Kismet (Completed)

skycharm24 द्वारा

141K 4K 332

Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangas... अधिक

1.Perfect Life?
2.Maid from Heaven
3. Payback
4. Talon
5. Fondness
6. Visitors
8. Reckless
9. Lablab
10. Happiness
11. Unexpected
12. His Past
13. Lies
14. Home
15. Anger
16. Miguel
17. Danger
18. Hurt
19. Safety
20. My Wife
21. Secured
22. Hope
23. Welcome Back
24. Forever
25. Epilogue

7. Marry Me

5.3K 160 19
skycharm24 द्वारा

Hindi napilit si Mariel na sumabay sa almusal pinagka abalahan niya ang pagdidilig ng mga halaman. Bakit naman siya sasabay sa mga ito? Ngunit hindi maalis sa isip ang pagtawag sa kanya ni Gabriel ng sweetheart.

" Sweetheart daw?" ulit ulit nya sa sarili.

" Ate Mariel!"

" Ay kabayo!" Nagulat ang dalaga sa pagsulpot ni Lala. Paano busy siya sa kakaisip ng sweetheart.

" I'm sorry Ate nagulat yata kita, kumain kana daw po, tapos na kami, bakit kasi ayaw mo pang sumabay sa amin eh magiging pamilya mo na din kami." nagulat ako sa sinabi ni Lala.

" Anong ibig mong sabihin Lala?" tanong ko sa kanya saka naman sumulpot si Gabriel.

" Iwan mo muna kami Lala. May pag uusapan lang kami ng Ate Mariel mo." anito sa kapatid.

" Mariel 'marry me." gulat na nabitawan ko ang hose na hawak ko. He's asking me to what!?

" Ano!? " kahit dinig ko ang sinabi niya ay nagtanong padin ako.

" Magpapakasal tayo." seryoso niyang sagot. Kung kanina ay tila tinatanong niya pa lang ako ngayon ay tila sigurado siyang magpapakasal ako sa kanya.

" At bakit ko naman gagawin yon? Wala tayong relasyon." nababaliw naba siya? Anong tingin niya sa kasal parang pamamasyal, 'tara pasyal tayo ganern?

" Magbabayad ako kahit magkano." Hindi ko kailangan ng pera mo gusto ko sanang isagot. " Kailangan ko lang isalba ang Hacienda. Gusto ni Grandpa na ibenta ang buong Hacienda at hindi ako papayag na gawin niya yon! Hindi niya itutuloy ang pagbebenta nito kapag nagpakasal ako, natatakot silang tumanda akong magisa dahil sa pag aasikaso ng lugar na to." gaya ng kwento ng kapatid niya.

Pero hindi ko naman akalaing magiging bahagi ako ng solusyon niya. Ako talaga?

" Bakit ako? Marami namang ibang babae dito sa Hacienda, hindi sila magdadalawang isip na tanggapin ang inaalok mo." hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkaka crush sa kanya.

" Minsan na din kitang tinulungan Mariel, ipapaalala ko lang sayo. Hindi ako nagdalawang isip na patuluyin ka dito sa bahay ko. Sana ay matuto kang tumanaw ng utang na loob." hinihingi niyang kapalit ang pakasalan ko siya sa pagpapatira nya sa'kin? Nagtrabaho din naman ako.

" Ang kailangan mo lang naman gawin' magpangap na asawa ko habang nandito ang pamilya ko. Kapag bumalik na sila sa New York pwede na nating ipawalang bisa ang kasal." namulsa ito at tumingin sa malayo. " Dahil sa nakita tayong magkatabing natutulog inakala ni Grandpa na may relasyon tayo." nag init ang pisngi ko. Iniisip ba nila na may nangyari sa'min?

Kasalanan ko din naman yon kung tutuusin, nakatulugan ko ang pagtitig sa kanya. Ano ba tong napasok ko? Umiwas ako na makasal sa taksil kong nobyo pero heto at may panibagong kasal na naman akong kinasasangkutan.

" Isipin mo nalang ang mga batang tinuturuan mo, sila Sasha, Heart at iba pa. Sila ang posibleng maapektuhan kapag natuloy ang pagbenta ng Hacienda." Blackmail Bess? Ginamit talaga ang mga bata, ginalingan.

" Sige' pumapayag ako para sa mga bata." pikit matang tinaggap ko ang alok niya." Para sa mga bata." ulit ko sa sarili ko.

" Wag ako Mariel!" kontra ng tagong bahagi ng utak ko.

" Pero ayoko ng magarbong kasalan Gabriel. Kung pwede ay yong tayo tayo lang." baka makarating pa kay Dad.

" Thank you! Thank you! Hulog ka talaga ng langit." nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako. Hulog daw ako ng langit?

" Ano at tuwang tuwa ka Hijo?" gulat na naitulak ko si Gabriel ng may magsalita.

" Ma! I'm getting married. Mariel said yes!" kinabig niya ako palapit sa kanya.

" Talaga ba Mariel Hija?" tanong ng Mama niya. Umusal ako ng panalangin para sa panibagong kasinungalingan bago sumagot.

" Opo Ma'am Beatrice." nahihiyang sagot ko.

" Mama Hija, simula ngayon ay tawagin mo akong Mama. " at niyakap niya ako.

Nakokonsensya na agad ako dahil sa pinapakita niyang kabutihan.

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Ang kaibigang Judge ng Lolo niya ang nagkasal sa amin. Tulalang napatitig ako sa papel na hawak ko. Marriage contract namin iyon. Napaisip ako kong valid ba iyon? Hindi ko naman kasi totoong pangalan ang nakalagay doon.

" Congratulations Mr. and Mrs. Santiago. You may now kiss your wife Gabriel." narinig ko nalang na sabi ng Judge.

Tumigil ang mundo ko ng maglapat ang labi namin ni Gabriel. May kakaibang damdaming lumukob sa'kin. At tila nakaramdam ako ng panghihinayang ng agad na matapos iyon. Landi much? Pilit akong ngumiti sa mga taong naging saksi ng kasal namin.

" Pagtrabahuhan n'yo naman ang magiging apo ko sa tuhod." napalunok ako sa sinabi ng Lolo niya. Apo daw?

" Welcome to the family Ate." masayang niyakap ako ni Lala.

" Salamat Lala." nakakatuwang wala manlang ni isang tumutol sa kanila sa pagpapakasal namin. Pero hustisya ang bilis ng kasal..

Nagkaroon ng salo salo sa Hacienda, imbitado ang mga taga roon.. Binati ako nila Mang Teban at Aling Dadang. Pati sila Sasha at ang pamilya niya.

" Bagay na bagay kayo ni Kuya Gab' Ate Mariel." si Heart at kasama ang pamilya nya.

" Salamat Heart." Halos mangalay ang panga ko sa pag ngiti sa mga bisita.

Karamihan sa kanila ay natutuwa sa kasal namin liban sa ilang kababaihang harap harapan kung umismid. At may nagpaparinig pa.

" Siguro ay inakit n'yan si Gabriel kaya siya pinakasalan." tumaas ang kilay ko at hinanap ang mahadirang nagsalita. Siniko naman ito ng kasama.

Natawa nalang ako ng makitang halos punong puno ang plato niya ng pagkain, akala yata eh fiesta. Di nalang magpasalamat na may libreng pakain dahil sa kasal namin.

" Pera lang sigurado ang habol n'yan kay Gabriel, aba'y mautak at Haciendero ang nabingwit." ginawa pa nilang isda si Gabriel..,pera daw ang habol ko, papano mangyayari yon kong mas mayaman pa ako sa kanya?

Nagulat ako ng hapitin ako ni Gabriel sa bewang. Tsk! Lalaking to lately uso sa kanya ang gulatin ako.

" Smile wife." aniya at humarap kami sa mga bisita. Wife? Bakit sumikdo ang puso ko sa katagang iyon?

Bigla nalang kami inabutan ng platito na may cake. At mukhang alam ko na ang kasunod. Sinubuan ako ni Gabriel ng maliit na hiwa ng cake..at ganon din ako sa kanya. At nagkalansingan ang mga kubyertos at tinidor.

" Kiss! kiss! kiss!" sigaw ng mga bisita.
Hindi ko malaman ang nararamdaman ko, kaba? O excitement?

" Kiss daw wife." ayan na naman siya sa wife churvah niya. At muling naglapat ang labi namin.

Naramdaman ko na naman yong kakaibang pakiramdam kagaya ng kanina. Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko sa halik niya? Nagkikiss din naman kami ni Dave dati pero bakit ganon?

Nagpalakpakan ang mga bisita. Mabuti nalang at nakaalalay sa'kin si Gabriel kung hindi ay baka nabuwal ako.

Inabutan naman kami ng wine.. pinagikis namin ang kamay bago ininom iyon. At kagaya kanina, kiss na naman ang sigaw ng mga bisita.

Muling akong hinalikan ni Gabriel, nakakarami na siya, naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagatkagat sa labi ko. Nalasahan ko yong wine at tila mas naging malinamnam iyon.

Muling naghiyawan ang mga bisita namin, may sumipol pa. Who could say na palabas ang lahat ng to. It's a simple normal wedding. Only without love.

Wala nga ba?

Nagsialisan narin ang mga bisita at nagliligpit na ang catering na kinuha ni Gabriel. Pumasok ako sa kwarto para sana magpalit dahil init na init na ako sa suot ko. It was a knee length white dress na ang Mama ni Gabriel ang nagbigay. Pero wala ang mga gamit ko?

" Ay Ma'am, nasa kwarto na po ni Sir Gabriel ang mga gamit n'yo pinalipat ni Ma'am Beatrice kanina." sabi ni Ate Icel, isa sa dalawang bagong kasambahay na kinuha ni Gabriel.

Napabuntonghininga ako. Mag asawa na nga pala kami at natural na sa iisang kwarto dapat kami matulog kung hindi ay magtataka ang pamilya niya.

Pumasok ako sa kwarto niya, nakita ko kasing kausap niya pa ang Lolo niya sa labas. Isa isa kong binuksan ang mga kabinet at nalula ako ng mabuksan ang isa sa mga iyon biglang dumami ang mga damit ko. Naalala ko ang kwarto ko sa bahay namin.

" Nagustuhan mo ba Hija?" si Ma'am Beatrice na ngayon ay katabi ko na. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya.

" Ang dami naman po ng mga ito Ma'am, I mean Mama." ilang beses niya na kasi akong pinagsabihan na tawagin siyang Mama.

" Napansin ko kasi na kakaunti ang mga damit mo. Isipin mo nalang na bahagi iyan ng regalo ko sa kasal ninyo." ang bait talaga ng Mama ni Gabriel, hindi ko alam kung saan siya nagmana ng kasungitan.

" Maraming salamat po Mama." Iniwan din ako ni Mama Beatrice para daw makapagpalit na ako at makapagpahinga.

Kumuha ako ng pajama at panloob saka pumasok ng banyo. Pati sa banyo ay kompleto sa gamit at bago ang mga iyon. May mga pangbabae din gaya ng shower gel. At bagong toothbrush na hindi pa nabubuksan.

Naligo na ako at nagbihis sa banyo mismo baka mamya ay bigla nalang pumasok si Gabriel. Kakatapos ko magpatuyo ng buhok ng pumasok siya.

" Pasensya kana at hindi ako pweding tumutol na sa iisang kwarto tayo matutulog baka magtaka sila." aniya habang kumukuha ng damit sa kabinet.

" Naiintidihan ko." maikling kong sagot sa kanya. Pumasok na siya sa banyo at narinig ko ang lagaslas ng tubig.

Hinihila na ako ng antok dahil siguro sa pagod kaya kumuha ako ng unan at nahiga sa sofa, alangan namang magtabi kami sa kama. Isa pa kwarto niya naman to.



Gabriel

Lumabas ako ng banyo pagkatapos ko maligo, naging mahaba ang araw na to. Balak kong kausapin si Mariel para muling magpasalamat batid kong hindi naging maganda ang trato ko sa kanya nong mga unang araw niya sa Hacienda. Madalas ko syang sungitan pero pumayag padin siyang tulungan ako.

Pero mahimbing na itong natutulog sa sofa? Nagkasya naman sana siya dahil maliit lang siya pero alam kong hindi komportable iyon. Kaunting galaw niya lang siguradong sahig ang bagsak niya.

Binuhat ko siya at nilipat sa kama. Ang laki ng kama ko kasya apat na tao tapos sa sofa siya matutulog.

" Goodnight wife." bulong ko sa kanya. Napatingin ako sa mga labi n'yang may ilang beses ko ding nahalikan kanina. At tila may humahatak sa aking hagkan ulit yon. Pero nagkasya na lamang ako sa paghalik sa kanya sa noo at saka natulog.

Nagising ako kinaumagahang may nakasiksik sa akin at may mumuntinghiningang tumatama sa leeg ko. Bahagya akong lumayo at napangiti ng mabungaran ang mukha ng babaeng ngayon ay asawa ko na. Pangalawang beses ko na siyang nagisnang ganito.

Maya maya ay unti unti nitong minulat ang mga mata. At kasabay ang isang malakas na tili...

" Aaaahh hmmmm! " hindi natuloy iyon ng sinalubong ko siya ng halik. Maaga pa at paniguradong magtataka ang mga tao sa bahay sa pagtili niya.

Saka ko lang siya binitawan ng kalmado na siya. Hinampas nya ko sa dibdib.

" Bakit ka nandito? Saka bakit mo ginagawa yon?" saka siya ngumuso. Aware kaya siya na ang cute niya kapag ginagawa yon?

" Ang laki nitong kama ko tapos sa sofa ka matutulog? Kaya nilipat kita dito. Saka iyong halik eh para hindi mabulabog ang mga natutulog pa." namula siya at ngayon ay naka awang na ang mga labi.

Naramdaman ko nalang ang pagkabuhay ng dugo ko sa pagkakatitig sa labi niyang naka awang. At nanlaki ang mata niya ng maramdaman iyon dahil magkadikit ang ibabang bahagi ng katawan namin.

" Bastos!" Mabilis siyang bumangon at pumasok sa banyo.

" Shit!" bakit kasi ke aga agang sumaludo ni Kapitan? Kailangan kong maligo pero nasa banyo si Mariel. Kinatok ko siya.

" Mariel matagal ka pa ba dyan?" Maliligo ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas siya pero napansin kong sa bandang baba ko siya nakatingin at kasabay non ang muling pamumula ng mukha niya. Tinakpan ko ng dawalang kamay ko ang harapan ko.

" Eyes up here wife!" Bakit kasi nakatingin siya doon?

Mabilis niyang sinalubong ang mga mata ko saka mabilis ding lumabas ng kwarto. Iiling iling na pumasok ako sa banyo at naligo.

Samantalang si Mariel ay mabilis na nagtungo ng kitchen, kumuha na malamig na tubig at ininom. Hindi maalis sa isip niya ang kaninay pagkislot ng bagay na iyon na tumama sa may puson niya. Tila ba may sariling buhay iyon..

And right after she open the bathroom door automatic na naglanding ang mga mata niya sa babang bahagi ng katawan ng asawa. She saw the bulge and it's looks huge..

Pinalis niya sa isip ang mga eskenang iyon at narin ang mga naiimagine niya.

" Ma'am gusto nyo po ba ipagtimpla ko kayo ng kape?" tanong sa kanya ni Icel..

" Ako nalang Ate Icel." ayaw niyang magbuhay donya porket kasal na sila ni Gabriel dahil hindi siya ganon kahit noong nasa sariling bahay pa siya.

Sinilip niya ang hinandang almusal ng mga ito para alamin kung may maitutulong pa sana siya' pero patapos na ang mga ito. Hinahanda na nga nila ang mesa.

" Goodmorning Ate Mariel." si Lala. Maaga itong nagising.

" Ang aga mong nagising Lala." puna niya dito.

" Sleep is for the weak Ate." Nakangising sagot nito sa dalaga.

" Kamusta ang pulo't gata apo 'nakabuo ba kayo agad?" muntik nya ng maibuga ang iniinom na kape sa tanong ng Lolo ni Gabriel.

" Pa!" saway ng anak na si Beatrice sa ama.

" Nagbibiro lang ako Mariel apo." saka naman ang pagdating ni Gabriel na bagong ligo.

" Goodmorning everyone. Let's eat' wife." sàbay halik niya sa noo ng asawa. Kinilig si Mariel sa gesture nyang iyon.

" Ipagtitimpla kita ng kape." At tumayo na si Mariel para igawa ang asawa ng kape. Kabisado na niya ang timpla nito.

" Thank you sweetheart." pasalamat ni Gabriel sa kanya. At nagsimula na silang kumain.

" Bakit kasi hindi mo tanggapin ang regalo ng Ninong nyo na bakasyon sa Palawan Gabriel? " tanong ni Beatrice sa anak.

" Oo nga naman Gab, para masulit nyo ang honeymoon ninyo ni Ate." sigundo ng dalagang si Lala.

" Lala ilang beses ko bang uulitin sayong tawagin mo akong Kuya?" napalabi ang kapatid sa sinabi niya. " Ma, hindi ko pweding iwan ang Hacienda, anihan na ng mga gulay sa makalawa at alam nyo namang ako lang ang gusto kausap ni Mr. Reyes. sa pag angkat ng mga iyon. Sa susunod nalang ho, isa pa pwede naman kaming mag honeymoon dito sa bahay." binaling ni Gabriel ang tingin sa asawa na pinamulahan ng mukha.

" Bweno ikaw ang bahala Hijo. Ayos lang ba sayo iyon Mariel?" tanong ng Mama ni Gabriel sa manugang.

" Ayos lang po." maikling sagot niya. Naninibago padin si Mariel sa set up at nahihiya siya sa topic ng mga ito. Honeymoon talaga?

" Babalik na nga pala ako ng New York apo. Ibibigay ko sayo mamaya ang titulo ng Hacienda at iba pang dokumento." napangiti si Gabriel sa sinabi ng abuelo.

Sa library sila dumiretso pagkatapos kumain at ibinigay nga ng matanda kay Gabriel ang titulo ng Hacienda kasama ng iba pang mahahalagang dokumento. Nagtaka siya ng may nakabukod na papel itong iniabot sa kanya.

Nakasaad dito na sa oras na makipaghiwalay siya sa asawa o ipasawalang bisa ang kasal nila ay mapupunta kay Mariel ang Hacienda. Naihilamos niya ang palad sa nabasa. Nahulaan marahil ng abuelo niya ang kanyang plano kaya nagsiguro din ito.

" May problema ba Luke?" tanong sa kanya ng Lolo niya.

" Wala po Grandpa." Wala naman siyang magagawa kahit umangal pa siya. Baka makahalata pa ito.

" Alagaan at mahalin mo ang asawa mo at hindi mo magiging problema ang nakasaad sa papel na yan." tinapik siya ng matanda sa balikat at saka ito lumabas ng kwartong iyon.

Kinabukasan ay hinatid ng binata ang abuelo sa airport. Nagpaiwan ang ina nito at kapatid para sulitin ang bakasyon habang wala pang pasok si Lala.

Tanaw ni Mariel ang papalayong sasakyan. Hindi nila inaasahan na magpapaiwan pa ang dalawang panauhin at ang ibig sabihin lamang ay kailangan nilang patuloy na magpangap bilang magasawa.


Itutuloy....,



Hello beautiful people. Sorry medyo sabaw ang update hehe..Thank you sa reads. Mag react kayo kahit violent reaction pwedi..charoot.

Skycharm24







पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

850K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
140K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022