si Cronus para sa stud services ng kabayo sa tatlong in heat na mares na pag-aari nito. Kaya ihahatid nila ngayon sa rancho nito ang kabayo. Sa palagay niya ay makakabawas din sa pagiging agresibo nito ang pakikipag-mate ni Cronus. It was probably one of the reasons why the horse was too irritable.

Mas nauna niyang narinig ang nagpa-panic na sigaw ng mga tauhan malapit sa koral kaysa sa malakas na pagtawag sa pangalan niya ng boses ng dalagang magdamag na gumulo sa isip niya. His heart felt like stone when he turned back to the corral. Nahuhulaan na niya ang dahilan ng takot na mga babala ng mga tauhan nila.

"Dammit!" bulalas niya.

At nang makita niya si Dana na walang pakialam sa

panganib na naghihintay dito sa pagpasok nito sa kural, pakiwari niya tumanda siya ng isandaang taon iglap. His whole body froze in fright as images of Dana's broken and bleeding body flashed through his mind.

Cronus is a mean horse. At kaya lang siya nito hinahayaang makalapit dito ay dahil nagkakaintindihan na sila nito. The wild stallion knew he was meaner and more stubborn than him. Ngunit sa ibang tao, kahit pa sa mismong mga tauhan sa kwadra na araw-araw nagpapakain dito ay mailap at mabangis ito.

Wala itong ibang pinapayagang sumakay o lumapit dito bukod sa kanya. Kaya nga kapag tini-train niya ito ay hindi siya nagpapapasok ng ibang tauhan sa loob ng kural. Para masigurong walang ibang masasaktan sakaling magwala ito at mabigo siyang kontrolin ito.

Kaya naman ang makita ang ulo ni Dana na ilang pulgada lang ang layo mula sa nagwawalang kabayo ay sapat na upang huminto sa pagtibok ang puso niya.

Lalo pa at kitang-kita niyang hindi na makayanan ng tatlong

tauhan nila na may hawak sa renda ni Cronus ang pigilan ito sa pagwawala at pagtatangkang sugurin ang estrangherang bigla na lang pumasok sa itinuturing nitong teritoryo nito.

"Jeezus! Dana!" hiyaw niya nang makitang nabitawan ng mga lalaking pumipigil kay Cronus ang renda at lasso na nakasuot sa leeg nito.

The horse has death in its mind as it pawed the ground and galloped towards Dana's small and vulnerable back. Tila noon naman tumagos sa utak ng dalaga ang panganib na kinakaharap

nito kaya bigla itong lumingon sa pasugod ditong kabayo.

"Run! Dana, run!" sigaw niya at ng iba pang naroon.

Masyado siyang malayo dito para maabutan niya ito sa oras. Pero sinikap pa rin niya nang sa wakas ay maramdaman niya ang pagbalik ng lakas sa mga hita niya. Ni hindi niya alam kung paano niya natawid ang five feet na taas ng kural nang hindi tumatapak o humahawak sa ibang baitang niyon.

ASERON LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon