The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[38] Possessive Pronouns 101
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[17] Francisco

197K 4.7K 961
By shirlengtearjerky

Chapter 17: Francisco

Time to combat the angst of TMEUAS! Filler chapter lang po ito. Sana magustuhan niyo!

 Take note na mas nauna ang timeline ng TSIB sa IIF. Then tapos na ang TSIB bago pa magstart ang TMEUAS. Magulo ba? Ako rin naguguluhan minsan eh! :)

xxx

JUNE

 

Remind me to never watch a Jildreau movie again.

I tried to like Love Will Lead You Back. I tried. Kaso.. hindi talaga ako nagandahan. Sa acting ni Jillian.

“Grabe ka naman Zades! It isn’t that bad!” Kesh exclaimed as she devoured the spaghetti on her plate. Kadiri talaga siya kumain minsan. “Ito na nga ang pinakamaayos na acting ni Jillian!”

Muntik ko nang maibuga ang juice sa bibig ko. “Are you kidding me? Same acting pa rin yon! Expressionless pa rin siya tas yung boses niya ang robo— ouch!” I glared at her for kicking my leg under the table. “Anong problema mo?”

“Ang lakas ng boses mo! Sige ka, awayin ka ng Dreausters dyan!”

Sinilip ko ang ibang customers dito sa fastfood chain (hindi yung ineendorse ni Andreau ha) sa tabi namin. Mukhang hindi naman sila fans ng Jildreau or what. “I don’t care. I’m just stating my opinion! Ugh. Bakit ba sinamahan pa kita dito? Sana natulog na lang ako sa dorm!”

First week of showing ng movie nila ngayon. Dapat manonood kami nung premiere night dahil binigyan ako ni Mars ng tickets, kaso nasa Cebu pa si Kesh last week kaya we declined. Okay na rin nga na hindi kami nakanood nun, baka mamaya kay Jillian pa mismo ako magreklamo. Ang irrational talaga ng pagkainis ko sa kanya! Grr!

“Sus, kaya mo lang nasasabi yan kasi close na kayo ni Big Boss,” the grin on her face annoyed me like hell. “Dati kinikillig ka naman kina Ji—“

“Excuse me, sa Sardreau ako kinikilig. Ni wala ngang chemistry sina Jillian at Andreau!” Ugh, nawalan tuloy ako ng ganang kumain ng chicken. Nagc-crave pa naman ako dito!

“Well.. may point ka dyan. Kaso mas wild ang fans ng Jildreau, girl. Handang makipagpatayan yun para ipaglaban na real silang dalawa.”

Ugh. Natandaan ko na naman nung pumunta siya sa condo ni Andreau almost three weeks ago. Totoo nga ang sabi ni Big Boss, na-issue nga sila ni Jillian. May blind item na kumalat two days later, saying na may isang young actress ang dumadalaw sa condo ng kaloveteam niya ng dis-oras ng gabi. Exagge naman yung dumadalaw, isang beses lang naman yon!

Siguro kaya ako nainis kay Jillian kasi.. feel na feel niya masyado? I’m not sure kung ganun ba ang instructions sa kanila o sadyang malandi lang yung babaeng yon. After kasi ng blind item, nagpost ang babae sa Instagram ng picture ng bouquet of flowers na may caption na: Thank you, A.

Malakas ang feeling ko, ay hindi, alam ko talaga na hindi kay Andreau galing yon. Feelingera. Anything for publicity nga naman.

After naming kumain ay sinamahan ko si Kesh sa bookstore para bumili ng gamit for this sem. As usual hindi niya ako pinapunta sa mga libro, sanay na siyang nagtatagal ako sa part na yun. Gets naman niya na mahilig akong magbasa ng libro, kaso may isang bagay lang siya na ayaw sa’kin when it comes to books.

Zades.. kanina mo pa hawak yan. Bibilhin mo ba?

Wait lang.

Oh god. Ba’t mo ba inaamoy yung pages ng libro? Papel lang yan! Pare-parehas ang a—

I won’t buy this one. Hindi mabango yung papel.

What? Kanina mo pa hawak, tinanggal mo na sa plastic tapos.. hindi mo bibilhin? Siraulo ka ba?

Uhmm.. no. Gusto ko lang mabango ang mga libro ko.

Pero siya pagdating sa pagfafangirl kay Andreau.. hindi ko siya pinipigilan. For example, bumili siya nung teen magazine na cover si Andreau for June. Kilig na kilig pa ang baliw habang nagbabayad siya sa cashier.

Saktong katapat ng bookstore ang clothing brand na ineendorse nina Andreau, Jillian at Sarah. Of course, Jildreau pictures ang nakadisplay sa store ngayon, part of the movie production. In fairness ha, bagay talaga kay Andreau ang dark blue, mas lalo siyang pumuputi. Nevermind yung katabi niya sa picture. Naiirita talaga ako.

Titig na titig si Kesh sa picture ni Andreau. Alam ko na ang pumapasok sa isip niyan: Sana binuksan pa yung buttons sa baba! More abs more abs! Jusko, nakakasawa kayang tingnan ang abs niyan! “Pinag-uusapan sa registrar’s office yung sabbatical ni Andreau kanina. Excited sina Tita, mas makikita raw nila si Andreau sa campus. Tatanda na humaharot pa rin!”

Medyo nanghihinayang ako na hindi ako nanood ng premiere night dahil dun inannounce ni Andreau yung one year shit niya. From what I’ve heard from Ms. Marisse, nagsi-iyakan daw ang karamihan sa Dreausters dahil don. My god, ang epic siguro nun! Kids these days!

“Meh. Wala namang kaexcite-excite dun!” Kesh glowered at me. “Eh totoo naman. Magiging busy si A—“

“Kaya mo lang nasasabi yan kasi madalas mo siyang nakikita outside the campus! Paano naman kaming mga mortal lamang?”

“Baliw ka talaga. As if sobrang close kami ni Andreau!”

“Hmmm.. if I know.. nakatsansing ka na sa kanya!”

Okay Zades iwas ng tingin kay Kesh! Alam mo namang gumagaling yan sa psychology shizz niya! “Nakita ko lang siyang nakatopless. I don’t even like abs. Anong pake ko dun?” At hinalikan ko rin siya, girl. Ibang kwento na yun!

She looked at me skeptically for a moment then smiled. “Oh well, may point ka don. Pero pag nalaman ng Dreausters sa campus na close kayo.. lagot ka. Alam mo naman sila, may Cortez rabies strain.”

Siguro months ago hindi ako kakabahan sa sinabi ni Kesh. Hindi pa naman kasi kami close ni Andreau nun. Nag-iba ang level ng closeness namin nung Coron trip at nung talk namin last time. Oo nga, ano kayang status ng friendship namin ngayon? Last time.. temporary best friend ako. Malamang ngayon na nandito na ang totoong best friend, simpleng friend na lang ako.

Kinakabahan ako na ewan. Hindi ako natatakot sa fangirls niya or what. Kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Ako pa, kapal kaya ng mukha ko!

Ang kinakatakutan ko lang naman.. na if ever mang siya ang tanungin kung anong meron man sa’min.. baka i-deny niya at sabihing.. wala lang.

Sabi na nga ba, dapat nag-artista na rin ako. Ang dami kong hugot!

xxx

Two days later..

Ibang klase pala ang pagod pag junior year ng Comparative Lit. Puro majors na ang subjects ko plus isang language elective. French ang kinuha ko para magamit ko sa major ko. Finally, pikit-mata kong pinili ang European Literatures as my major. Plano ko kasing magmasteral sa New York at yun lang ang merong offering na subjects. Naks, taas talaga ng mga pangarap ko!

Second day of classes ngayon at ngayon pa lang ako magbabayad ng tuition, ito na ang pinakamaaga kong pagbabayad in fairness. Usually kasi sa last day ng late reg ako nagbabayad. Nagulat nga ako kay Mima, nagpadala ng perang pang-enroll!

Kaso ang tanga ko, naiwan ko ang forms ko sa condo nina Ms. Marisse. First day of school kasi ni Tristan ngayon kaya medyo nagreview kami ng lessons kagabi. One year na niya akong tutor! Nakakaiyak, grade 1 na siya sa isang international school (malamang!). Sayang, hindi ko siya nakitang nakaschool uniform kanina, late kasi ako nagising!

Bandang 9 AM nasa Skyline na ako para kunin yung forms ko. Good thing Tuesday ngayon, maluwag ang sked ko kaya pwede akong magbayad ng tuition. Basta makuha ko la—

Okay.. that’s weird. May kumakanta sa loob ng condo nina Ms. Marisse!

A male voice.

Si Sir Shane kaya yun? Jusko, mapapalaban ako ng English dito kung siya nga. Wala namang nabanggit si Ms. Marisse na dadating si Sir Shane this week ah? Baka isusurprise niya sina Tristan? Oh god. Paano ko kukunin yung forms ko? Nakakahiya naman kung bigla na lang akong papasok!

Dinikit ko ang tenga ko sa front door, baka sakaling mabosesan ko kung sino nga yung kumakanta. Well hindi ko naman alam kung singing voice nga ni Sir Shane yon. Once ko pa lang siya nameet nang personal, at hindi siya kumakanta non. Pero maganda ang boses niya!

Itong kumakanta? Meh. Medyo wala sa tono ang boses eh. Baka naman si Mars ‘to?

Ah bahala na nga. Gusto ko nang makapag-enroll! Pikit-mata kong binuksan ang front door ng unit nila at..

I don’t know what to do and I’m always in the dark

We’re living on a powder keg and giving off sparks

I really need you to—

OH. MY. GOD.

OH. GOD.

I blinked thrice to be sure. Deep inside hinihiling ko na sana siya nga yung kumakanta. Wow, ang lakas ko naman ata kay Lord. Nagkatotoo nga.

Andreau stood there, completely caught offguard, mouth wide open. Hawak niya ang iPhone niya at nakasaksak pa ang isang earbud sa left ear niya.

He was the one singing. Off tune. At..

Total Eclipse of the Heart pa talaga ang kanta niya.

Hindi ko alam kung anong emotion ang uunahin ko, kung tatawa, mahihiya, magsosorry o aalis na lang para hind imaging awkward. Napako ata ng boses niya ‘tong mga paa ko at di ako makagalaw.

We remained speechless for a minute till I couldn’t stand it anymore. “I-I.. I think I’m gonna go,” I babbled. Nang hindi siya sumagot, mabilis akong lumabas ng unit.

Oh my god. Bakit nahihiya ako para sa kanya? No wonder nagstick siya sa ukulele! Ang panget ng boses ni Andreau Cortez! Bumukas ang pinto sa likuran ko bago pa ako makaalis. Shit, ayoko talaga ng awkward confrontations eh!

“Zade.”

Triple shit. Ayoko na. Ayokong lumingon sa kanya. Hindi ko alam kung anong unang reaksyon ang lalabas sa’kin pag nangyari yon.

He gently grabbed my shoulder and turned me around. Yumuko ako agad. My goodness nakakahiya ‘to! “Zade.. you can laugh now.”

“A-ayoko, Andreau. Please.. w-wa—“

“Sige ka, sa ibang lugar lalabas yan.” Aba, talagang hindi niya tinanggal yung kamay niya sa balikat ko! Ginawang hand rest?

“P-plea—“ then the floodgates of laughter opened. My body convulsed profusely as I guffawed my heart out in front of him. Grabe, ang tagal ko ring pinigil yung tawa ko, mga three minutes! Madali pa naman akong matawa kaya world record para sa’kin ‘to!

Maya-maya tumawa na rin si Andreau, as in tawa. Mukha kaming siraulo sa pintuan! “God, I’m so embarrassed,” he muttered, catching his breath. Ngayon ko lang siya nakita na namula sa kakatawa. Aha, Blushing Andreau, pasok ka sa Top 5 ko!

Pumasok kami sa loob ng unit, baka maweirduhan na yung kapitbahay nila sa’min. Dumiretso si Andreau sa kitchen at bumalik sa sala na may dalang dalawang can ng soda. He gave me the orange-flavored one, sakto.

Sa carpet ako umupo tapos siya sa may sofa. “Uy sorry talaga ha!” ulit ko, this time seryoso na. “I.. didn’t mean to laugh like that.”

“Lagi mo naman akong tinatawanan eh. Medyo nasasanay na ako,” he replied, obviously na nagpapanggap na nahurt siya sa sinabi ko.

“Kapal mo please. Ikaw kaya yun! Halos lahat na lang ng sinasabi ko tinatawanan mo!”

“Not true!”

“Wala ka bang pasok ngayon? Akala ko ba.. school mode ka na?”

He glanced at his watch. “2 PM pa. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Wala kang klase?”

“Hapon pa. Magrereg sana ako this morning kaso naiwan ko dito yung envelope ko. Nakita mo ba?”

Tinuro ni Andreau ang center table sa tabi ko. “Is that yours?”

Hah, ang linaw naman ng mata nito! Nahanap niya agad yun? “Uy thanks! Makakaabot pa ako sa cashier nito yey! Ikaw, reg’d ka na?”

“Kahapon lang. Someone did it for me.” Of course, ikaw pa. Big Boss ka nga, di ba? “So.. did you watch the movie already?”

Pag-usapan na namin lahat wag lang yung movie nila ni Jillian. Tatabil na naman ang dila ko. “Uhmm.. pinanood namin ni Kesh last Sunday,” he raised his eyebrow, signalling me to go on. “Okay ka dun. Yung leading lady mo.. hindi.”

Shaking his head, Andreau chuckled. “Ayaw mo talaga kay Jillian ano?”

“My god. Iisa lang naman ang sinasabi ko pag siya ang topic natin, di ba? Sorry, I’m being honest here.”

“Honesty accepted. Actually.. nakukulangan ako sa performance ko dun,” he confessed. Wow ang bilis magshift ng mood ng usapan namin ha, seryoso na agad! “I should’ve be—“

“Ano ka ba, nagkasakit ka eh. You did.. okay, Andreau. Pero ang laki ng kinita ng movie niyo ha! 100 million in a four days? May mali talaga sa mga ma—“ tumigil na ako, masama na naman sasabihin ko tungkol kay Jillian eh. “Sorry. I’ll stop.”

“Thank you for watching our movie, Zade. I know hindi mo type yung mga ganun.”

“Grabe ka naman! It was tolerable, and may ilang scenes din naman na natawa ako. Okay lang, promise.”

From his movie nalipat ang topic namin sa changes ngayong academic year, subjects niya (may language elective rin siya! Italian naman, na natake ko na), subjects ko (nalula siya sa reading list namin) at sa first day ni Tristan sa school. Saglit na natigil ang usapan namin nang maubusan kami ng drinks. Bumalik siya sa kitchen para kumuha pa ng soda at makakain.

Hah, 10 AM na. Tinatamad na akong mag-reg! My eyes landed on the center table, ang daming papel na nakakalat. Sinilip ko yung papel sa pinakatuktok. Ah.. forms ni Andreau ‘to! Dahil tsismosa ako, pinakialaman ko na. Yuck, puro Film shit pala ‘to. Course outlines, requirements,proposals.. at.. whoa. What do we have here?

His university ID.

Shit lang, ang totoy pa niya sa ID picture! Mas totoy pa dun sa picture nila sa Corregidor! Before Gold’s Gym talaga ‘to!

“Zades okay na sa’yo ‘tong gra—“ he stopped walking when he saw me holding his ID. “Wow, alam mo bang iilan lang nakakakita niyan?” In fairness hindi siya nagalit ha. Inabot niya sa’kin ang grape soda at umupo sa sofa. “Sabi sa’yo, before Gold’s Gym.”

Tinitigan ko ang isang portion ng ID niya.

CORTEZ, Andreau Francis V.

BA FILM

Pang-artista nga ang pangalan niya ha. Nung una akala ko screen name lang niya ang Andreau, arte kasi ng spelling!

Ang weird, natatawa ako. Francisco. Hahaha minsan ang funny ko talaga.

“Whoa. I’m not yours.”

“Ha?”

Siya pa ‘tong takang-taka sa’ming dalawa! “I said.. I’m not yours. I didn’t know you’re possessive.”

“Mukha mo. Anong pinagsasabi mo dyan?”

Wala na, parehas na kaming nalost dito. “You said.. Francis ko while staring at my ID. You’re weird.”

Whoa, nasabi ko pala yon? Parang di naman bumukas ang bibig ko kanina! “Baliw ka! Feel mo naman! Ang sabi ko Francisco, as in yung pangalan. Hindi Francis ko. Walang space yung sinabi ko!”

Bumalik na naman ang Blushing Andreau matapos ang isang oras! Ang adorable niyang tingnan pag namumula siya! “God, what’s wrong with me today?” tinampal niya ang noo niya. “Sorry, I really thought you sa—“

“Okay lang, Andreau. I’ll let that one pass.” Hindi naman nakakatawa yun, in fact, I find it really amusing. “Sa susunod kasi wag kang masyadong kakanta ha? Sa panget ng boses mo, feeling ko nagkaron na ng damage ang eardrums mo.”

Andreau scoffed, naoffend ko ata. “Excuse me, next time practice on your enunciation skills. I certainly heard Francis ko earlier.” Wow, akala ko ba okay na kami?

“My enunciation skills has nothing to do with this! Tenga mo na ang may problema, hindi ako!” Ugh nakakairita ang ayos na ng usapan namin eh. “Francisco!”

“Don’t call me that! That’s not my name!”

“Tse! Kainis ka!”

“Hah. Ikaw ang nakakainis! Ang ganda ng pangalan ko, Francis. I was named after Francis Coppola,” proud pa niyang sabi.

“Who the hell’s that?”

A shocked and scandalized look appeared on his face. OA din ‘to minsan. “You don’t know him? He directed The Godfather 1 & 2!” Poker faced lang ako sa sinabi niya kaya mas nainis siya. “Of course, you don’t know him.” He let out a disappointed sigh. Kapal talaga!

“Lagi mo na lang ba akong aasarin sa film handicap ko ha? Nagiging luma na eh.”

Bigla siyang naguilty sa sinabi ko. Nakaka-offend din kasi siya minsan. So what kung hindi ko kilala yon? “I’m sorry.. I overreacted,” lumipat siya sa upuan malapit sa’kin at kinuha ang ID niya. “Favorite namin ni Papa si Coppola, and he’s my father’s hero. So..” he trailed off.

Ano namang laban ko dun ha? May hugot naman pala! “Apology accepted. I’m sorry.. about the name thing, I didn’t know.”

“Naaah. It’s okay. Hindi mo naman alam eh. So.. we’re solid?”

“Solid?”

He fought the urge to roll his eyes. I could tell that kasi saglit niya akong pinandilatan. May ugali rin ‘tong si Andreau ha. “Solid. Kung okay na tayo. Ganun.”

“Ah. Gets.”

“One more time. Are we solid?”

“Yeah, solid.”

Pero.. Francisco. From now on yun na ang secret nickname ko para sa’yo.

xxx

That afternoon dumiretso ako sa Café Feliz after ng klase ko. Hindi ako nakaabot sa pila ng registrar dahil napasarap ang kwentuhan namin ni Andreau. Solid solid pa kasing nalalaman eh!

I was surprised to see a familiar person inside the café. In fairness, namiss ko ring mabulag sa ngiti niya ha.

“Hey Zades!”

“Hey Roldan!” nagfistbump pa kaming dalawa. Mukha akong tanga nung first time niyang ginawa ‘to, malay ko bang may ganung bagay na nag-eexist sa mundo. “Kamusta buhay tambay?”

“Tss. Sama talaga ng ugali mo. Eto okay lang, feeling estudyante pa rin!” umupo kami sa may bandang dulo ng café, sa favorite spot nila ni Andreau. “Ikaw? Kamusta? Reg’d ka na?”

“Hindi pa! Naabutan ako ng cut off kanina! Napasarap kwentuhan namin ni A—“ tumigil na ako bago pa ako mahuli. “I mean.. ano..”

Roldan flashed his huli ka don’t dare deny anything smile. “I know you’re with Andreau earlier.”

“What? Okay fine. Dumaan ako sa condo nina Ms. Marisse kanina. Naiwan ko papers ko,” I paused, natawa kasi siya. “Grabe kayong dalawa, magbest friend nga kayo. Ang bully niyo.”

“Hey, we’re not bullies! And from what I’ve heard.. naging temporary best friend ka raw sa Coron ah?”

CRAP. LAHAT NA LANG BA NG MEETINGS NAMIN KINUKWENTO NI ANDREAU SA KANYA? Ganun ba talaga pag magbest friend, dapat malaman lahat? Wala kasi akong best friend. Ang closest na maituturing ko na best friend ay si Kesh, because duh, she’s my roommate. Pero may best friend din si Kesh na taga-Manila kaya baka hindi counted yon.

“Aahh.. yeah,” I replied casually. Deep inside kinakabahan ako. Baka kasi kung anu-ano na sinabi ni Andreau sa kanya. “Uhmm.. did he tell you anything else?”

“Wala naman. He said something like.. it would violate the creed of temporary best friendship or something. Akala ko nga nagbabasa na naman siya ng Lord of the Rings kaya ganun sinabi niya. May ganun ba kayong ginawa?”

Creed of what? Anong kalokohan yon? Pero thankful na rin ako at hindi niya sinabi ang secrets ko! “Yeah. Nerd stuff. I didn’t understand it either.” Isip ng ibang topic, Zade! Mahuhuli ka nito eh! “So.. Roldan.. ba’t ka nandito? Don’t tell me hinihintay mo si Kesh?”

Nanlaki ang mga mata ni Roldan sa sinabi ko. “What? Ikaw ha, nahahawa ka na kay Lee. May girlfriend ako sa States.”

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. “What!? Yung totoo!?”

“Oo nga. Ah.. isa ka rin sa kanila ano?” tumango-tango pa siya as if may naprove siyang theory or something.

“Isa sa ano?”

“Sa mga naniwala sa blind item before.”

Okay pwede na siyang pumalit kay Beau Perez sa Minutes! Grabe naman magtanong ‘to. “Oo, I was one of them,” I shamelessly admitted. Medyo nagulat pa siya sa sagot ko. “Kasi naman hello, ang close niyong dalawa! Sino bang hindi magiging curious di ba?”

Tawang-tawa si Roldan sa’kin, parang si Andreau. Konti na lang maiinsulto na ako sa pagtawa nila ha. “Did Andreau tell you about the deal fuckery?” I nodded. “Wow, he told you. That’s a first.”

“What do you mean?”

“Uy, don’t get me wrong. Bihira lang siyang magshare ng ganyan. That means he trusts you.”

Trust. Lintek na salita yan oh. Naguilty na naman ako dun sa kiss! “Ahh.. so.. the girlfriend.. alam ba niya yung deal?”

“Nainform naman siya, Zades. She was against it at first pero.. things are doing great right now.” Ah, kaya pala laging wala dito si Roldan pag holidays! Sayang, hindi ko na pwedeng i-push ang Roldan-Kesh!

Akala ko tapos na ang usapan namin about this shit nang..

“Zade. May gusto ka ba sa best friend ko?”

Didn’t see that one coming.

xxx

Everything is relative, yan ang isa sa paniniwala ko sa buhay. So pag may ganyang mga tanong..

”What do you mean by gusto?” tanong ko kay Roldan. “I mean.. liking someone is relative. Baka magkaiba tayo ng meaning don.”

“Hmmm... you’re smart.”

“I know.”

Pinag-isipang mabuti ni Roldan ang sasabihin niya. Thank God, pwede rin akong mag-isip pa ng isasagot.

“Gusto.. meaning.. tipong.. more than friends?”

As expected. “No.”

“I don’t believe you.”

“I don’t lie.”

“Sige nga. Sabihin mo yung pangalan ni Andreau.”

What? Ano namang kinalaman nun sa tanong niya? “Aling pangalan? Whole name or yung artista shit?”

“The artista shit will do.”

Here goes nothing. “Andreau Cortez.”

“Aha!” Roldan exclaimed loudly, ala-Eureka moment ang peg niya. “You like my best friend!”

“WHAT!?!?! Paano mo naman nasabi? I just said his name!”

“You smiled when you said his name.” Ngiting tagumpay pa ang loko!

“You’ve got to be kidding me there, Roldan.”

“No, I’m not.”

“I don’t like your best friend!”

“Then why did you smile?”

“BroadComm ka di ba? Nagtake ka naman ng Speech Comm subjects? Cortez, for heaven’s sake! Pag sinabi mo yun, it’s natural for your lips to curl up, as if you’re smiling a little. BUT I AM NOT SMILING!!!” Way to go for the defensive shit, Pascual. Magmumukha kang guilty kahit hindi. Bakit ba niya binebenta ang best friend niya sa’kin? This is weird.

Roldan folded his arms and fell silent for awhile. “Hmm.. is there any chance for you to like him? Kahit konti lang?”

“The future is unpredictable, Roldan. Everything must flow according to its natural course. Destiny shit.”

Akala ko tatawanan din niya ako sa destiny shit ko, gaya ni Andreau. Napangiti na lang siya. “Eh ngayon? Is there a chance?”

“Wala.” Totoo naman eh. “Look, don’t get me wrong. Andreau’s a great guy. I’m actually fond of him. I like talking to him because he challenges me and stuff.. but that isn’t enough for me to like him.”

“What if.. it’s the other way around? What if Andreau likes you? What would you do?”

God ang sakit sa ulo nito ah. “That’s impossible. He likes someone else.”

Natawa si Roldan. “Si Sarah? He’s over her. Ang tagal na.”

“Ganyan din sinabi niya sa’kin but I beg to differ. He still likes her.”

“But he doesn’t love her. He can still like you.”

“Ba’t mo ba pinupush ‘to Roldan? Look, I’m not offended or what pero nakakafrustrate kasi. Andreau and I are friends. Ex-temporary best friends pa nga. It would be awkward for us kung may ganitong shit.”

Akala ko titigil na si Roldan, natahimik kasi siya. Just like his best friend, gusto niya na sa kanya ang last point sa bawat conversation.

“Zade.. I think Andreau could like you. Not just in a close friend way. If you know what I mean.”

Hah, si Francisco at ako? My god. That would be the greatest joke of all time.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 95 15
She was looking for her prince charming... He was looking for escape... Natagpuan nila ang isa't isa. Itinuro sa kanila ng tadhana kung ano ang ibig...
2M 92K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
12.7K 250 23
Lahat tayo ay binigyan nang pagmamahal at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang ating Tagapagligtas, Makapangyarihan at higit sa lahat ang nag...
1.9K 745 27
Carmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer...